"Where is him?" Tanong ko kay Sam na una kong nakita pagbangon ko.
Madilim pa rin at sabi niya'y halos mag iisang oras akong walang malay.
"Sa kwarto niya kasama sila Pat at Wil."
"Ayos ka na ba?" Nag aalalang tanong niya.
"Ayos naman na." Tugon ko at nagpunta sa kabilang silid.
Bumungad saakin si kuyang wala pa ring malay na nakahiga sa kaniyang kama habang nakaposas ang mga kamay at paa. Sila Pat at Wil naman ay nililigpit ang mga pirasong parte ng bintanang nabasag.
"Pwede na kayong umuwi. Anong oras na. Baka hanapin na kayo ng magulang niyo. Ako na ang bahala sakaniya."
"Sigurado ka ba?" Tanong ni Pat.
"Nakaposas naman na siya. Kamay at paa." Aniko kaya sila bahagyang natawa.
"Sige. Mauna na kami."
"Sige na. Maiwan na ako dito." Wika ni Sam.
Sam is kuya's best of all his bestfriend. Malakas ang kutob ko na sinabi sakaniya ni kuya ang tungkol sa pagpunta namin dito, pero hindi naman niya ito nasabi saamin o saakin kahit isang beses kaya hindi pa ako nakasisiguro sa hinala ko.
Sakanilang tatlo nila Wil ay siya pa lang ang nasubukang makitulog dito saaming bahay. Iyon yung panahong nakasagutan niya ang isang serial killer dahil nahuli namin ito. Pinagbantaan kasi siya nito kaya dahil sa takot niya ay nakitulog siya saamin. Sakto kasing wala doon ang mama niya sa kanilang bahay dahil sa trabaho.
Ang mama niya nga minsan ay dito saamin nagpupunta upang hanapin siya dahil alam nilang dito siya madalas magpunta.
"Ayos lang. Ako na ang bahala sakaniya. Gabi na at anong oras na. May pasok pa tayo bukas."
"Pero-"
"Ayos lang. Sige na."
"Maraming salamat sa pagtulong saakin kanina." Paghatid ko sakanila sa labas.
"Kung may problema, sabihan mo lang kami. Wala naman saatin ang may gustong makasakit siya ng inosente." Wika ni Wil.
"Sasabihan ko kayo. Sige, maraming salamat ulit." Paalam ko kaya na sila umalis.
.
"Tracy. Bangon."
Nagising ako dahil sa boses ni kuya.
Hindi ko namalayang nakatulog na ako kakabantay sakaniya kaninang madaling araw.
"Pwede mo ng alisin." Tukoy niya sa mga posas.
Halos nakapikit ang mga mata ko dahil sa liwanag habang sinusususian ang mga ito.
"Anong nangyari?" Tanong niya at naupo. Naupo naman ako sa kaniyang kama atsaka siya tinulak upang makahiga.
"Usog. Inaantok pa ako."
"Anong nangyari dito?" Haplos niya sa buhok ko upang mailantad ang noo ko. Pinalo ko ang kamay niya nang hawakan niya ang sugat ko.
"Masakit."
"Dahil ba saakin ito? Anong nangyari?"
"Mamaya na. Inaantok pa ako."
"May pasok tayo."
"Absent na lang ako. Sabihin mo may sakit ako."
"Hindi pwede."
"Mataas pa rin naman ang mga grado ko kahit umabsent ako ng isang araw." Aniko kaya siya napatawa ng bahagya.
Naramdaman kong tumayo na siya kaya ko siya sinilip. Muntik na siyang matumba ngunit nagawa niya pa ring makatayo ng maayos.
Ipinikit ko ng saglit ang mga mata ko dahil sobrang bigat na ng talukap ko.
.
"Bumangon ka na jan."
Naramdaman ko ang pagbato niya ng isang bagay saakin kaya ko naimulat ang mga mata ko.
Pagupo ko ay nakabihis na siya at nagaayos na ng basa niyang buhok. Namumutla din siya.
"Ang bilis mo naman."
"Anong mabilis? 30 minutes had past, Tracy."
"30 min- parang tatlong minuto ko lang sinarado yung mata ko." Bulong ko.
Kinuha ko ang bag kong binato niya saakin kanina. Nag inat muna ako bago magsimulang gumalaw.
Pagkatapos kong mag handa ay saktong narinig namin ang sasakyan ni Sam sa labas.
"Hey. Diba sabi ko sainyo kahapon ay may mali sa paglalakad ni Beth."
"Oh? Tapos? Anong problema doon?" Tanong ko habang nag aayos ng buhok.
"May natagpuan sila mama sa kakahuyang bangkay. 24 years old, lady. May tama sa gilid ng ulo at kaunting galos na galing sa mga halaman."
"Anong kinalaman ni Beth doon?" Tanong ni kuya sakaniya.
"Kasi base a autopsy, dalawang araw na iyong patay. Ibig sabihin ay magtatalong araw na ngayon."
"And?" Sabay naming tanong ni kuya.
"Ang ibig ko lang sabihin ay si Beth ang pumatay sa babaeng iyon."
"How can you jump into that conclusion? Dahil lang sa may kakaiba sa paglalakad ni Beth, siya na agad?" Tanong ni kuya.
"Don't be an accuser, Sam." Dagdag niya.
"Halika na. Pumasok na tayo. May klase pa tayo at pabayaan mong mga pulis na ang mag asikaso jan." Pagaya namin.
"Sabay na kayo saakin." Sambit niya atsaka na nagpatuloy sa sinasabi.
"Hindi. Kasi natagpuan yung bangkay sa butas na may mga halaman. Nakita rin doon ang malaking bato na alam kong ginamit ni Beth pangpukpok sa ulo ng biktima. Atsaka nakuha ni Beth yung pilay niya sa paa dahil kasama siyang nalaglag sa butas kasama nung biktima niya." Paliwanag niya saamin hanggang sa makarating kami sakaniyang sasakyan.
"Baka nalaglag yung biktima doon sa butas at tumama yung ulo sa malaking bato." Aniko.
"O pwedeng pain yun ni Beth. Ginawa niya yung butas para sa biktima." Aniya.
"At bakit niya ito gagawin? Ano bang meron sainyong dalawa? Bakit niyo siya pinaghihinalaan? She's a gymnast. Pwede namang napilay siya dahil sa pag aaral niya." Sabi ni kuya.
"But the victim is a former coach."
"Coach in?"
"Swimming." Sagot niya.
"Swimming. Coach in swimming and Beth is a gymnast." Sambit ni kuya.
"But-"
"Sam, leave it to them. Bayaan mo iyan. Atsaka tigilan mo iyang paghinala mo sakaniya."
"If you don't believe me, I'll do it myself." Ani ni Sam atsaka nauna ng bumaba pagkatapos niyang i-park ang kaniyang kotse.
Hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang bumalik siya.
"I forgot my assignment." Pagkuha niya sa papel na nasa harapan atsaka na tuluyang umalis.
Napahawak si kuya sakaniyang sintido habang kumukuha ng suporta sa sasakyan.
"Ayos ka lang ba? Namumutla ka na."
"I'm fine. Nahihilo lang ako."
"Bakit?"
"Wala. Halika na." Aniya atsaka na nauna.
Naghiwalay na kami dahil hindi naman kami magkaklase. Si Sam ang kaklase niya samantalang ako ay si Pat. Si Wil ay nakahiwalay saamin.
"Lauren. We have a practice at 3 pm." Wika ni coach Chester.
Coach siya ng board games specifically chess kasama si miss Sheena. Coach din siya ng tennis at minsan ay nag hahandle rin siya ng mga football players. Sabi nila ay dating nag coach si coach Ches ng mga archery, pero umalis din sa hindi namin alam na dahilan.
Hindi nga ito halos alam ng mga estudyante. Ang alam lang nila ay yung sa football.
"Sabihan mo na rin si Sam." Dagdag nila.
"Opo." Sagot ko.
Partner ko kasi si Sam sa laro. Partner s***h opponent. Ang kasama mo kasi ang magiging kalaban mo pag pinaglalaro kami nila coach. Minsan naman ay pinaglalaban niya kaming mga hinahandle nila para mahasa ang strategy at technique namin sa paglalaro.
Si Pat ay sa tennis kaya may mga panahong nagsasama kami sa tuwing si coach Chester ang mag hahandle sakanila pansamantala.
Minsan ay natatawa ako sa tuwing naaalala ko yung panahong si kuya ang tinuturuan ni daddy sa paglalaro ng chess. Hindi ko alam kung dahil ba sa namimiss ko sila kaya ako naglaro ng chess o di kaya'y gusto ko lang talagang sumama.
.
Naging mabilis ang oras dahil halos wala kaming ginawa sa mga klase. Pagdating ng alas tres ay nagpunta na kami ni Sam kay coach.
"Again. What's wrong mister lipstick?" May kalakasan nilang hampas sa balikat ni Sam dahil natalo ko nanaman siya. Pangatlong beses na at hindi pa siya nakakabawi.
"Mistick, coach."
"Whatever. Just wake your ass up. Again."
"Lauren, good for you. May posibilidad ng masama ka sa kompetisyon." Anila at nilakasan ang huling salita habang nakalapit sa tenga ni Sam kaya siya napapikit. Inirapan niya naman sila.
"Iniirapan mo ba ako mister lipstick?"
"Mistick, sir. Hindi po coach."
"Again." Tutok ulit nila sa tenga niya.
"Anong problema?" Mahina kong sabi nang makalipat na si coach sa ibang manlalaro.
"Iniisip ko pa rin yung ginawa ni Beth."
Bumuntong hininga ako pagkatapos kong maayos ang nilalaro namin.
Nasaakin ngayon ang puti, sakaniya naman ang itim.
"Sigurado ka ba talagang si Beth ang may gawa non? May iba ka bang proweba bukod sa pilay niya sa paa?" Tanong ko.
"Balak ko nga kanina. Kaso may pinagawa yung teacher namin sa English. Ngayon sana, kaso may laro tayo." Aniya atsaka nagpakawala ng malalim na paghinga.
"Lauren? Mister lipstick? Ano ba? Sino ba talaga ang may ari ng puti at itim?" Paglapit saamin ni coach na nakataas ang isang kilay at nakahawak sa magkabila nilang beywang.
Nabitiwan ko ang hawak ko katulad ni Sam. Ang nilalaro ko na kasi ay kulay itim samantalang siya ay kulay puti.
"Ano ba ang nasa isip niyong dalawa?" Galit nilang sabi kaya kami napayuko.
"Dibale na coach. Ngayon lang naman ito. Palagi naman kaming nananalo kasi magaling kayong coach. Ang galing galing niyong magturo saamin." Sabi ni Sam.
"Opo coach. Ang galing niyo po kaya palagi kaming nakakasama sa top 3 sa bawat kompetisyong sinasalihan namin." Dagdag ko.
Napataas naman ng mabilis ang kilay ni coach at napangiti na parang pinagyayabang ito sa mga tao kahit kami-kami lang ang nakakarinig.
Nagkatinginan naman kami ni Sam at napangiti ng maliit.
"Eh! Huwag niyo akong binobola."
"Hindi naman po kami basketbolista, coach."
"O dikaya'y naglalaro ng bola." Pagdagdag ko sa sinabi ni Sam.
"Nagsasalita pa kayo. Ulit!" Malakas ulit nilang sabi.
Kung titignan si coach ay mukha silang scientist na nasayang dahil sa gulo ng kaniyang buhok. Palagi silang naka damit ng may kwelyo at nakapantalon ng maluwang. Nakarelo ng kulay ginto na hindi bumagay sa kanilang damit. Palagi ring may pito na nakasabit sakanilang leeg.
Kahit ganito sila ay magaling silang coach. Kahit parang palaging wala sa mood at galit ay gustong gusto ko pa rin sila.
Nakuha ng atensyon naming lahat si Sir Ranjit nang pumasok sila.
Kaibigan sila ni coach. Halos bago lang si sir Ranj dito dahil noong nakaraang taon ng pag-aaral lang sila nagtransfer dito sa school. Mabait sila, propesyonal ang dating, malinis, magaling magturo, at palangiti. Sila yung teacher namin dati sa economics o econ.
"Halika na. Takas na tayo."
"Saan tayo pupunta?" Bulong ko sakaniya.
"Sa kakahuyan."
"Bakit?"
"Titignan natin yung butas." Wika niya.
Lumabas din si sir pagkatapos magtanong kay coach.
Habang inaayos namin ang gamit namin ay tinitignan-tignan namin si coach na abala sa pagsigaw sa ibang manlalaro. Mabuti na lang ay malapit kami sa pintuan kaya mabilis kaming makatakas.
Nagkatinginan kami ni Sam nang pumasok sa kabilang pinto si miss Sheena kaya dali-dali kaming lumabas sa kabilang pinto at mabilis na tumakbo palabas ng gusali.
"Tapos naman na ang klase kaya hindi ito masasabing skip." Aniko kaya siya sumang ayon at mabilis na sumakay sakaniyang kotse. Sumakay na rin ako atsaka na kami umalis.