bc

Taste Buddy Series 1: Arisia de Lara

book_age18+
1.3K
FOLLOW
6.5K
READ
confident
inspirational
drama
sweet
gxg
feminism
first love
gay
lesbian
turning gay
like
intro-logo
Blurb

Simple ang buhay ni Gianna Serano kahit walang lalaki sa buhay nya. Tinagurian syang No Boyfriend Since Birth sa kadahilanang galit sya sa mga kalalakihan. Hindi kasi maganda ang naging karanasan ng kanyang ina, kapatid at mga kaibigan sa lahi ni Adan.

Ngunit hindi nya maintindihan ang sarili mula nang makilala nya ang babaeng si Arisia de Lara—Ang sopitikada at glamorosa pero antipatikang pinsan ng kanyang matalik na kaibigan.

May kakaiba syang nararamdaman patungkol dito sa dalaga at hindi sya pamilyar dito. Ngayon lang sya nagkaroon ng kakaibang atraksyon sa kapwa nya babae. Noong una, tumatanggi sya at pilit na umiiwas.

Nalilito man, hinayaan nya pa rin ang nararamdaman ng puso lalo na nang magsimula silang magkasundo at kapwa magtulungan kung paano gagabayan at aalagaan ang buntis na kaibigan na si Candy.

Hindi na maikakailang mahal nila ang isa't isa hanggang sa tuluyan na silang pumasok sa isang relasyon. Noong una, naging mahirap iyon sa kanilang dalawa dahil hindi pabor ang ina ni Gianna sa kung anong klaseng relasyon mayroon sila na kapwa babae.

Hindi sila sumuko hanggang sa makuha nila ang blessing nito at nang mapagtagumpayan nila, saka naman may isang pangyayari ang sumubok sa kanilang relasyon.

Mabibisto ni Gianna na isa palang Secret Agent ng isang pribadong organisasyon itong si Arisia at matagal na syang pinamamanmanan dahil konektado siya sa target ng grupong kinabibilangan nito—ang kanyang ama—na isang druglord.

Ano ang gagawin ni Gianna sa oras na malaman nyang hindi basta tadhana ang gumawa ng paraan upang magtagpo sila ni Arisia?

Ipagpapatuloy pa ba nya ang pagtitiwala dalaga?

Hanggang kailan nya titiisin ang sakit na dinulot ng unang babaeng minahal nya nang sobra?

Mapapatawad pa ba nya si Arisia at matatanggap itong muli?

Muli pa kaya nyang hahayaan ang puso na magmahal ulit kahit na labis syang nasaktan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"LOOK WHAT you've done, Gianna! You're always late dahil na naman sa kapritso mo. Alam mo naman ang deadline natin ay kahapon pa! I've tried to call you pero cannot be reached ang phone mo!" bulyaw ni Ma'am Cynthia—ang editor-in-chief ng pinagtatrabahuhan niyang magazine publication. Imbis na ipagtanggol ang sarili, mas pinili na lang niyang manahimik at baka mas lalo syang masabon nito. "Hindi mo na inisip na may mga iba pang tao ang nakadepende sa manuscript na hawak mo. Alam mo ba kung gaano kalaking abala ang nagawa mo, ha?" tanong nito at hindi na naman sya kumibo. Ngumisi ito nang nakaloloko saka matalim syang tiningnan. "Of course you didn't know... magtataka pa ba ako? Eh, pang-ilang beses mo na 'to ginawa sa'min ng team mo. Hindi ka ba naaawa sa mga ka-team mo?" Pasimple nyang sinulyapan ang mga kaibigan na wala ring kibo at nakikinig lang sa panenermon sa kanya ng head nila. Hindi nakatakas sa mga mata ni Gianna na umirap si Bea sa kanya, ang kanilang team lay-out artist. Lihim syang umirap din dito. Akala mo naman kung sinong perpekto kung maka-irap. Dukutin ko kaya mga mata mo, Bea? "Are you listening, Gianna?" Nanliliit ang mga mata ni Ma'am Cynthia sa kanya. "Y-yes, ma'am," aniya habang nakayuko. Huminga ito nang malalim bago nilapit ang mukha sa harap nya mismo. "Last chance. I will give you last chance, Gianna. Kapag hindi mo pa naayos ang trabaho mo, I have no other choice but to fire you. Do you understand? Napatingin sya sa mga mata nito. Seryosong-seryoso ito at halatang nagtitimpi na lang sa kanya. "O-opo, ma'am." Sinamaan pa sya ulit ng tingin nito bago sya iniwan. Nanlalata syang napaupo sa swivel chair nya at sumandal. Napahawak sya sa noo at tila stress na stress na hinilot iyon, Well, she really indeed stress. Lately kasi, ang daming problema ang nagsabay-sabay na dumating sa kanya. Gianna Serano, a manuscript editor from an Indie Publishing House named CGB Publishing House. It is owned by Ma'am Cynthia G. Bernabe. Ito rin ang babaeng tumatayo na Editor-in-chief na kanina lang ay sinasabon siya. 25 years old na si Gianna at pangalawa sa apat na magkakapatid. Mabigat ang braso niya nang hilahin ang drawer at kumuha roon ng isang yema na hugis tatsulok. Mabilis niya itong binuksan at inalis sa plastic at saka sinubo nang buo. Napapikit pa siya sa sobrang sarap ng yema na binili lang sa isang pastry shop malapit sa condo unit nya. The best talaga 'tong yema na may flavor ng strawberry. Habang kinakain ang yema, nakapikit pa rin sya kaya hindi nya namalayan na nasa harap na pala nya ang mga kaibigan na sina Candy, Josh at si Mitos. Napadilat sya nang ihampas ni Mitos ang kamay nito sa mesa nya. Sa sobrang gulat, nalunok nya agad ang yema na kinakain. "Ano ba?" angal nya sa mga ito Mga nakatingin lang ito sa kanya ng masama at walang sabi-sabi na binatukan sya ni Mitos. Sa kanilang magkakaibigan, Mitos is the first step proofreader in their team. Si Josh naman ang editor din kagaya nya at si Candy, graphic designer. "What the heck, Tos!" "You little brat! Ano ba kasing ginawa mo kahapon at nagbiglaan kang absent! Alam mo naman na deadline natin kahapon!" "Oo nga! Alam mo bang halos kainin na kami ni Ma'am kahapon!" ani Josh na isang gay. Huminga sya nang malalim. "I know it was my fault and I'm very sorry, guys. Something came up." "Really? Ano naman this time ang idadahilan mo sa amin, Gianna?" Tiningnan nya ang mga kaibigan saka umiling saka dinampot ang sling bag. "Excuse me, I have to go," aniya saka dinaanan ang dalawang kaibigan na sunod na nanermon sa kanya. Nang nasa tapat na sya ni Candy, balak na nya itong lagpasan sana dahil ayaw na nya ng isa pang sermon pero laking pagtataka nya nang hawakan sya nito sa braso. "Candy, please." "G-Gianna, s-samahan mo nga ako," nanginginig ang boses nito at nang tingna nya ito sa mga mata, bumangon ang pag-aalala nya para sa kaibigan. "B-bakit?" tanong nya at wala na syang hinintay pa na sagot dito. Hinila na nya ito kaagad at dire-diretso silang pumasok sa elevator na saktong papasara pa lang. Gulat nyang tiningnan si Candy nang bumunghalit ito ng ito iyak. Mabuti na lang at tanging sila lang ang nandoon. Hindi man nya tanungin ang kaibigan, alam nyang may mabigat itong problema. Hinayaan na lang nya muna na umiyak si Candy kasabay ng paghagod nya sa likod nito. "Ano bang nangyari?" tanong nya rito. Humihikbi pa si Candy at hilam ang mga mata sa sariling luha nang tumingin sa kanya. "S-si Bryle kasi... gagong 'yon! M-may bago na syang g-girlfriend." "What? Eh, magkasama pa kayo no'ng isang araw, ah! Masaya pa nga kayong magka-holding hands nang sunduin ka nya rito, 'di ba?" tanong nya habang nakapameywang. Umiling si Candy. "Hindi ko a-alam kung bakit at anong nangyari, Gianna. Okay pa nga kami kagabi tapos... tapos..." Umiyak na naman ito. Nakaramdam ng awa si Gianna para sa kaibigan. Gustuhin man niya itong pangaralan, awatin sa pag-iyak, alam nyang nasasaktan ito marahil nang sobra. Mga lalaki nga naman. Mga walang kwenta. Period. Exclamation point! Kaya ayoko sumagot sa mga manliligawko kasi alam ko na ang gagawin. Naku! HINAYAAN NA lang muna ni Gianna na ilabas ni Candy ang lahat ng sama ng loob nito sa ex. Hindi na sya tumanggi nang ayain sya nito sa isang restobar sa BGC—and Agave Mexican Cantina. Habang umiinom sila ng kaibigan, kinuwento nito kung paanong nahuli ni Candy ang haliparot na boyfriend na nakikipag-date sa isang mall. Aksidente lang ang pagkakahuli nito. "Mabuti na lang at hiniwalayan mo na. You know, your ex is such a jerk! Akala ba nya kinagwapo nya ang pambababae? Hell no!" Umiiyak na naman si Candy habang hawak ang kopita ng Malibu Cocktail. Mapungay na rin ang mga mata nito na sobra na rin sa pamamaga. "Alam mo, Gianna... m-mahal na mahal k-ko si Bryle..." anito na humihikbi. Medyo hindi na rin malinaw ang mga sinasabi nito dahil na rin sa alak. Napaismid sya. Tinungga muna nya ang huling laman ng sariling kopita na Strawberry Daiquiri. Ano naman kung mahal na mahal mo? Kita mo na ngang niloloko ka, oh ano sabi ng pagmamahal mo? Wala, 'di ba? Heto ka't nagpapakalunod sa alak. Dinamay mo pa 'ko!" aniya. "Hoy! Kung m-makaarte ka r'yan, parang w-wala kang problema! If I know, mas malala p-pa sa'kin ang dinadala mo! Can't you say a s-simple thank you!?" anito saka dinuro pa sya. Natahimik sya at napasandal sa silyang inuupuan. Huminga sya nang malalim. Well, Candy's right. She's now having a big problem at iyon ang dahilan kung bakit sya umabsent kahapon. Minsan, napapaisip sya. 'Do I deserve this kind of trials? I mean, of all people, mga kapatid ko pa talaga ang nagdadala sa akin ng mga problema. I am not with them pero dala ko pa rin ang mga personal nilang drama.' Napailing na lang sya at muling humingi pa bartender ng paboritong alak. Muli syang sumimsim dito saka tinapik si Candy sa balikat. "Restroom lang ako," aniya rito. Tinaas lang nito ang kamay hudyat ng pagsang-ayon. Pagkapasok nya sa restroom, dumiretso sya sa harap ng malaking salamin upang i-check ang sarili. Pinagmasdan ni Gianna ang sariling repleksyon. Ginulo nya ang mahaba at kulay itim na buhok. Natural na wavy iyon pero tuwing umaga, bahagya nya pa ring inaayos ang bawat kurba ng buhok nya. Her hazelnut pair of eyes, pointed nose and very thin lips, sinong mag-aakala na NBSB sya as in 'No Boyfriend Since Birth'. Maganda sya at maraming manliligaw ngunit kahit isa, wala syang pinapatulan. Why? It's just simply because, she hates men. Ayaw na ayaw nyang magtiwala sa mga kalahi ni Adan dahil wawalangyain lang sya noon. Base na rin sa experiences ng mama at ate nya, she will definitely choose to stay single until her last breath. Naghilamos sya ng mukha upang mabawasan ang pagkahilo. Mataas naman ang tolerance nya sa alak pero mukhang naparami na sya ng inom. Iyon ngang si Candy, bangag na. Pagkaraan nya gumagamit ng restroom, bumalik sya agad sa mesa nila ni Candy. Ganoon na lang ang pagkagulat nya nang mapansin na wala na ito roon. Marami pang tao sa bar at medyo madilim kaya bahagya syang nahirapan aninagin kung nasaan ang kaibigan. Inisa-isa nya ang mga tao sa bawat mesa pero wala. Hindi nya nakita. "Excuse me. Nakita mo ba 'yong kaibigan na kasama ko kanina rito?" "Ah, yes, ma'am. Sinundo na po yata," sagot ng waiter na may dalang tray. "Sa'n sila pumunta?" "Doon po," anito sabay turo sa exit ng bar. Dali-daling lumabas sya ng bar. 's**t naman, Candy! Kung kani-kanino ka sumasama. Letse naman, oh!' Kaagad naman niyang natanaw ang isang sasakyan na kulay pula na Mercedez Benz. Isang babae ang nagpupumilit magpasok kay Candy. Napansin nya kasi ang sandals at alam nyang kay Candy iyon. Tumakbo sya nang mabilis at kaagad na hiniklat sa braso ang babae. "Hey!" aniya. "What the hell?!" ani babaeng biglang nakabitiw kay Candy. "Sino ka? Sa'n mo dadalhin ang kaibigan ko? Kung may binabalak kang masama sa kanya, pwes lubayan mo bago kita ipapulis!" Pinilit niyang ialis sa pinto ang babae dahil nakaharang ito roon. Sinilip nya si Candy sa loob ng sasakyan tapos bahagyang lumapit pero hindi naman sya pumasok. Hindi na sya nabigla pa nang mapansin na tulog na tulog na ito. Tinapik pa rin nya ito, hindi nya ito kayang buhatin dahil parehas lang naman sila na maliit. 'Oh, s**t! Ayaw gumising!' "Excuse me?" tanong ng babae sa labas. "Who the hell f*****g are you?" 'Ano raw? f*****g? Ako?' "What did you just say?" inis niyang tanong saka hinarap ang babae. Ganoon na lamang ang pagkagulat nya nang makita ang mukha ng babaeng kaharap. Kahit kaunti lang ang liwanag na nanggagaling sa poste at buwan, she can clearly see the face of this woman. Biglang kumabog ang puso nya at hindi nya alam kung bakit iyon nagkaganoon. "Who the hell f*****g are you?" tanong na naman nito. 'Holyshit... why she's so damn pretty?' Hindi nya maintindihan ang sarili. Wala syang maisagot. Tila mas gusto pa nyang titigan na lang ang magandang mukha nito. Kitang-kita sa maliit na sinag ng ilaw ng poste ang kulay gray nitong mga mata, ang ilong na matangos at ang labi na manipis. Kita rin ang maliliit na pekas nito sa bandang cheekbone. "Are you done checking on me?" tanong bigla ng babae. Wala itong emosyon na mababakas sa mukha nito. Blangko. Sumimangot si Gianna saka nilingon muli si Candy. Kailangan nya gawin iyon para makaiwas sa mga mata nitong tila nahihipnotismo sya kahit napakalamig nitong tumingin. "Excuse me, I'm not checking on you, girl! In your dreams!" aniya. "Okay, if you say so. Excuse me. Kailangan ko na ihatid ang pinsan ko dahil nagagalit na ang mga magulang nya. For your information, her dad is a retire policeman so if I were you, hahayaan mo na lang na ako ang maghatid sa kanya sa kanila," malamig na wika nito. Natigilan sya. "P-pinsan?" "You heard it right." Napaatras si Gianna nang wala sa sarili nang hawiin sya ng babaeng kaharap at malakas na sinara ang pinto sa backseat kung saan walang malay na nakahiga ang kaibigan nya. Sa paglakad nito paikot sa tapat ng driverseat, mabilis nyang napag-aralan ang porma nito. Faded skinny jeans, white croptop na pinatungan ng leather jacket. Stilletos na kulay cream. Bagay na bagay ang porma sa ayos ng buhok nitong nakapusod nang mataas. Bigla syang napatalon sa gulat nang humarap ito sa kanya. "Thank you for bringing my cousin in this kind of place. You are such a bad influence to her." Iyon lang saka ito sumakay at mabilis na pinagana ang makina. Sa gulat dahil sa sinabi ng babae sa kanya, late na sya nakapag-react. Malayo na ito sa kinatatayuan niya pero sumigaw pa rin sya nang ubod ng lakas. "Kapal mo, b***h! Maganda ka lang pero hindi ugali mo!" 'Bwisit! Ako pa ngayon ang bad influence sa pinsan nya?Ugh! Letse ka kung sino ka man!'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
35.5K
bc

SILENCE

read
386.6K
bc

YOU'RE MINE

read
901.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.6K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
326.4K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook