WALA MASYADONG tao sa pastry shop kaya naisipang imbitahan ni Arisia si Gianna na mag-lunch. Napangiti sya nang mabasa ang huling text nito na papunta na.
"Ganda ng ngiti mo, ah?" ani Serenity sabay upo sa katapat niyang upuan.
Tumango sya saka nilapag ang phone sa mesa. "Pasensya ka na kung hindi kita masasabayan ngayon."
Umirap ito. "It's okay. Alam ko naman na hindi ako ang priority mo."
"Huwag ka magdrama. Hindi bagay," aniya bago ngumiti.
Ngumiti rin ito pero maya-maya lang ay sumeryoso at tiningnan sya. "Sia, alam ko kung anong ginagawa mo."
Kunot-noo nya itong tiningnan. "What do you mean?"
Sumandal ito saka humalukipkip. "Akala mo ba hindi ko napapansin ang pangiti-ngiti mo everytime kausap mo si Gianna?"
Seryoso na rin nya itong tiningnan. "Eren..."
"I just want to remind you—"
"Yes, Eren. Hindi ko nakakalimutan ang misyon natin. Alam ko ang ginagawa ko."
Diretso sa mata sya nitong tiningnan bago tumango nang marahan. "Good, Sia. Mabuti naman kung ganoon." Tumayo na ito saka tinapik ang balikat nya. "Balik na ako sa loob. Happy lunch time."
Hindi sya kumibo. Seryoso syang napalingon sa phone nyang umilaw nang may bagong text message na dumating...
MALALAKAS ANG putok ng baril ang maririnig sa buong area kung nasaan si Arisia. Nakakubli siya sa isang sulok habang hawak ang dalawang Glock 19 Pistol na paborito nya.
"f**k!" aniya nang ibaba ang itim na facemask habang pinagmamasdan ang hawak. Inayos pa nyang mabuti ang silencer na nakalagay doon.
"Why? May tama ka!?" tanong ni Serenity na nakatago rin sa kabilang gilid nya. Madilim din sa pwesto nito.
"No." Nakatitig pa rin sa hawak. "May gasgas ang isang Glock ko! Damn!"
Inirapan siya ni Serenity bago sumilip sa bandang harap nila at saka bumaril ng tatlong putok. Nang matapos ito, pasadlak na naupo sa kaninang pwesto nito. Ang baril na dala rin nito ay may silencer kaya naman walang ibang nakakarinig ng mga pag-atake nila sa mga kalabang nasa labas ng mansyon.
"Akala ko naman may tama ka! Bakit kasi iyan pa ang ginamit mo?" mataray na tanong ng kaibigan nya.
"Day off ni HeKo," aniya. Ang tinutukoy nito ay ang pistol niyang Heckler & Kock VP9 9mm. Palagi kasing iyon ang dala nya everytime may misyon sila.
"Whatever!" anito saka muling bumaril sa harap.
Hinipan ni Arisia ang baril saka muling hinimas bago tumayo at saka nagpaputok. Lahat ng makita nyang nakasuot ng pulang polo ay kanyang pinatamaan. Kung hindi sa ulo, sa dibdib nya talaga tinitira para siguradong matatapos ang buhay.
Nang mawala ang mga humaharang sa harap nya, sinalpak nya sa gun holster ang mga pistol na nakalagay sa kanyang beywang. Gamit ang puno ng Narra, sumampa sya roon upang makasampa sa mataas na bakod.
Nang makatalon sa loob ng bakuran, nakayuko syang naglakad patungo sa isang bintana pero kaagad din syang tumigil nang makitang may limang bantay at lahat ay may hawak na baril. Nagtago sya sa malagong halaman at sinilip ulit ang isang lalaking nakaunipormeng pula.
Muli nyang sinuot ang facemask saka hinawakan ang isang Glock 19 at walang anu-anong pinagbabaril ang ito. Ulo agad ang pinuntirya nya. Wala syang pakialam kung mamatay man ang mga ito. Isa lang ang mahalaga sa kanya, ang makuha ang pinapakuha ng head nila sa mismong amo ng mga lalaking ito.
Dahan-dahan syang nakapasok sa loob ng mansyon. Naglalakad sya na animo isang modelo habang hawak ang isang baril.
Hindi sya nagulat nang may dalawang lalaking nakapula ang mabungaran nya sa may sala at agad syang pinaputukan.
Mabilis ang kilos nya kaya kaagad syang nakaiwas sa mga bala niyon. Gumulong sya nang isang beses at nang makaupo, kaagad nyang pinaputukan ang dalawa. Nang bumulagta ang mga ito sa sahig, tumayo sya at tumingala sa taas.
Mabilis syang umakyat sa malawak at mataas na hagdan ngunit kaagad din syang napatigil nang bumungad sa kanya ang isang matandang lalaki na may hawak na Mossberg 500. May mga tauhan itong nakapalibot dito.
"Hello, young lady!" ani matanda na ngayon ay nakangisi. Nakatutok ang lahat ng baril sa kanya.
Tumigil sya sandali upang pag-aralan ang lahat ng nasa harap. May sampung lalaking nakauniporme ang syang nakapaligid sa matandang si Don Gustavo.
"Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang mga kasama mo?"
Hindi sya sumagot.
Kalmado syang umayos ng tayo at nagpatuloy sa pag-akyat. Dumiretso sya sa kanang bahagi ng pangalawang palapag kung saan may mga larawan doon at isa-isa pa nyang tiningnan. Hindi alintana ang mga lalaking nakakatuwang lumihis ng pwesto.
"Alam mo ba na hindi ko kailangan ng maraming kasama, Don Gustavo?" Humarap sya sa mga ito.
"Bakit? Sino ka ba?" tanong nito habang nakangisi. "Hindi ka ba natatakot? Mag-isa ka lang tapos ang dami namin. Mga lalaki pa kami."
Arisia rolled her eyes. "Ano namang sense nyang sinasabi mo?" Umayos sya ng tayo. "Where is the red notebook?"
"Sa tingin mo, ibibigay ko sa iyo nang paganoon-ganoon lang ang bagay na iyon? Ano ako, tanga?"
Humalukipkip sya at kinuha ang isang picture frame. "Anak mo ba ang mga `to? Ang gaganda, ah! Hindi mo kamukha."
Doon dumilim ang mukha ng matandang kaharap. "Bitiwin mo iyan! Huwag na huwag n'yo gagalawin ang mga anak ko! Wala kayong mahihita sa akin!"
Tumawa si Arisia saka binalik ang picture frame. "Ibigay mo na lang kasi para walang mangyaring masama sa iyo," aniya rito.
"Hindi! Kayo," tumingin ito sa mga tauhan. "Tapusin ninyo ang babaeng iyan!" anito saka mabilis na pumasok sa silid saka sinundan ng limang tauhan.
Naiwan ang limang mga lalaki na nakangisi habang malalagkit ang tingin sa kanya.
Nakasuot lamang sya ng sandong itim at Faux leather skinny pants na tinernuhan nya ng black ankle boots. Ang buhok nya ay naka-braid. Ang beywang naman ay may gun holster na nakasabit. Bakat na bakat ang sexy na kurba ng kanyang katawan kaya hindi na sya magtataka kung may pagnanasa syang nababasa sa mga mata ng mga lalaking sa harap nya.
Tinutukan nya agad ng baril ang dalawa at sa mga binti at hita nya kapwa iyon pinaputukan. Alerto ang isip nya kaya nang may pumutok sa gawing kanan nya, yumuko sya at kaagad na gumulong at mabilis na pinaputukan sa ulo ang lalaking nagtangkang barilin sya.
Bumulagta agad iyon sa sahig habang ang dalawa ay iniinda ang mga tama sa katawan. Ang dalawa naman ay mabilis na pinaputukan sya pero sa mga baril nya tumama dahilan upang mabitiwan nya ang mga iyon.
"Damn!" Napamura sya nang maisip na may panibago na namang iyong gasgas.
Mabilis syang sumugod sa isang lalaki at sinapok ito sa mukha. Umikot sya pakanan upang tirahin ito sa batok saka tinuhod ang pinakainiingatang parte ng katawan. Kasunod ang pagsipa sa sikmura sa isang kasama pa nito.
Dinampot nya agad ang dalawang baril na tumilampon kanina at walang kaabog-abog na binaril sa ulo ang apat na lalaki.
"f**k! May gasgas na naman!" Nagpapadyak pa sya sa inis saka masamang tiningnan ang mga walang buhay na lalaki sa sahig.
Natanaw nya sa ibabang bahagi ng bahay si Serenity na naglalakad habang pinaiikot sa hintuturo ang dalang baril.
"Napakatagal mo!" bulyaw nya rito.
Pareho sila halos ng suot ng kaibigan, ang kinaibahan lang ay ang pagkakatali ng buhok. Naka-ponytail iyon nang mataas.
"E, napakaraming alaga naman pala nitong si Gustavo kaso mga weak!" anito habang umaakyat na sa hagdan. "Nasa'n na si tanda?"
"Pumasok sa kwarto."
"Duwag talaga ang hayop na iyan!" Huminto ito nang makarating sa tabi nya. "Kailangan mo pa ba ako? Nagugutom ako, e!"
Inirapan lang nya ito saka tinungo ang pintuan ng kwartong pinasukan ng matanda kanina.
Pagkabukas niyon, tahimik ang buong lugar. Mabilis syang kumilos at tinungo ang buong parte ng kwarto.
"Eren!" sigaw nya.
"Oh?"
"Wala na sila rito."
Umikot ang mga mata ni Serenity saka nagkibit-balikat.
"For sure dala no'n ang red notebook na pinapahanap nila Sir Brent."
Hindi sya kumibo. Naisip nyang sana pala ya binaril na lang nya iyon kanina palang para hindi na nakatakas. Ngunit hindi pwede.
"I know what you're thinking, Sia. Hindi natin sya dapat patayin. Alam mo iyan."
"I know."
"Tara! Nagugutom na talaga ako."
"PAANONG NAKATAKAS ang sinasabi nyong dalawa sa akin?" tanong ng Brent nila. Ang head ng team nila.
Nakaupo silang dalawa ni Serenity sa silya habang ang lalaking nasa harap nila ay nakatayo at ang dalawang mga kamay ay nakapatong sa mesa.
"Umalis, e!" ani Arisia. "Bakit kasi bawal syang barilin. For sure ibibigay no'n yung notebook kapag nasaktan."
"Arisia, alam natin pare-pareho na hindi pwedeng saktan si Gustavo dahil hindi sya pwedeng mamatay."
"Mamatay agad? Tatakutin lang natin. Torture, ganon."
"Arisia, tigilan mo iyang iniisip mo." Umiling ito saka naglakad pabalik-balik sa harapan nilang dalawa. "Sa ginawa ninyo, for sure magtatago iyon."
"Anong plano, Sir?"
"Si Jaime Serano."
"Who the hell is that?" tanong ni Arisia habang nakadekwatrong upo. Si Serenity naman ay tahimik lamang na nakikinig.
"Isa ring Drug Lord sa lalawigan ng Bulacan. May red notebook din sya. Sya na lang ang pagtuunan ninyo ng pansin."
Bumuntong-hininga si Arisia. "Hindi pa nga kami tapos dito kay Gustavo, may isa na naman, Brent?" Kunot-noo nyang wika.
"Bakit? Nahuli na ba ninyo si Gustavo? At Arisia, let me remind you na ako ang leader ng team natin."
"Whatever!" Tumayo na siya dahil gusto na nyang pumunta sa shop.
"Isesend ko na lang sa working emails ninyo ang file about Jaime Serano. For now, magpakabait muna kayong dalawa. Lalo ka na, Arisia."
Inirapan lang nya ito bago lumabas ng office. Kasunod nya si Serenity na ngayon ay tahimik lang. Tila nag-iisip ito pero hindi na lang nya binigyan ng pansin.
Nang makarating sila sa shop, sa mismong office sya dumiretso at doon binuksan ang file ni Jaime Serano. Lahat ng tungkol dito, nakalagay na roon pati na ang pangalan ng mga inabandona nitong pamilya.
"Gianna Serano..." aniya habang titig na titig sa larawan ng dalaga...
"ARISIA!" NATIGIL SA pag-iisip si Arisia tungkol sa nakaraan nang tawagin sya ni Gianna.
Napangiti sya nang makita ang maganda at matamis na ngiti nito.
Tumayo siya at kaagad na sinalubong ito. "Mabuti naman at nandito ka na."
"Pasensya ka na. Ang dami kasing inutos ng editor in chief namin sa publishing." Umupo ang dalaga sa silyang inupuan ni Serenity kanina. "Thank you pala sa pag-invite sa akin na mag-lunch. Ang toxic sa working place ko!" anito.
Ngumiti sya saka naupo nang maayos. Lumingon sya sa waitress ng shop saka dinala ang mga pagkain na inorder nya kanina. "Pasensya ka na kung dito na lang tayo kakain, ah! Hindi ko kasi maiwan ang shop dahil masama ang pakiramdam ni Serenity."
"No worries."
Habang inaayos niya ang pagkain sa mesa, noon mya lihim napag-aaralan ang dalaga. Maganda si Gianna at pwede rin maging commercial model ng toothpaste sa ganda ng mga ngipin at ngiti.
Magmula nang halikan nya ito, lalo silang naging close nito. Hindi man nila napag-uusapan ang kung anong relasyon mayroon sila, may kaunti syang pag-asang natatanaw dito.
Matagal na nang huli syang magkaroon ng girlfriend at hindi naging maganda ang dahilan ng break-up nya rito. Hindi naging madali sa kanya dahil inabot din ng taon ang relasyon nila ni Phoebe. Hindi rin maganda ang paraan ng paghihiwalat nila dahil basta na lamang itong nakipaghiwalay.
Makalipas ang higit isang taon bilang single, doon lang nya napagtanto na nakalimutan na nya ito.
"So, anong gagawin mo mamaya?" tanong ni Gianna na halatang excited sa kung anong mayroon.
Umiling sya. "Wala pa naman. Bakit? Don't tell me na aayain mo akong mag-date?" biro nya rito.
Kaagad namang namula ang mukha nito. Natawa sya. Ang cute kasi nitong mag-blush. Halatang-halata. "H-hindi ah! Bakit kita aayain mag-date, hindi naman tayo!" anito saka sya inirapan.
Tumango lang sya saka nagsimulang kumain. Paminsan-minsan silang nagkukuwentuhan habang kumakain.
Magaan kausap at kasama si Gianna. Masaya si Arisia sa tuwing nakikitang tumatawa ang dalaga dahilan upang mas maglumalim ang pagkagusto nya rito.
Nang matapos sa kinakain nila, saglit nyang inaya papasok sa loob ng office si Gianna para kuhanin ang paborito nilang Strawberry flavored na yema na sya mismo ang gumagawa.
"Thank you!" masayang wika nito habang hawak ang yema.
"Always." Napansin nyang natawa si Gianna kaya tinanong nya ito, "bakit?"
"Naalala ko kasi noong unang pasok ko rito. Napagkamalan ako ni Serenity na girlfriend mo. Akala ko kung anong girlfriend kaya umoo ako. Tapos iba naman pala ang meaning nya," anito saka muling natawa nang bahagya.
Humalukipkip sya saka tiningnan nang maayos si Gianna.
"B-bakit ka ganyan makatingin?" tanong nito sa kanya.
Lumapit sya rito. Napadako ang mga mata nya sa labi nito. May kung anong nagsasabi sa isip nya na halikan ito ulit pero natatakot syang baka magalit ito. Lalo at wala naman silang relasyon pa.
"Ahm, can I have a question?" tanong nya.
"A-ano iyon?"
"Can I kiss you?" aniya gamit ang boses na medyo paos. "I'm sorry. Alam kong hindi ka papayag."
"A-ayos lang."
"Sure ka? I mean, hindi ka ba magagalit?"
"Nagtanong ka, di ba? Pumayag ako so bakit ako magagalit?" tanong ni Gianna na seryoso na rin.
Tumikhim siya. Tumango bago muling humukbang palapit sa dalaga. "So, pwede kitang halikan?"
"Y-yes?"
"Okay...but before that. Ayokong isipin mo na tine-take advantage ko `to. I want to ask you this thing, Gianna."
Nakita nya na napalunok si Gianna kaya gusto nyang matawa pero pinigil nya ang sarili.
"Can you be my girlfriend? I want you to be my girlfriend so I can kiss you...whenever I want," aniya saka dahan-dahang siniil ng halik si Gianna.
Naramdaman niyang tinugon nito iyon kaya mas lalo tinagalan ang halik. Bahagya pa nyang kinagat ang ibabang labi nito dahilan upang mapaungol si Gianna.
"Ang sakit," anito saka tinampal ang braso nya.
Natatawa syang yumakap dito. "You kissed me so that mean, girlfriend na kita?"
"Hey, ikaw ang humalik!" anito saka ngumuso pero gumanti na rin ng yakap sa kanya. "Pero oo. Girlfriend mo na ako, at girlfriend na kita."
Masaya nyang niyakap si Gianna kahit na may konsensya siyang nararamdaman para dito. Pero pinagsawalang bahala na muna nya iyon. Ang mahalaga ngayon, girlfriend na nya ito.