ELEVEN: GOT AWAY

2787 Words
Hindi ko alam kung ano ang aking dapat maramdaman nang lumapat ang kanyang mga labi sa akin. I felt cold and hot at the same time. My lips were firmly pressed together. Suddenly, I felt like it was my first time to be kissed by a man and that I had no idea what to do or how to respond. Pero ang aking matinong kaisipan ay nagsusumigaw ng babala. Huwag kang bumigay, Veronica. Alalalahin mong aalis ka rin sa lugar na ito sa malao't madali. Ayaw mo naman sigurong umasa sa isang relasyon na walang katiyakan. “You're not opening your mouth, sweetheart.” My eyes were still shut but I could sense the humour in his voice. Naramdaman ko ang ang pagdiin ng kanyang paghapit sa aking baywang. I don't know what is wrong with me, but I couldn't move. I felt like was paralyzed. “Of course, this isn't your first time you were kissed by someone, is it?” May panunuya akong nahimigan sa boses nito. “Umiiling ako habang ang mga mata ay nakapikit pa rin. I can't look him in the eye. He sighed deeply. “Open your eyes, Veronica.” He commanded and I did what I was told. Binuksan ko ang aking mga mata at nagsalubong ang aming titig. His brows furrowed and his eyes were narrowed like he was pissed. No, he's not pissed. He's angry. “Oh, would you look at those eyes. Those eyes that fooled me. I hate to think that while I am kissing you, ibang lalake ang nasa isip mo.” Napamaang ako sa kanyang binigkas. My eyes grew wide. Tama ba ang pagkarinig ko? “Excuse me?!” He hissed at nag-igting ang kanyang bagang. “Naloko na naman ako ng isang katulad mo. Your eyes are screaming innocence at nawala ako dun. Nakalimutan ko kung anong klaseng mundo ang pinaggalingan mo. You are very good in playing innocent and naive, Dela Vega.” He smirked. Nagpanting ang tainga ko at sinuntok ko ang kanyang dibdib at tinulak ito. “Ako pa talaga, Chris? Sino ba sa ating dalawa ang naglalaro dito? Ako ba? Why? What did I do? Sino ba ang nang-aakit? Ako ba? You are the one who's playing with me, damn you! Hindi ko alam kung sino ka at ano ba talaga ang ugali mo. You were kind at me, then next minute you were mad. And then, you speak as if you liked me! And here you are again mocking and judging me as if you know me since time immemorial! You are giving me a roller-coaster emotion, Chris! And to think we hardly know each other! At hinuhusgahan mo na ako ngayon? So, what if I had been kissed by countless men, does it bother you? How about you? Itatanong ko rin ba kung ilang babae na ang hinalikan mo?” He frustatingly combed his hair with his fingers at hinaklit ang aking baywang sa gulat ko. “That's my problem, Veronica. Pakiramdam ko ay kilalang kilala kita. Naiinis ako dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang init na naggagaling sa katawan mo.” Marahang pinadausdos nito ang daliri mula sa aking balikat hanggang sa aking kamay. “The smoothness of your skin....” Bumaba ang mukha nito sa aking leeg. “The scent of your body….” He inhaled deeply. At pagkatapos ay lumipat ang kanyang mukha sa tuktok ng aking ulo. “The softness of your hair.....they are all familiar to me. At alam mo kung ano ang mas kinaiinis ko? Naiinis ako dahil kung pamilyar ka sa akin, sinisiguro kong hindi kita pakakawalan. If I've met you years ago, hindi sana masakit sariwain ang nakaraan ko.” “But then, imposible pa rin. Dahil kahit kailan, hindi hahalik ang langit sa lupa. Ang lupa ay mananatili lamang nakatingala para pagmasdan ang ganda ng kalangitan.” Matalinghaga pa nitong pahayag na mas lalong ikinakunot ng aking noo. “Masyado kang malalim, Chris....hindi kita maintindihan.” “Tama ka, Veronica. Hindi mo pa nga ako kilala. I have lots of secrets in my life, sweetheart. Mga sekreto na hindi kayang sikmurain ng isang prinsesang kagaya mo. At wala rin naman akong balak na ibahagi iyon sa'yo. Ipagpaumanhin mo ang pagiging magaspang ko at pagiging mapangahas sa'yo. Please, habang may natitira pang katinuan sa aking isipan at habang kaya ko pang magpigil, umakyat ka na sa silid mo at ako na ang bahala dito sa kusina.” My eyes squinting into tiny slits as I looked at him. Hindi na ako nagdalawang-isip na umalis sa kusina. Patakbo akong pumanhik sa aking silid at sinirado ang pinto. Kinuha ko ang aking cell phone at tinawagan si Monica. Nakailang ring iyon bago may sumagot sa kabilang linya. “Hello, Monica?” “Veronica, kumusta ka dyan? Sorry ha super busy ang beauty ko. Nakakabanas kasi ‘tong bagyo, kung kailan naman malapit na ang fiesta ay saka naman nanalanta. Kakairita. Buti nalang naka-exit na.” “Sunduin mo ako dito, Monica.” I said helplessly. “Bakit? Anong nangyari? Pinapaalis ka na ba ng may-ari ng bahay? May ginawa ba silang masama sa’yo? OMG! I’m sorry talaga Veron. Ang daming gawain dito lately. Naiinis na nga ako eh. Pahamak kasing bagyong yun. Ipapasundo kita bukas kapag okay na ang daan, Veron. Ang sabi ni kuya, ginagawa na daw ang daan at baka bukas ay maaari ng buksan para sa mga bumabiyahe. Ipapasundo kita sa kanya, ora mismo. Umiling ako sabay ng pag-akap ng unan palapit sa aking dibdib. “Wag na. Baka may marentahan akong sasakyan sa bayan bukas. Ako na lang ang pupunta dyan dahil sabi mo nga napaka-busy nyo. Madali lang naman tuntunin ang lugar nyo dahil katabing-bayan lang naman. At isa pa, ayokong makaabala, Mon. Pagdating ko nalang sa sentro ng Sto. Cristo ay tatawagan kita para alam ko ang daan patungo sa lupain nyo.” She sighed dramatically. “Kinabahan naman ako sa’yo, girl. Okay sige. Alam ko naman na pag may plano ka, hindi na yan matitibag pa.” Humagikhik ito. “Excited na akong makita ka bukas, Veron. Isang taon na rin na hindi tayo nagkita. Kung di pa ako gagala sa Paris, hindi pa tayo magkikita. Ikaw talaga. Pagdating mo, kwentuhan mo ako sa mga ganap ng buhay mo d’yan, girl. Hmmmm....parang may nava-vibes akong kakaiba.” “Tss. Wala. Nakakabagot dito at ayoko na ring maging pabigat pa. Atleast d’yan, mas komportable ako dahil magkaibigan tayo.” “Owkie. Sabi mo eh. Pero paano kung wala kang marentahang sasakyan?” “Mag-bu-bus ako patungo d’yan. Don't worry nakaplano na ang lakad kong ito para bukas. Basta ha antabayanan mo ang tawag ko bukas ng umaga, Mon.” “Yes, Ma'am. O siya babush muna at tinatawag na naman ako ng magaling kong kapatid para mag-check ng mga fertilizers na kakailanganin namin.” “Okay. Bye. See you.” “Take care. See you too.” I sighed as I rolled onto my back. I glued my stare at the ceiling. Nakapag desisyon na ako. Hindi ko na hihintayin pa ang ilang araw na pananatili dito. This house is slowly getting smaller for the two of us. Ngayon lang ako na-attract ng ganito sa isang lalake. Yung pakiramdam na unang beses mo pa lang nasilayan ang kanyang mukha pero tila ba hindi na iyon mabubura pa sa iyong sistema. It's really odd because I've seen the handsomest men in my life, and I dated some of them pero wala talagang dating sa akin. Physically, they were too perfect that they bored me to death. Chris isn't the exact definition of hansdome. But for me, he is the epitome of a perfectly imperfect man. Rugged. Dark. Scary. Mysterious. And those things added more to his appeal. Pero wala akong nakikitang future sa aming dalawa. Look at how he treats me. He's giving me mixed signals. Sometimes, he's soft. But most of the time, he's rough. So uptight and arrogant. And he's so deep that I could not reach him even if he would allow me to. He is one complex man. I was lying on the bed for an hour or so when I heard a knock. Bumangon ako at binuksan ko iyon. And just by the sight of him, looking so masculine with his hands inserted at the back pockets of his jeans, my heart somersaulted. Again. “Oras na para maghapunan.” He said while staring at me shamelessly. Nakupkop ko ang round collar ng T-shirt ko dahil sa pagdaan ng kanyang mga mata doon. I cleared my throat. “Okay. Bababa na ako. Kukunin ko lang ang gamot ko para makainom ako pagkatapos kong kumain.” “Go ahead. Sabay na tayong bumaba.” Aniya. Mabilis kong kinuha ang gamot sa gilid ng kama ko at nagmamadaling makalabas ng pinto. Hinayaan ko itong nasa aking likuran at hindi na ako nag-abala pang makipagsabayan sa kanyang paglalakad. Baka kasi pag tumabi ako sa kanya at magbanggaan kahit man lang ang mga siko namin, madadarang na naman ako. Sa hapag ay nakakapagtakang kami lang dalawa ni Chris. Bumaling ako sa kanya. “Si lola?” “Dinalhan ko na siya ng pagkain. Nahihirapan itong maglakad dahil sa rayuma niya.” Umupo ako sa upuang kaharap niya. “Malala ba ang kanyang rayuma?” “Hindi naman. Pag ganitong medyo malamig ang panahon saka siya inaatake ng sakit na yun. Bukas makalawa, maliksi na ulit ito, makita mo.” Ngumiti ito. Tumango lamang ako sa kanya. May pait na gumuhit sa dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Wala na ako dito sa mga panahong yan, Chris. I heaved a sigh at pagkatapos nun ay hindi na kami nagkibuan. Tahimik kaming kumakain ng hapunan at lagi lamang nakayuko ang aking ulo. At sa tuwing inaangat ko ang aking tingin sa kanya, lagi lamang itong nakatitig sa akin at pinagtataasan pa ako ng kilay sabay ngingisi. Ngumuso ako at inirapan ito. Pagkatapos ng huling subo ko ay tumayo ako. Ngunit maagap na hinila nito ang aking kamay kaya napalakas ang pagbagsak ko sa upuan. Sumimangot ako dahil ang sakit ng butt ko. “Problema mo? Nanghihila ka dyan ng basta-basta.” Pagtataray ko. Kumalansing pa ang mga kubyertos dahil aksidente kong natabig ang mga ito. “Eat some more. Masarap ang pagkakatimpla mo sa karne.” “I’m full, Chris. At late na rin ako nakapag-tanghalian kaya busog pa talaga ako.” “Kumain ka sa lagay na yun? Tatlong beses ka lang sumubo at kalahati lang din ang inilalaman mo sa kutsara, nabusog ka na?” “Oo at bakit, binibilang mo ba kung nakailang subo ako?” “Yes. I was watching you closely, Dela Vega. Sa tatlong subo na yun, you consumed ten minutes before you finally stood up. At kahit nga ang mga hakbang mo mula sa kwarto hanggang dito sa dining room ay bilang ko.” He grinned devilishly. Napaawang ang bibig ko sa kanya. This man is impossible. “You're crazy, Chris.” Tumayo ako at akmang tatalikod nang hinila na naman ako nito. Ngunit ang inasahan kong babagsak ako sa upuan ay hindi nangyari. Bumagsak ako sa kanyang kandungan, to my horror. “What the—” Hindi ko natapos ang balak kong sabihin dahil dumapo ang kanyang labi sa akin. He was kissing me so gently and softly that seem like our lips were not touching. I placed my arm around his neck as a response, and he deepened his kiss on my mouth. Napaungol ako sa paghagod ng kanyang dila sa aking bibig that it made me gasp for air. And he took that as a welcoming invitation dahil tuluyang ipinasok nito ang dila sa akin. I moaned and he groaned. His fingers were tracing, caressing my shoulders up and down that it sent shivers down my spine. I shivered as I leaned closer to his chiselled chest. He captured my tongue and suck it gently, giving me a hard time to breathe. Ang sunod kong narinig ay ang pagkalansing ng mga pinggan at kubyertos at saka ko lamang napagbatid na tinulak ni Chris ang mga iyon as he laid me down on the table. Hindi ko alam kung kaninong pintig ng puso ang naririnig ko. Ang paghinga naming pareho ay hindi namin mahabol and I could feel him shivered as he hovered above me. “Veronica....why are you doing this to me sweetheart.” He uttered painfully as his mouth nipped the skin of my neck. I titled my head back and my back arched as I felt his hand cupping my right breast. “I can't think straight when I am with you, but it drives me crazy when I am not with you.” “Tell me, sweetheart, what should I do? Are you a witch and you put a spell on me? Because, sweetheart, I am bewitched by you.” He whispered as he continued raining kisses on my collarbones, both palms pressing them against my breasts. “Chris...” I uttered as a protest, but it ended as a moan. “If I take you now, hell will break loose, Veronica. Everything will change. But I am not ready to let you go. The idea of you leaving this house is killing me.” Kahit sa kapos sa paghinga ay sumagot ako. My visions were getting blurry. “I will leave soon Chris. I am not going to stay here forever. We both know it's inevitable.” And that made him stop. Inilayo nito ng bahagya ang mukha sa akin. He blinked. “Even if I beg you not to?” “Sino ba ako sa buhay mo, Chris? Sino ka rin ba sa buhay ko? Ano ang tawag mo sa ating dalawa? We just met two freaking days ago and here I am lying on the table, almost half naked, so willing and ready to surrender myself to you. Sinong matinong babae ang ipagkakaloob ang sarili niya sa isang lalakeng hindi niya kilala ng lubusan? Sa isang lalake na galit dahil sa estado ko sa buhay? At kahit alam nilang pareho na hindi sila magtatagal?” Nabasag ang boses ko. “Kahit sabihin kong gusto kong manatili dito sa bahay at sa tabi mo, maipapangako mo ba sa akin na handa kang ibahagi ang lahat ng tungkol sa'yo? You hated my type, Chris. Surely, maibabalita ito sa lahat and people will hunt us down just to have their scoops. Kaya mo rin bang mag-adjust sa mga bagay na nakapalibot sa akin? Di ba sabi mo nga, I came from a different world. I ask you now, how willing are you to enter into my world?” His jaw clenched at tuluyan itong lumayo sa akin. And with that action, I already got an answer. Ang sakit. Masakit isipin na ayaw niyang isapagpalaran ang sarili na pumasok sa mundo ko. Tahimik na umiiyak ako habang inaayos ang aking sarili. Nakatalikod ito sa akin. Isang pukol pa ang binigay ko bago ko ito iniwan sa komedor. Habang pumapanhik sa taas ay panay ang pahid ko sa pag-agos ng aking masaganang mga luha. He's not willing after all. Bakit nga naman di ba? Did he ever say that he loves me? Kasi ako, kahit sa konting panahon na itinira ko dito, my mind and my heart agrees that I am in love with him. Crazy, yes. But I do love him. At tanggap ko siya kahit ano pa ang mali sa kanya. He's not perfect, I'm not too. The only thing that is perfect is my love for him. It was four o'clock in the morning when I left his house. I just left a note on my bed saying how grateful I was for their hospitality and for treating me so kind. That maybe, I will repay them kung pahihintulutan ng panahon. I was thankful na may dumaang pampasadang jeep patungong bayan. And from there, I rode on the bus going to Sto. Cristo. When I reached the terminal, maliwanag na ang paligid. Monica was cheerfully standing on the pavement, weaving her hand. I sighed in relief. And when I hugged her, hindi ko napigilang humagulhol sa kanyang balikat. “Kumusta ang estado ng lovelife natin, girl?” She kidded to cheer me up. “Love is complicated.” Natatawa na naiiyak kong tugon dito. “Ay grabeh siya!" She laughed and then she became quiet. “Hindi ko tuloy alam kong dapat ba akong magpasalamat. Should I be thankful that finally, ang tanyag na si Veronica Dela Vega, na pinagkaguluhan ng mga boys noong high school, the same girl who broke their hearts savagely, the prettiest woman I've ever known, the dream of every man's fantasy, is finally falling in love? Or malulungkot ba ako dahil nasasaktan ka dahil sa pag-ibig na yan?” I wiped my wet cheeks using the back of my hands and smiled at her. “Ang OA Mon, ha. Dinaig ko pa si Helen of Troy or Manilyn Monroe or Britney Spears sa description mo sa akin.” I sighed. “I will be fine. I will be. Ako pa.” Even though Chris and I only had a very short time together, and some of those times we were rude to each other, but every second with him was precious to me. For me, Chris was the one that got away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD