Randall looked at the paper on his hand. Wala man tuwirang saad ngunit ramdam niya ang pagbabanta sa sulat na nasa papel.
Napalingon siya kay Fiona. Nakita niya nang maglakad ang dalaga patungo sa salaming bintana ng opisinang kinaroroonan nila. Doon ay nanungaw ito at nakatalikod sa kanila. Hindi niya man makita ang ekspresyon ng mukha nito ay ramdam niya naman ang pagkabahala nito dahil sa natanggap na mga bulaklak.
"Ako na ang bahala sa sulat na 'to," wika niya kay Chloe na ang tinutukoy ay ang note na nasa bouquet.
"Ito pong bulaklak?"
"Just throw them, as what your boss wanted," tugon niya dito.
Nang tumango si Chloe ay binigyan na niya ito ng daan upang makalabas ng opisina ni Fiona. Kinabig niya ang pinto pasara nang tuluyan itong makaalis. Then, slowly, Randall walked towards Fiona. Muli niya pang sinulyapan ang papel na nasa kanyang kamay nang magsalita siya.
"Do you have any idea who sent this?" usisa niya sa dalaga.
"I don't know," saad nito sa mahinang tinig habang nanatiling nakaharap sa bintana. "M-Maybe... Maybe just someone who has nothing to do. O baka namali lang ng napadalhan at dito sa kompanya---"
"At sa iyo nakapangalan?" putol niya sa mga sinasabi nito.
Alam niyang hindi tatanggapin sa kompanyang iyon ang mga bulaklak kung hindi nakapangalan sa dalaga. It was sent for her so their employees accepted the flowers. At walang sino man ang nangialam ng sulat na kasama ng mga bulaklak, dahilan para walang may alam kung ano ang nilalaman niyon.
Fiona abruptly faced him. "It must be some prank. I-I don't know."
Randall looked at her intently. "I was informed about what happened to your father. At alam ko na iyon ang rason kung bakit ka kinuhanan ng bodyguard ng kapatid mo," saad niya dito. "But I don't think those flowers and this note were connected to that."
"What are you trying to say?" naguguluhan nitong tanong sa kanya.
"Para sa iyo ang mga bulaklak," wika niya sabay hakbang pa palapit dito. He stopped just beside her table and put the note on it. At sa mahinang tinig ay idinagdag niya pa, "at maging ang mensahe ng sulat na ito. 'if I can't have you, no one should'," basa niya pang muli sa nakasulat sa papel.
"A-And who could have send that? Wala akong---"
Hindi na nito naituloy pa ang ano mang sasabihin nang sa wari niya ay may isang ideya din na pumasok sa isipan nito. Isang malalim na buntong-hininga pa ang kanyang narinig na pinakawalan ng dalaga bago muling nagsalita.
"Si Marvin kaya?" she asked, more to herself than to him.
"Sinong Marvin?" usisa niya sa magkadikit na mga kilay.
"Ang lalaking kausap ko sa may bar," imporma nito.
Hindi niya mapigilan ang pagtaas ng isa niyang kilay. He remembered that. Ang Marvin na tinutukoy nito ay ang lalaking kausap nito sa labas ng bar kung saan narinig niya pa ang naging pag-uusap ng dalawa.
Tinanggihan ni Fiona ang panliligaw nito at hindi maiwasan ni Marvin na banggitin ang tungkol sa pagbigay nito ng ilang proyekto bilang modelo sa dalaga. Rinig na rinig niya ang tungkol doon nang gabing iyon.
Aaminin niyang hindi niya rin naman nagustuhan ang panunumbat ng Marvin na iyon kay Fiona, ngunit hindi niya rin maiwasang mainis dahil sa kaisipan na ginawa rin itong tungtungan ni Fiona para makapagsimula sa mundo ng pagiging modelo at endorser.
"Sa tingin mo ay sa kanya galing ang mga bulaklak na ito," tanong niya pa dito.
"M-Maybe," she said while walking towards her swivel chair. Doon ay naupo ito bago siya muling hinarap. "Siya lang ang latest kong binasted, Mr. Mondejar."
His eyebrow arched once again because of what she said. He was even sure that amusement suddenly registered on his face as he heard her words.
"Latest? Ilang lalaki na ba ang pinaiyak mo?"
Isang irap ang iginawad nito sa kanya sa halip na sumagot pa.
"Anyway, hindi tayo sigurado kung si Marvin nga ang nagpadala nito sa iyo," saad niya sa seryoso na ulit na tinig. "Hindi rin naman maaaring basta lang tayo magbintang. But I will try to investigate about this. Ang sulat na ito ay maituturing nang isang pagbabanta. And as your bodyguard, hindi ko gustong ipagsawalang-bahala lang ito."
*****
FIONA heaved out a deep sigh. Tama si Randall. Kinuhanan siya ng kanyang kapatid ng personal na bodyguard dahil sa pangamba nito sa nangyari sa kanilang ama. But just like Randall, she was also sure that the note together with the flowers has nothing to do with what happened to their father.
That was meant for her. At hindi niya man gustong magbintang ngunit hindi niya maiwasang isipin na si Marvin ang nagpadala sa kanya niyon.
Marvin has been her suitor for months. Sa panahong iyon ay naging masigasig ito para nakuha ang oo niya. Nakasama niya na rin itong lumabas, sa paanyaya na rin nito. Maging sa ilang pictorial at fashion show ay nakasama na niya ang binata.
Ngunit sa kabila nga ng paglalaan nito ng oras para sa kanya ay hindi niya makapa sa kanyang sarili na tugunin ang panliligaw nito. And so, she talked to him about it. Alam niya na hindi nito iyon matanggap kaya nga muli siya nitong kinausap sa may bar.
Mula noon ay hindi niya pa muling nakikita si Marvin. Kahit tawag o mensahe ay wala pa siyang natatanggap mula dito. At hindi niya pa maiwasang maiugnay ang binata sa mga bulaklak at sulat na dumating sa kanyang opisina nang araw na iyon.
Tama si Randall na hindi sila maaaring basta na lamang mangbintang kung kanino galing ang mga naturang bulaklak. Ngunit, sa isip ni Fiona ay wala siyang ibang matukoy kung sino ang magpapadala niyon sa kanya.
Marvin was the latest man that she rejected. Ang iba kasing mga nagpapalipad-hangin sa kanya ay agad na ring tumitigil sa tuwing pranka niyang sinasabi na hindi niya pa nais na pumasok sa isang relasyon. Tanging si Marvin lamang ang naging matiyaga na nagpursige sa panliligaw sa kanya.
Ipinaubaya na niya kay Randall ang tungkol sa bagay na iyon. Itinabi nito ang note na nakuha nila sa bulaklak at lumabas ito ng kanyang opisina habang may tinatawagan pa sa cell phone nito.
Si Fiona naman ay itinuon na ang kanyang pansin sa mga trabahong naghihintay sa kanya. Tumuloy siya sa meeting na kailangan niyang daluhan para sa araw na iyon.
Pagkagaling naman sa conference room ng kanilang kompanya ay muli na siyang pumasok sa kanilang opisina at doon ay pumirma ng ilang dokumento.
Sa paglabas niya ng conference room ay nakita niya pa si Randall na nakabantay lamang sa may pasilyo. Muli itong pumuwesto sa may settee nang naging abala na siya ulit sa loob ng opisina.
Bandang alas-sais ng gabi nang nagpasya siyang umuwi na. She was glad to know that she has finished the important things that she has to do. Sa makalawa kasi ay magsisimula na siyang maging abala para sa isang proyektong nakakontrata sa kanya bilang isang product endorser.
She will be endorsing one of the famous energy drinks in the country. Kasama niya sa commercial na gagawin ang isang lalaking modelo. Uumpisahan ang pagkuha ng commercial sa susunod na araw.
Sa katapusan naman sa susunod na buwan ay isang fashion show ang kanyang dadaluhan. She will be very busy when the rehearsal starts so she made sure that everything will be fine at OMC. Idagdag pa sa mga pagkakaabalahan niya ang tungkol sa anibersaryo ng kanilang foundation.
Paglabas niya sa kanyang opisina ay naroon na si Randall at waring hindi naman naiinip na naghihintay sa kanya. Nang makita siya nito ay agad itong napatayo nang tuwid at nahinto sa pakikipag-usap kay Chloe.
Hindi niya pa maiwasang mapataas ang kilay nang maabutan ang mga itong magkausap. Kung hindi niya lang alam na may nobyo si Chloe ay iisipin niyang nagpapapansin ito sa kanyang bodyguard. But Chloe's action was far from that. Fiona knew very well that Chloe was just trying to be friendly with her bodyguard.
At kung bakit siya naiinis sa kaisipan na ganoon si Randall sa iba samantalang sa kanya'y hindi ay hindi maunawaan ni Fiona. Kapag siya kasi ang kaharap ng binata ay lagi nang antipatiko ito kung magsalita.
Well, ano nga ba ang pakialam niya? He was her bodyguard. Kapag dumating na ang kanyang pamilya mula sa ibang bansa ay matatapos na rin naman ang trabaho nito sa kanya. Hindi na niya kailangan pa na makipagkaibigan dito.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ni Randall sa kanya.
"Yes," aniya sa pormal na tinig bago binalingan si Chloe. "You can also go, Chloe. Wala nang kailangan gawin."
"Yes, ma'am," tugon nito na sadyang kinuha na ang shoulder bag at isinukbit sa balikat nito. Napansin niyang nakaligpit na ang mga gamit nito at handa na ngang umalis. Hindi niya pa alam kung sadyang hinihintay nitong umalis siya bago umuwi na rin. O talagang naroon pa ito para makipag-usap pa sa kanyang bodyguard?
Walang salitang nagpatiuna na siya sa paglalakad. Ramdam niya sa kanyang likuran ang pagsunod na ng dalawa.
Sabay-sabay na silang sumakay sa elevator at pagkarating sa ibaba ay magalang nang nagpaalam sa kanya si Chloe. Bago pa ito tuluyang magpara ng taxi sa harap ng OMC ay nagpaalam din ito kay Randall, na sinagot naman ng binata ng isang ngiti. She even heard him said 'ingat' to Chloe.
Nang sila na lang ni Randall ang nasa may entrada ng kanilang kompanya ay hindi niya pa mapigilan na isatinig ang nasa isipan niya.
"May nobyo na iyan si Chloe, Mr. Mondejar. Just in case you don't know," saad niya dito.
Marahas na napalingon sa kanya si Randall nang marinig ang mga sinabi niya. "And why are you telling me that?"
"Because you are seem to be---"
Hindi niya natapos ang pagsasalita nang marinig ang marahan nitong pagtawa. Amusement was still on his face when he talked. "Hindi ko alam na masyado ka palang malisyoso, Fiona."
She swallowed hard. Gusto niya pang mahiya dahil sa mga sinabi nito.
Karaniwan ay hindi naman siya ganoon. Hindi niya pinapakialam ang ano mang ginagawa ng ibang tao. And she can't understand why when it comes to Randall, things seemed to be different.
Siguro dahil sa kaibuturan niya ay talagang nakadarama siya ng disgusto para sa binata. Sa unang paghaharap pa lang nila sa may bar ay antipatiko na ang dating sa kanya ni Randall. And that impression stayed even up to now.
Hinamig niya ang kanyang sarili at itinuon na ang mga mata sa may parking lot. Naglakad pa siya ng ilang hakbang palayo sa binata bago iniba na ang kanilang paksa.
"Get your car now. I wanna go home," utos niya na dito sa seryosong tinig.
Hindi na niya nais pang maglakad patungo sa may parking lot. Gusto niya na lang hintayin itong kunin ang sasakyan at dalhin iyon sa may entrada ng gusali.
Napapailing na lamang si Randall nang marinig ang utos niya. She was so sure that he didn't like the tone that she used. And she didn't care at all. Naiirita siya sa hindi niya malamang dahilan.
Humakbang na si Randall patungo sa may parking lot. Nakatawid na ito sa covered driveway sa harap ng kanilang kompanya upang kunin na ang sasakyan nitong ginamit nila sa pagpunta roon.
Si Fiona ay naglakad na rin palapit sa may gilid ng daan upang hintayin na lamang ang binata.
Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ni Randall nang mapalingon na itong muli sa kanya. Malakas na harurot ng isang motorsiklo ang nangpangyari para tumingin ulit ito sa kanya ang binata. Galing ang naturang sasakyan sa kabilang panig ng driveway at palabas sa highway sa harap ng OMC.
And for some reasons, Fiona can't understand why the motorcycle seemed to be going to her direction. Malawak naman ang driveway ngunit may pakiramdam siyang tutumbukin siya nito sa gilid ng daan.
Dahil sa sindak ay hindi siya agad nakakilos sa kanyang kinatatayuan. Wari siyang ipinako roon at nakatitig na lamang sa motorsiklo.
Hanggang sa ilang distansiya na lamang ang layo niyon sa kanya nang bigla ay may malaking kamay na marahas na humablot sa kanyang kanang braso. It was Randall who instantly went back to her when he saw what was about to happen.
Hinatak siya nito palayo at dahil sa nabigla si Fiona sa bilis ng mga pangyayari ay agad siyang nawalan ng balanse. Ang kanyang takong ay sumabit sa gutter ng daan dahilan para akma siyang matutumba.
But Randall moved like a lightning. Agad na dumako ang kamay nito sa kanyang baywang at doon ay pumaikot upang alalayan siyang huwag matumba. Ang isang kamay naman nito ay nakahawak pa rin sa kanyang braso.
Tuluyan nang nakalayo ang motorsiklo at tinahak na ang daan patungo sa may pinakakalsada.
Shocked, Fiona was still catching her breath. Tumingala siya sa lalaking may hawak sa kanya at nakita itong nakasunod pa ng tanaw sa dinaanan ng motorsiklo. Magkadikit pa ang mga kilay nito habang nakatingin roon.
Until Randall lowered his head to look at her. Dahil sa hawak pa rin siya nito ay mistula silang magkayakap sa kanilang posisyon.
And Fiona almost held her breath as she met his eyes. His face was only inches away from hers. And she can't even understand why she suddenly felt uneasy because of his closeness--- his body almost touching hers.