CHAPTER 8

2251 Words
HALOS MALAGLAG SA kinahihigaan si Gianna nang biglang mag-ring ang phone nya. Kanina pa kasi sya nakatitig dito at hindi nya magawang reply-an si Arisia. Bukod kasi sa nahihiya sya rito, nagtataka rin sya kung paano nito nalaman na sya ang nag-text dito gayong hindi naman sya nagpakilala. Huminga muna sya nang malalim bago sagutin ang tawag. Maingat syang humakbang patungo sa terrace at doon naupo silya. "Hello?" aniya sa mahinang tinig. Hinintay nyang may magsalita sa kabilang linya pero tanging paghinga lang ang naririnig nya. "H-hello?" "Hmm..." ani Arisia. Wala sa sariling napangiti si Gianna saka tumingala sa langit. "B-busy ka?" tanong nya habang nagpipigil ng ngiti. "Not really. Katatapos lang namin magsara ng shop. Bakit gising ka pa?" Natataranta syang napatingin sa kung saan na tila roon makakahanap ng sagot. "Ah, h-hindi kasi ako makatulog." "Uminom ka ng gatas." "Nag-juice na ako!" "Gatas." "E, paano iyon? Juice saka gatas? Sasakitan ako ng tiyan." Narinig nyang huminga ito nang malalim bago nagsalita. "Hindi ko sinabing ngayon ka uminom ng gatas. Kung nag-juice ka, magtubig ka na lang. Pero sa susunod, kapag hindi ka makatulog, gatas ang iinumin mo, okay?" Wala sa sariling napatango pa si Gianna. "Oo, sige. Salamat sa advice," aniya. Magsasalita pa sana sya pero may narinig syang boses sa kabilang linya. "Sia, let's go!" anito. "Gianna, I'm sorry but I have to go. Matulog ka na. Good night," ani Arisia. Hindi na nakapagpaalam si Gianna rito nang nawala na ito sa linya. Nakanguso nyang tiningnan ang phone saka nanlulumong pumasok sa loob ng unit. Bitin na bitin ang pagkakausap nila ni Arisia. Gusto pa nya itong makausap at makakwentuhan pero mukhang busy pa ito. "Pero sabi nya, sarado na ang shop nila?" aniya. "Baka may iba pa syang gagawin." Wala na nga syang nagawa kung hindi ang subukan ang matulog. Hindi nya malaman kung paanong baling ang gagawa sa higaan. Gising na gising pa rin ang kanyang diwa. ALAS OTSO NA nang umaga nang magising sya dahil sa sikat ng araw. Magulo ang buhok nang bumangon sya sa higaan saka nag-inat-inat. Napakamot pa sya sa kanyang ulo habang lumilingon sa buong kwarto. Tumayo sya at kaagad na bumangon sa higaan. Kaagad syang lumabas ng silid at tinungo ang kusina para kumuha ng tubig. Pupungay-pungay pa ang mga mata nya habang tinutungga ang malamig na tubig. Nang masiyahan sa ininom, huminga sya nang malalim kasunod ang paghikab. Nasa ganoong ginagawa sya nang humarap sa gawing sala pero kaagad din nyang naisara ang bibig nang mabungaran si Candy sa sala. Ngunit hindi ito nag-iisa. "Good morning, bestfriend!" malambing na bati sa kanya ni Candy. Tila binuhusan sya nang malamig na tubig nang makita si Arisia roon. Hindi ito nakatingin sa kanya at tahimik lang na umiinom sa tasang hawak nito. Kaagad syang tumakbo papasok sa loob ng kwarto kasabay ang mahinang pagmumura dahil sa labis na kahihiyan. Lihim syang nananalangin na sana ay lamunin na syang ng semetado at may tiles na sahig na kinatatayuan nya. Nagpapadyak sya habang nakaupo sa kama. "Nakakahiya! Ugh! Ang itsura ko!" Dali-dali syang tumingin sa salamin at pinag-aralan ang sarili. "Damn! I am look like a witch!" Ilang sandali pa may narinig syang katok sa pinto. Lumingon sya kaagad at natatarantang sinuklay ang buhok gamit ang kamay. "Gianna, may dalang yema si Arisia! Bilisan mo at baka maubos ko `to!" Bahagya pa itong tumawa at narinig nya iyon. "O-oo. Mag-aayos lang ako!" sigaw nya. NANG MASIYAHAN sa sariling repleksyon sa salamin, huminga muna sya nang malalim at nag-practice ng magandang ngiti sa harap ng salamin. She is wearing a checkered crop top and skirt. Ang buhok ay hinayaan lang nyang nakalugay. Nang makalapit sya sa dalawa na abala sa pagkukwentuhan ay tumikhim sya. "G-good morning," bati nya sa mga ito. "Nag-coffee na kayo?" tanong nya na kaagad namang tinanguan ng dalawa. "Aalis ka?" tanong ni Candy sa kanya. "Oo. Pupunta ako sa publishing dahil may ipapasa akong file kay Mitos." Tinungo nya ang kusina at nagtimpla ng kape. Tanaw nya sina Candy at Arisia na abala sa cellphone. Pasimple nyang tiningnan ang itsura nito. Muntik syang matawa nang makitang naka-croptop din ito pero floral naman ang design na tinernuhan ng skinny jeans and pumps. May jacket na maong din syang pinatong sa balikat. Ganoon na lamang ang pagkataranta ng puso nya nang lingunin sya nito. Nakangiti ito habang hawak ang tasa. "Sabay na tayo bumaba," ani Arisia. "Ah, s-sige. Magkakape lang ako sandali." Tumango lang ito at kaagad na tinuon ulit ang pansin sa cellphone. Hindi nakataas sa mata ni Gianna ang pagkagat ni Arisia sa ibabang labi nito bago dilaan. Napalunok sya. Nag-init ang pisngi nya dahil sa nakita. Tumalikod sya sa mga ito at lihim na pinagalitan ang sarili. 'Gianna, umayos ka nga! Bakit ka ba nagkakaganyan? Nasisiraan ka na ba ng ulo?' Umiling sya nang bahagya saka nagtungo sa sala at nakisali sa usapan ng magpinsan. Habang nag-uusap ang dalawa, pasimple nyang tinitingnan si Arisia habang maingat na iniinom ang kape. Maganda si Arisia. Aakalain itong modelo sa taglay nitony ganda at haba ng mga biyas. Ang buhok nito ay tila kapareho ng ayos ng buhok ni Arianna Grande. Mukhang mahaba ito ngayon. "Are you wearing hair extensions?" tanong nya rito. Tila nagulat naman ito saka ngumiti. "Yeah. Nahalata mo pa `yon?" Tumango pa ito saka muling sumimsim ng kape sa tasa. Nahihiya naman syang ngumiti rito. Wala sa sariling lumingon sya kay Candy na noon ay may mapaglarong ngisi sa labi. Nagsalitan ang paningin nito sa kanilang dalawa ni Arisia. "So, cous. Maiba tayo. Kumusta ang lovelife mo?" May pilyang ngiti ito sa labi. Gusto nyang hilahin ang buhok ng kaibigan dahil sa naisipan nitong itanong. Wala pa man din sagot si Arisia, naghuhurimantado na ang puso ni Gianna. Kunot-noo syang tumingin sa kaibigan at pasimpleng pinanlakihan ito ng mga mata. "Lovelife? Do you think may time pa ako para d'yan?" sagot ni Arisia. "I'm busy for that." Lumingon sya rito. Gusto nya marinig ang sagot nito at ang iba pang sasabihin ng dalaga. Curious na curious na sya sa kung anong klaseng buhay mayroon ito at kung may karelasyon ba ito. "Huwag mo nga akong daanin sa ganyan, Arisia! Alam kong marami kang girlfriends!" ani Candy saka tumawa nang nakakaloko. Sumandal sya sa kinauupuan saka tiningnan ni Arisia. Tila hindi naman apektado ito sa pang-aasar ni Candy at prenteng sumandal din sa sofa. "Marami? Where did you get that? I'm still single, Candy." Kalmado si Arisia. Pinilit din ni Gianna na kumalma. Ginawa nya ang lahat para kumalma pero nang magsalubong ang tingin nila ni Arisia, tila may kung anong malilikot na bagay ang nasa tiyan nya. "Single your ass, Arisia!" ani Candy. Nang-aasar pa rin. Ngumisi si Arisia saka umiling at muling nilingon si Gianna kaya lalo syang nataranta. "I'm still single." Tila sa kanya iyon sinasabi kaya ganoon na lang ang lakas ng kabog ng dibdib nya. "For real? Tamang-tama, single din iyang si Gianna! Bagay kayo!" ani Candy saka malakas na tumawa. Nanlalaki ang mga mata nya nang tingnan ito. "C-candy!" aniya. Hiyang-hiya sya sa sinasabi ng kaibigan. Binato pa nya ito ng isang unan na nasa likod nya. "Single? Hindi ba't may boyfriend ka?" tanong sa kanya ni Arisia. Nagtatakang nilingon nya ito. "Boyfriend? W-wala akong boyfriend." "Really? Di ba, may lalaking kasama ka nung nakaraan? Gwapo pa nga, e!" ani Arisia habang nakatingin na sa tasa ng kape nito. Nag-isip sya at lalong kumunot ang noo. "Wala akong boy—oh, I know na!" aniya nang may maalala. "Si Geoffrey ba?" "Geoffrey," anito sabay tango. Diretso ang tingin sa kanya. "Selos ka ba, cous?" ani Candy. "Candy!" saway nya rito. "Nope," sagot agad ni Arisia. Lumingon sya rito. Ang simpleng sagot nito ay may kirot na dulot sa kanyang puso. 'Oo nga naman. Bakit sya magseselos? Ano naman ang pakialam ni Arisia sa kung anong relasyon ako meron?' "Nope? Seryoso?" ani Candy na tiningnan nang mariin si Arisia. Bago ito sumagot, tiningnan sya nito nang diretso sa mga mata. Tila may gusto itong ipahiwatig. Wala syang mabasa dahil walang emosyon ang nandoon. "Yes." Hindi alam ni Gianna kung gaano katagal sila nagtitigan ni Arisia. Basta na lang silang natauhan nang tumawa nang malakas si Gianna. Lumingon sila ritong dalawa. "Speaking of... Geoffrey is here!" "How did you know?" tanong ko. Tinaas lang nito ang phone. "He texted me." Tama nga ito. Maya-maya lamang ay may nag-dodoorbell na. Kaagad na tumayo si Gianna upang pagbuksan ang kapatid. Ngunit ganoon na lamang ang gulat nya nang humalik ito sa pisngi nya at batiin sya sa matigas na boses. Tila hindi binabae. "Good morning, babe," anito. Nagtataka sya sa kinikilos ni Geoffrey pero hindi na nya nagawang magtanong dahil nakalapit na sila sa sala kung nasaan sina Arisia at Candy. "Hi!" bati ng kapatid sa dalawang babae. "Geoffrey, mabuti at nandito ka na! I want you to meet my cousin. This is Arisia. And cous, this is Geoffrey, Gianna's boyfriend." "Hello, Arisia. I'm Geoffrey." Gustong-gusto nyang batukan ang dalawa sa ginagawa. Pinagmumukha nilang tanga si Arisia. Nang lingunin niya si Candy, kumindat ito at pasimpleng nginuso si Arisia na noon ay nakatingin lang kay Geoffrey. Tinanggap nito ang kamay ng kapatid nya pero saglit lang. Napakamot na lang sa sintido si Gianna. Napapailing sya sa maling ginawa ng kapatid at beatfriend nya. "Ahm, siguro mauna na ako, Gianna. May bisita ka pala," ani Arisia na noon ay humakbang palapit sa kanya. Noon nya naalalang sabay nga pala silang babae nito. "Ah, hindi. Sasabay ako sa iyo. Hayaan mo na lang ang dalawang `to rito. Wait, kuhanin ko lang ang bag ko." Sa isang mabilis na paraan, siniringan nya ng tingin ang dalawang nag-appear-an pa. Kinuha nya ang bag sa kwarto saka hinila sa kamay si Arisia. Nakalabas na sila ng unit nya nang mapansin na nakawak pa rin sya sa kamay nito. Nang lingunin nya ito, nakita nyang nakamata rin ito sa kamay nilang dalawa. Dali-dali nyang binitiwan iyon. "S-sorry," aniya. Tumawa ito. "It's okay," ani Arisia. Tumigil siya sa paglalakad dahilan upang tumigil din si Arisia. Hindi sya makakapayag na lokohin ng dalawang iyon ang dalaga. Nakakahiya. May kung ano sa puso at isip nya na gustong magsabi ng totoo. "Arisia, Geoffrey is not my boyfriend," aniya. Sinalubong nya ang tingin nito sa kanya. Humalukipkip ito at tiningnan sya nang diretso. Hinihintay ang bawat sasabihin nya. Huminga sya nang malalim. "I'm sorry sa ginawa ng dalawang iyon. Pero Geoffrey is my brother. He's not—" "I know." "H-huh?" "I know that you two are siblings." "Really? How did you know?" tanong nya. "Magkahawig kayo," anito saka tumawa nang mahina. Pakiramdam nya ay naalisan sya ng tinik sa dibdib. "Buti naman. Pasensya ka na sa ginawa ng dalawang iyon. Kahit ako, nagulat." Nagsimula na silang maglakad. "Ayos lang. Kilala ko rin iyang si Candy. Malakas mang-asar iyan." Doon nya naalala ang panunukso ng kaibigan nya rito. "Sya nga pala. Pasensya ka na sa sinabi ni Candy kanina." Kunot-noo sya nitong tiningnan. "Which one?" "Iyong b-bagay daw t-tayo." Halos mautal sya nang sabihin iyon. Ayaw nyang mag-isip ito ng iba. "I mean, nakakahiya kasi tinutukso ako ng pinsan mo sa iyo. Lukaret lang talaga ang isang iyon." Noon nya napansin na tumigil ito sa paghakbang at naiwan nya nang bahagya. Lumingon sya rito. "Bakit?" tanong nya. "Well, wala namang problema kung tuksuhin nya ako sa iyo. Sanay naman ako." Nagsimula na rin itong maglakad pero tumigil din nang makalapit ito sa kanya. "Pero ang iniisip ko kasi ay ikaw." Walang tao sa hallway na iyon kaya tahimik ang lugar. Rinig na rinig ni Gianna ang lakas ng t***k ng puso nya. Lumapit si Arisia sa harap nya. Bahagya pa syang napaatras pero kaagad naman syang nakabawi ng balanse. "B-bakit ako?" Nagtataka na sya. Parang baligtad naman yata. " "Baka kasi naiilang ka na sa akin ka tinutukso... baka kasi hindi ka sanay na sa kapwa babae mo ikaw tinutukso," anito habang nakatingin sa kanya. "I know you are straight." Gustong magwala ng puso nya lalo na nang lumapit pa ito sa kanya at tingnan nito ang labi nya. Gusto rin nyang sabihin dito na mukhang hindi na sya straight magmula nang makilala nya ito. Halos naaamoy na nya ang mabangong pabango at hininga nito sa sobrang lapit nila sa isa't isa. "Kung ayaw mo nang ganoon, okay lang naman sa akin—" "It's okay," agad nyang wika dahilan upang salubungin ni Arisia ang tingin nya. "I don't mind." "Okay?" nagtatanong nitong ulit sa sinabi nya. Tumango siya. "Yes. I-it's okay. B-baka ikaw ang hindi komportable." Tumawa ito nang bahagya saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang mga mata. "I actually like it." "H-huh?" Muli sya nitong tiningnan sa mga mata. Diretso. Maya-maya lang, pumungay iyon saka nagsalita. "I actually like it...I think, I'm starting to like you, Gianna." Tila naumid ang dila nya at walang masabi lalo na nang ilapit nito ang labi sa kanya. Naglapat ang mga labi nila. Nanlalaki ang mga mata nya kaya kitang-kita nya na nakapikit si Arisia. Saglit at dampi lang iyon pero may kakaibang init na sa kanyang sarili. Pakiramdam nya ay kasing pula na ng kamatis ang kanyang pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD