Gulat kami nang makita ang isang nilalang na hindi nalalayo ang wangis kay Gurong Ambroz. Puti at mahaba rin ang kanyang buhok, ngunit wala siyang bigote’t balbas. May dala siyang tungkod na may malinaw na kristal sa dulo nito, kawangis din ng tungkod ni Gurong Ambroz. Ang kanyang kasuotan naman ay pinaghalong kulay puti at abo. May mga hayop pa sa kanyang paligid. May mga ibon sa kanyang braso, tapos ay napangiwi ako nang makita ang maraming daga na nasa loob ng kanyang kasuotan. Hindi kagaya ng Gurong Ambroz na napakalinis tignan, ang isang ito ay gusgusin. “Hindi namin nais manggulo, narito lamang kami upang pansamantalang magpahinga mula sa paglalakbay,” agad ko namang sagot. “Hindi dapat kayo dumayo sa lugar na ito, mga diwata. Hindi niyo alam ang panganib na maari niyong harapin!