TAHIMIK AT WALANG kibuan sila ni Arisia habang nasa harap sila ng hapag-kainan. Nakaligpit na ang pinagkainan nya at isang maliit na platito na lang ang nasa harapan ni Gianna. Samantalang si Arisia naman ay may kanin sa harap nito. Kinakabahan si Gianna dahil ngayon ay kaharap nilang dalawa ang mommy nya habang sina Candy, Geoffrey at Giselle ay nasa sala. "Ngayon lang kita nakilala, hija. Matagal na ba kayong magkaibigan nitong anak ko?" tanong ng mommy nya na mayroong matamis na ngiti sa labi. "H-hindi pa kami ganoon katagal magkakilala, mommy. Pinsan sya ni Candy," aniya saka nilingon pa si Arisia. Mas lalo yatang dinadaga ang dibdib nya dahil tahimik ito at tila malalim ang iniisip. Nagtaas ito ng tingin sa mommy nya upang sumagot. "Yes, tita. Tama po si Gianna. Magdadalawang buw