Mabilis na tumalikod si Fiona at naglakad na pabalik sa loob ng silid nito. Kahit hindi na niya tanaw ang dalaga ay hindi pa rin maalis ni Randall ang kanyang paningin sa may teresa sa silid nito.
Nasa bahay nga siya ng mga Olvidares at mula sa araw na iyon ay doon na muna manunuluyan. Iyon ang naging usapan nila ni Lucas Olvidares. Iyon din ang instruction sa kanya ng boss niya na si Ronniel Certeza, ang may-ari ng security company na kanyang pinagtatrabahuan.
Dahil nga sa alam na ni Fiona ang tungkol sa pagkakaroon ng bodyguard nito ay hindi na niya kailangan pang patago itong sundan saan man ito magpunta. Ayon kay Lucas ay maaari siyang tumuloy sa bahay ng mga ito upang mabantayan niya pa rin ang kapatid nito kahit pa gabi na.
At ito ang unang gabi niya sa bahay ng mga Olvidares. Hindi siya dalawin ng antok. Malaki ang bahay ng mga ito at maganda ang guest room na ibinigay sa kanya. Anyone would really appreciate the room.
Pero sa kung ano man kadahilanan ay hindi siya makatulog. Marahil ay namamahay siya.
That was why he decided to go out first. Gusto niya munang magpahangin at magpaantok kaya naman lumabas muna siya at nagtungo sa may swimming pool ng naturang bahay.
Alam niyang katapat niyon ang silid ni Fiona. Hindi niya inaasahan na gising pa ito at makikita niya sa may teresa. Ang buong akala niya ay kasalukuyan nang tulog ang dalaga.
Yes, hindi siya makatulog ngunit may pakiramdam siyang mas hindi siya dadalawin ng antok ngayon. Why, the woman was bewitching a while ago!
Gabi at bahagya mang madilim sa kinatatayuan nito kanina ay kitang-kita niya pa rin ito. Her hair looked dishevelled and the night air was playing with them. At sa gitna ng mga siwang-siwang na bakal na siyang harang sa teresa nito ay tanaw niya ang suot ng dalaga.
She was just wearing a night dress that emphasized her slim and gorgeous body. Halos nakayakap na ang manipis na telang iyon sa katawan nito. At ang haba ay ni hindi man lang lumampas sa mga tuhod ni Fiona!
"s**t!" he hissed on his breath.
Unang kita niya pa lang sa dalaga ay pansin na niya ang gandang taglay nito. Hindi na siya magtataka kung marami mang lalaking nanliligaw kay Fiona. Tulad na lamang sa binatang kausap nito sa bar. Halata sa lalaki ang labis na pagkagusto sa bunso ng mga Olvidares.
Maging si Mr. Vergara nga ay inakala niyang manliligaw nito. Kung hindi pa sinabi ni Fiona na nanliligaw ang binata sa isa nitong kaibigan ay aakalain niya talagang may gusto rin ito kay Fiona. Iba rin kasi kung makatitig si Mr. Vergara sa dalagang Olvidares.
Now, he can't blame the men drooling over Fiona. The woman was oozing with s*x appeal. Any man who would see her would think of jumping on bed with her.
At siya ba ay ganoon din? He murmured a foul oath again.
Paano siyang napunta sa ganitong trabaho? Napakalayo niyon sa mga naunang assignments na naibigay sa kanya.
Noon, ilang araw pa lang sa kanya ang kliyente ay nasasabak na siya sa engkwentro. Habang itong trabaho niya ngayon ay ilang araw na sa kanya at wala siyang ibang ginawa kundi ang sundan lamang si Fiona saan man ito magpunta.
Would it be a boring job for him? Oh well, he doubted it. Bangayan pa lang nila ni Fiona ay nakabubuhay na ng dugo niya.
*****
NANG SUMUNOD na araw ay nakagayak na si Fiona para pumasok ulit sa OMC. Alas-siyete pasado pa lang ng umaga ngunit palabas na siya ng kanyang silid. Dahil nga sa magiging abala siya sa mga susunod na araw ay gusto niyang tapusin agad ang ilang mahahalagang trabaho sa kanilang kompanya.
May dadaluhan siyang meeting para sa araw na iyon. Ang ibang oras naman niya ay nakalaan para sa pagpirma ng ilang importanteng dokumento.
Tuloy-tuloy na siyang bumaba at agad na hinanap ng kanyang mga mata ang bodyguard niya. Hindi nila napag-usapan kagabi kung anong oras ang alis niya sa araw na iyon. At kung hindi pa man ito handa sa pag-alis ay bahala ito. She can drive anyway.
Tinapunan niya lang ng tingin ang direksyon ng guestroom na inokupa nito saka nagtuloy na sa may komedor. Alam niyang naroon si Manang Ligaya, ang isa sa mga pinagkakatiwalaan sa bahay nila at siyang nag-asikaso sa kanila ng kanyang Kuya Lucas mula nang bata pa lang sila.
Ayon sa kanyang ina ay nasa kinder na raw ang kapatid niya nang mamasukan ito sa kanila at naging tagapagbantay nila. Hindi lang ito basta kasambahay sa kanila. Actually, Ligaya also finished her studies. Graduate ito ng Education ngunit dahil sa laki ng pasahud ng kanyang mga magulang ay mas pinili nitong magtrabaho sa kanila. Hindi lang kasi pagbabantay sa kanila ang gawain nito. She also became their tutor when she and Lucas were younger. At sa paglipas ng mga taon ay ito na ang naging tagapamahala ng mga kasambahay at mga gawain sa bahay nila.
At nakaugalian na ni Fiona na laging magpaalam sa kanyang mga magulang kapag aalis siya. Now that they were not around, she would still do it... but to Manang Ligaya.
Dire-diretso na siyang naglakad sa may dining area at handa nang hanapin ang kanyang pakay nang bigla na lang ay matigilan siya sa paglalakad.
Sa may entrada pa lang ng komedor ay nabungaran niya na si Manang Ligaya kasama ang isa pa nilang kasambahay. Hindi lang ang mga ito ang naroon sapagkat naabutan niya pa ang dalawa na masayang nakikipag-usap sa kanyang bodyguard--- kay Randall!
Buong akala pa man din niya ay nasa silid pa nito ang binata at hindi pa handa sa pag-alis. Pero hayun na ito at bihis na bihis na rin tulad niya. Nasa harap ito ng mesa kasama nina Manang Ligaya at waring pinag-uusapan pa ang mga nakahain roon.
Sabay-sabay na napabaling sa kanya ang mga ito nang mapansin ang pagdating niya. Hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang ngiti sa mga labi ng matanda.
Manang Ligaya may be their nanny before, pero waring kapamilya na rin naman ang turing nila dito. At ang makita itong nakikipagkwentuhan sa lalaking bagong kakilala pa lang nito ay bago sa kanya. Ni hindi ito ganoon kay Marvin sa ilang beses na rin na pagpunta roon ng binata dahil nga sa nanliligaw sa kanya.
Pero kay Randall... para bang matagal na nitong kakilala ang bodyguard niya.
"Nakabihis ka na pala, hija," saad sa kanya ni Ligaya. Inayos na nito ang isang bandehadong dala-dala nito saka siya inaya nang maupo. "Mag-almusal ka muna bago umalis."
"Hindi na, manang. I am going. Sa OMC na lang ho siguro," tugon niya dito sabay sulyap kay Randall. "I can see that you are ready. Let us go."
"No, Fiona," mariin nitong saad sa kanya. "Tama si Manang Ligaya. Mag-almusal ka muna bago umalis."
Hindi niya maiwasang pagtaasan ito ng kilay. Here he goes again. Lahat na lang ay pautos nitong sinasabi sa kanya. Hindi ba't dapat siya ang masunod sa kanilang dalawa dahil siya ang kliyente nito?
"Sa kompanya na lang, Mr. Mondejar. Kailangan ako sa kompanya nang maaga at---"
"Nakausap ko si Chloe," tukoy nito sa acting secretary ng kanyang Kuya Lucas. Sa ngayon kasi ay wala pang bagong sekretarya ang kanyang kapatid dahil sa biglang pag-resign ni Janel, ang talagang sekretarya nito. "Alas-nueve ang unang meeting na dadaluhan mo ngayon, Fiona. Now, sit and have your breakfast. Sayang ang paghanda nina Manang Ligaya nito kung hindi papansinin."
Sa haba ng mga sinabi nito ay hindi niya alam kung alin ang nakapagpatahimik sa kanya. Marahil ay ang kaalaman na inalam nito kay Chloe ang schedule niya. Hindi niya pa akalain na may komunikasyon ito sa sekretarya nila. Kailan pa?
Or maybe the tone that he used. Pautos ulit iyon at wari bang hindi ito tatanggap ng hindi bilang sagot. Bagay iyon na muli na namang nakapagpainis sa kanya.
O marahil ay ang pagtawag nito sa kanya sa una niyang pangalan. Hindi ba't Miss Olvidares ang tawag nito sa kanya. Paanong Fiona na lang ngayon? Not that she mind at all. Wala namang problema ano man ang itawag nito sa kanya?
Hindi niya lang mapigilan ang paggusot ng kanyang noo. Bakit waring iba sa pandinig niya ang pagbigkas nito sa pangalan niya?
Agad niyang ipiniling ang kanyang ulo para iwaksi iyon sa kanyang isipan. Tumayo siya nang tuwid at mariin na nagwika.
"I said I am going now, Mr. Mondejar. Hindi na---"
"Kung hindi ka mag-aalmusal, pwes ako, oo," matigas nitong sabi sa kanya bago pumuwesto na sa isang silya.
Sina Manang Ligaya at ang isa pa nilang kasambahay ay mataktikang umalis na roon at pumasok na sa may kusina. Siya naman ay hindi mapigilan ang pag-ahon ang iritasyon.
"Okay, eat well, Mr. Mondejar. I am going," pumihit na siya paalis ngunit agad din namang natigilan nang magsalita itong muli.
"Bodyguard mo ako, Fiona," wika nito. "Paano kita mapoprotektahan kung gutom ako?"
"That was why I am telling you to eat. Sinabi ko bang hindi? But I am now leaving and---"
"Upo," utos nito sa seryosong tinig. Mataman na rin itong nakatingin sa kanya habang nagsasalita. "Kalabisan ba para sa iyo ang kumain muna ng almusal? And are you that inconsiderate not to let me eat first before we leave?"
She almost rolled her eyes upwardly. Bakit ba ito ang bodyguard na nakuha ng kanyang kapatid sa Triple Security? She was so sure there are a lot who can also do Randall's job right now. Si Rafael na lamang halimbawa, ang panganay na anak ng mismong may-ari ng security agency na pinanggalingan ni Randall. Si Rafael ay anak ng Ninong Ronniel ng kanyang kapatid.
Kakilala na nila si Rafael at nasisigurado niya pang hindi kasing-antipatiko ng lalaking nasa harapan niya ngayon.
*****
DAHIL SA pagpipilit niya kay Fiona na kumain muna ay pasado alas-otso na ng umaga sila nakarating sa Olvidares Manufacturing Corporation. He saw the disapproval in her eyes when he asked her to join him for breakfast.
Bagay iyon na pinagtataka niya. Nakakwentuhan niya naman kanina si Manang Ligaya at nabanggit nito sa kanya na magana raw kumain ang dalaga, bagay na hindi alam ng nakararami.
She's a model and an endorser. Everyone might expecting for her to always have a healthy diet. Ginagawa naman raw iyon ng dalaga kasabay ng palagiang pag-eehersisyo. Ngunit sa kabila raw niyon ay hindi pinapalampas ni Fiona kapag naghahanda sina Manang Ligaya ng mga paborito nitong pagkain.
She loves eating. And maybe, Fiona was one of those blessed with good metabolism that despite that, her body remained slim and gorgeous.
At kanina ay inaasahan na nina Manang Ligaya na dudulog ito sa hapag upang mag-almusal, na ginagawa naman daw nito araw-araw. Ngunit hindi iyon ang nangyari kanina and he knew why--- malamang na iniiwasan siya nito at nais na umalis ng bahay nang mag-isa.
But she didn't win. Siya ang nasunod kanina at wala itong nagawa kundi ang saluhan siya sa pagkain ng almusal. At alam niyang mas nagpadagdag iyon ng inis nito sa kanya.
Pagkarating nila sa kompanya ng mga Olvidares ay sumunod siya hanggang sa palapag kung saan matatagpuan ang opisinang ginagamit ni Fiona. Dire-diretso itong humakbang patungo roon na sadyang sinabayan pa ni Chloe sa paglalakad nang makita nito ang pagdating ng dalaga. Hindi pa nakaligtas sa kanyang pandinig ang naging takbo ng usapan ng dalawa.
"Good morning, Miss Olvidares. Mrs. Manrique was asking for an appointment with you. Tungkol daw ho sa products na sinu-supply ng OMC sa kanila. I set your meeting with her on Friday morning. Is it okay with you, ma'am?"
"Okay," tipid na sagot ng dalaga.
Hindi pa maiwasang paglakbayin ni Randall ang kanyang mga mata kay Fiona. She looked and moved in such a sophisticated way. Sa gayak pa lang nito ay nagsusumigaw na ito ng karangyaan. She also looked snob. Napatunayan niya na rin, base sa ilang pagkakataon na nakausap na niya ito, na may pagkamataray ang dalaga. Marahil ay dahil na rin sa kinagisnan nitong buhay.
But deep inside, Randall could feel some vulnerable side in her. Sa kabila ng pinapakita nitong pagtataray sa kanya, hindi pa rin makaligtas kay Randall ang ganoong awra dito. She looked soft despite her snob personality.
"And one more thing, ma'am," susog pa ni Chloe bago pa man makapasok sa loob ng opisina si Fiona. "May dumating ho na bouquet ng bulaklak para sa iyo. Nasa mesa niyo na ho."
"Kanino galing?" nagtatakang tanong nito sa empleyado.
"May envelope ho na kasama. Nasa bouquet lang ho."
Nakita niya ang pagdikit ng mga kilay ng dalaga bago walang salita nang pumasok sa loob ng opisina. Alam niyang magiging abala na ito sa trabaho kaya naman pinili na lamang niyang maupo sa settee na nasa malapit lamang sa mesa ni Chloe.
Hindi nga maikakaila na si Fiona ang uri ng babaeng hindi nawawalan ng manliligaw. Ang bulaklak na natanggap nito ngayon ay malamang na galing sa kung sino mang lalaking may gusto dito.
Ilang minuto pa lang siyang nakakaupo nang bigla ay narinig niya ang pagtawag ni Fiona kay Chloe. Dali-dali namang pumasok sa opisina ang sekretarya nang marinig ang tinig nito.
Si Randall ay napatayo na rin at napahakbang palapit sa opisinang kinaroroonan ng dalaga. Nang sumilip siya sa loob ay naabutan niya pa si Fiona na inaabot ang bouquet ng bulaklak kay Chloe.
"Throw it, Chloe. Hindi ko gustong makita iyan dito sa opisina," nababahalang wika nito.
Nagtataka man ay tumango na lamang si Chloe. Pumihit na palabas ang sekretarya na nang makita siya sa may entrada ng opisina ay saglit na natigilan.
Napayuko pa siya sa mga bulaklak. His attention was caught by a crumpled paper. Hindi mahirap hulaan na iyon ang note na kasama ng bouquet.
He got it and read what was written.
"...if I can't have you, no one should..."