TWELVE: MY GIRL

3325 Words
“What a beautiful morning it is, right Veron?”              Pumikit ako at suminghap ng malalim. Ang mga kamay ko ay nakakapit sa barandilya ng malawak na terasa ng bahay nila Monica. Hinayaan kong haplusin ng hanging pang-umaga ang aking mukha at hindi na nag-abala pang sikupin ang aking buhok na nililipad ng hangin. Ngumiti ako at bumaling sa kanya. “It is, Mon. Pero sana man lang hinayaan mo pa akong matulog. Ang aga mong mandistorbo.” Ngumuso ako sa kanya. She rolled her round eyes at me. “Yeah. That's what you get from staying up late last night. Magkatabi lang ang kwarto natin kaya dinig na dinig ko mga kaluskos mo dito. Pati tuloy ako muntik nang mapuyat dahil sa'yo.” “Sorry naman. Namamahay lang.” “Iniisip ko tuloy kung hindi ka ba komportable sa kwarto mo. Baka di ka nababanguhan o baka nadudumihan ka. Baka sadyang naliliitan ka lang sa silid o sadyang di ka lang talaga naangkop dito.” She grinned. I knew she was just kidding. She knew that I am not a nit-picky and pretentious girl at marunong akong maki-ayon sa kung ano man ang kaya lang ibigay sa akin. “Alam mong hindi ang mga yan ang rason, Mon. Ano ka ba naman, I thought you knew me better than that. Hindi ako maarte at mapili. Marunong akong mag-adjust at makibagay depende sa kung anong klaseng kalagayan naroroon ako.” “Ito naman masyadong seryoso. Totohanan gurl? Nagbibiro lang naman ako di ka na nasanay.” Humagikhik ito. “Pero seryoso ka sa mga kwento mo? I mean, di ako makapaniwala. Sinong babae ang magkakagusto sa isang lalakeng di naman niya gaanong kilala? Two days? You knew him for only two days and yet… Like, seriously? Maniniwala ako kung maala-Adonis ang datingan ng guy na yun o kasing hot siya ni 007 Pierce Brosnan, my ultimate James Bond.” I snorted at her. “Ewan ko sa'yo. Hindi naman kasi tayo pare-pareho ng nararamdaman sa opposite s*x natin. Ang dami ko nang nakadaupang-palad na mga lalake mula sa iba't ibang panig ng daigdig ngunit sa lalakeng ito, kakaiba ang t***k ng puso ko. Nagiging abnormal ang t***k ng puso ko pag nakakaharap ko siya. Then his eyes, they're fascinating. Every time they look at me, it reaches my soul. Like he can see what’s inside of me. His eyes were fierce, yet there was softness in them. Kaya siguro hindi ako nakakaramdam ng takot sa kanya kahit hindi ko siya gaanong kilala. Ang isang bagay na hindi ko rin maipaliwanag ay yung realidad na hindi ko siya kilala, and yet, he seems familiar. Like our paths had been crossed before. Like we'd been close before.” Hinihimas-himas nito ang baba. “Hmmm...baka naman girl, mag-asawa kayo sa past life nyo? At baka nangako kayo noon na hahanapin n’yo ang isa't isa sa next life. At ito na nga yun! Ang paglagpas mo sa bayan namin, mismong pagpara mo sa bus malapit sa bahay nila at mismong pagtakbo mo sa bahay nila para sumilong! This is what we called Serendipity! She was cheering loudly and then paused and glared at me. “Pero di pa rin ako boboto sa lalakeng yun. I need to see him first before he can get an approval. And my brother will arrive today from delivering our poultry pruducts mula sa kabilang bayan. Malay mo, pag nakilala mo ang kuya ko, magustuhan mo rin siya. At magiging in-laws na tayo!” She clapped delightfully that made me smile. “Grabe, ang advance mong mag-isip. Sana nga ganun lang kadali kalimutan siya. I am really not sure if I can ever forget him.” “Sus. Yang feelings mo sa Chris na yun, fleeting lang. Panandalian lang. Natitiyak ko yun. Hindi kasi talaga ako maniniwala na ang bilis mong mahulog sa kanya. Hirap na hirap nga yung iba na abutin ka tapos yung Chris na yun, ginaganun ka lang? Nako, nako, malabo talaga na pangmatagalan yang nararamdaman mo sa kanya. You're not even sure if the feeling is mutual.” Lumukot ang mukha ko. “Pwede ba, Mon. Ang ganda-ganda ng umpisa ng araw ko tapos heto ka ngayon, saying negative things about my feelings to him.” “Oo na. Sige na maligo na tayo at nang makapag breakfast na. Baka makakasama natin si kuya sa almusal although hindi ko sure kasi madaling-araw na rin kung umuuwi sila mula sa biyahe.” Tumango ako kanya at sabay kaming bumalik sa loob ng silid. She went to the door and waved at me before she exited. Sa totoo lang, I am still having a heavy heart pero hindi ko muna ee-entertain sa isipan ko ang tungkol kay Chris. I was up all-night thinking what his reactions would be the moment he found out I wasn't in his house anymore. Did he feel good about it? Or did he feel sad and upset that finally I am out of his life for good? I shook my head. I don't want to torture myself thinking it over and over again. But what if I stayed? What if he changed his mind in the long run pag nakilala na niya akong mabuti? That I wasn't a bad girl, after all. That I don't look down on people especially the poor ones? That I don't really think too high of myself. That I am willing to be like a chameleon that has the ability to change its colour? But then again, it will not change the fact that I am a Dela Vega. At hindi na kailanman magbabago iyon. I wonder what made him hate my kind. Sinong babae ang mananakit sa isang Chris? Sinong tangang babae ang malakas ang loob para insultuhin ang isang katulad ni Chris? Kung sino man ang babaeng iyon, wag sanang magkrus ang landas namin because I will make her pay for breaking Chris' heart na siyang naging dahilan kung bakit inaayawan na nito ang isang tulad ko. Nauna nang bumaba si Monica sa akin kaya sa breakfast table na kami nagkita. Her parents are currently living in Australia kaya sila lamang dalawa ng kuya nito ang nakatira dito sa bahay. They have poultry farm na siyang pinaka main source ng kabuhayan nila. Pero ang sabi ni Mon sa akin, isa sila sa pinakamalawak na supplier ng poultry products sa buong lalawigan. Since way back in high school, lagi na ako nitong niyayaya na magbakasyon dito but I always declined it. My big brother wouldn't let me, that I was sure of. Ayoko namang ipilit ang mga gusto ko kay kuya ganung andami na nitong inasikaso para sa business ng pamilya. Ang sabi ni Monica ay maagang umalis ang kuya nito dahil may importanteng aasikasuhin sa ibang bayan kaya hindi namin ito makakasabay sa almusal. “Veron, since wala na talaga akong pag-asa sa kuya Lawrence mo, baka naman may iba ka pang kamag-anakan?” Tanong nito habang sumusubo. Umiling ako dito na natatawa. “Hindi ka pa rin ba makaget-over sa kuya ko? Sabi ko naman sa'yo noon pa na wala kang pag-asa dun. I mean, kung ako lang masusunod why not? Kaso ang problema ay si kuya mismo. You're very pretty and desirable woman, don't get me wrong. I just don't want you to end up being his fling. Because the girls in his life are just there to warm his bed, Mon. I don't want you to be one of them. You deserve better. Kaya nga umpisa pa lang, dinis-courage na kita na wag ka nang magkagusto sa kanya. Kaso ikaw namang loka-loka, nasa malayo pa lang si kuya, natutunaw ka na na parang yelong binilad sa araw.” “Grabe siya! Hindi lang naman ako a! Pati rin ibang girls sa campus.” “Exactly. Kaya nga sa loob nalang siya ng sasakyan nag-aabang sa akin at hindi na sa labas ng gate. Nakakairita daw ang tingin ng mga babae sa kanya.” I grinned. “Kaya tinigil ko na ang kahibangan ko sa kuya mo. Kaya pinsan mo nalang.” She wiggled her brows. Uminom muna ako ng orange juice. “Ang alam ko ay wala na kaming kamag-anak, Mon. Hindi ko kilala ang mga distant relatives namin. Matagal nang wala ang aming mga abuelo at nag-iisang anak lang din si Daddy at Mommy. Hindi malawak ang angkan namin kaya nga gusto ko pag nagpamilya na ako, mag-aanak ako ng marami para dumami naman lahi namin.” Tumawa ako. “Pero ang alam ko may malayong pinsan si Daddy eh. Taga Palawan ata. Kaso hindi pa namin nakikita at hindi namin kilala kaya hindi namin alam paano ibalita ang pagpanaw nila noon.” She nodded gingerly. “Ah. Sayang naman ang lahi nyo, girl. Ang damot ng lolo mo ha. Masyadong tinipid sa sperm cells ang lola mo. Sumalangit nawa.” Nabilaukan ako sa kanyang sinabi. Hindi ko mapigilang humalakhak. “Goodness, Mon. Ano ka ba. Pati mga patay dinadamay mo sa kalokahan mo. Mamaya, multuhin ka ng mga yun.” Panay pa rin ang hagikhik ko dito kaya hindi tuloy ako makakain ng mabuti. “Veron, gala tayo sa plaza mamayang tanghali. May sing and dance competition na gaganapin doon. Tapos mamayang hapon naman ay Drums and Bugle Competition mula sa iba't ibang schools ang maglalaban-laban. Mamayang gabi may sayawan din sa plaza. Gumala tayo ha para mag-enjoy ka naman.” “Nako Mon, sa kadaldalan mo pa lang enjoy na enjoy na ako.” “Aww. Na-touch naman daw ako doon. It's a pleasure to be of service of you, Madame” “Ayan ka na naman, Mon. Yang mga joke mo na yan dalang-dala pa naman ako. Baka hindi matapos ang gabing ito eh dapuan ako ng kabag kakatawa sa'yo.” “That's nice to hear para naman hindi iyak ang naririnig ko sa'yo. Baka akala mo hindi ko alam. Tumatagos ang atungol mo hanggang sa kwarto ko. Pati pag singa mo dinig na dinig ko. Puro singa mo na siguro yung kumot.” I laughed. “Ang salbahe nito. Hindi naman ako ganyan ka-balahura. Oo na, ikaw na talaga ang the best entertainer in the world.” Hindi ko alam kung ilang oras kami nagtagal sa breakfast table. Panay lang kasi ang asaran at tawanan naming dalawa. It felt good to laugh. Pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat sa aking dibdib. It was past two o’clock in the afternoon nang gumayak kami para tumungo sa sinasabi nitong plaza. Ito ay nasa sentro ng lungsod at thirty minutes na biyahe mula sa kanilang farmhouse. When we arrived, I didn't expect a huge crowd like this. Sa pavement ay may stall and tents na nagtitinda ng kung ano-ano. Ukay-ukay, laruan, mga lobo, kitchen utensils, name it. Lahat ata na pwedeng ibenta ay makikita sa mahabang hilera na iyon. “Veron, huwag kang bibitaw sa kamay ko ha. Jusko, baka may humablot sa'yo at mawala ka, lagot ako sa kuya mo.” She said in a worry tone. Inirapan ko ito. “As if I don't know how to protect myself, Mon. Did you forget?” “Ay oo nga pala. Magaling ka pala sa Martial Arts. I remember our one schoolmate na ninakawan ka ng halik sa pisngi. Nag fifty-fity sa ospital dahil sa ginawa mong pagbasag sa kanyang mukha.” “Yeah. Though I regret it eventually. I had gotten overboard. Noon kasi hirap akong kontrolin ang galit ko. But now, I am more patient. But still, it depends kung anong ginawang aksyon ng lalake. He must not touch me, or I'll break his neck with just one move.” “Ah. Kaya pala nung hinalikan ka nung Chris, di ka pumalag.” Pekeng umubo ako. “That's a different matter. I am attracted to him. And I like the way he kissed me.” “Ay iba din. Baka mag-daydream ka d’yan, girl. Humanap na nga tayo ng pwesto na may lilim para hindi naman mabilad sa araw ang beauty natin.” Apparently, wala kaming nahanap na lilim or rather di kami makapunta sa may lilim dahil sa siksikan ang mga taong nanonood din. Nagkasya na lamang kami sa payong na aming dala. Nag-umpisa na ang singing contest at na-amaze ako sa mga contestants dahil halos silang lahat ay magagaling. “Nauuhaw ako, Veron.” Reklamo nito. “Oh. Ako din, kaso paano tayo makakabili ng mineral water e, nasa kabilang kalsada pa ang mga nagtitinda.” “Dito ka lang at ako nalang ang bibili. Gusto ko rin kumain ng kakanin. May halayang ube akong nakita kanina. Natatakam ako dun.” “Are you sure?” “Ako pa daw ang tinanong. Ikaw, are you sure na dito ka lang? Di ka talaga sasama?” “Dito nalang ako. Maganda kasi itong pwesto natin kitang-kita ang stage. Malapit lang din tayo sa barricade. I will be fine. Basta bilisan mo lang ha.” “Yes, Ma'am.” She winked at me kaya kinurot ko tuloy ang kanyang tagiliran. “Tabi po muna. Dadaan ang Reyna ng Sto. Cristo.” Rinig ko pang sabi nito sa mga tao habang lumalayo sa kinatatayuan ko. Natatawa na naiiling lamang ako sa kalokahan ni Monica. May intermission na ginanap sa stage. Mga kabataan na sumayaw ng isang pop dance song to entertain the public while waiting for the results. And then it was when the Vice Mayor of the town introduced a celebrity na hindi ko naman kilala. The people were surprised and shouted for joy kaya natutulak ako ng mga tao mula sa likuran. Naipit ako dahil sa gusto ng ibang makalapit sa celebrity na iyon at nagsimula nang uminit ang ulo ko dahil may humahawak na sa braso ko. I gritted my teeth and took a deep breath. Pero nang lumapit ang celebrity sa barricade, doon na nagsimulang magwala ang mga tao. May ibang nagpumilit na akyatin ang harang para mas makalapit sa artista. One man pushed me kaya napasandal ako sa gilid ko. At dahil nainis ito ay tinulak din ako nito pabalik! And then someone stepped on my foot that made me lose my balance. People were screaming the artist's name as they all lose their shits. I was cursing them in my mind dahil sa ginawa nila. How could these people easily ignore others and didn’t give a damn kahit nakakapanakit na ang mga ito? Yung kahit alam nilang nabubunggo ka na, ngingisi lang sa'yo at sisigawan ka pa? My goodness! And when someone held my waist from behind, nagdilim ang paningin ko. I would break the owner of these arms! “You should not stay in this crowd, Dela Vega.” I stopped breathing when I recognized that voice. This isn’t real. “How could you let yourself be caught in the middle of this crowded place?” He hissed angrily. My heart started to beat fast. “Chris?” “Don't start me, Dela Vega. I am so pissed right now I could break your neck. Let's get out of here.” He turned me around to face him. Nakatingala lamang ako sa kanya at hindi halos makagalaw sa paraan ng pagkakakulong niya sa akin. I was looking at him, dreamily. Is he really for real? He kept looking to left and right habang naglalakad kami paalis sa barricade na yun. And when someone accidentally bumped me, he glared at the man at kinuwelyuhan. “Don't you dare touch her.” There was cold warning in his voice. “Pasensya na boss, hindi sinasadya.” I was shock. I couldn't think straight of what is going on. How the hell did he find me? Nang sa wakas ay makaalis kami sa crowd na iyon, saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. He was still holding me firmly na para bang wala itong balak na bitawan ako. “Chris, let go of me.” Nag-igting ang panga nito saka ako binitawan. “Hindi ka ba nag-iisip Veronica? Anong ginagawa ng isang tulad mo sa lugar na'to? Hindi mo ba alam kung gaano ka-delikado sa’yo ang pumunta sa ganitong kataong lugar! Look what happened to you there! Para kang bolang tinutulak-tulak ng mga taong yun! And I wanted to kill them right away for laying their fingers on you!” I shut my eyes tightly at naikuyom ang palad. “Alam mo bang nakakainsulto ang mga sinasabi mo sa akin? Do you really think I am that vulnerable? That I am that fragile? Hindi ako babasagin Chris na konting sagi lang maaari nang magkalamat. I am not a f*****g crystal, Chris!” “But you are to me, damn it! You are more than a crystal to me, Dela Vega, that even I am so afraid to touch.” He said softly. “Then don't. Ano rin ba ang ginagawa mo dito? Sinusundan mo rin ba ako?” Pagtataray ko sa kanya ngunit iniwasang tumingin sa mapang-akit niyang mga mata. “Kung sinusundan nga kita, may masama ba dun? You left the house like that without even saying goodbye. Do you really wanna see me lose my sanity, Veronica? Trust me, I am almost there! If I go crazy, wag ka nang magtaka kung isang araw pag gising mo, nasa bahay na ulit kita. I have lots of ways to abduct you, sweetheart.” “Is that a threat?” “Are you threatened?” “Hell, no!” “Good. Because it's not even a threat to start with. It's a promise. Wait till I am good enough for you.” That's the problem, Chris! You think too high of me and you think too low of yourself! God, I wanted to scream those words to his face, but I will wait for him to understand that. Iyon ay kung hindi ito gagawa ng bagay na ikakasira ng tiwala ko sa kanya. How I wish that day would come sooner. I really wanted him to realize that he's good enough for me. But I don't think he’s thinking I am good enough to him. Dahil para sa kanya, I am too good to be true na imposibleng mahalin ko siya. And how I also wish I knew what to do for him to love me as I am. To accept me for who I am. “Aalis na ako.” “I'll see you soon, Dela Vega.” He grinned. Inirapan ko lamang ito saka ako bumalik sa lugar na pinaradahan ng sasakyan ni Monica. I saw her there pacing back and forth at tila hindi mapakali. The relief in worried face when she saw me running to her direction was heart-warming. “Pinag-alala mo ako, babae ka! Akala ko may kumidnap na sa'yo! Anong nangyari at nawala ka dun?” “Sa daan ko nalang ikukuwento. Medyo napagod ako.” She nodded understandingly at hindi na umimik pa. It was time for dinner when I saw an unfamiliar face. He beamed at me and I smiled back at him. “Veron, this is my big brother, Ysmael.” Pakilal ni Monica. “It's a pleasure to meet the great Veronica Dela Vega.” Naglahad ito ng palad. Tinaggap ko ang palad nito and we shook hands. “The pleasure is mine, Ysmael. Thank you for allowing me stay in your humble abode. I really like it here.” “That's good to know. I am sure mas mag-e-enjoy ka pa sa darating na mga araw.” Pinaghila ako nito ng upuan. Monica couldn't seem to contain her wide grin. Pasimpleng pinandidilatan ko lamang ito ng mata. She's very obvious. “Hindi pa ba tayo kakain, kuya?” Siguro ay nagtataka din si Monica dahil hindi pa kumikilos si Ysmael na tila may hinihintay. Ysmael was about to answer when someone cleared his throat out of nowhere. “I am sorry to have kept you waiting.” My jaw deliberately dropped when I heard that utterly familiar voice. Monica shamelessly gawking at the man behind me na hindi alintana ang pagbitaw nito sa hawak na tinidor. She seemed petrified by a spell. I wrinkled my nose. I don't like the appreciation I saw in her eyes. Tumayo si Ysmael. “Ladies, please meet a dear friend of mine, Chris. He's from Sta. Teresa and he'll be our guest for a week.” “Kkkk....Chris?” Monica stuttered and her jaw was almost on the floor. Her reaction literally annoyed the hell out of me. “Chris? Are you THE CHRIS?” She looked at me with big eyes which almost pop out of its socket. Umismid lamang ako sa kanya. Chris pulled a chair beside me. “I'm gonna sit next to my girl.” He uttered nonchalantly. And then the sound of Monica's spoon dropping on the cemented floor was all I hear next. What now?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD