“Paumanhin, Gurong Artemis, ngunit ako’y naguguluhan sa iyong tinuran. Paano natin ito gigisingin?” ang nalilitong tanong ko, binigyan naman niya ako ng isang ngiti bago siya nagpasyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. “Sundan mo ako,” saad niya, tapos ay nilingon niya sina Nox at Siria na sabay ding tumayo mula sa pagkakaupo. “Nais kong makausap si Elex na kaming dalawa lamang,” dagdag pa niya. Nalito ako kung bakit, maging sina Nox at Siria ay mababakas sa kanilang ekspresyon ang pagtataka, ngunit sa huli ay wala na silang nagawa kung hindi ang umupo na lamang muli sa silyang gawa sa kahoy. Tinalikuran naman kami ni Gurong Artemis at binuksan niya ang isang nakakandadong pinto sa loob ng kanyang tahanan. Pagkabukas no’n ay muli niya akong nilingon. “Pumasok ka, Elex,” ang utos niya