bc

For The Love Of Fiona

book_age16+
978
FOLLOW
5.0K
READ
possessive
opposites attract
arrogant
dominant
dare to love and hate
twisted
bxg
office/work place
enimies to lovers
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Tutol si Fiona sa ideya na magkaroon siya ng personal bodyguard. Hindi niya nais na may isang taong bubuntot sa kanya saan man siya magpunta.

But she has no choice. Dahil sa problema sa kanilang pamilya ay napilitan siyang sang-ayunan ang nais ng kanyang nakatatandang kapatid na si Lucas.

She met Randall Mondejar, her bodyguard--- ang lalaking una pa lang ay masamang babae na ang tingin sa kanya.

Paano niya matatagalan na makasama ang lalaking wala na yatang ginawa sa araw-araw kundi ang pakuluin ang dugo niya? Paano niya pakikisamahan ang binatang sa kabila ng magaspang na pakikitungo sa kanya ay may binubuhay na isang banyagang damdamin sa kanyang dibdib--- damdamin na tanging dito niya lamang nadarama.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Marahang iminamaneho ni Fiona ang kanyang sariling sasakyan sa kahabaan ng kalsada. Alas-siyete na ng gabi at balot na ng dilim ang buong paligid. Iisang lugar ang tiyak niyang tinatahak. Papunta siya sa isang mamahaling bar sa may Makati City upang katagpuin ang kanyang mga kaibigan. Matagal nang nag-aaya ang mga ito upang magkita-kita sila ngunit ngayon lamang nagpaunlak si Fiona. Their family was facing a problem right now. Ang kanyang ama ay kinailangan dalhin sa ibang bansa ng kanyang ina at nakatatandang kapatid na si Lucas upang doon ay maipagamot. Jake, her father, met an accident six months ago. Everyone thought he was dead. But her family, especially her mother, still believed that Jake was still alive. Hindi kasi natagpuan ang katawan nito sa pinangyarihan ng aksidente. Hindi sila nagkamali. Napag-alamanan nila na sadyang inilayo sa kanila ang kanyang ama at naging madaling gawin iyon ng mga taong nandukot dito dahil sa ang kanyang ama ay nakaranas ng amnesia matapos bumulusok ang sasakyan nito sa hindi kalaliman na bangin. At ngayon na natagpuan na nilang muli ang kanyang ama ay kinailangan itong dalhin ng kanyang inang si Francheska sa ibang bansa upang doon ay masusing matingnan ng mga eksperto. Her elder brother, Lucas, was with their mom. Dapat ay isinasama talaga siya ng mga ito, lalo pa at hindi nais ng kanyang pamilya na mag-isa lamang siya dito sa bansa. But she refused to do so. Maliban kasi sa ilang nakabinbin na proyekto bilang isang modelo at product endorser ay idinahilan niya rin ang kompanya na pag-aari ng kanilang pamilya. Fiona was working as a model. Ilang kompanya na rin ang kumuha sa kanya upang maging endorser ng produkto ng mga ito. She was successful on the craft that she chose to have. Labis na atensyon ang nakukuha niya dahil sa trabahong mayroon siya ngayon, idagdag pa ang pagiging kabilang sa angkan ng mga Olvidares kung saan kilala sila bilang nagmamay-ari ng isa sa mga naglalakihang pharmaceutical companies sa bansa. At dahil nga sa naging abala siya sa kompanya at trabaho niya bilang isang modelo ay lagi niyang tinatanggihan ang alok ng mga kaibigan niya na lumabas sila. Ngayon lang nagpaunlak si Fiona, bagay na nahirapan pa siyang ipagpaalam sa kanyang Kuya Lucas. Nasa ibang bansa nga ito kasama ang kanilang mga magulang ngunit lahat ng pinupuntahan niya ay hiniling nitong ipaalam niya muna. She can't blame him. Natatakot ang kanyang nakatatandang kapatid na may mangyaring masama sa kanya katulad sa sinapit ng kanilang ama. She heaved out a deep sigh. Inapakan na niya ang accelerator ng kanyang sasakyan upang mapabilis ang kanyang pagmamaneho. As she did it, a motorcycle suddenly appeared from her left side. Bahagya niyang binagalan ang pagmamaneho at balak na lamang sana na paunahin ang naturang motorsiklo. Wala siyang plano na makipaggitgitan dito sa kalsada. Ngunit ang hinihintay na pag-over take nito ay hindi nangyari. Bagkus ay mas pinili ng nagmamaneho niyon na manatili sa likuran ng kanyang sasakyan. Nagdikit ang kanyang mga kilay ngunit sa halip na pagtuunan na iyon ng pansin ay mas binalingan na niya ang pagmamaneho. She drove faster. Nang muli niyang binilisan ang pagmamaneho ay waring bumilis din ang motor na nasa likuran niya. Mistula pa ay intensiyon lamang nito na sabayan siya. "What is wrong with this man?" aniya sa kanyang sarili habang pilit na inaaninag ang motorsiklo mula sa kanyang side mirror. Hindi niya rin naman makita ang mukha ng lalaki dahil sa suot nitong helmet. Nakasuot din ito ng itim na jacket. Dahil sa nangyari sa kanilang ama, hindi maiwasang lukuban ng pangamba ni Fiona pagkakita sa motorsiklo. She may be paranoid pero hindi niya maiwasang mag-isip nang masama. Mas pinabilis niya pa ang pagmamaneho upang makalagay ng distansiya sa motorsiklo. Ipinagpapasalamat na lamang niya na ilang metro na lamang mula sa bar na pupuntahan niya. Ilang saglit pa ay nakarating din siya sa tagpuan nilang magkakaibigan. Sa loob ay naabutan na niya sina Trisha, Julia at Samuel. Ang tatlo ay labis na malapit sa kanya. Kolehiyo pa lang sila nang makilala niya ang mga ito. "You are late," agad na puna sa kanya ni Trisha. Naupo siya sa tabi nito habang sina Julia at Samuel ay magkatabi naman sa kanilang harapan. Hindi niya sinagot agad ang mga sinabi ni Trisha at sa halip ay napayuko na lamang sa mesang nasa kanilang gitna. Naroon na ang ilang bote ng alak na ang iba ay sadyang wala nang laman. May mga pagkain din na hindi na niya pinansin pa. "Kanina pa kami narito, Fiona. What took you so long?" wika naman ni Julia sa kanya. "Well, traffic," dahilan niya na lang kasabay ng pagkibit ng kanyang mga balikat. Iyon ang mas nakikita niyang katanggap-tanggap na dahilan. But the truth was, she was talking to her brother a while ago. Ipinaalam niya nga dito ang paglabas niyang iyon. "Have you eaten?" narinig naman niyang usisa ni Samuel. Nang lumingon siya sa binata ay mataman itong nakatitig sa kanya. Samuel was courting Julia. Iyon ang dahilan kung bakit sa bawat lakad nila ay lagi itong kasama. Hindi niya pa alam kung opisyal na bang magkasintahan ang mga ito. Wala pang sinasabi sa kanila si Julia. She just smiled at him. "Tapos na." Sukat sa mga sinabi niya ay agad siyang inabutan ni Trisha ng isang inumin na agad naman niyang tinanggap. She sipped from her drinks as she also roamed her eyes around. Maraming tao sa loob ng bar. Umuulan ng alak sa bawat mesa ng mga ito. Humahalo din ang kwentuhan ng lahat sa malakas na tugtugin na nagmumula sa mismong bar. May ilan pang tao na umiindak na sa gitna ng bulwagan. Ang iba ay halatang may epekto na ng alak sa katawan. The night went on. Maging silang magkakaibigan ay nabalot na ng masayang kwentuhan. Makailang beses na rin na may naghatid ng alak sa kanilang pwesto at sa panig ni Fiona ay nararamdaman na niya ang epekto ng alak sa kanya. Hanggang sa mayamaya ay natigilan na lamang siya nang mapuna ang pagdating ng isang lalaki--- si Marvin. Marvin Romero is her suitor. Matagal na itong nanliligaw sa kanya ngunit sa kabila ng mga pinapakita nito ay hindi niya magawang tugunin ang damdamin ng binata. He owns the Romero Apparel Company. Minsan na rin siyang naging endorser ng nasabing kompanya na mismong si Marvin pa ang nag-alok ng proyekto sa kanya. In fact, that was her first ever project as an endorser. Nakilala niya ito sa isang pagdiriwang na dinaluhan niya at una pa lang ay kita na niya ang interes nito sa kanya. Inalok siya nitong maging endorser ng brand ng damit ng kompanya nito. She accepted it. Ngunit ang proyektong iyon ay hindi na nasundan pa. After he gave her a project, Fiona became busy with other matters. May ilang produkto pa ang kumuha sa kanya para iendorso. Idagdag pa na iyon din ang panahon na nawala at naaksidente ang kanyang amang si Jake. Iyon din ang rason kung bakit bihira niya nang makita ang binata. Kunot ang noong napatingala siya dito. Nagtataka pa siya kung bakit naroon ito. Alam ba nito na naroon silang magkakaibigan? "I called and invited him, too, Fiona," narinig niyang wika ni Trisha na ngayon ay umusog na upang bigyan ng mauupuan si Marvin. "Nagtanong kasi siya noon sa akin kung kailan tayo makakalabas nang magkakasama. So, I invited him a while ago." He sat beside her. Hindi na rin naman siya nakapagbigay pa ng ano mang komento. Kung tutuusin ay walang kaso sa kanya kung naroon man ang binata. Kung iisipin pa nga ay isa na itong ideal boyfriend--- responsable at nagmamay-ari ng isang kompanya, galing sa maayos na pamilya at kung sa hitsura lang din ay magandang lalaki ito. Ngunit isang bagay ang nagbibigay sa kanya ng rason kung bakit hindi niya ito magawang sagutin. He was so possessive. Dama niya iyon ngayon kahit manliligaw pa lamang niya ito. Paano pa kaya kapag naging kasintahan na niya ang binata? "How are you?" Marvin asked her. Naging abala na rin ang mga kaibigan niya sa pag-uusap. Hawak na rin ni Marvin ang isang kopitang iniabot dito ni Julia. "I am fine," tipid niyang tugon dito. "Can we talk privately, Fiona?" tanong pa nito sa kanya. Kinailangan pa nitong ilapit ang mukha sa kanya upang marinig niya ang mga sinabi nito. The sound of the music inside the bar was so loud that he needed to speak near her ear so she could hear him. Iyon na rin ang rason kung bakit pumayag siya na saglit na lumabas upang makipag-usap dito. Naiilang siya sa paglapit ng binata. Matapos magpaalam muna sa mga kaibigan niya ay tumayo na siya kasunod si Marvin. Nakita niya pa ang pagsunod ng tingin sa kanila ni Samuel. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang pagdikit ng mga kilay nito. Pagkarating sa labas ay agad siyang hinarap ni Marvin. "Nakausap din kita sa wakas. Alam ko na iniiwasan mo ako. Tama ba ako, Fiona?" "I have been busy, Marvin. At alam mo rin ang nangyari kay papa, hindi ba? Kinailangan siyang dalhin sa ibang bansa para masusing mapagamot." "Yeah, I heard about it. But do you really need to decline all my calls? Kung hindi pa sa pag-imbita ng kaibigan mo ngayon ay hindi kita makakausap." "What do we need to talk about?" saad niya dito. Marvin heaved out a deep sigh. "About us, Fiona." Hindi niya rin mapigilang mapabuntong-hininga. Sa tuwinang kasama niya si Marvin ay laging iyon ang sinasabi nito sa kanya. Lagi nitong iginigiit ang panliligaw nito. "We talked about it already, Marvin. Hindi ko---" "Hindi mo ba talaga makapa sa sarili mo na gustuhin ako, Fiona?" maagap na putol ni Marvin sa mga sasabihin niya pa. "You are a great person, Marvin. But I would lie if I'd say that I like you, too." Nakita niya ang pagseryoso ng mukha nito at ang sunod-sunod na paglunok. "I did everything for you, Fiona. Romero Apparel even became your stepping stone in modelling. Alam mo iyan, Fiona." Agad na napatayo nang tuwid si Fiona nang marinig niya ang mga sinabi nito. "So, you were telling me that I used you to be where I am right now? Marvin, you know that I worked hard for it. Besides, I am an---" "Olvidares," dugtong nito sa mga sasabihin niya. "I know. Being an Olvidares gave you a lot of privileges." "Isinusumbat mo ba sa akin ang proyektong ibinigay mo, Marvin? I worked hard for that." "Don't get me wrong, Fiona. Gusto ko lang ipunto na handa akong gawin ang lahat para sa iyo kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo magawang sagutin ang panliligaw ko." "Nasabi ko na sa iyo, Marvin, ang gusto kong sabihin. If you feel I just used you as a stepping stone in modelling, it is up to you. Alam ko sa sarili ko na hindi," saad niya dito sa seryosong tinig. "Excuse me." Humakbang na siya pabalik sa loob ng bar. Balak na lamang niyang magpaalam sa kanyang mga kaibigan upang umuwi na rin. Dahil sa naging takbo ng pag-uusap nila ng binata ay nawalan na siya ng gana na manatili pa roon. Idagdag pa na malalim na rin ang gabi at hindi na niya nais pang uminom. Hindi na naghabol pa si Marvin. Ramdam niya pa ang pagsunod nito ng tingin hanggang sa mayamaya ay mas pinili na rin nitong umalis. Alam niya na ilang araw pa ay makikipag-usap ulit ito sa kanya. Hindi niya maiwasang mainis dito. Iniisip ba nito na nakilala siya sa mundo ng pagmomodelo dahil sa exposure na nakuha niya nang iendorso niya ang produkto ng mga ito? He was right. She is an Olvidares at kilala ang pamilya nila. Hindi niya gustong magbuhat ng sariling bangko ngunit katunayan, kolehiyo pa lang siya ay nakatatanggap na siya ng alok mula sa iba't ibang kompanya. She declined all of them because she wanted to just focus on her studies. Tuloy-tuloy na siyang naglakad papasok ng establisimiyento. Dahil sa inis na nadarama niya sanhi ng pag-uusap nila ni Marvin ay hindi na napansin pa ni Fiona ang lalaking nakatayo ilang hakbang lamang mula sa may entrada ng bar. Lumilipad ang isipan niya tungkol kay Marvin kaya't hindi na niya naiwasan pa ang lalaki. Nabunggo niya ito at kung hindi pa ito naging maagap ay baka tuluyan siyang bumagsak. Agad na pumaikot ang isang kamay ng lalaki sa kanyang baywang upang alalayan siyang huwag matumba. Maagap din siyang napahawak sa t-shirt na suot nito upang kumuha ng balanse. "Easy, miss," saad ng baritonong tinig. Mabilis na bumitaw si Fiona. Humakbang pa siya paatras dahilan para mabitawan siya ng estranghero. Nang mahamig ang kanyang sarili ay napatingala siya sa lalaki. Mula sa malamlam na ilaw mula sa may entrada ng establisimiyento ay naaninag niya ang mukha nito. The man has a strong jawline that gave him a dangerous look. Nang magtama ang kanilang mga paningin ay naaninag niya rin ang maiitim nitong mata na mataman na nakatunghay sa kanya. Those eyes were paired with dark eyebrows as well that added to his manly look. "Are you done assessing me?" mayamaya ay saad ng lalaki dahilan para maputol ang mga mata niya sa paglakbay sa kabuuan ng mukha nito. "Excuse me?" aniya sabay tayo nang tuwid. "I pity the man. After giving you an opportunity, you would just drop him like that? You just used him?" Agad na nagpantig ang kanyang mga tainga dahil sa tinuran nito. Ibinuka niya ang kanyang bibig upang sana ay magwika. Ngunit bago pa man may lumabas na salita mula sa kanya ay naunahan na siya ng lalaki. "Nakatayo ako kanina roon," turo nito sa bahaging hindi nalalayo sa parte kung saan nag-usap sila ni Marvin. "I heard your conversation---" "Don't you know that it was disrespectful to eavesdrop?" Nagkibit-balikat lamang ito at waring balewala ang inis na rumihestro sa kanyang mukha. Hindi ba nito alam na hindi dapat nakikinig sa usapan ng iba? "Hindi tayo magkakilala at wala kang alam sa nangyari kaya wala kang karapatan magsalita sa akin nang ganyan," naiirita niyang sabi dito. The man smirked at her. "I just. . ." Saglit nitong ibinitin ang pagsasalita habang tinitigan nang mataman ang kanyang mukha. "You are just like someone I knew." "What?" Ang huling pangungusap na binitawan nito ay halos pabulong lamang. Halos maulanigan na lamang niya iyon. Instead of answering her, the man stood up straight. Hindi na nawala sa mukha nito ang nang-uuyam na ekspresyon. Kung para sa kanya iyon ay hindi niya alam. Bakit nga ba iniisip niya ang sasabihin nito? Why would she even care? Alam niya sa sarili niya na hindi niya ginamit ang proyektong binigay ni Marvin upang makilala bilang isang modelo. Kolehiyo pa lamang siya ay nakatatanggap na siya ng ilang alok para mag-endorso ng iba't ibang produkto. She was just busy with her studies to accept the offers. Hindi na niya nais magpaapekto sa mga sinabi ni Marvin, maging ng estrangherong nasa harapan niya ngayon. Hindi na ito muli pang nagsalita. Humakbang na ang lalaki patungo sa may parking lot. Kung ano man ang iniisip nito tungkol sa narinig na usapan nila ni Marvin ay wala na siyang pakialam pa. Mas kilala niya ang kanyang sarili. Isa pa, hindi na niya gusto pang isipin ang estranghero. Sigurado naman siya na hindi na sila muli pang magkikita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook