Chapter 8 - WINDOW

1664 Words
Hindi naging matagal ang biyahe namin at nakarating din kami sa tinext na address ni Wil. As he'd said, it's like a clinic. Pagpasok namin ay tumunog ang bell na nagsasabing may tao. Dumiretso kami sa may isa pang pinto at doon namin nakita si kuya na nakaupo at nakasandal sa pader na parang pagod na pagod katulad nila Sam at Wil. "Control it, Ken." Halos pagmamakaawa ni Sam. Pansin ko sakaniyang may sugat siya sa gilid ng kaniyang ulo at sa labi. Si Wil naman ay may mga galos na sa tingin ko'y galing sa mga kuko ni kuya. "Woah. May bisita ka?" Pagpasok ng isang babaeng may mala-dyosang ganda katulad ng kaniyang boses. "I'm Doctor Sila. But you can just call me Doc." Ngiti nilang sambit atsaka dumiretso kay kuya. May inabot siyang bulaklak kay kuya atsaka ito sinabing amuyin. "This will conceal their blood. Everybody's blood." "Ano po 'yan?" Tanong ni Wil. "It's a Nightflower." "I'm sorry but what doctor are you?" Tanong ni Pat nang makalapit kami sakanila Sam. "I'm a physician." "Physician in clinic? In this clinic?" Tanong ko. "Yes. I have my reasons." Pagngiti niyang balik. "Ngayon, alam niyo na po ang kalagayan ng kaibigan namin. Pwede po bang saatin lang ito?" Tanong ni Wil. "Hhmm." Matamis nilang ngiti atsaka nagpunta sa kanilang lamesa. May mga pinindot sila sa kanilang laptop, nakaramdam naman ako ng parang pagsarado ng kung ano. Pakiramdam ko'y nasa loob kami ng isang kwartong walang maski bintana o pintuan, ngunit hindi naman. Tumingin ako sa paligid at pinapakiramdaman ito. Natigil naman ako nang masalubong ko ang tingin ni Doc. "Okay. So, let's see your scratches." Lapit niya sakanila Sam. Nilinis nila ito atsaka nilagyan ng bendahe. May mga binigay din silang libreng gamot upang hindi raw ma-infection ang mga sugat nila. "No need. Basta magiingat na lang kayo. Ang mga katulad niyong dalaga't binata'y dapat nasa kani-kanilang tahanan, pero heto kayo't naririto sa labas ng kanitong oras." Anila. Napatingin ako saaking relo kasabay ng paglabas ni Pat dahil sa pagtawag ng kaniyang mama. Mag a-alas otso na ng gabi. "Sige po. Mauna na po kami." Paalam ko atsaka inalalayan si kuya kasama ko si Pat papunta sa sasakyan ni Sam. Si Pat naman ay sa sasakyan ni Wil. Pagkarating namin sa aming bahay ay agad kong binuksan ang pinto at inayos ang paguupuan ni kuya. "Sino kayo?" Sabay-sabay kaming napasigaw dahil sa gulat maliban kay kuya na tumingin lang kay Maynard. "Sino siya?" Tanong nila Sam. "A friend." Palusot ko dahil wala akong maisip na sagot. "Anong nangyari sakaniya?" Paglapit niya. Sa tuwing pumupunta siya dito saamin ay nakasuot siya ng damit ng pangkaraniwang suot ng mga tao. Paulit ulit lamang itong suot niya dahil sa tingin ko'y ito lang ang pares ng kasuotang meron siya, hindi naman kasi siya dito nakatira at kami lang ang dahilan ng pagpunta niya dito. "Is this.... where did you get this?" Tanong niya saamin ngunit wala agad sumagot. "Kamusta ka na? May mga nararamdaman ka pa ba?" Tanong niya kay kuya. "Maynard, pakitingin na lang din yung bintana ni kuya." Aniko kaya niya ako tinignan. Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya niya ako sinundan. "Paano- anong nangyari?" Tanong niya saakin habang nakatingin sa bintanang nabasag. "Hindi ko alam. Ang akala ko ba ay hindi ito nababasag?" "Yeah. That's what I also thought." Tugon niya na parang may malalim na iniisip. "What happened here?" "May umatake saaming lobo. His fur is black." Wika ko dahilan ng bigla niyang pagtingin saakin habang pinag aaralan ang bintana. "Lobo? "His"? How did you know its "his"?" Tanong niya. "Nag anyong tao siya at binato ang bintana gamit itong bato. Tapos nag anyong tao rin siya nung napatay siya ni kuya." Mahina kong sabi pag abot ko sakaniya ng bato. "Where's his body?" Seryoso niyang tanong. "Sa likod. Doon namin nilibing." "Okay, mademoiselle. Listen. Please tell me what is the color of his eyes, his size, how big is it and if he said something." Mas seryoso niyang sabi atsaka tuluyan na akong hinarap. "Yellow. His eyes is color yellow. He is big... hmmm. Medium size? Ewan ko. Atsaka wala naman siyang sinabi saakin." "Okay. Before he threw this stone, what did he do? Where'd he came from? Tell me more details, mademoiselle." "I heard his howl. Nanggaling ito jan sa kakahuyan. Tapos noong narinig ko nanaman, parang mas lumapit tapos nakita ko na lang siyang nag anyong tao habang nakatingin saakin." "Sayo?" "Oo. Hindi ko nga alam kung bakit. Tapos noong nakapasok siya dito, ako ata talaga yung puntirya niya." "Do you have some scratches or-" Napatigil siya nang makita ang sugat ko saaking noo galing kay kuya. Napatingin din siya sa paligid na para itong pinag aaralan. "What is it?" "I think they smell your blood." "Smell?" "Yes. Remember, mademoiselle, you're the daughter of The King." "And take note, you're human." Pagdagdag niya nang masalubong niya ang aking paningin. Why do I have this feeling that my life is still in danger even if we're away from our parents. "Anong gagawin mo dito?" Tanong ko at tinukoy ang bintana. "I'll take care of it. Ito lang ba ang may sira?" Tanong niya. "Oo. Ito pa lang naman. Bakit, sino ba ang gumawa nito? Hindi ba't ikaw?" "No. This is the only window I did not made." "Who made this?" "One of my ally here." Madiin niyang sabi na may reaksyon sakaniyang mukha na malalagot ang tinutukoy niya. "Kamusta naman ang pag aaral niyo?" Pagiiba niya pagpunta namin saaking kwarto upang tignan din ang aking bintana. "Ayos lang naman. Oh, can I have a favor, Maynard?" "Ano iyon?" "Can you ask mom and dad if they could come here for me and my twin's moving up?" Tanong ko ngunit hindi siya agad nakasagot. "Yes, I will, mademoiselle." Ngiti niyang tugon. Hindi na siya nagtagal at nagpaalam na rin siya saamin na aalis na siya. Sinabi niya ring nilagay na niya ang mga pagkain namin sa dapat lagayan at wala pa rin siyang dalang dugo para kay kuya. Tinignan ko ulit ang bintana ni kuya na inayos niya lang kanina. Kinatok ko ito at sinusubukan kung mabasag ngunit hindi. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang pamalit ngunit ayoko naman na itong alamin. Isasarado ko pa lang ang kurtina ni kuya ay napaupo ako nang biglang sumulpot ang babaeng may itim na telang nakatakip sakaniyang buong katawan. "Hi. Kamusta ka na?" Nakangiti kong tanong atsaka binuksan ang bintana atsaka siya pinapasok. Hindi ko alam kung kailan ko pa siya nakakausap, basta't ang alam ko ay nandoon pa lang kami sa mundo namin ay nakikita ko na siya. She's my close confidant since then. "Ilang buwan.... mag iisang taon ka nang hindi nagpapakita saakin." "I had some stuffs to do. Ikaw? Kamusta ka na?" Tanong niya naman. "Well, I think my life is in danger... again." Pagtawa ko. Hinawakan naman niya ako sa kamay. "What do you mean?" "Well.. ahh... Maynard said they smell my blood. I don't even know whom he was talking about." "Okay. How about your brother? How's he?" "He's quite fine." "Quite fine?" "Yes. Hindi niya pa rin nakokontrol yung sarili niya. But we're working on it. Besides, may binigay na bulaklak sakaniya yung doktor na nakilala nila Willow at Sam." "Alam mo ba, physician daw siya pero nagtataka ako bakit alam niya yung bulaklak na... Nightflower ang tawag niya. Sabi niya matatakpan non lahat ng dugong pwedeng maamoy ni kuya." Mahaba kong kwento. Bigla namang naging asul ang mga mata niya. Kahit natatakpan ng itim na tela ang kaniyang buong katawan at mukha ay lumulusot pa rin ang kulay ng kaniyang mata lalo na sa tuwing may kakaiba sa pakiramdam niya, katulad ngayon. "Anong iniisip mo? Your eyes are glowing." Sabi ko na parang nagpabalik sakaniya sa kasalukuyan. "Alam mo, ilang taon na kitang kilala pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. Ano bang pangalan mo?" "You can call me anything you want, Tracy." "Mademoiselle?" Nakangiti kong tanong. "If that's what you want. Why not." Masaya niyang sagot. "Yun na lang. Para pareho tayo." "Here. I have some apple. Binalatan ko yan." Wika niya atsaka inabot ang mansanas na wala ng balat. "Kailan? Bakit parang kababalat- oh." Pinakita niya ang maliit na kutsliyo sa hita niya kaya ako natawa. Sa loob ng telang nakatakip sakaniya ay isa ulit itim na kausotan ang kaniyang suot kaya hindi ko talaga makita kung gaano na ba siya kaputi, basta ang alam ko lang ay matangkad siya. Sobrang tangkad niya kumpara saakin. "Alam mo, mademoiselle, hinihiling kong makapunta dito si mommy at daddy sa moving up namin." Malungkot kong sabi nang makaupo ako sa kama ni kuya. Naupo rin siya atsaka ulit hinawakan ang kamay ko. "Kasi sakto yun sa birthday namin." Dagdag ko. "If they can't come, I will. Nandoon lang ako sa gilid nanonood sainyo." "But you have some work to do. Diba isa kang hunter sabi mo?" "Yeah. A hunter." "Ahh. Ngayon ko na naintindihan kung bakit hindi mo pinapakita yung mukha mo." "Yes. Thanks for understanding, Tracy." "I respect your privacy. But thank you for listening again." "Anytime, Tracy. Anytime." Nahinto ang pagngiti ko nang makarinig nanaman ako ng alulong ng lobo sa kakahuyan. Naramdaman ata niyang natatakot ako kaya niya ako niyakap habang hindi binibitiwan ang aking kamay. "I think it needs to be hunt down." "Yeah. Whom do we call? Only you, mademoiselle." Sabi ko at natawa ng marahan. "Sige. Mauna na ako. Magkita na lang ulit tayo sa susunod. Mag iingat kayo ng kapatid mo, Tracy." "Mag iingat ka rin." Paalam ko atsaka na sinarado ang bintana ni kuya. Paglabas ko ay naabutan ko sila kuya na kumakain ng sa tingin ko'y niluto ni Pat. "Oh, akala ko nagbihis ka na? Halika na dito at sumabay ka na rin. Nagpaalam na kami na dito na kami kakain ng hapunan." Aniya atsaka inilapag ang juice sa gitna ng lamesa atsaka naupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD