Hindi pa ako kailanman na-excite ng ganito sa buong buhay ko. Yung pakiramdam na halos hindi ako makahinga sa pinaghalong kaba at excitement. Sino ang mag-aakala na ang isang Veronica Dela Vega, in all her glory, ay mananabik lamang sa isang halik? Isang halik mula sa lalakeng kakakilala niya lang.
Crazy as it may sound, but that's actually what I felt.
But I felt like I've been waiting for eternity dahil walang labi na dumapo sa aking nakaawang na bibig. I lazily opened my eyes only to find him standing few steps away from me, arms firmly crossed on his chest, grinning at me like I did something idiotic. Ni hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala niya ako pinakawalan mula sa kanyang pagkakahawak sa akin.
My cheeks instantly burned from embarrassment. I bit my lower lip to stop it from trembling because any moment now, my tears would escape from my eyes. No, I didn't feel like I was robbed. I felt humiliated with my own actions.
“It's not the right time to claim your lips, sweetheart. I am not that insane to let myself caught under your spell. I would not let myself be drowned again to someone who is not worthy. And I know for a fact, that I am not worthy of your attention either. At ayokong isipin mo na inaabuso ko ang pagiging mahina mo ngayon. I am not that bad, trust me. I'm saving yourself from me, Veronica. Hindi ka naman magtatagal dito sa pamamahay ko. After three days or so, aalis ka dito and no one knows when will our paths cross again......or maybe never.” Inabot nito ang takas kong buhok na tumatabing sa aking mukha at inipit sa aking tainga. Umilag ako at tinignan ito ng malalim.
Pinakatitigan niya akong mabuti. His eyes lingered on my tight lips. “Dahil baka pag hinalikan kita ngayon, God knows kung hanggang saan pa ang kaya kong gawin sa'yo.” Namamaos na bigkas nito as he swallowed hard. Hinawakan niya ako sa kamay ngunit piniksi ko iyon.
“Don't touch me.” Mariin na sabi ko. I was furious. I've been played! How could I let myself be fooled by someone like him!
“Hmmm. You're upset, I see. You don't get what I am trying to say to you, do you Veronica?”
“Stop seducing me, Chris. You are bad news. I should stay away from you.”
“Finally! Nakuha mo rin! And yes, Veronica! I am bad news! Kaya wag mo akong tignan gamit ang mga matang yan na tila ba naghihintay ka sa mga yakap at halik ko!”
Hindi ko nagawang sumagot dahil mabilis na hinila ako nito sa komedor. Nawalan ako ng lakas dahil tila kutsilyo ang kanyang mga salita na humihiwa sa pagkatao ko.
Am I that transparent? At masama bang hangaan ko siya? Pasimple kong pinahiran ang sumungaw na luha sa aking mata.
Why am I so vulnerable when it comes to this man? Why it's so easy for me to let my guards down when in fact, I hardly know him?
He rejected me. At ang sakit din palang ma-reject ng ganito.
Pinaghila niya ako ng upuan at umupo naman agad ako dahil nararamdaman ko pa ang panginginig ng aking tuhod. Tahimik ko lamang itong pinapanood habang iniinit sa non-stick pan ang lumamig na ulam.
Sa lahat ng oras ay nakakunot ang noo nito at tila ba kay lalim ng iniisip. Minsan pa ay kumikibot-kibot ang mga labi habang hinahalo ang ulam na nakasalang. Napapasuklay ito sa buhok at kung minsan naman ay umuungol na hindi ko mawari kung may iniinda bang sakit.
Pero nagpatay-malisya na lamang ako at sa mga kamay kong nakasalikop sa ilalim ng mesa binaling ang aking atensyon.
Kumuha ito ng plato, tinidor at kutsara at nilagay sa aking harapan. Pagkatapos ay ang ulam at ang bandehado na may kanin. Pinagsalin din ako nito ng tubig.
“Kumain ka at pagkatapos ay inumin mo ang iyong gamot. At kung inaantok ka pa ay bumalik ka ulit sa pagtulog. Gigisingin na lamang kita kapag maghahapunan na.”
Tumango lamang ako na hindi tumitingin sa kanya. Pumasok si lola sa kusina na mukhang kakagising lang din mula sa kanyang siesta.
“Hijo, sabi ko naman sa'yo okay lang si Veronica. Nakatulog lang dahil sa gamot na ininom niya. Kung mataranta ka naman kanina’y parang sinilaban ang pwet mo kakalakad paroo't parito. Kung nakakatunaw lang ang titig, baka kanina pa natunaw si Veronica sa kakatitig mo kahit tulog yung tao. Kow.” Umiiling-iling ito na nakangisi sa aming dalawa.
“La.” Nagsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa kanyang abuela. Lola Fransing just shrugged her shoulders while pouring water on her glass.
“Aakyat lang muna ako.” Chris said.
“Matutulog ka? Aba ilang oras na lang ay gabi na Topher.” Ani ni lola.
“Hindi ako matutulog, La. Maliligo lang ako. Init na init ako kanina pa.” Isang sulyap ang pinukol nito sa akin bago tumalikod.
“Wari ba, apo? Aba, dapat lang ilabas mo yang init ng katawan mo, Topher. Mukhang kanina ka pa nagpipigil eh.” Ngumisi ang matanda na mas lalong ikinabusangot ng mukha ng apo nito.
Ako naman ay hindi masakyan ang kanilang pinagsasabi at tahimik lamang na kumain. Ngayon ko lang din naramdaman ang paghapdi ng aking sikmura dahil nalipasan na ako ng gutom. Tanging sopas lamang ang nilaman ko sa aking tiyan kaninang umaga.
“La, ako na po magliligpit nito. Tutulungan ko na rin kayong maghanda para sa hapunan.” Wika ko nang matapos akong kumain. I stood up, dala dala ang aking plato at kubyertos para hugasan sa sink.
“Kaya mo na na ba, hija? Nako eh baka magkasakit ka na naman niyan kapag gumawa ka ng mabibigat na gawain. Baka mabinat ka.”
“Dala lang po siguro ng pagod at nabasa pa ho ng ulan kaya ako nagkasakit, la. Pero sanay po talaga akong maglinis ng bahay. Marunong po talaga ako kahit paano.” Ang sabi ko habang naghuhugas.
“O siya kung iyan ang gusto mo. Ang totoo kasi ay pinapahirapan ako ng rayuma ko na ito, hija. Hindi ko lang sinasabi kay Topher dahil ayokong madagdagan pa ang kanyang pag-aalala. Nakita ko kung paano siya nag-alala sa'yo. Hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam kong matagal nyo nang kilala ang isa't isa."
Ngumuso ako ng bahagya. “Concern lang po talaga siguro ang apo nyo, La. Tsaka nakonsensya lang yun sa ginawa niya sa akin kagabi."”Tinignan ko si lola na puno ng pag-alala. “La, kung ganyang sinusumpong pala kayo eh magpahinga na lamang kayo sa silid nyo. Ako na lamang ang bahala dito sa kusina. Tiyak akong maiidlip si Chris pagkatapos nitong maligo. Hindi na po nun malalaman na ako ang kikilos dito sa kusina. At okay na po talaga ako. Hindi na ako nahihilo at hindi na rin masakit ang ulo ko, la. Pahinga lang po talaga ang hinihingi ng aking katawan at sobrang nakapagpahinga na po ako. Pagkatapos ko dito ay aakyat ako para uminom ng gamot at bababa na ako mayamaya para mag prepara ng lulutuin.”
“Mukhang okay ka na nga apo dahil hindi ka na tipid magsalita.” Ngumiti ito sa akin. “Oh sige, ikaw na ang bahala sa hapunan natin. Kompleto naman ang mga rekados natin sa loob ng ref at kung sakaling may kailangan ka ay puntahan mo na lamang ako sa aking silid, hane.”
Ngumiti ako ng malapad dito. “Opo la.”
Pagkatapos kong malinisan at mahugasan ang pinagkainan ko ay umakyat ako sa aking silid para inumin ang aking gamot. Kahit nakaidlip ako nang matagal-tagal kanina ay tiyak akong aantukin pa rin ako mamaya dahil sa epekto ng medisina.
I was planning to go down to the kitchen around six o'clock to cook our dinner. Bago ako umakyat dito sa silid ay nakapagbabad na ako ng iilang pirasong pork chop at ni-marinade ko na ang mga iyon. Pork steak ang balak kong lutuin para sa hapunan at mag-gigisa na lamang ako ng string beans na hahaluan ko ng minced pork.
I was heading to the terrace to kill time and to ponder about the things that were slowly unfolding in my life. Kung paanong sa ikli ng panahon ay tila ba kayrami ng kaganapan sa buhay ko.
Binuksan ko ang pinto ng terrace at lumanghap ng hanging panghapon. Nangilkig agad ako sa lamig at binalot ang aking sarili gamit ang aking mga braso.
Tumigil na ang pagpatak ng ulan ngunit makulimlim pa rin ang kalangitan. Pero dahil na rin siguro sa nalalapit na pagkagat ng dilim. Pero ganun na lang ang panggilalas ko nang sa gilid ng terasa ay nakaupo doon si Chris. Ang mga braso ay nakakrus pa rin sa kanyang harapan, ngunit ang kanyang ulo ay nakasandal sa upuang pang isahan. He is sleeping soundly.
Maingat na lumapit ako sa gawi niya at tahimik na pinagmamasdan ito. At ngayon ko lang nabatid na magkanugnog pala ang terasa ng dalawang kwartong magkatabi. Nakaawang ng bahagya ang kanyang bibig at humihilik din ito.
Binalot ng init ang aking puso dahil sa nakitang pagod sa kanyang gwapong mukha. Kinabisado ko ang bawat detalya ng kanyang mukha. Mula sa makapal na kilay, sa kanyang makakapal din na pilik mata, sa kanyang prominenteng ilong, hanggang sa natural na mamula-mulang mga labi. Bumaba ang tingin ko sa kanyang leeg hanggang sa kanyang dibdib. He is wearing a black sando na halos naging balat na niya dahil sa pagiging hapit nito. Pakiwari ko'y bigla atang sinalaban ang paligid dahil sa init na gumuhit sa aking lalamunan.
I swallowed when I purposely stared at his lips. What does it feel like to be kissed by him? Surely, I am no virgin when it comes to kissing. I remember someone in the past whose name is the same as his, ang unang lalakeng nagpatikim ng unang halik sa akin. And I really enjoyed that kiss long time ago. And that Chris, the stranger, set the bar too high that I feel like throwing up every time other men dared to kiss me.
How about you, Chris? Mapupukaw mo kaya ang damdaming matagal ko nang hindi naramdaman? Marahil. Dahil kahit nakatingin lang ako sa'yo ngayon, nagwawala na ang puso ko. And that is something I really can't understand. Ano ang mayroon sa'yo bakit ako ganito ka-apektado?
I straightened up and sighed heavily. Pakiramdam ko'y para akong gamo-gamo na kahit alam kong matutupok ako ng apoy ay lumalapit pa din. Tama siya. Pagkatapos ng ilang araw ay aalis na rin naman ako sa lugar na ito. Wala namang ibang balidong rason para manatili ako dito. I should not let my desires dictate my mind. Yes, I find him so damn attractive and so handsome. I thought he looked perfect that he's almost too good to be true. But I know better. Ang mga ganitong damdamin ay walang maidudulot na maganda sa akin.
Iniwan ko ito at tuluyang bumaba sa bahay. I should not focus on him. Cooking is my only diversion for now.
Kahit paano ay laking pasalamat ko pa rin dahil nakahiligan kong tumambay sa kitchen ng hotel kaya kahit paano ay may idea ako sa pagluluto. I know some recipes although I didn't try to cook them. Pero ngayon, I will put my heart into it. Sana lang ay magustuhan nila ang lulutuin ko para sa hapunan.
Pero kanina pa ako nagpabalik-balik sa kusina ay wala akong makitang electric stove or gas stove man lang dito. Ang tanging nakita ko ay isang kalan. Ngumuso ako. Hindi ko alam paano magpaningas ng apoy. Sa tabi ng kalan ay may isang matchbox at iilang pirasong papel. Sa ilalim ng pinagpatungan ng kalan ay ang mga nakasibak na kahoy naman ang naroon.
“My goodness, how does this thing work? Anong ayos ba ng kahoy? Pa-ekis? Ihehelera ko ba? Pagpapatungin ko ba? Paano!” I spoke exasperatingly. “Gamitin ang utak Veronica! May ganito dati noong nasa Primary ka pa, di ba? Remember noong nag girl scout ka? Di ba may ganito kayong activity noon? Di ba?” Para na akong baliw habang kinakastigo ang sarili.
Pinag-ekis ko ang mga piraso ng kahoy at saka ako naglagay ng papel sa ilalim. Kinuha ko ang posporo at sinindihan ang papel. Laking tuwa ko nang umapoy ito hanggang sa gitna. Ngunit naubos na lang ang papel ay hindi man lang magbaga ang kahoy. Puro itim na usok pa ang lumalabas dito. Panay ang ubo ko at tagaktak na rin ang pawis ko. Wala sa sariling pinahiran ko ang aking noo gamit ang aking kamay.
“Anong ginagawa mo? May balak ka bang sunugin ang bahay? Umabot na ang usok hanggang sa itaas, Veronica.” Baritonong boses ni Chris ang nagpalundag sa kinatatayuan ko.
I faced him. “Sorry. Hindi ako marunong magningas ng apoy eh.” Ngumiwi ako dahil sa kahihiyan.
He was frowning at me then suddenly an amused grin masked on his lips hanggang sa tuluyan itong humalakhak.
What the hell?
Umiiling-iling ito sa akin. “You're unbelievable!” Bulalas nito.
Namewang ako sa harap niya. “Anong nakakatawa, Chris? Kanina pa nga ako nahihipan dito tapos pagtatawanan mo lang ako? Nag-e-effort na nga ang tao tapos ganito lang magiging reaksyon mo? Nakakainsulto ka ha!” Nagpupuyos ang damdamin ko sa inis.
Patuloy lamang ito sa pagtawa habang nagpipiga ng maliit na tuwalya na hindi ko alam saan niya hinablot.
“Sino ba naman kasi ang hindi matatawa sa istura mo? Puro uling na yang mukha mo.” Lumapit ito sa akin at hinuli pareho ang aking palapulsuan gamit lamang ang isang kamay. His other hand holding the wet towel went to my face as he slowly wiped the dirt na hindi ko alam na mayroon pala.
Puno ng pag-iingat ang pagdampi ng tela sa aking balat. Pinunasan nito ang aking noo, ilong at pisngi. But our eyes were locked with each other. Wala akong lakas para bawiin ang aking tingin mula sa kanya. Nakakadarang ang paraan ng titig niya sa akin.
Mula sa aking pisngi ay bumaba ang kamay nito patungo sa aking leeg. I involuntarily tilted my head back to give him more of my neck. My breathing became heavy.
“God, you're so beautiful....” He whispered against my skin.
“Chris.......” I whispered, calling his name.
He uttered a curse before he freed me. “Ako na ang magpapaningas ng apoy. Igayak mo nalang ang balak mong lutuin.” Tinalikdan ako nito.
For the ninth time, my heart sank. Why does he always reject me kahit nasasalamin ko sa mga mata niya ang nais niyang gawin sa akin? My head hung low as I started preparing for my spices. Kinuha ko ang sangkalan at kutsilyo. Habang binabalatan ko ang sibuyas ay hinayaan kong mamalibis ang luha sa aking pisngi. Siguro naman pwede kong gawing excuse ang sibuyas kaya ako naiiyak.
But it was a mistake because I cut the tip of my finger due to my blurred vision. Napahiyaw ako sa sakit. Daplis lang iyon pero dumudugo and God, I hate to see blood. I felt like my nightmares were coming back to life.
“Veronica!” Dinaluhan ako ni Chris at hinawakan ang aking hintuturo na nagdudugo.
He pressed it to add pressure at umaray ulit ako. Ang hapdi. Ang sakit. But all those pains vanished when Chris took me by surprise. He sucked my finger and spit some blood in the sink. Nanlalaki ang mata kong nakatitig sa kanya.
I could feel his tongue slowly, gently, erotically caressing the tip of my forefinger. Napaungol ako sa paraan ng kanyang paghagod.
“Veronica....”
Umiling ako. Nagbabanta ang mga luha sa aking mga mata.
“Chris, kung lagi mo na lang akong bibitinin, you better stop seducing me or I will—”
I gasped when his one arm snaked around my waist, drawing me closer to his godlike body. His other arm went to the back of my head. His forehead leaning against mine. The tips of our nose touching each other. Our lips are an inch away.
“If I kiss you now, I might not be able to stop myself from kissing you over and over again. Are you okay with that?” The fire in his brown eyes sent shivers down my spine.
I gulped. “Yes....”
“God knows what kind of pain I've been through every time I look at you. I am in chaos whenever I think of you. You are a virus, Dela Vega. You are f*****g my system that I can't think straight anymore. I just wish you brought the antidote with you because sweetheart, I will be unstoppable.” He whispered before he captured my mouth with his.
Ah, finally.