HUWEBES NG UMAGA nang magising si Gianna na mabigat ang pakiramdam. Naulanan kasi sya noong nagdaang gabi kaya sinasamaan sya ng katawan. Bukod doon at sumasakit din ang tagiliran nya sa hindi nya malamang dahilan. Uminom naman na sya ng gamot pero hindi pa rin sya pinayagan ni Candy na pumasok sa trabaho. "Tinawagan ko na si Mitos at sinabing magpapahinga ka na lang muna ngayon. Mas mabuti na iyong magpapahinga ka para naman umayos ang pakiramdam mo," ani Candy habang hawak ang tray na pinaglagyan ng baso at gamot. Tumango lang sya. Lihim syang naiinis sa sarili dahil ngayon pa sya sinamaan ng katawan kung kailangan may lakad sila ni Arisia bukas ng gabi. Hindi sya iyong tipo ng tao na madaling magkasakit. Sa isang taon yata, isang beses lang sya nagkakalagnat kaya sobrang naiinis sya d