Nang magpatuloy na kami sa paglalakbay ay hindi mawala sa aking isip ang mga naganap. Nagpasya kaming lisanin si Lualhati at magpatuloy sa aming pakay na tila ba walang nangyari. Nakakalungkot isipin na kailangan pang may mga diwata na magsakripisyo ng buhay dahil lang sa kasakiman ng mga Manggagaway sa kapangyarihan. Ang katotohanang ito ay mas lalong nagbibigay sa akin ng udyok na magawa ang aking misyon, sapagkat kinamumuhian ko ang pagtangis. Ayaw kong nakakakita ng mga diwata na nasasaktan, nahihirapan at lumuluha. Nais kong ibigay sa kanila ang mundo na puno ng saya, nais kong bigyan sila ng buhay na walang pag-aalala sa maaaring mangyari sa bukas na kanilang haharapin. Nais kong maging maayos ang lahat. “Mukhang malalim ang iyong iniisip, Elex,” napalingon ako kay Nox nang bangg