Kabanata XXV

2096 Words

Pagkatapos kumain ay isinama kami ni Gurong Ambroz sa isang sikretong silid na nasa loob ng kanyang tahanan. Napangiti pa nga ako dahil pagkapasok namin sa pinto ay lumabas kami sa isang magandang lugar. Mukha itong paraiso dahil sa ganda ng paligid. Makulay at buhay na buhay ang mga puno’t halaman, maging ang mga bulaklak, maraming mga ibon na masayang nagsisiliparan sa paligid, maging mga paruparo. Tapos ay may iba pang mga hayop kagaya ng daga at kuneho. Nakakatuwa ring pagmasdan na may mga Ligaya sa paligid na tila ba masaya at tahimik na namumuhay sa lugar na ito. “Anong lugar ito, Gurong Arnoux?” tanong ko habang nakasunod kami sa kanya sa paglalakad. “Nasa kagubatan pa rin tayo ng Majica, Elex,” sagot naman niya. “Gamit ang aking mahika ay binigyang proteksiyon ko ang lugar na i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD