"AYAW NYA MUNA ng kausap, cous. Intindihin mo na lang siguro," wika ni Candy kay Arisia nang labasin sya nito sa labas ng condo. Hindi sya nito pinapasok marahil iyon ang gusto ni Gianna. Kinagat ni Arisia ang ibabang labi saka tumango. Saglit pa syang napahilamos sa mukha bago hinawi ang buhok. Tiningnan nya si Candy na ngayon ay nakahalukipkip at nataas ang kilay sa kanya. "Ano ba kasing ginawa mo?" mataray na tanong nito. "Candy, biglaan kasi yung nangyari. Hindi ko naman inaakala na hahalikan ako ni Phoebe," aniya. Pinaningkitan sya ng mga mata nito. "Bakit ka hinalikan ni Phoebe?" "Hindi ko alam! Wala akong alam. Ang sabi lang nya, may aalisin sya sa mukha ko!" bulalas nya. Napasandal sya sa pader saka hinilot ang sintido. "Pero hinalikan nya ako, Candy! f**k!" "Nasaan si Phoeb