bc

Chris, the Macho Lawyer (FREE to READ)

book_age18+
12.3K
FOLLOW
54.2K
READ
drama
tragedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Chris Villaforte. Maagang naulila sa magulang. Namulat sa hirap ng buhay at nagsumikap na maabot ang mga pangarap. He became a corporate lawyer. And he's known for being cold and snob. He hates girls who are rich and famous. Brats and impulsive. For him, they are like plague that needs to be stayed away from.

Veronica dela Vega. Rich and famous. Brat and impulsive. She's known for being a snob. Some even called her an Ice Queen for treating others, men specifically, like they don't exist in this world.

What will happen if this two persons met? Are their worlds going to revolve to one direction or will it collide?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Noooooo!" malakas na tili ang kumawala sa aking bibig kasabay nang biglaan kong pagbangon. Basang basa ng pawis ang aking likod at namumuo rin ang luha sa aking mga mata. I was crying to my heart's content. My face buried on my hands. I hugged my trembling body. Why, why it doesn't go away after after all these years.   Suddenly, there was an abrupt opening of the door. Kuya Lawrence's worried face appeared in front of me at mabilis ako nitong dinaluhan.   "What's wrong, Veronica?" he asked as he gently pulled me close to his embrace.   "Bad dream, kuya." I hiccupped.   Bumuntong-hininga si kuya Lawrence. Panay ang haplos nito sa aking buhok. He planted a soft kiss on my forehead.   "Bumabalik na naman ba?" he asked sofly.   He was referring to the nightmares I have always had. Paulit-ulit ang eksena sa panaginip ko. Ang eksena kung saan binaril ang aming mga magulang sa mismong harapan namin. Hindi klaro ang ibang kaganapan since it happened ages ago. Pero sa tuwing napapanaginipan ko ang tagpong iyon, hindi ko maiwasang manginig sa takot.   Tanging tango lamang ang aking ginawa bilang sagot kay kuya Lawrence.   "It's okay, Vernonica. I'm just here. No one can harm you." Malambing na sambit nito. Hindi ako sumagot dahil masakit ang lalamunan ko sa pag-iyak. Yakap-yakap lamang ako nito.   "Thank you for always being here, kuya." I said after I calmed down. And me being thankful to him doesn't mean only this time. When I was living in France, I've had a few nightmares. And every time I woke up, tinatawagan ko si kuya kahit na alam kong magkaiba ang oras ng dalawang bansa. And he's always there, no matter how tired or sleepy he was, he's just there on the line, trying to calm the storm inside me.   Umayos ako ng higa at kinumutan ni kuya Lawrence hanggang sa aking beywang.  "Ikukuha kita ng fresh milk."   Sa narinig ay ngumuso ako. "Kuya, ginagawa mo akong bata. Matanda na ako. I'm twenty-two." I pouted.   Nagtaas ito ng kilay ngunit nakangisi. "I know right. But you will always be my baby sister." He then sighed. "Kakabalik mo lang mula Europe, you need to take a lot of rest."   Mas lalo lamang akong ngumuso. "You spoiled me rotten, dear brother."   "I know. You always give me headache. That's the price I get." He chuckled lightly sabay tayo.   Sumilay ang ngiti sa aking labi. Kung mayroon mang mas pinaka-naapektuhan sa nangyaring trahedya noon, walang iba yun kundi si kuya Lawrence. He suffered more than I could imagine. Ngunit pilit pa rin itong nagpapakatatag at nililibang ang sarili para lamang matakasan ang isang madilim na kaganapan sa aming buhay.   Isa sa mga dasal ko ay sana makahanap na ng mamahalin si kuya Lawrence. At isang klaseng babae na magugustutuhan ko rin. Ang babaeng magdadala ng saya sa malungkot na buhay ni kuya. He may have all the riches in the world, pero alam kong hindi ito sapat para sa kanya. Indeed, money can't buy happiness. Sana lang ay may inilaan ang Diyos sa kanya upang tuluyan nitong makamtan ang tunay na ligaya.    "Kuya, payagan mo na ako sa paki-usap ko." I said out of nowhere. He was about to open the door to leave.   He sighed at umiling. "I'll think about it, baby girl."   Paglabas nito sa pinto ay lumawak agad ang aking ngisi. Pag ganun na ang sagot nito, otsenta porsyentong papayag na ito sa hinihingi kong bakasyon.   Kahit paano ay gumaan ang aking pakiramdam at hinihila na ako pabalik ng antok. Mukhang hindi ko na maiinom ang gatas na ipapanhik ng kuya.   **********************   Kinabukasan, tahimik na kumakain kaming magkapatid sa breakfast table. Kagat-labing hinihintay ko itong magsalita. This is supposed to be the day that I travel to my friend's place.   "Saan ka nga tutuloy?" he asked after he put his cutlery on his empty plate.   Napalunok ako sa biglaan nitong tanong. "Sa bahay ng kaibigan ko, kuya. Remember Monica? She's my classmate since high school. She invited me to come to their rest house. She's actually waiting for me today. It's been a year since I last saw her. I promised her a visit."   "At saan ang rest house na iyon?" he asked nonchalantly. Hawak-hawak nito ang tasa ng kape.   Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri na nasa aking kandungan. Paniguradong hindi ako papayagan pag nalaman nitong malayo ang kinalulugaran ng rest house ng pamilya ni Monica.   "Sa......ano. Sa....sa Compostela." mahina kong sagot. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay nito. He pressed his lips tightly. Mukhang malabo na talaga akong payagan nito. Napayuko ako. I don't want to meet my brother's fiery eyes. Even if he's my brother, I still find him intimidating sometimes.   "Compostela, eh?"   I nodded non-stop. Still evading his piercing eyes.   There was defeaning silence afterwards. Nag-angat ako ng tingin sa aking kapatid na ngayon ay nakatayo na at handa ng pumasok sa office nito na nasa baba lamang ng aming penthouse.   "Kuya, please. Ilang araw----"   "Always bring your cellphone. Make sure the power is on para anytime ay matawagan kita. Once na may tawag ako na hindi mo nasagot, ipapasundo kita antimano. And Veronica...." He stopped talking at humarap sa akin na nakatanga lamang sa kanya. "I don't want to hear na may mga lalakeng kasama sa bakasyon na yan. And you can't hide those things from me because I have ways to find out and you know it. I have always my eyes on you, pet."   Sunod-sunod ang aking pagtango sa mga sinabi ni kuya Lawrence. Mabilis akong tumayo at nanakbo sa kinatatayuan nito. I hugged him so tight at pinugpog ng halik ang pisngi nito. Hindi ko makapaniwala na pinapayagan ako nito!   "Thank you, big brother. Don't worry I can't live without my cellphone either. And you know me, I hate boys. But you're the exception to the rule."   "Tss. Hate boys. Eh? Kaya pala sunod-sunod ang dating scandals mo?" he smirked. "Are you going to ride on a bus? Hindi ba delikado ang daan patungo doon? Puro bangin dun ah." wika nito sabay pasada sa three-piece suit into na nagusot sa pagyakap ko.   "Yes and no. Yes, I'll ride on a bus and no, hindi delikado ang daan patungo sa kanila, kuya. Malayo sa bangin. Patungong Surigao siguro ang tinutukoy mo eh."   "Make sure you'll be safe there, Veronica. I can't afford to lose you." He said in a serious tone.   My heart melted. "Awww.... Na-touch naman ako dun. I love you kuya. Hayaan mo, hahanapan kita ng magagandang dilag doon na magugustutuhan ko para sa'yo. Ayoko sa mga babae mo dito sa siyudad. Masyadong aggressive at liberated. Nagmumukha na tuloy silang aso sa kakahabol sa'yo. Kulang na lang dilaan nila ang sapatos mo just to please you. They are so pathetic with capital letter P. Eww."   Humalakhak si kuya Lawrence at hinalikan ang aking noo. "Promise me when you get back, aatupagin mo na ang trabahong inilaan ko sa'yo."   I wrinkled my nose. "Okay, fine. Magpapaka-busy ako sa work habang naghihintay sa aking contract from Paris."   Lawrence heaved a sigh. "Sana lang sa bakasyon mo na ito, matigil na yang kahibangan mo sa pagsasabing nagsasawa ka na sa buhay na mayroon ka ngayon. Lots of women are willing to kill just to be in your shoes, lady."   "Me? I am not complaining, kuya. In fact, I am thankful for the life our parents had given to us. Nababagot lang kasi ako. I just need a break. Kakagraduate ko lang din. I need something new and refreshing. I want to relieve from all the stress I had the past few years of studying."   "Studying, eh? If only you had focused on studying, hindi ka sana na-stress. Kaso, halos pinagsasabay mo ang pag-aaral sa pag momodelo."   "Modelling is my passion, kuya Lawrence! And excuse me, in case you have forgotten, you agreed to it, duh." I rolled my eyes as I crossed my arms over my chest.   "Yeah right. Whatever. Give me updates later, Veronica." nagpaalam na ito and I waved goodbye while grinning. Yes! Freedom at last!   Mabilis akong tumakbo patungo sa aking kwarto. Habang nag-iimpake ay tinawagan ko si Monica. She'll probably be shock kapag nalaman nitong pinayagan ako ng aking super-protective brother. "Hi Monica? Guess what I am doing right now?" I grinned. Naka-loudspeaker ang aking cellphone para I am free to move around. I can't contain myself from happiness!   "Hmmm...mukhang kakagising mo lang siguro." She answered doubtfully.   I chuckled. "Wrong answer, sis. Paano ba ito? Hindi ko nalang siguro dadalhin dyan ang pasalubong ko for you."   There was a dead air on the other line. "OMG!" Monica screamed while laughing. "You serious? Are you really coming? Pinayagan ka ng jowa ko? Este ng kuya mo?"   I hollered. She had a huge crush on my brother way back our senior high years. And she was very vocal about it. Gusto ko mang ireto ito kay kuya, kaso alam kong masasaktan lamang ito. There's no way kuya Lawrence will fall in love with Monica. He knows she's my friend. He won't dare to cross the line. Kuya and I both know na hanggang fling lang ang ginagawa nito sa mga babae. I won't allow Monica to be on the list of his flings. Not that Kuya will be interested on her, though. I mean, she's pretty but she's out of his league.   "Yep." I answered happily.   "Great!"   "Great talaga! So paano nga ulit ako makakapunta diyan?"   "Okay. Listen very well, sis. Sakay ka ng bus na biyaheng San Frans. Magpababa ka sa konduktor sa Sto. Cristo. And then dito kita sa terminal ng Sto. Cristo aabangan. Medyo maulan ang panahon sis ha. Kaya ingat ikaw sa biyahe."   "Okay. Got it. Madali lang naman pala eh." sagot ko habang naglalagay ng mga damit sa aking katamtamang laki na Gucci travelling bag. Tatlong linggo lang naman ako doon. Hindi na siguro kailangan magdala ng marami. Iyong mga mahahalaga lang ang aking bibitbitin.   "Limang oras din ang biyahe friend kaya magbaon ka ng makakain."   Ngumiwi ako. "Makakain? Like sandwich? Wala bang restaurant na paghihintuan ang bus?"   Monica laughed on the phone. "Mayroon. Ngunit hindi sa mga first-class restaurant kundi sa mga turo-turo lamang. Knowing you, babaligtad lang yang sikmura mo sa mga karinderya. Bakit ba kasi ayaw mong magpasundo o magpahatid kaya sa kuya mo? Para naman masilayan ko din ang aking prinsipe. Ilang taon ko na rin itong hindi nakikita. Lagi na lamang sa mga pahina ng dyaryo ko napagmamasdan ang kanyang  katawan, este mukha."   Humagikhik ako. Loka-loka talaga. "He's busy running our business. Alam mo naman yun. He's always working like a farm dog. And besides, I want to commute. First time experience ko ito kaya I want to enjoy this while I still can. And my brother allowed me, so..." I shrugged off.   "Fine. Oh, basta yun na yun ha. Tawagan mo ako pag malapit ka na sa Sta. Cristo."   "Okay! See you after a couple of hours!"   "You take care, sis. You are too pretty to ride on the bus. Hindi ko maipapangako ang safety mo. Better yet, hide your face. Wear glasses or wrap your head with scarf. Some people might recognize you. Ang laki naman kasi ng mga billboard mo sa highway." Tumawa ito but concern was abvious in her voice. I smiled.   "Don't fret, Monica. I know what to do. I can take care of myself." Ang hindi alam ng kaibigan ay nag-aral ako ng self-defense sa France. I am sure na kaya kong pangalagaan ang sarili ko.   Nang matapos ang aking pag-iimpake ay naligo na ako. I decided to wear skinny jeans at white tank top. Ang alam ko ay airconditioned ang mga bus so maglalabas na rin ako ng cardigan at baka ginawin ako sa biyahe. Converse Chuck Taylor All Star High – Pre School Shoes naman ang napili kong suotin para sa aking paa.   Dumaan muna ako sa opisina ni kuya para personal na magpaalam. Ang Executive office namin ay nasa top floor ng hotel. He told me that the car was already waiting at the carpark. Hindi ko na kinailangan pang sabihan ang driver kung saan ako ihahatid. Makalipas ang ilang minuto ay humimpil ang sasakyan sa labas ng Ecoland Bus Terminal.   Hindi pa gaanong puno ang bus nang umakyat ako. I chose a seat that is near the window. While waiting for the other passengers, I can't help but to grin. I feel so excited and thrilled at the same time. My eyes were fixated outside the window. There were lots of people. Mga bata at matatanda. May mga kanya-kanyang bitbit. Ang iba'y kahon, stripe bags at bayong. Ang iba naman ay may bitbit na mga pasulubong like dunkin donuts. I wonder what it feels like to live as an ordinary person. Sigurado akong bawat tao ay may pinagdadaanang hirap sa buhay. Pero bilib ako sa mga taong matatag ang kalooban. Yung kahit hirap na sa buhay, nagagawa pa ring ngumiti. Kahit nabibigatan na sa iba't ibang klaseng problemang dumarating, bumabangon pa rin sa umaga at nakakaya pa ring magpatuloy sa buhay.   I was pulled out from my trance nang sumigaw ang konduktor na lalarga na. Hindi pa gaanong puno ang bus pero baka naabutan na ito ng oras. Umayos ako ng pagkakaupo. Siguro naman ay hindi ako mapapansin ng mga tao? Nothing fancy about my outifit. Naka –hat ako at nakalugay lamang ang aking mamula-mulang buhok. The only thing that I wear on my face is my lip tint. I wear dark shades because I don't like to do eye contact with strangers.   Sinuot ko ang cardigan at sumandal ulit sa upuan. There was a small flat screen TV at the top front of the bus, but I have no plan watching dahil sasakit lamang ang aking ulo. I'd rather want to listen to the music. I pulled out my wired headset and phone from the pocket of my sling bag. I texted kuya that the bus is about to leave from the terminal.   "Mama, pakibaba po ako sa Sto. Cristo ha." Bilin ko sa konduktor pagkatapos akong tiketan. Tumango naman ito kaya pumanatag ako. Ilang sandali akong naaliw sa paligid hanggang sa tuluyan akong dalawin ng antok. Maalala kong hindi pala ako nakatulog ng mahimbing kagabi. Siguro naman ay gigisingin ako ng konduktor pag malapit na kami sa Sto. Cristo Terminal.   Naalimpungatan ako sa boses ng konduktor na sumisigaw. "Wala na bang bababa diyan! Mga bababa diyan! Sta. Teresa na tayo!"   Nanlaki ang mata ko sa narinig at tumayo agad-agad. "Manong, malapit na po ba tayo sa Sto. Cristo?"   Nagkamot sa batok ang konduktor. "Nako Miss. Nadaanan na natin. Lumagpas na tayo." Naliit ang mga mata ko sa lalakeng alanganing ngumiti sa akin. "Sabi ko sa inyo ibaba nyo ako eh!" I was pissed, more to myself. How and why I slept that long was something I couldn't ponder.   "Sorry Miss ha. Nakalimutan ko."   I heaved a sigh. I wanted to yell at him pero wala na akong magagawa. "Pakihinto nalang ang bus at bababa ako!" mabilis kong kinuha ang travelling bag at akma sana akong tutulungan ng konduktor ngunit iniwas ko ang aking bag. "I got this." I said coldly. Okay, I am pissed at him as well. I can't help it.   Hindi ko na ininda pa ang bulungan ng ilang pasahero. I don't care if they find me rude. Their opinions don't matter to me.   I was still livid habang sinusundan ng tingin ang bus na papalayo.   Inikot ko ang aking tingin. "Where in the world am I? Lagot ako nito kay kuya." Nasa gitna ako ng aspaltong daan. Ang magkabilang panig ay pinapalibutan ng walang katapusang kakahuyan. Gusto kong magsisi kung bakit naisipan kong bumaba agad. Surely a bus from Sta. Teresa will come and will take me back to Sto. Cristo, yes?   Napatili ako nang kumudlit ang matalim na kidlat sa kalangitan at unti-unting bumuhos ang ulan. "Damn! Damn! Damn!" patuloy kong mura habang tumatakbo sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa.   Isang makitid na daan ang aking tinahak na hindi ko alam kung saan ang tungo. Lakad takbo ang aking ginawa dahil basang basa na ako. I don't worry about my travelling bag getting wet dahil waterproof ito. Tiyak akong hindi mababasa ang loob.   Isang malaking bahay ang tumambad sa akin. Mataas ang kulay blue na gate nito. Halatang bagong pintura iyon. Malawak rin ang bahay na may dalawang palapag. Mula sa aking kinatatayuan ay kita ko ang malapad na veranda sa ikalawang palapag. This isn't a house. It's more like a mansion. Not so big like the mansions I have been to but nevertheless, a mansion.   I was about to press the button when someone cleared a throat. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang aking bag at napaharap sa tao na nasa aking likuran.   A man. A tall man. Naka buri hat ito at nakasandong kulay itim. Kupasin ang pantalon nito na punit-punit sa bandang tuhod. Ang boots nito ay napapaligiran na ng putik.   My gaze went back to his face. His dark, piercing eyes glittered as they roamed on my face. I suddenly feel cold by the way his stares lingered on me.   He's no doubt a very beautiful man. But I could feel a dark aura around him.   Kumunot ang noo nito habang nakatitig sa akin. "Bakit ngayon ka lang?"   I was caught off-guard by his question. Or maybe because of his deep, baritone voice? Wait, bakit ngayon lang daw ako? Did he anticipate my arrival? That's impossible!   "Huh? Hindi ko---"   "Kanina ka pa hinihintay ng lola ko. Malapit ng dumilim at maghahapunan na. You still need to cook for us."   Ano daw?   "Huh?"   "Di ba ikaw ang pinadala ni Saling na galing sa kanilang probinsya? Kanina ka pa namin hinihintay. Pumasok na tayo sa loob." medyo pagalit pang sabi nito.   Naguguluhan ako. Sinong Saling ang tinutukoy ng lalakeng ito?   Binuksan ng lalake ang gate at kinuha ang aking travelling bag na ngayon ay sobrang dumi na. "Follow me." he ordered with authority.   "Teka lang, hindi ko maintindihan. Ano bang gagawin ko dito?" s**t, that was a stupid question, I know. Kailangan ko ng matutuluyan kahit ngayong gabi lang.   Nagtaas ito ng kilay sa akin. "You're a new-hired helper of my Grandma and the new cook of this house. Any more question?"   Nalaglag ang aking panga. "I'm a what?" Naibulalas ko. Did I hear him right? I'm a helper? Cook? Is this guy crazy? Does he even know who I am?   I am freaking Veronica dela Vega!   His angry voice was the next thing I heard. "At pwede ba, huwag kang magsusuot ng ganyan! Kitang-kita ko ang dibdib mong nabakat sa basa ng ulan. Kung ibang tao ang nakakita sa'yo, malamang ginahasa ka na." matalim ang titig ng lalake sa akin bago naglakad ng tuloy-tuloy sa bahay.   Nawindang ako sa sinabi nito and I suddenly lowered my head.  Umungol ako sa inis at hiya. My black brassiere was obvious dahil na rin sa manipis ang blouse ko at bumaba ang neckline niyon dahil na rin siguro sa kakatakbo ko kanina.   Oh, great God! What did I do to be caught up in this unfortunate situation?            

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
430.9K
bc

ZACH HOFFMAN

read
227.0K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
612.3K
bc

That Night

read
1.1M
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
204.4K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
601.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook