MANGHANG-MANGHA si Gianna habang bumababa ng eroplano. Hawak nya ang malaking bagpack na pinaglalagyan ng mga gamit nya. Naka-skinny jeans na high waist, croptop and flat sandals ang naisipan nyang isuot papuntang Cebu. Si Arisia naman ay kasunod nya lang at panay ang type sa hawak na cellphone. Nakamaong pants ito na fit, naka-tucked-in ang sky blue shirts na may print na rainbow flag. "Ang ganda dito. Excited na akong mamasyal!" ani Gianna habang nakatingin kay Arisia at hinihintay itong makalapit sa kanya. Gumanti naman ito ng ngiti. "Papasyal tayo mamayang hapon. Kumain muna tayo ng lunch dahil may meeting ako ng 1 o'clock," anito. "Sasama pa ba ako sa meeting?" "Kahit huwag na. Magpahinga ka na lang muna sa kwarto natin. Susunduin kita kapag tapos na ang meeting tapos papasyal na