Dumating ang araw ng pagsisimula ng paggawa ng commercial ni Fiona para sa isang sikat na energy drink sa bansa. Bago iyon ay siniguro muna ng dalaga na tapos na nito ang ilang mahahalagang trabahong kailangan nitong gawin sa OMC bago maging abala naman sa pagiging endorser.
And Randall can't help but to be amazed by the maturity of her. Mas bata ito sa kanya ng ilang taon pero alam na kung papaano hahatiin ang mga oras sa mga gawain. Ang ibang dalaga na nakapasok na sa mundo ng pagmomodelo ay hindi na nanaisin pang maging abala sa ibang bagay at mas pagtutuunan na lamang ng atensyon ang nakukuhang limelight bilang isang modelo.
But Fiona was one of the exceptions. Dahil sa wala ang pamilya nito ay naglaan pa rin ito ng oras para sa kompanya ng mga ito. At hindi maitatanggi ni Randall na sa bagay na iyon ay hinangaan niya ang dalaga.
Isa lang ang hindi niya nagugustuhan dito at iyon ay ang laging pagsuway sa mga nais niya. Madalas pa rin ang pagpapalitan nila ng mga salita sa tuwing nagkakaharap silang dalawa.
Mula kasi nang makatanggap ito ng bulalak na may kasamang kaduda-dudang mensahe, maging ang muntikang pagkakahagip ng motorsiklo dito ay naging mas mahigpit siya sa pagbabantay kay Fiona. Alam niya at nararamdaman niya na may kinalaman sa isa't isa ang mga nangyari.
Kaya naman mula niyon ay laging diretso sa bahay kung ihatid niya ito mula sa OMC. Hindi niya rin ito pinapayagan na lumabas ng bahay nang hindi siya kasama. Maging ang mga tawag na natatanggap ni Fiona ay gusto niyang dumaan muna sa kanya.
Randall has been in this kind of job for years. Kabisado na niya ang mga uri ng taong nanggugulo katulad nito. Kadalasan ay nagpapadala din ng mga mensahe o 'di kaya ay tatawag para lamang manggulo at mantakot. At alam niya na isa sa mga araw na iyon ay makatatanggap ng ganoon si Fiona.
Kaya naman maging sa mga kausap nito sa telepono ay labis siyang makabantay. Bagay iyon na mas nakadagdag sa ngitngit sa kanya ng dalaga. She did not like the idea that he was checking every call that she was receiving.
Pero wala itong magawa. Siya ang nasusunod kahit pa labag iyon sa kalooban nito. Randall could handle her rants, but not the idea of her safety being at risk.
At dahil nga nagsimula na ang paggawa nito ng commercial ay kailangan niyang mas maging alerto sa paligid nito. He has this feeling that someone was stalking her. Iyon ang hinuha niya mula sa sulat na natanggap nito. For all he knew, that could be a man that she rejected before. Marahil ay hindi matanggap na tinanggihan ito ng dalaga. At hindi naaalis sa mga pinagdududahan ni Randall ang Marvin na sinabi sa kanya ni Fiona. For now, he was already gathering information about Marvin.
"You are gorgeous as always, Fiona," narinig ni Randall na wika ng makeup artist na siyang nag-ayos sa dalaga.
Magkapanabay na lumabas ang dalawa mula sa dressing room na laan para sa modelo. Sa kabilang silid naman na katabi lamang niyon ay gamit ng lalaking modelong kasama ni Fiona.
Naroon lamang siya sa tapat ng silid at naghihintay sa paglabas nito. Bago pa niyon ay sadyang siniguro niya pang ligtas ang dressing room na gagamitin ni Fiona. At ang ginawa niyang iyon ay umani pa ng paninita mula sa dalaga. Hindi nito nagustuhan na maging ang dressing room na gagamitin nito ay siniguro niya pang ligtas para dito. Somehow, she felt awkward about it knowing that the staffs were just around a while ago.
"Thank you, Jay," tugon ni Fiona sa binabaeng kasama nito.
Agad pang napatayo nang tuwid si Randall nang masilayan niya ang dalaga. Nakapagpalit na ito ng damit na gagamitin para sa araw na iyon. Ayon sa narinig niya kanina ay kailangan munang kuhanan ito at ang kasamang modelo ng ilang larawan para sa printed ads bago gawin naman ang aktwal na commercial.
And right now, Randall can't help but to be stunned as he was staring at her. Fiona was undeniably beautiful. She was even beyond that word. Beautiful was even an understatement word to use. She was exceptional... gorgeous.
And looking at her right now, Randall could attest to that.
Nakapag-ayos na ito. May kolorete na sa mukha na kahit pa siguro wala ay angat pa rin kaysa sa iba ang kagandahang mayroon ito. Ang mahaba nitong buhok ay sadyang kinulot ang mga dulo saka hinayaan na nakalugay lamang.
And the clothes that she was wearing...
Sa pagkakataon na iyon ay waring nais ni Randall na hubarin ang jacket na suot niya at ibalabal na lamang sa dalaga.
Fiona was just wearing a sports bra paired with a cycling shorts. Sa suot nito ay halos nahulma na ang kurba ng katawan nito. And Randall can't help but to utter an oath as he saw her body.
Halos kita na ang cleavage ng dalaga sa suot nito. Labas din ang tiyan ni Fiona na bigla ay nagpagulo sa kanyang sistema. By just staring at her body, Randall could feel his shaft responding. Damn it, but he felt the stirring of something in between his groins.
"Sa set na kami," wika ni Fiona dahilan para tumango siya. Napasunod na lamang si Randall ng lakad sa mga ito hanggang sa bahagi kung saan kukuhanan ng litrato ang mga modelo.
Ilang saglit pa ay lumabas na rin ang modelong kasama ni Fiona. Katulad ng dalaga ay nakasuot na ito na gym outfit. The man was also wearing a cycling shorts and nothing on top.
Nagsimula nang magbigay ng instructions ang direktor na kukuha ng commercial. Nakahanda na rin ang photographer na kukuha ng litrato sa mga modelo.
Matapos ang lahat ay pinapwesto na sina Fiona at ang lalaki sa gitna kung saan natututukan ng mga ilaw. Muli pang sinuri ng makeup artist ang hitsura ni Fiona at pinasadahan pa muna ng brush ang pisngi ng dalaga.
Si Randall ay pumuwesto hindi kalayuan sa kukuha ng litrato kina Fiona. Mataman siyang nakatitig sa dalaga at halos magkaroon pa ng gatla ang noo nang makitang binibigyan ng instruction ang mga ito kung paano aakto sa harap ng camera.
The models were given a bottle of energy drink, isa kay Fiona at isa sa lalaking kasama nito. Hawak ng dalawa sa tig-isang kamay ang produkto habang magkalapit ang mga katawan. And Randall can't understand the disapproval that he felt as he saw them.
Ang mga kamay ng dalawa na may hawak ng produkto ay kapwa nakalahad paharap sa camera. Ang isang kamay ni Fiona na walang hawak na botelya ay nakalapat sa dibdib ng lalaking kasama nito. Habang ang lalaki naman ay nasa baywang ni Fiona ang isang kamay. And both of them were facing each other.
At dahil naka-sports bra lamang si Fiona ay nakahantad sa lahat ng naroon ang tiyan nito. And the man was holding her on her waist. Ang kamay nito ay nakadaiti sa balat mismo ng dalaga.
Hindi niya alam kung saan nagmula ang umahon na panibugho sa dibdib ni Randall. The idea of a man holding her irritated him. Kung bakit ay hindi niya alam. Kailangan ba talagang ganoon kalapit ang dalawa kapag kukuhanan ng litrato? Kailangan ba na ganoon ang suot ng mga ito?
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Randall habang nakamasid pa rin sa mga ito. Ilang beses na kinuhanan ang dalawa ng mga larawan. Iba't ibang anggulo at posisyon.
At nang tuluyang matapos ang photoshoot ay bahagyang naglakad na si Randall palayo sa mga ito. Hindi ganoon kalayuan dahilan para mapagmasdan niya pa rin lahat ng galaw ni Fiona maging ng mga taong nakapaligid sa dalaga.
Kinausap pa muna ito ng direktor kasama ang isa pang modelo. Naulanigan niya pang sa makalawa magsisimula ang mismong paggawa ng nasabing commercial.
Nang matapos na ang lahat ay naglakad na rin palapit sa kanya si Fiona. "Let us go," aya na nito.
"I will wait for you here," saad niya dito sabay turo sa pasilyong hindi kalayuan sa may dressing room na inokupa nito.
"Okay. I will just get my things," turan nito sabay pasok na sa loob ng silid.
Ni hindi nagtagal ay lumabas din agad ang dalaga. Sukbit na nito sa balikat ang bag na dala-dala. Sa isang kamay nito ay ang ilang gamit pa na ginamit sa photoshoot kanina. Kausap pa nito ang binabaeng nag-ayos dito kanina at narinig na nagpapaalam sa isa't isa ang dalawa.
And when Fiona stopped in front of him, she instantly handed him her things. Inabot iyon ni Randall at siya na nga ang nagbitbit. Hindi pa maiwasang magdikit ng kanyang mga kilay nang mapagmasdan ito.
Hindi nagpalit ng damit si Fiona. Nasa katawan pa rin nito ang kaninang suot sa photoshoot.
"Aren't you changing your clothes?" hindi niya maiwasang itanong dito.
Napigil ang akmang paglakad na sana ng dalaga nang marinig ang mga sinabi niya. "No. Why?" balik-tanong nito.
"Lalabas ka nang nakaganyan lang?"
"What is it with you, Mr. Mondejar? This is a gym outfit and---"
"Gym," mariin niyang ulit sa sinabi nito. "Gym, oo. Pero lalabas na tayo, Fiona."
"And what is wrong with that?" saad nito sa tinig na wari ay naiinis na rin sa kanya. "You are here because you are my bodyguard. Hindi para makialaman ang suot ko."
Pagkawika niyon ay naglakad na si Fiona patiuna sa kanya. Sinundan ito ni Randall hanggang sa makarating sila sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan.
Hindi niya pa maiwasang mapamura nang marahan nang makita ang ilang kalalakihan na nasa labas ng studio. Karamihan sa mga iyon ay napapalingon kay Fiona. Maliban kasi sa mukhang taglay ng dalaga ay mapapalingon sino man dahil sa gayak nito ngayon.
Why, the woman was oozing with s*x appeal and he knew for sure that those men were fantasizing her now.
Nabuksan na ni Fiona ang backseat ng sasakyan nang muli siyang magsalita dahilan para maawat ang akma nitong pagpasok sa loob.
"Have you seen the men staring at you? Talaga bang nagtatawag ka ng kapahamakan?"
"You know what, Mondejar? You are exaggerating things," anito na tuluyan pa siyang hinarap. Ipinasok pa muna nito sa may backseat ang dalang bag bago pinagpatuloy ang pagsasalita. "You are my bodyguard, remember? It is your job. So, hindi ako mapapahamak."
"Anak ng teteng ka talaga," paanas niyang saad dito. Naihilamos niya pa ang isang palad sa kanyang mukha.
"What?" bulalas nito, halatang hindi nagustuhan ang kanyang tinuran.
"Hindi porke may bodyguard ka ay magiging kampante ka, Fiona," wika niya na hindi pinansin ang pagtaas nito ng kilay dahil sa sinabi niya. "Hindi natin alam kung talagang may taong nais kang saktan. Baka nakakalimutan mo na ang sulat na natanggap mo, pati na rin ang motorsiklo na muntik nang makahagip sa iyo."
"At walang kinalaman roon ang suot ko ngayon, Mondejar. Besides, we will use a private car. Wala akong makakasamang ibang tao dito," naiirita nitong sabi na sadyang inilahad pa ang isang kamay upang ituro ang kanyang sasakyan.
"Sanay ka ba talagang ibalandra ang katawan mo?"
"My God, what are you? My father?" she said irritatingly then turned to get inside his car.
"Kanina ay parang balewala lang sa iyo ang paghawak-hawak ng lalaking iyon sa baywang mo."
Sa nauubos na pasensiya ay muli siyang hinarap ni Fiona sabay duro sa kanyang dibdib.
"I will tell you this one last time, Mondejar. This will really be your last day as my bodyguard. Papapalitan talaga kita kay Uncle Ron," mariin nitong saad sa kanya. "You are my bodyguard but you are acting like a jealous boyfriend!"
Hindi pa man siya nakakatugon ay tumalikod na si Fiona at tuluyan nang pumasok sa may backseat ng kanyang sasakyan. Pabalang pa nitong isinara ang pinto niyon, uncaring if he was still there.
Randall heaved out a deep sigh. Damn it! Gusto niyang magmura.
What did just happen? He went out of control. Bakit nga ba ganoon na lamang ang reaksyon niya matapos ang naging photoshoot ng dalaga? Why didn't he like other men to stare at her as if she was a specimen under a microscope?
A jealous boyfriend? Damn it!--- iritable niyang sabi sa kanyang isipan bago humakbang na patungo sa may driver's seat at doon ay sumakay.