Malalim na napabuntong-hininga si Fiona habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ng kanyang Kuya Lucas mula sa kabilang linya. Hindi niya pa maiwasang mapapikit nang magsunod-sunod ang naging habilin nito sa kanya.
"I said I am okay, kuya. Hindi ho ako nasaktan," giit niya pa dito.
"Kahit na, Fiona. Be careful next time. Paano kung sa susunod ay masaktan ka na nga? Paano kung sadya talaga ang paghagip sa iyo ng---"
"Kuya, baka hindi naman sinasadya. For all we know, baka nawalan lang ng kontrol panandali 'yong motor kaya muntik na akong mahagip," katwiran niya pa dito.
Though deep inside, Fiona was also against on what she said. Maluwag ang driveway sa may harapan ng OMC bago pa man makarating sa may kalsada talaga. At kung nawalan man nga ng kontrol ang motorsiklo ay bakit normal naman ang takbo nito paalis matapos siyang mahatak ni Randall?
Sa bagay na iyon ay napapaisip din siya.
At nang daluhan sila ng guwardiya na nakatalaga sa harap ng kanilang kompanya ay sinabi nitong nakailang balik na raw ang motorsiklong iyon bago ang insidente. Ngunit dahil nasa may highway lamang ang OMC ay hindi iyon naging malaking bagay para sa mga security guards sa kanilang gusali. Any one would think that the motorcycle was just passing by. At kung bakit nasa may driveway na nila ang naturang sasakyan nang oras ng kanilang paglabas ay wala nang makapagsabi.
"How about the flowers and the note that you received?" Muling bumalik ang diwa niya sa pinag-uusapan nila ng kanyang nakatatandang kapatid nang marinig niya ang naging tanong nito.
"Do I still need to ask who told you about that?" tanong niya dito sa naiinis na tinig.
Kung siya lang ang tatanungin ay hindi na niya sana gustong ipaalam pa ang tungkol sa natanggap niyang bulaklak at sulat sa kanyang pamilya. Maging ang tungkol nga sa muntikang paghagip sa kanya ng motorsiklo ay hindi naman siya ang nagpaalam sa kanyang kapatid.
Kaya nga nabigla na lamang siya nang makatanggap ng tawag mula sa kanyang kuya at mahimigan ang pag-aalala mula dito. At hindi niya pa man natatanong ngunit alam na niya kung sino ang nagbalita sa mga ito ng tungkol sa mga nangyari.
"Randall was just doing his job, Fiona," wika sa kanya ni Lucas. "It was his job to inform me about what was happening to you."
"Na hindi ko na sana gustong gawin niya, kuya. Alam kong labis na kayong abala kay papa riyan. At hindi ko na gusto pang makadagdag sa mga alalahanin ninyo, lalo na ng mama."
What she said was true. Matapos ngang makalayo ng motorsiklo ay agad siyang kinausap ni Randall. Nang kausapin siya nito ay halos wala pa siya sa kanyang sarili. She wanted to think that it was because of what happened. Ngunit ang dahilan kaya natitigilan si Fiona habang kinakausap siya ng binata ay dahil sa ideya na ilang saglit na nadikit ang katawan niya dito dahil sa paghatak na ginawa sa kanya.
There was something happened to herself when his body touched hers. Hindi niya maunawaan. Ni hindi niya mabigyan ng pangalan ang damdamin na lumukob sa kanya nang madaiti ang katawan niya sa binata.
At ang reaksyon niyang iyon ay pinagkamali ni Randall na takot niya dahil sa muntikang pagkakahagip sa kanya ng motorsiklo. Inakala nito na ang pananahimik niya ay dahil sa sindak na kanyang nadama.
And so he talked to her. Iniugnay nito ang mga bulaklak at sulat na natanggap niya sa kung ano ang nangyari bago sila umuwi.
Bilang bodyguard niya ay naramdaman ni Fiona ang pagkabahala ni Randall. Agad siya nitong inusisa tungkol sa maraming bagay.
But Fiona asked a favor from him. Or should she say na inutusan niya itong huwag nang ipaalam sa kanyang kapatid ang tungkol sa nangyari sa kanya nang araw na iyon.
Hindi na niya nais pang mag-alala ang kanyang pamilya. Kapag nalaman kasi ng kanyang Kuya Lucas ay hindi malayong mangyari na malaman din iyon ng kanyang ina. At hindi na niya nais pang mag-alala ang kanyang mama. Labis-labis nang isipin ang pinapasan nito mula nang may nangyari sa kanilang papa.
But Randall never listened to her. Ipinaalam pa rin nito ang lahat sa kanyang kapatid. Hayun nga at agad na napatawag si Lucas kahit pa anong oras pa lang sa ibang bansa.
"Just calm down, Kuya Lucas. Walang nangyaring masama sa akin," pagpapakalma niya pa dito.
"What if someone is trying to hurt you, Fiona? Napakalayo namin sa iyo ngayon para mabantayan ka."
"I will be fine, kuya. Katulad nga ng sabi mo, Randall is doing his job," saad niya. Hindi pa mawala sa kanyang sarili ang inis dahil sa ipinaalam pa ng binata sa kanyang pamilya ang mga nangyari.
"Yes," Lucas answered. "I know he can protect you. So, because of what happened, you will follow him, Fiona."
"What do you mean?" maagap niyang tanong.
"Aalamin pa ni Randall kung sadya o hindi ang tungkol sa muntikang pagkakahahip sa iyo. And also about the note, that was a threat, Fiona," mariin nitong wika sa kanya. "So, from now on, sundin mo muna ang mga sasabihin ni Randall. Hindi ka aalis nang hindi siya kasama. Gusto ko na kung nasaan ka ay naroon din ang bodyguard mo. If not needed, hindi ka lalabas ng bahay."
"Are you out of your mind, kuya?" salungat niya dito. "I will be very busy starting next week and---"
"Randall knows know what to do, Fiona. Sundin mo na lang kung ano ang sasabihin niya. That would be for your own good."
Natapos ang pag-uusap nila ng kanyang kapatid na may ngitngit sa dibdib ni Fiona. She knew her brother very much. Kahit pa sabihin na isang taon lang naman ang tanda nito sa kanya ay labis ito kung maging protective sa kanya. At kapag nagpasya na ito nang ganoon ay hindi na niya mababago pa ang takbo ng isipan nito.
At hindi niya maiwasang mainis sa bodyguard niya dahil roon. Kung hindi na sana nito ipinaalam sa kanyang kapatid ang tungkol sa mga nangyari ay hindi siya nito hihigpitan.
Irritatingly, Fiona stood up and went out of her room. Agad siyang humakbang patungo sa silid na inookupa ni Randall sa kanilang bahay. Gusto niya itong makausap. Naiinis siyang malaman na hindi nito sinunod ang nais niyang ilihim muna sa kanyang pamilya ang mga nangyari.
Nang makarating sa tapat ng silid kung saan natutulog ang binata ay sunod-sunod na katok ang kanyang ginawa. Alam niyang gising pa ito. Simula nang doon na ito tumuloy sa kanilang bahay ay alam niyang dis oras na ng gabi kung matulog ito.
Nang hindi makatanggap ng tugon mula sa binata ay basta na lamang binuksan ni Fiona ang pinto ng silid nito. The room was silent when she stepped inside. Iginagala niya ang kanyang mga mata sa loob ng silid nang siya namang pagbukas ng pinto sa may banyo.
She was stunned for a while. Para siyang naipako sa kanyang kinatatayuan nang makita niya ang paglabas ni Randall mula sa banyo ng guestroom. Halos gusto pang pagsisihan ni Fiona ang basta niya lang pagpasok sa silid na inookupa nito.
Why, heaven, the man was topless and some water were still dripping from his body!
Halatang bagong paligo ito. Isang boxer short na lamang ang saplot ng binata at walang pang-itaas. Kasalukuyan pa nitong pinupunasan ang basang buhok gamit ang isang puting tuwalya habang lumalabas ng banyo.
At hindi maiwasan ni Fiona na mapatitig sa katawan ng binata. Randall has a well-built body. Marahil ay dahil na rin sa uri ng trabahong mayroon ito.
He has a toned stomach. And as she looked at it, thin hair was trailing from his abdomen down to what his boxer was covering. Ni hindi niya kayang isipin kung saan patungo ang mga pinong buhok nitong nagmumula sa tiyan pababa sa---
Agad na natigil ang pagmamasid niya sa katawan ni Randall nang gulat na napabaling ito sa kanya. Bigla ay iniiwas niya ang kanyang mga mata mula dito.
"Fiona," wika nito sa kanya. "What are you doing here?"
"I wanna talk to you," matatag niyang sabi dito. Pilit niyang itinatago ang pagkailang na nadarama sa likod ng matatag niyang tinig.
Agad ang pag-arko ng isang kilay ni Randall bago balewalang inihagis nito ang ginamit na tuwalya sa ibabaw ng kama nito.
"Okay," tugon nito. "I am free to listen, Fiona. Tungkol saan ang pakikipag-usap mong ito sa akin?"
"Make yourself presentable, Mr. Mondejar. Can't you even wear a t-shirt first?" naiirita niyang sabi dito.
Randall chuckled because of what she said. "Ikaw ang basta na lang pumasok dito sa silid na ginagamit ko, Fiona. I know that this is your house but aren't you supposed to knock first before you enter this room? Hindi ko na kasalanan kung napasukan mo man ako ditong, as per your word, not presentable on your standard."
She inhaled and exhaled an air to calm herself. Nangangalaiti na siya dahil sa naging takbo ng usapan nila ng kanyang kapatid at heto pa ang lalaking ito at dumadagdag sa inis na kanyang nadarama.
"And don't act as if I am the first topless man that you ever saw," narinig niya pang wika ni Randall sa sarkastikong tinig.
"How dare you!" galit niyang saad. Saan ba kumukuha ng lakas ng loob ang lalaking ito at ganoon na lamang siya kung kausapin? Hindi ba't dapat ay magalang itong makipag-usap sa kanya dahil sa kanila ito nagtatrabaho?
"So, ano ang dahilan ng pagsadya mo sa akin nang ganitong oras, Fiona?" makahulugang sabi nito na sadyang hindi na pinansin ang pangangalaiti niya.
"Why did you tell my brother about what happened?"
"Iyon lang ba ang dahilan kaya pumarito ka?" nababagot na saad nito sabay hakbang palapit sa may built-in cabinet na nasa guestroom.
Binuksan iyon ni Randall at mula sa loob ay kumuha ng malinis na t-shirt. Dahil sa doon muna mamamalagi ang binata ay nailagay na nito sa loob ng cabinet ang ilang piraso ng damit nito. Iilang damit lang iyon, sapat lamang para sa ilang araw na pagiging bodyguard nito sa kanya.
Nang makakuha ng damit ay balewalang isinuot iyon ng binata habang naroon pa rin siya.
"I told you not to tell Kuya Lucas about it!"
Randall turned to face her again. Muli itong naglakad patungo sa kinatatayuan niya at huminto ilang hakbang na lang mula sa kanya.
"I am just doing my job, Fiona. And---"
"But I ordered you not to do it, Mondejar!" putol niya sa pagsasalita nito sa bahagya nang tumaas na tinig.
"Don't shout at me, damn it!"
Fiona was taken aback by his answer. Tumaas na rin ang tinig nito at hindi niya pa maiwasang mas mairita dahil sa pagmumura ng lalaki.
"Sisigaw ako kung gusto ko dahil nasa pamamahay ko ako. At huwag na huwag mo akong mumurahin, Mondejar," galit niya pang balik dito.
"Anak ng---" sambit pa nito, sadyang binitin na ang mga salita. Fiona could sense that Randall was also irritated, kung sa kanya o sa takbo ng usapan nila ay hindi niya alam.
"Ang sabi ko ay hindi mo na kailangang ipaalam pa sa pamilya ko ang mga nangyari kanina, hindi ba? Even about the flowers and the note," wika niya. "Mag-aalala lang ang pamilya ko at hindi ko na gustong mangyari pa iyon."
"It is my job to tell your brother about what is happening to you. I am just doing my job."
"Kahit na," giit niya pa rin. "Oh I hate you! Alam mo bang sa lahat ng nagtatrabaho sa amin ay bukod-tanging ikaw ang sumasalungat sa mga pinapagawa ko?"
Fiona was expecting for him to counter what she said. Alam niya na naiinis na rin ito sa kanya dahil sa uri ng pakikipag-usap niya dito. Ngunit nang titigan niya ito sa mukha ay wala na roon ang inis na ekspresyon nito.
Instead, amusement was now registered on his face. Naaaliw na nakamasid ito sa kanya dahilan para mas lalo siyang mairita.
"What is funny?"
"You," tugon nito. "So, this is some kind of tantrums? Para kang batang hindi makuha ang gusto, Fiona."
"Bata? Really? I will talk to Uncle Ronniel. I will request to have you replaced," matapang niyang sabi dito.
Umpisa pa lang ay hindi na siya sang-ayon na maging bodyguard ito. Napakaantipatiko, ni hindi man lang maayos kung makipag-usap sa kanya at ngayon naman ay balewala kung magmura sa harap niya!
Randall's face switched from amused to a serious expression. Dahan-dahan pa itong humakbang palapit sa kanya habang mataman na nakatitig sa kanyang mukha.
"Don't try your luck, Fiona," anas nito. "Gusto mo akong papalitan dahil sa nag-report ako sa kapatid mo? When in fact, I was just doing my job? Really, Fiona?"
Ibubuka niya sana ang kanyang bibig upang magsalita ngunit mabilis na siyang inunahan ng binata.
"O mas gusto mong papalitan ako dahil sa hindi mo matagalan ang presensiya ko? Do I have that much effect on you?"
Pagak na natawa si Fiona dahil sa mga sinabi nito. "Don't flatter yourself, Mondejar. I want you replaced because I don't want a bodyguard who does not obey me."
"Ang kapatid mo ang boss ko, hindi ikaw," wika nito sa kanya bago pinaglakbay ang mga mata sa kabuuan ng kanyang mukha. "Gusto mo ako papalitan dahil sa hindi mo ako mapasunod sa gusto mo? Well, I am sorry to say this, sugar. Hindi uubra sa akin ang pagiging brat mo."