"Tracy!"
"Faster! I can't hold it!" Malakas niyang sabi.
"Nasaan na ba kasi yun?" Irita kong tanong sa hangin. Nang makita ko ito ay agad ko itong kinuha at tumakbo papunta sa itaas kung nasaan siya. Nadapa pa ako sa hagdan kakamadali ngunit hindi ko na ininda ang sakit ng natamaan saakin.
Ang mga posas katulad nito ay nakatago sa ilalim ng sahig. Pinagawa ito nila mommy para kung may mangyaring masama ay pwede raw kami doong magtago.
"Faster." Nahihirapan niyang wika.
Mamumula at babalik sa natural na kulay ang kaniyang mga mata. Nagpapakita lang naman ito na nilalabanan niya ang pagbabago niya.
"Get out, Tracy. Get out!" Sigaw niya paglagay ko ng mga posas sakaniyang kamay. Mabilis akong lumabas at sumandal sakaniyang pintuan pagsarado ko.
It's been 2 years since we got here. As promised, mommy and daddy visits us even though sometimes they don't get here in the same time.
Si Maynard naman ay madalas kaming bisitahin. Sa tuwing magpupunta siya saamin ay may dala siyang mga pagkain. Dati ay may kasamang dugo ngunit nitong mga nakaraang buwan ay wala na siyang nadadala. Ang sabi niya ay nagkakaproblema ng maliit sa pagkuha niya ng dugo kaya ganito.
Namuno ang boses ni kuya saaming tirahan. Katulad niya'y nahihirapan at nasasaktan ako sa kalagayan niya.
Sa eskwelahan na pinapasukan namin -ang eskwelahang sinabi ni mommy na pasukan namin upang kahit papaano ay matuto kaming mamuhay ng parang tao- ay kinakabahan ako dahil may posibilidad na mauhaw si kuya dahil maraming iba't ibang dugo ang nakapaligid sakaniya.
"Lauren? Ken?" Rinig kong tawag nila Patricia at Willow.
Mabilis akong tumayo at nagpunta sa labas.
"How's he?" Tanong ni Patricia.
Naging kaibigan namin sila noong unang buwan namin sa eskwelahan. Nalaman nila ang tungkol kay kuya noong nakaraang taon lang dahil sa pagbisita nila saamin upang mag group study sana.
Wala halos naging problema bukod sa kaunting takot nila sakaniya sa tuwing ganito ang kaniyang kalagayan.
Hindi ko na sila kailangan sagutin dahil narinig na nila ang boses niya. Pinapasok ko sila at naupo kami sa sofa.
"Wil, nasaan na si Sam?" Tanong ko.
"As usual. Nandoon sa police station kasama ang mama niya."
Ang mama ni Sam ay pulis at ang kaibigan naming ito ay palaging nangingialam sa mga kasong inaatas sakaniyang ina.
Ang mama niya na lang ang mayroon siya dahil namatay na ang kaniyang ama katulad ni Pat. Si Wil naman ay buhay pa ang dalawang magulang niya ngunit sila ay hiwalay na. May sarili ng pamilya ang mama niya kaya't ang papa niya na lang ang kasama niya.
Alam nilang tatlo ang tungkol kay kuya, ngunit hindi nila alam ang dahilan kung bakit kami nandito at kung sino ang totoo naming magulang o kung nasaan na sila.
Hindi rin nila alam ang tunay naming pangalan ni kuya. Kaya namin ito napalitan sa pagpasok namin ay dahil kay mommy. Kilala niya kasi ang mga nasa taas sa eskwelahan at nagawa niya silang kausapin upang pumayag.
Hindi alam ni mommy o ni daddy ang pinalit naming pangalan namin. Ayaw nila itong alamin at hindi ko alam kung bakit. Si Maynard naman, alam niya ito ngunit hindi niya ito ginagamit upang kami ay tawagin.
Monsieur kay kuya at Mademoiselle naman ang tawag niya saakin. Noong sinearch ko ito ay 'miss' at 'mister' ang ibig nitong sabihin.
"Can you still hear him?" Tanong ni Wil kaya kami natahimik.
Kumabog agad ang dibdib ko nang hindi ko na siya marinig. Mabilis akong tumakbo papunta sakaniyang silid habang nakasunod saakin sila Pat. Pagpasok namin ay sira na ang posas at ang bintana ay basag.
Napatingin ako sakanila at iisa lang ang sinasabi ng aming itsura.
"Saan natin siya hahanapin?" Tanong ni Wil.
"Hindi ko alam. In woods?" Tugon ni Pat.
"Let's go. Baka may mabiktima siyang inosente." Sabi ni Wil at nauna nang lumabas upang buhayin ang kaniyang sasakyan.
"Call Sam. Baka magpunta siya dito sainyo. Sinabi pa naman namin kanina na pupunta kami sainyo." Wika ni Wil.
"Sam? Nasaan ka?" Tanong ko.
"Paalis na. I have so much to tell you. Sabi ko na nga ba may mali sa-"
"Nakaalis na kami. Hinahanap na namin si Ken." Putol ko sakaniya.
"Ano?! Nakaalis siya?" Tanong niya na parang alam na ang nangyari.
"Oo. Papunta na kami sa kakahuyan."
"Susunod ako. Open your GPS."
Tinignan ko muna si Pat na tumango bago ko gawin ang sinabi niya.
"Nakabukas na. Sumunod ka na lang. Papatayin ko na."
"Ok."
"Lakasan mo yung ilaw mo." Ani ni Pat kay Wil.
"I don't think he's in here." Aniko.
"Why?"
"Sa tingin ko ay dito siya pupunta. Diba alam naman nating ayaw niyang makasakit." Sambit ni Pat.
"Ayaw ni Ken na makasakit. Pero hindi natin alam kung ayaw rin ba ng Ken na may mga pangil, mapupulang mga mata at may mahahabang kuko." Wika ko kaya sila natahimik.
"She's right. I think woods is not in his mind to go." Sang ayon saakin ni Wil.
"Bumalik tayo doon."
Pagkatapos naming makalabas sa kakahuyan ay biglang tumunog ang cellphone ko.
"Sam? Nasaan-"
Natigil ako nang marinig ko ang boses ni kuya sa kabilang linya kaya ko ito nilakasan upang marinig nila Pat.
"Ken. I'm Sam, your bestfriend. Hey, it's me." Rinig naming takot na sabi ni Sam.
"Sam? Hello? Nasaan ka? Nasaan kayo? Sabihin mo."
"School"
"Sige. Papunta na kami-"
"Not in our school. The school." Aniya.
Mabilis na pinaandar ni Wil ang kaniyang sasakyan at nagpunta sa eskwelahan na dati naming pinuntahan para sa kasong natapos naming magkakaibigan dati.
Napahawak ako saaking puson nang kumirot ito.
"Malapit ka na?" Tanong saakin ni Pat nang mapansin niya ito.
"Yeah. I think so." Tugon ko.
Ilang minuto ang lumipas at nakarating kami sa eskwelahan. Bumaba kami agad nang makita namin ang kotse ni Sam. Tinignan muna namin ito ni Pat at nagpatuloy sa paghahanap dahil wala naman sila doon.
Si Wil ay patuloy sa pagtawag sa cellphone ni Sam ngunit hindi na niya ito sinasagot.
Narinig namin ang boses at cellphone ni Sam sa lumang eskwelahan at nagpapasalamt ako dahil sa katahimikan ng paligid dahil mabilis namin silang masundan.
Pinulot ko ang cellphone ni Sam sa lapag at pinatay.
"Where are them?" Tanong ni Wil at tinignan ang gusali. Ang madilim na mga palapag ay pilit naming tinitignan at inaaninag kung sakaling nandoon sila kuya.
"Woah, woah. I don't want to hurt you. Ano ba!" Sabi ni Sam kaya namin ito sinundan.
Pagpasok namin sa gusali ay ganon pa rin ang pakiramdam ko -creepy and heavy-.
"Aww." Pagdaing ni Sam pagkarinig namin ng pagtama ng sa tingin namin ay katawan niya sa pader.
"Dito." Sambit ko at tumakbo sa hagdan pataas. Pagakyat namin ay nakita ko sa isang kwarto sila kuya at Sam.
Si Sam ay nakahiga sa maliit na lamesa samantalang si kuya ay hawak ang kaniyang leeg.
Mabilis kong tinulak ang pinto atsaka tumalon papunta sakaniyang likuran. Nabali ang lumang lamesa at sabay kaming napahiga sa lapag.
"Alis" malakas kong sabi kay Sam. Pagalis niya ay tumayo si kuya ngunit hindi pa rin ako umalis sakaniyang likuran.
"This isn't you. This isn't you." Paulit-ulit kong sambit sa gilid ng kaniyang tenga.
"Lauren!" Sabay sabay nilang wika nang tatamaan na sana ako ng mahabang kuko ni kuya. Agad akong bumitaw at muntik ng mapahiga. Mabuti at nasalo ako nila Wil.
"We don't have a chain."
"Hindi naman natin siya pwedeng iwan dito. Baka hindi lang ako ang atakihin niya." Ani ni Sam kay Pat.
Napaatras kaming apat nang humarap siya saamin na nagliliyab ang mga mapupula niyang mata.
Napahawak ako kay Pat dahil sa panghihina ng mga binti ko.
"We should knock him out." Aniko. Napatingin silang lahat sa sinabi ko bago lumunok.
Nauna si Sam na nangingibabaw ang boses atsaka na kami sumunod. Tinamaan niya sila Sam at Pat na tumama ang katawan sa pader kaya nasira.
"Oh no." Wala sa sarili kong wika nang mabilis na naglakad si kuya patungo saakin.
Hinawakan niya ang leeg ko atsaka ako isinandal ng madiin sa pader. Hindi ko alam kung ako o ang pader ang unang bibigay.
Hinawakan siya sa likod ni Wil kaya niya ako binitiwan. Hinabol ko ang aking hininga at inubo.
"Aahhh!" Tumakbo ako papunta sakanila atsaka tumalon. Nasira ang lapag at dire-diretso kaming nalaglag hanggang sa malakas na tumama ang likod ko sa lupa.
Umikot rin ang paningin ko ngunit alam kong patungo na saakin si kuya dahil sa pula niyang mga mata.
Nasilip ko si Wil na itinama ang makapal na kahoy sa ulo ni kuya bago siya mapahiga at kasabay non ang pagdilim ng aking paningin.