Sobrang saya ko nang pagmulat ng mga mata ko noon ay bumungad saakin ang mukha ni kuya. Hindi ko alam kung ano at paano niya ako nahanap at nakuha.
Mas sumaya ako nang malaman kong totoo nga ang hinala ko na ang naririnig at nakikita namin ni kuya saaming isipan ay ang mga magulang namin. Kahit hindi namin sila nakasama noon ng maraming taon ay hindi na iyon problema saakin dahil masaya na akong kumpleto kami.
"My. Pwede ba akong magpunta kay Dy?"
"Hindi pa pwede. Hindi pa ito ang araw ng pagpunta niyo sa emperyong iyon." Sagot nila kaya ako napunguso.
"Sige." Sagot ko. Bago ako magpunta sa kusina upang humanap ng mansanas ay hinalikan muna nila ako sa tuktok ng aking ulo.
Habang kumakanta ng mahina ay napatingin ako sa bintana at nakita doon si Raven, ang ibon ni Daddy.
Nakakakilabot ang kulay ng kaniyang balahibo at ang kaniyang tingin ngunit habang tumatagal ay nasasanay na ako dito.
Kaya siguro ako kinikilabutan kasi kabaliktaran niya ang kulay ng aking buhok.
"No. I will. Ako na ang magsasabi kay Tala." Sabi ni Dy sa kausap niya.
Tumigil ako sa paghahanap ng mansanas at tumingin ulit kay Raven na nasa bintana pa rin.
"I know. It's not safe for both of you. Ayoko man ay alam kong pareho kami ng inyong mommy ng desisyon."
"I hope she'll understand, Jackson."
"Is that so?"
"Alright. But still, I hope both of you will understand. Sana ay hindi sumama ang loob niyo saamin."
"As much as we could, we are hiding you two from the eyes of everybody. Pero hindi na namin ito magagawa lalo na't nalalapit na ang panahon ng digmaan."
Tumigil na ang boses nila saaking isipan. Nakakita naman ako ng mansanas na natatakpan ng ibang prutas kaya ko ito kinuha at binalatan.
Alam ko na ang ibig nilang sabihin. Ilalayo nila kami para sa kaligtasan namin.
Paano kung ayokong maging ligtas? Paano kung gusto ko na lang malagay sa alangan ang buhay ko basta't kasama ko sila? Basta magkakasama kami.
"Alam mong hindi sila papayag sa iniisip mo, Tracy. Pati ako ay hindi papayag." Wika ni kuya dahilan ng pagtalon ko sa pagkabigla.
"Saan ba tayo pupunta? Sa kabilang Emperyo? Sa kabilang kaharian? Kay lola? Kay tita Agnes? Saan?"
"Magpunta ka dito at paguusapan natin." Aniya. Ilang segundo ang lumipas ay biglang pumasok ang isang tagapagsilbi ni mommy at sinabing magpunta ako sa labas ng kusina.
Naabutan ko si kuya na naka-upo samantalang sila mommy at daddy ay nakatayo sakaniyang harapan.
"Sit beside your brother, baby." Utos ni daddy habang nakangiti ng maliit.
"We will not make this long. You two are going to human world for your own safety."
"Because this place is starting to get messier. And we all know that everybody except your titas, titos and lola knows you two are our twins." Pagdagdag ni daddy sa sinabi ni mommy.
"And Maynard. He knows it too." Aniko na nagpatigil sakanila ng bahagya at humarap kay mommy.
"Yeah. He knows too." Sabi ni mommy.
"Okay back to the topic. We will go there, probably once or twice in a while."
"We're sorry, Jackson and Tracy. Alam naming nahihirapan kayo at iniisip niyong bakit hindi na lang namin sabihin ang totoo sa nakararami."
"No, Dad. We understand. We completely understand. Diba, Tracy?" Pagharap niya saakin kaya ako sumang-ayon.
"Still. We're sorry for making it hard for the both of you."
"Ayos lang. Pupunta naman kayo doon." Aniko.
"Yes. We will. We promise."
"Okay. Then everything is fine."
"Not yet, Tracy." Wika ni mommy.
"Why?"
"Aalis na kayo pag dumilim na."
"Mamaya na agad?" Hindi makapaniwalang tanong ko kaya sila marahang tumango na dalawa. Tumingin naman ako kay kuya ngunit nagpilit lamang siya ng maliit na ngiti saakin.
"Magiging maayos din ang lahat, anak. You two will going to be fine." Sambit ni daddy habang yakap ako.
"I hope so, daddy."
"You will going to be fine, baby."
"Mag iingat kayo." Anila paghiwalay nila saakin. Ang ibang tagapagsilbi naman ni mommy ay nagsidatingan na may dalang kaunting bag na sa tingin ko'y aming gamit ni kuya.
"Hindi ba pwedeng bukas na lang?" Tanong ko sakanila at pilit pinipigilan ang mga luha.
"No." Tipid at medyo may kadiinang sagot ni mommy bago tumalikod at maglakad palayo.
"Maynard! Everything is settled?"
"Yes your Imperial Majesty." Pagyuko niya.
"She loves you, Tracy. She loves you two. We love you so much." Pagkuha ni daddy ng atensyon ko.
"I hope, daddy." Aniko habang lumuluha.
Mabilis na lumipas ang oras at ito na nga ang panahong gusto ko na lang magdahilang sobrang sama ng pakiramdam ko upang hindi kami matuloy, ngunit wala dahil buo na ang desisyon nila pati si kuya ay sang-ayon na rin.
"We will be fine, Tracy." Sabi ni kuya saaking isipan ngunit hindi ko siya sinagot.
"Smile, Tracy. You're more beautiful if you smile a bit." Ani ni tito Valentine kaya ko pinilit ngumiti ng maliit.
"Let's go." Utos ni mommy kaya na sila gumawa ng lagusan nila.
Binuhat ako ni daddy atsaka na kami pumasok.
Madilim ang paligid katulad noong dumaan kami dito dati. Paglabas namin ay bumungad saamin ang bahay na sakto lamang ang laki para sana saaming apat.
"Magsasama-sama rin tayo sa tamang panahon, Tracy."
Hindi ko siya ulit pinansin. Pumasok na kami at bahagya akong binaba ni daddy.
"Looks like this window is far from what I've said." Madiin at pagalit na sabi ni mommy.
"Forgive me, your Imperial Majesty. Ipapaayos ko na lang-"
"Ipapaayos? Kailan? Kung huli na ang lahat? Kung may nangyari ng masama sa mga anak ko?"
"No, your Majesty." Nakayukong tugon ni Maynard.
"Calm down, mon amour. Nandito pa naman tayo." Pagkalma ni daddy kay mommy.
"What are you waiting for? An eclipse?"
"I'm sorry." Sagot agad ni Maynard kay mommy atsaka pumasok sa lagusan ni tito Valentine.
"Halika muna doon. Tignan natin yung kwarto natin." Paghila saakin ni kuya at alam ko ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa.
"We will be fine here. This place is better for our safety than there." Umpisa niya. Naupo naman ako sa higaan atsaka humiga upang masilip ang buwan sa bintana.
Ang bintana ay nasa ulunan ng kama kaya kahit papaano ay natuwa ako.
"Sinong kasama natin dito? Tayong dalawa lang... ulit?"
"Hindi ko alam. Atsaka, hindi naman tayong dalawa lang ang magkasama dati diba?" Sabi niya at naupo sa tabi ko.
"Pero parang tayong dalawa lang kasi palagi rin siyang wala. Pati ikaw."
"Hindi na ako mawawala. Ikaw, dapat hindi ka na rin mawawala."
Bumuntong hininga ako atsaka tumagilid upang humarap sakaniya.
"Kailangan ba talaga ito?"
"What do you think?" Tanong niya pagkahawak niya sa kamay ko.
"What about you? How do I handle you when you change or thirsty?" Pag iiba ko kaya siya sumeryoso. Umayos ako at naupo dahil lumapit na siya upang humiga saaking hita.
"Chain me, Tracy. Kahit anong mangyari ay huwag mo itong aalisin. Kahit anong sabihin ko ay wag mong susundin."
"Paano kung bigla ka na lang mauhaw?"
"Tie me. Tie me really tight. Wag kang magdadalawang isip na itali ako kahit masaktan mo na ako."
"It's better you hurt me than I will. Hindi ko alam kung gaano ako kalakas kung magbago ako."
"Basta pag nakakaramdam ka na ng kakaiba, sabihin mo agad saakin."
"I will." Tipid niyang sagot.
"Aray!" Aniya nang matamaan ko ang kaniyang mata ng siko ko.
"Sorry."
"Hindi ka kasi nag iingat." Irita niyang bangon habang hawak ang natamaan ko.
"Sorry nga." Irita ko ring sagot.
"Sa susunod kasi matuto kang mag ingat."
"Hindi ko naman sinadya. Mabuti kong sinadya ko."
"Hindi ka marunong mag ingat. Nakakainis." Pagalit niyang sabi atsaka lumabas.
"Hindi nga sinasadya. Nakakainis ka rin!" Malakas kong sabi sakaniya sa labas.