Ramdam ko ang kahihiyan dahil sa kanyang mga sinabi. Kahit pa nakangiti siya ay batid kong hindi niya nagustuhan ang kanyang mga narinig. Masyadong naging matabil ang aking dila upang magbitaw ng mga salitang makakasakit ng kanyang damdamin. Tumayo naman ako mula sa aking kinauupuan at marahang yumuko sa kanya. “Paumanhin, Gurong Arnoux, hindi ko nais na pasamain ang iyong loob. Patawad sa aking mga sinabi,” ang nahihiyang saad ko habang nakayuko sa kanyang harap. “Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin sapagkat naiintindihan ko, tama ka, Elex, wala kang matututuhan sa akin,” mababa ang boses na saad niya. Iyong boses na tila ba nagsasabing ayos lang sa kanya ang kanyang mga narinig na salita, ngunit hindi ako kumbinsido. Alam ko na kung may marinig akong mga salitang hindi maganda m