“ARE YOU SURE, you’re going to be okay?” tanong ni Gianna kay Candy dahil nagpumilit na itong lumabas ng hospital. Nakapagbayad na si Arisia pero nauna itong umalis kanina dahil marami raw tao sa shop nito.
Sa loob ng buong isang linggo, sya ang naging kasa-kasama nito sa ospital habang si Geoff naman ang tumatao sa bahay nila. Ito rin ang nagdadala ng mga gamit na kailangan nila gaya ng pagkain. Habang si Arisia, dalawang beses lamang napasyal dahil may trabaho itong hindi dapat mapabayaan.
“Yes. Isang linggo na ako rito, Gianna. I am sure na mas magiging okay kami ng baby ko once umuwi na tayo sa condo mo.” Kumapit pa ito sa braso nya.
Naglalakad na sila ngayon sa lobby ng ospital habang nagkukwentuhan. Susunduin sila ng Grab na inarkila nya para ito ang maghatid sa kanila pauwi sa condo.
“Anyway, how are you and my cousin?” tanong ni Candy sa kanya dahilan para kumunot ang noo nya.
“Bakit? Ano bang mayroon sa amin ng pinsan mo?”
Tiningnan sya nito na animo nanunukso saka kiniliti ang kanyang tagiliran. “Yieeh. Come on! I know you. May crush ka kay Arisia pero ayaw mong sabihin sa akin.”
“What?!”
“Look, you can trust me, okay? I am yout bestfriend.” Seryoso sya nitong tiningnan.
Tinimbang ni Gianna ang nararamdaman at tama ito, pwede nya itong pagkatiwalaan pero natatakot syang mahusgahan.
“Kung iniisip mo na hindi kita matatanggap o huhusgahan kita, salamat na lang sa lahat,” anito ska aumismid sa kanya.
Natawa na lang sya saka umayos ng tayo at hinarap ang kaibigan. “Gaga! Anong salamat na lang sa lahat? Pwede bang sa bahay tayo mag-usap ng tungkol dito dahil nasa pampubliko tayong lugar, okay?”
Natawa naman si Candya saka suman g-ayon sa sinabi nya.
Nang makarating sila sa building kung saan nandoon ang condo unit ni Gianna, hindi agad sila pumasok sa lobby dahil may bibilhin daw ito sa shop ni Arisia. Pasimpleng inayos ni Gianna ang suot na tube blouse saka ang highwaist maong pants. Ang wavy hair nya ay hinawi lamang nya habang naglalakd sila papasok sa mismong shop.
Gaya noong mga unang punta nya rito, puno pa rin ng paghanga ang nararamdaman nya sa tuwing pupunta sya rito. Iba kasi ang ambiance ng lugar, lakas makasosyal at talagang nakaka-relax sa paningin.
“Hey!” ani Selena nang Makita sila nito. Nasa counter ito at kausap ang cashier. “Wait, tatawagin ko lang si Arisia.”
Ngumiti lang sina Candy at Gianna at naupo sa isang lamesa na kasya ang apat na katao.
“Akalain mo iyon, `no? Hindi ko akalain na mas susundin ni Arisia ang passion nya kaysa sa inaral nya noong college.” Nakapangalumbaba pang wika ni Candy habang nakamata sa buong shop.
Doon bumangon ang kuryosidad ni Gianna. “What do you mean?”
“Well, baking is her passion ever since we are young but she took criminology in college. Bonding moment kasi nila ng mommy nya ang baking pero nang mamatay si tita, pinangako nya sa sariling magpupulis sya. Then, after she graduated, she flew to the United States and things happened. When she came back here, ayon, gusto niyang magtayo ng bakeshop. Ang alam ko kumuha rin sya ng short courses related to baking.”
“You mean, patay na ang mommy nya?” tanong nya. Hindi makapaniwala sa mga nalalaman.
Lumapit ito sa gawi nya saka hininaan ang boses. “Yes. I will tell you later. She’s coming.” Umayos ito ng pwesto saka matamis na ngumiti ang pinsan na noon ay nakangiti na rin sa kanila. “Cous!”
“Oh, buti at umuwi ka na. Akala ko gusto ma pa mag-stay do’n, e!” Pabiro nitong wika saka lumingon sa kanya saka sya kinindatan.
Halos mag-init naman ang buong mukha ni Gianna dahil sa ginawang iyon ni Arisia sa kanya. May kung anong epekto iyon sa kanya at tila may maliliit na paru-paru sa kanyang tiyan. Nag-iwas lamang sya ng tingin saka lihim na inayos ang itsura.
“Gusto ko ng carrot cake.” Malambing na wika ni Candy kay Arisia na noon ay nakaupo na sa tabi nya. “Ikaw, Arisia? Anong gusto mo?”
“Strawberry flavored yema ang gusto niyan.” Ani Arisia na inunahan sya sa pagsagot.
Nakangiti man sya ay hindi maaalis ang pagtataka sa kanyang mukha dahil nakakunot ang noo nya. “How did you know?”
“Parehas tayo ng gustong flavor and iyon ang palagi mong inoorder dito, `di ba?” Sumandal ito ng upo saka tumingin kay Candy, kahit si Gianna ay lumingon sa kaibigan nang tila ito nasamid. “Ayos ka lang?”
“Candy, anong nangyari sa’yo?”
Pilit pinakalma ni Candy ang sarili bago nakangiting tiningnan silang dalawa. “ Wala. Ang cute n’yo lang dalawa. Bagay kayo!” saka ito muling tumawa.
“Candy.” Ani Arisia. Baka sa tinig nitop ang ‘warning tone’ dahil seryoso na itong nakamata sa pinsan.
“Ano? Bakit?” Muli ay natawa na naman ang kaibigan nya habang siya ay hindi malaman kung ano ang gagawin. Nahihiya sya kay Arisia dahil baka kung ano ang isipin nito sa kanya dahil sa mga pinagsasabi ni Candy.
“I’ll get your carrot cake and strawberry flavored yema.” Tumayo na ito saka tumalikod.
Mabilis na kinurot ni Gianna si Candy sa tagiliran pero natawa lamang ito.”Candy, seryoso ako. Huwag ka magbiro ng ganoon kapag nandyan si Arisia. Baka magalit iyon.”
“Hindi iyon magagalit sa akin. Baka kinikilig pa nga iyon, e!”
Umayos sya ng upo at mas nilapitan si Candy. “Candy, saka huwag ka nga nagsasabi ang ganoon. Nasa public place tayo. Mamaya may makarinig na ibang tao na tinutukso mo ako kay Arisia, nakakahiya,” aniya saka hinawi ang buhok.
May tumikhim sa likuran nya at tila sya binuhusan ng malamig na tubig nang makita nyang nakatyo roon si Arisia. Mas lalong bumangon ang kaba sa dibdib ni Gianna nang tagusan na naman sya nitong tingnan. Ganito sya nito tingnan noong hindi pa sila magkakakilala sa noong nasa bar sila.
"C-cous! Ang bilis mo naman! Kakaalis mo lang, ah!" ani Candy na halatang kabado rin.
"I forgot to ask you two if you want to try my freshly baked cookie," malamig ang boses nito ngunit hindi na ito nakatingin sa kanya.
Napatayo nang dahan-dahan si Gianna. "A-arisia."
"Okay." Iyon lang at mabilis itong tumalikod at naglakad palayo sa kanila.
Napapikit sya nang mariin habang umuupo sa pwesto nya kanina. "f**k! Do you think she heard us?"
Napakamot sa sintindi si Candya saka tumango nang bahagya.
"Now, I'm doomed!"
WALA SA MOOD si Gianna nang makarating sila ng kaibigan sa mismong unit nya. Abala naman ito sa pagkain ng cookies na bigay din ni Arisia.
Alam nyang baka nagalit si Arisia sa narinig nito dahil hindi na ito ang nagdala ng mga inorder nila. Sa isang crew nito pinabigay ang mga iyon at hindi na ulit ito lumabas pa ng sariling office.
"Gianna, what's bothering you? Kanina ka pa wala sa mood. Tikman mo `tong cookies. Sobrang sarap!" alok ni Candy habang nakaupo sa sofa.
Huminga sya nang malalim saka tinabihan ang kaibigan. "Do you think Arisia's mad at me?" tanong nya.
Nagtataka naman syang tiningnan ni Candy habang puno ang bibig ng kinakain. "Mad? Bakit? Ano bang ginawa mo?"
Siniringan nya ito ng tingin. "Actually, kasalanan mo `to, e!" aniya saka padabog na sumadal sa sofa.
Tinuro ni Candy ang sarili. "A-ako? Bakit ako? Anong ginawa ko?"
"Tinutukso mo kasi ako sa pinsan mo! Alam mo bang nakakahiya iyon?"
"Teka, saan ka ba nahihiya? Anong nakakahiya roon?"
"Nakakahiya kay Arisia, Candy! Ang ganda-ganda nya tapos sa akin mo lang tinutukso? Saka ano na lang sasabihin nya sa akin? Type ko sya?"
Tumawa si Candy. "Bakit? Hindi ba?"
"Candy naman!"
"Ano ba kasi talaga ang score ng pinsan ko sa iyo? Alam ko ang nangyayari sa iyo kaya please, huwag kang maka-deny-deny dyan, Gianna!"
Kinabahan na naman sya. Kanina kasi, buo na ang loob nyang sabihin dito kung ano ang totoong nararamdaman nya para kay Arisia pero heto na naman ang takot sa puso nya.
Naramdaman na lang ni Gianna ang palad nitong dumampi sa kamay nya. Tiningnan nya ito at seryoso na ito ngayon.
"You like her, right?"
Sa tanong na iyon ng kaibigan nya. Bigla na lamang sya nakaramdam ng panlalata. Basta na lang sya kumuha ng thropillow at doon sinubsob ang mukha. "Candy, hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ko ginusto `to!" aniya habang mangiyak -ngiyak at ginulo-gulo pa ang buhok.
"Gianna, huwag ka nga umiyak! Parang tanga `to!" ani Candy saka muling tumawa. "Ayos lang iyan!"
"Ang ingay n'yong dalawa! Alam n'yo namang natutulog ako ng ganitong oras," ani Geoff na bagong labas lang sa kwarto. "Oh, ate? Anong ganap sa'yo? Ba't para kang baliw d'yan?" tanong nito nang makita syang magulo ang buhok.
Napasigaw na lamang sya sa labis na pagka-frustasyon na nararamdaman.
Halo-halo na ang mga naiisip nya. Maraming tanong.
'Bakit sa babae pa ako nagkagusto?'
'Bakit kay Arisia pa?'
'Matatanggap ba ako ni Mama at ng mga kapatid ko kapag nalaman nilang babae rin ang gusto ko?'
"Ate!?" sigaw ni Geoffrey.
"Ano? Bakit ba?" napasigaw na rin sya habang masama ang tingin sa kapatid. "Nalilito ako, okay? Hindi ako okay!"
"Hoy, kumalma ka nga!" awat sa kanya ni Candy.
Maarteng nameywang ang kapatid nya saka sya tinaasan ng kilay. "Ano ba kasing dinadrama mo r'yan, `te? Makasabi ka na nalilito para kang nababakla, ah?"
Sa narinig, lalo syang nairita at napaiyak sa unan. "Geoffrey!" sigaw nya.
"Ate Candy, ano bang nangyayari dito sa kapatid ko?"
"Ha? A-ano kasi...Hindi ko rin ala—"
"Geoff, I think I am gay," ani Gianna sa kapatid bago muling umiyak.
"What the heck?!" Gulat na gulat ito at napahawak pa sa sariling dibdib.
Wala na ngang nagawa si Gianna kung hindi ang umiyak na lang. Dagdag pa ang kaalamang mukhang galit sa kanya si Arisia. Hindi sya matahimik. Gusto nya makausap ito at humingi ng sorry. Gusto nya magpaliwanag kaso natatakot sya na baka mapagtawanan sya o baka awayin pa sya.
Gabi na at madilim na sa labas pero alam nyang bukas pa ang shop nito sa baba. Gusto nya itong puntahan ngunit pinagungunahan sya ng takot.
Lumabas sya ng kwarto nang makaramdam sya ng uhaw. Nang makakuha ng strawberry juice, naupo sya sa silya sa dining area at doon parang baliw na ginulo na naman ang buhok. Tinungkod nya ang dalawang siko sa mesa at hinawakan ang sariling ulo.
Hindi sya mapalagay. May kung ano sa puso nya na nag-uudyok na puntahan si Arisia sa shop nito pero anong pwede nyang idahilan?
Halos maubos na nya ang juice nang biglang lapitan sya ni Geoffrey.
"Ate, aalis muna ako. Text na lang kita kapag pauwi na ako," anito at humalik pa sa pisngi nya.
"Okay. Ingat ka—wait, sabi mo itetext mo ako?" tanong nya rito, may nabubuong ideya sa isip.
"Yes?" Tila hindi pa sigurado si Geoffrey sa isasagot sa kanya.
Doon sya napangiti. "Thank you sa idea, my dear brother!"
Doon sumimangot ang kapatid nya. "Ate, naiirita ako sa 'brother' na `yan! Alis na nga ako!"
Natawa na lang sya at hinatid ito sa pinto. "Sorry na, sissy!" Binigyan nyang diin ang huling salita dahilan upang mapangiti ito bago tuluyang umalis.
Nang mailock ang pinto, dali-dali syang pumasok sa kwarto nila ni Candy at doon naabutang tulog na tulog ito. Nakaramdam sya ng lungkot dahil hindi nya makukuha ang number ni Arisia.
Lumabas sya ng kwarto at bumalik sa dining area upang ubusin ang huling lagok ng juice.
Hindi pa rin sya mapakali hanggang sa kwarto. Nakahiga na sya pero pabaling-baling lang sya sa kama. Nilingon nya si Candy na noon ay himbing pa rin ang tulog.
Tinanaw nya ang phone nitong nasa nightstand at kagat-labing tumayo at umikot palapit doon. Tiningnan nya ang kaibigan bago damputin ang phone. Halos tumalon ang dibdib nya nang makitang walang password iyon kaya dali-dali nyang hinanap ang pangalan at numero ni Arisia.
Pilit nyang pinigilan ang sarili nang makuha nyang magtagumpay sa simpleng kapilyahan.
Tip-toed syang lumabas ng kwarto at lumabas sa terrace at sinara ang sliding door. Malamig ang hangin dito pero hinayaan nya lang. Mas nangingibabaw ang pangka-excite nya na i-text si Arisia.
"Pero anong sasabihin ko?" tanong nya saka kinagat ang labi.
Mayamaya lang, nagsimula na syang magtype ng message para dito.
To: 0930*******
Hello! Thank you sa cookies kanina. Masarap sya.
Sent.
Halos lamunin sya ng kaba pagkaraang magsend iyon. Ilang sandali syang naghintay para sa reply nito.
Ngunit, mukhang walang balak itong gawin iyon dahil inabot na sya nang halos isang oras, wala pa rin itong reply. Alas-diyes na ng gabi. Naisip nyang baka busy iyon sa pagsasara ng shop kaya pumasok na lang sya sa loob at dumiretso sa kwarto.
Unti-unti na syang napipikit nang biglang tumunog ang phone nya. Dali-dali nyang tiningnan kung sino iyon.
From: 0930*******
You're welcome, Gianna.
Wala sa sariling napangiti at tila kinikiliti dahil halos malaglag na sya sa labis na kilig na nararamdaman.