ARAW NG HUWEBES nang makatanggap ng tawag si Gianna mula kay Arisia. May lakad daw sila sa araw ng Linggo kaya kung maaari, i-cancel na niya ang mga naka-schedule nyang lakad sa araw na iyon. Nasa publishing house sya at kasalukuyang nagbabasa ng natapos nyang manuscript. “Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong nya sa kasintahan. “Secret. Basta i-save mo ang araw ng Sunday, okay?” “Sige. Hindi naman kasi ako ganoon sa busy ngayon dahil nakatapos na ako ng trabaho ko. Ayos lang na sa Monday ko na simulan iyong next manuscript na haharapin ko,” sagot nya habang inaayos ang lamesa. “Saan ka mag-dinner mamaya?” Saglit itong nag-isip bago sumagot. “Hindi ko pa sigurado. Bakit?” “Balak ko kasi magluto mamaya sa bahay. Invte sana kita na samahan kami ni Candy at Geoff sa bahay.” “Sukubukan ko p