FIFTEEN: STARTLED

3301 Words
I had a hard time opening my eyes. Namimigat pa talaga kasi ang talukap ng aking mga mata. Ito na ata ang pinakamasarap na tulog na nagawa ko mula nang umalis ako sa siyudad. I couldn't sleep in Monica's house because all I did was to keep on thinking about Chris. Speaking of that man, kinapa ko ang espasyo na hinigaan nito. He wasn't there anymore. Ngumuso ako. Disappointment was the first thing I felt. I really wanted to wake up beside him. And his face was all I wanted to see first thing is the morning. Gumalaw ako at nag inat sabay baling sa kabilang direksyon nang may masagi akong matigas na bagay. It was Chris' left bicep at nakaupo pala ang lalake sa kabilang gilid ng kama at nakangiting nakamasid sa akin. His hair was damp and messy. He was wearing a pair of white sando and jogging pants. Ngayon ko lang din naamoy ang sabong panligong gamit nito. Mahinang tumawa ito dahil siguro sa pamumula ng aking pisngi. Napangisi ako at hinila ang kumot at saka nagtalukbong para magtago. I squeaked when he pulled the comforter at dinaganan ako, grabbing my wrists and placed above my head. “Kanina ka pa gising?” I asked. He nodded. “Yes. I feel so blessed just watching you sleep. You look like an angel, sweetheart. I almost thought I was in heaven.” “Ang agang bola niyan, Chris. But really, how could a man look so handsome in the morning like the one who's hovering over me now?” I gave him a teasing smile. He grinned. “It's just a pretty face, sweetheart. There's nothing special about my face. How about try looking southwards?” He c****d his perfect brow at me with that stare that always makes me breathless. I swallowed. I wouldn't dare to do what he just told me. “I'm famished.” Alanganin kong sambit. I need to change topics because, god, I felt a burning sensation between my legs. And I wasn't born yesterday not to know what's that hard thing poking against my thigh. “Hmmm...me too. I have a delicious food under me.” Umungol ako bilang protesta. “I'm really hungry. Pwedeng mamaya mo na ako landiin, Sir? Wala pa naman akong energy ngayon para makipagsabayan sa'yo. Naghuhurumintado na talaga ang sikmura ko.” “Tanghali ka ba naman na magising, Ma'am. Talagang gugutumin ka na talaga.” “Huh? Tanghali na?” Gulat ko. Napatakip ako sa aking bibig dahil mas lalo kong naramdaman ang kahihiyan. “Iniisip tuloy ni lola, pinagod kita kagabi kaya tulog na tulog ka pa.” Ngumising aso ito. I scoffed at him sabay hampas ko sa kanyang balikat. “Then, umalis ka na sa ibabaw ko. Babangon na ako para makapaghilamos at nang makababa na tayo.” “Just give me another moment to hold you. I was really hungry a while ago, but it disappeared the moment I held you in my arms.” “Hindi ka pa ba kumakain?” Umiling ito sabay dampi ng mababaw na halik sa aking ilong. “I want to eat you, uhm, eat with you. I want to do things with you. I want to spend every second of every minute with you, sweetheart. I've never been this crazy over a girl before. I've been cursed by you. Damn it.” “Talaga? Kaya pala inayawan mo ako sa umpisa dahil hindi ka pa makapag move-on sa past mo. Obviously, mas nabaliw ka dun dahil ang tagal mong mag move-on.” Pang uuyam ko at inirapan ito. Jealousy was all I could feel right now. He sighed heavily. "Give me more time, my sweet. I am slowly opening my heart to you. If I gave it all at once, and bad fate s**t on me again that I lose you later, I think I'm gonna die this time.” Napapaos nitong sambit at ibinaon ang mukha sa aking leeg. Bumuntong-hininga ako at hinaplos ang likod ng kanyang ulo. "I'm sorry for demanding too much. We are just starting and yet, nasasaktan na kita. I'm really sorry.” “You're not hurting me, sweetheart. My past and my fears are the ones that are hurting us. Let's take things slowly. One step at a time, remember?” I nodded and smiled brightly at him. He moved his head and his eyes lingered on my lips. I bit my lower lip as I pulled his neck towards me. I kissed him passionately until I ran out of breath. “Now that's the way to start a day.” He chuckled and I giggled. We had lunch together. Kami lang dalawa dahil si lola Fransing ay nagtungo sa kanyang orchard na hindi ko alam na mayroon pala. Sa likurang bahagi ng bahay iyon at ilang metro ang layo mula sa bahay. Hindi ko tanaw ang tanawin na iyon mula sa bintana ng kwartong inuukopa ko. Mga kinse minutos na lakaran ang kailangan gugulin para makarating doon sa orchard. Nilingon ko si Chris na pinapayungan ako dahil sobrang mainit ang panahon. “Paanong nalalakad ito ni lola? Hindi na ba sumasakit ang kanyang mga tuhod?” “May depadyak akong binili para masakyan niya tuwing tutungo dito. Si Tonyo ang inaatasan kong magpadyak pag gustong galain ni lola ang orchard. Kakabalik lang nito noong araw na umalis ka mula sa kanyang bakasyon.” Tumango-tango ako. “Mainam naman. Nag-alala naman ako dahil akala ko nilalakad niya lang talaga ito kahit ba sementado ang daan.” “Tingin mo naman ba ay pahihintulutan ko siya? Tsaka dalawang beses lang sa isang linggo kung pumasyal siya dito. Madalas, ako ang namamahala sa orchard niya.” “Kung ganun ay hindi ka talaga nakapirmi lang dito sa Sto. Cristo? Saan ka nagtatrabaho?” “Bihira lang din akong umuwi dito. Tara, natatanaw ko na si lola sa kanyang munting kubo.” I frowned as I let him pull me to the nipa hut. Why do I feel like Chris is hiding something from me? Being in a relationship, two people must be open to each other and trust each other. Being secretive is like a crime thing to do to your partner. I really hate the way how my heart is pounding like crazy against my chest. Because when I feel like this, I know my intuitions are right. Isang malalim na buntong-hininga lamang ang aking ginawa and I shook my head. I should stop overthinking. Kung gusto kong magtagal ang relasyon na inuumpisahan palang naming buuin, then I need to put my complete trust on him. “La.” Lola Fransing was sitting on a rattan chair as she was busy gazing at the orchard. She glanced at us and smiled instantly. “Mga apo. Kayo ba e, nakakain na?” “Magandang tanghali, La.” Lumapit ako dito at nagmano. “Pasensya na po kayo kung tanghali na ako nagising.” “Wala kang dapat ihingi ng pasensya, apo. Talagang napapasarap ang tulog natin pag tayo ay pagod. Alam kong kakagaling n’yo lang sa biyahe at ang kwento ni Chris ay may nangyaring hindi maganda sa inyo kagabi doon sa plaza. Mabuti naman at walang nasaktan sa inyong dalawa.” “Oo nga po e. Namamangha nga ako sa apo nyo at nakaya niyang labanan ang mga lalakeng yun.” Hinawakan ko ang kamay ni Chris at dinampian ng halik ang kanyang balikat. Hinaplos lang din nito ang ibabang labi ko at namumungay na matang ngumiti sa akin. “Ay oo. Wag kang mag-alala sa apo ko na yan, Veronica. Sanay yan sa labanang kalye. Lumaki at nagkaisip yan na halos araw-araw ay nakikipag-away sa mga tambay dun sa dating bahay namin sa Davao. Laking pasalamat ko na sa Diyos pag umuuwi itong walang galos o pasa sa mukha.” Umiiling na natatawa si lola habang nakatingin sa kanyang apo. “Basagolero ka pala talaga noon.” Pang-aasar ko. “Hindi naman. Talagang sila ang nauuna palagi. Kapag umiiwas ako, hindi rin naman nila ako titigilan. Tumitigil lang sila pag bugbog sarado na sila.” Ngumuso ako at humarap sa kanya. Ang mga braso ko ay nakasampay sa kanyang batok at marahan kong hinahaplos ang kanyang buhok. His face was impassive. There was no emotion showing on his features. It was blank and plain. Alam kong sa likod ng kanyang isip ay inaalala nito ang kanyang nakaraan. “Chris, gusto ko mula ngayon, hindi ka na makikipag-away ha. Hangga't maaari ay lumayo ka sa gulo. Ayokong mamantsahan yang mukha mo kahit kapirasong sugat lang. Naiintindihan mo?” “I will try. Pero wag lang sana na dumating ang panahon na ikaw ay malagay sa panganib dahil tinitiyak kong hindi na sisikatan ng araw ang sinumang magtangkang manakit sa'yo.” determinado nitong pahayag. Tipid na ngumiti ako. “Iingatan ko ang sarili ko mula ngayon nang sa ganun ay hindi dumating ang araw na yun.” “At gusto kong kastiguhin ang kuya mo dahil pinayagan ka niyang bumiyahe nang mag-isa lamang.” I pouted. “I hate bodyguards, Chris. Ilang beses na naming pinagtalunang magkapatid yan. Wag ka, kahit nasa Paris ako ay namamataan ko ang mga far guards ko kahit saan man ako magpunta. Pero nakasanayan ko na rin. But this time, alam kong hindi niya ako pinasundan. E di sana nalaman niyang hindi ako kina Monica nakatira ngayon. At tiyak akong kapag nalaman niya ang sitwasyon ko, ay wala pa sigurong bente kwatrong oras ay may sumundo na sa akin para maibalik ako sa siyudad. That's how paranoid my big brother is.” I said as we sat at the bench next to lola Fransing's chair. “Kumusta naman ang sandaling pananatili mo sa bahay ng kaibigan mo, Veronica?” Singit ni lola. “Okay naman po ako dun, la. Gusto ko nga po sana makasama pa ng matagal ang kaibigan ko kaso itong apo nyo—” Hindi ko matuloy-tuloy ang aking sasabihin. “—ay makulit, eh noh? Pagpasensyahan mo na lang yan siya, apo, dahil sa nakalipas na ilang taon ay ngayon lang yan ulit nahibang sa babae. Sana lang ay hindi nyo saktan ang isa't isa at nawa'y magtagal kayo. Hindi ko nanaisin ang masaktan kayo pareho dahil sa pag-ibig. Sana ay pag-usapan nyong maigi ang mga bagay-bagay at lagi sanang manaig ang pagmamahal at pag-unawa sa inyong mga puso.” May kislap sa mga mata nito habang nakatitig sa aming dalawa ni Chris. And because I was speechless, all I could manage to response was a simple nod. Chris held my hand firmly at nilapit sa kanyang labi upang halikan ang likod ng aking palad. My kung anong init ang humaplos sa aking dibdib. Hinilig ko na lamang ang aking ulo sa kanyang balikat at pumikit. I love to be near him like this. I want us to be like this. No words needed. Our actions speak for ourselves. “Gusto mong maglakad-lakad dun sa unahan?” He asked softly as he rain kisses on my forehead.   I nodded without raising my head. Anywhere in the world Chris, as long as I am with you. Nagpaalam kami agad sa matanda at nagsabi naman ito na baka mauna nang umuwi sa bahay. May nakita akong binatilyo na papalapit sa kubo. Kung tama ang hinala ko ay ito ang Tonyo na kaagapay ni lola sa kanyang orchard at drayber ng padyak. Pansin ko pa ang pagkatulala ng binatilyo sa akin at namula pa ng bahagya ang pisngi nito nang nginitian ko. Chris' arms snaked around my waist from behind. Tinagilid ko ang aking ulo upang makita ko ang kanyang mukha at gusto kong tumawa ng malakas nang nakanguso ito at magkasalubong ang kilay na nakatitig sa binatilyo. “Anong klaseng ekspresyon ng mukha yan, Chris? Wag mong sabihin sa akin na pinagseselosan mo yung binatilyong yun? All he did was to look at me!” Natatawa kong sambit ditto. Minasahe ko ang kanyang noo at ang pagitan ng kanyang mga kilay dahil halos magdikit na ito. Hindi ko mapigilang humagikhik. He sighed heavily at hinalikan lamang ang aking noo bilang sagot. Maybe he realized that he's overacting. Hindi ko mapigilang mamangha nang makarating kami sa pinakagitna ng orchard. Ang sarap tignan sa mata ng mga bulaklak na sumasayaw tuwing umiihip ang hangin. “So, you sell them?” He nodded habang marahang hinihimas nito ang aking braso. “Yeah. We have orchid shops in Davao, Butuan and Cagayan. Business is doing good, so far.” “I happen to see a bunch of beautiful orchids sa Dela Vega hotel tuwing may kaganapan. Dapat siguro ay ikaw nalang ang kontratahin naming para sa flowers pag may events?” He bit his lower lip and shrugged his shoulders. He didn't seem interested at all. Hindi na lamang ako kumibo at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa pinakadulo. At habang naglalakad kami ay unti-unting lumalakas ang tunog ng lagaslas ng tubig. Napasinghap ako nang makarating kami sa batis. Kahit tanghaling tapat ay hindi mainit ang sinag ng araw dito at ang hangin ay malamig na dumadampi sa aking balat. Ang mga huni ng ibon ay tila musika sa aking pandinig. “Wow! Ang ganda naman dito!” Bulalas ko at bumitaw sa pagkakahawak sa kanya. Nag-alis ako ng sapin sa aking paa at parang batang nagtampisaw sa tubig. “Ang lamig!” Chris smiled at me. His face brightened up and he seemed genuinely happy. “First time mo makakita ng batis?” He asked in a light tone. Tumigil ako sa pagtampisaw at napaisip. “First time kong makakita ng batis dito sa Pilipinas. I've seen streams, lakes, rivers outside the country though.” I said. “Hindi pa ako napadpad sa mga bahaging ito ng Pilipinas, Chris. I grew up in the city, protected by my family's wealth. My brother didn't want me to stay far away from him. He's at peace if he knew I am just around the city with far guards watching me. Not that I am complaining. I perfectly understand him. You see, we had an awful childhood experience and kuya's been receiving death threats from time to time. But he gets used to it. He's more concerned of me than he's concerned of himself. Kaya nga nung pinayagan niya akong magbakasyon kina Monica, laking tuwa ko.” I smiled at him. Sinuot ko ulit ang sapin sa aking paa at lumapit sa kanya. Inalalayan niya akong maupo sa batuhan sa kanyang harapan. Nasa pagitan ako ng kanyang hita. His arms instantly snaked around my waist and I gladly leaned my back against his chest. Dinampian niya ng banayad na halik ang aking balikat dahilan kung bakit napapikit ako. He then placed his chin there. “Chris, I hope you don't mind me asking this but, how did you manage to have this?” “You mean, the house, the orchard and this whole land?” He replied at the crook of my neck. His hot breath sent shivers down my spine. I hope he didn't feel my body quivered a little. “Pinamana sa akin ito ng yumao kong ama. He's a foreigner at hindi ko rin taglay ang kanyang apleyido ngunit bago siya namatay ay iniwan niya lahat sa akin. I didn't like him, I still don't. But I don't hate him anymore. Ilang taon kong tinaggihan ang mga ‘to. He died two years after my mother's death. At noon pa ako nasabihan ng kanyang abogado that I inherited his riches. But I was too proud to accept all of this. Para saan di ba? I could still remember the anguish of my mother every time he denied me.  At ang galit ng aking ina sa kanya ay binabaling niya sa akin. I don't understand them at all. Hindi ko hiniling na ipinanganak ako sa mundong ito. If I had a choice then, I wouldn’t choose the kind of life I had before. Lahat ng pait at sakit naranasan ko na, Veronica. I've been into underground and street fights para lang magkapera at mairaos ko ang pagpapa-aral sa sarili ko. But after all that, tatanggapin ko lang din pala ang lahat ng iniwan ng aking ama sa akin. I swallowed my pride because I had nowhere to run to. I had nothing to survive. Lola needed a medication. Kung hindi ko tatanggapin ito ay baka mawala siya sa akin. At hindi ko nais isipin na mangyari yun. Si lola lang ang tanging gabay, lakas at sandalan ko. Hindi ko kakayanin pag nawala siya dahil lamang pinairal ko ang pride ko.” Ang mahabang sabi nito. Namasa ang mata ko nang matapos ito sa pagkwento ng buhay niya. Mahigpit kong niyakap ang kanyang mga brasong nakayapos sa akin. “You are strong Chris. Napatunayan mo yan. Don't feel so little accepting all these things. Karapatan mong makamtan ang lahat ng ito and because you deserve this. These are yours. Wala ng iba ang pwede pang magmana nito. I am glad to know na ginamit mo sa mabuting paraan ang kung ano man ang mayroon ka ngayon at hindi mo ginamit sa paghihiganti sa mga taong nanakit sa pagkatao mo noon. Hearing all these things from you, I can't help but to be proud of you.” I smiled tenderly at him at hinalikan ako nito ng magaan sa labi. “Pero maitanong ko lang, nung nakamit mo na ang lahat ng ito, hindi mo ba kailanman hinanap ang babaeng nanakit sa'yo noon? Ang dahilan kung bakit may allergy ka sa mga babaeng katulad ko?” Hindi ko napigilang maitanong iyon sa kanya. Bigla siyang natahimik at napalunok. Parang dinagukan ang dibdib ko pagkakita sa kanyang ekspresyon. I instantly hated myself for asking that question. Pakiramdam ko'y masasaktan ako sa isasagot niya. He cleared his throat at tumanaw sa malayo. Parang oras ang binilang ko sa paghihintay sa kanyang sagot. “I... she...” He gulped. “I tried but I have no idea where she is right now.” Ang sagot nito. Tumayo ito pagkatapos at maingat na inalalayan akong makatayo. Inayos pa nito ang gusot sa damit ko saka nito hinawakan ang aking siko. “Let's go home. Baka hinahanap na tayo ni lola.” Napalunok ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Sigurado akong nakita ko ang pagdaan ng sakit at lungkot sa kanyang mga mata. Huminga ako ng malalim at matamis na ngumiti sa kanya. “Okay.” I replied lightly. I am good at faking my expression. Kahit ang totoo'y parang sasabog na ang puso ko sa sakit. Does he still love her? Gaano ba katindi ang pinagdaanan nilang dalawa noon na hanggang ngayon ay tila hindi pa rin malimot-limutan ni Chris ang babaeng yun? Hindi kaya nakikita ni Chris sa katauhan ko ang babae? Isa lamang ba akong panakip-butas sa puso niyang matagal nang naangkin ng iba? Tahimik naming binagtas ang daan pabalik sa bahay. Pero nasa gate pa lamang kami nang sinalubong na kami ni lola. Tila hindi ito mapakali kanina pa at mukhang kanina pa kami hinihintay. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at tila ay kagagaling lamang sa pag-iyak. “Bakit la?” Nag-aalalang tanong ng lalake. Tinignan ako ng matanda. Ang klase ng tingin na tila ay humihingi ito ng patawad sa akin. Ang klase ng tingin na parang naaawa ito sa akin. Kumalabog ang puso ko. Hindi kaya pinapasundo na ako ni Kuya Lawrence? Ilalayo niya ba ako kay Chris? “May bisita ka, apo.” Ang sagot nito. Malambing na hinila ni Chris ang kamay ko papasok sa mansyon nila. “Sino daw siya la? Hindi ko alam na magkakabisita ako sa araw na ito. Wala namang tumawag sakin—” Pareho kaming napatda sa nadatnan namin sa sala. Isang babae ang tumayo mula sa kanyang prenteng pagkakaupo. The pretty woman smiled at him. “It's been a long time, Topher. Natagpuan din kita sa wakas.” She spoke softly as tears escaped from her eyes. Malakas na suminghap si Chris. Napatingin ako sa mga palad naming magkahawak na unti-unti nitong kinakalas. Napapikit ako sa sakit na naramdaman ko. “Rosalie.” He whispered his name like a prayer. Pero hindi lang ang babae ang nakaagaw ng atensyon namin. Kung di ang bata sa gilid ng babae na tahimik na nakamasid lamang. Lumuhod si Rosalie para magpantay sila ng bata. “Baby, please say hi to your Dad.” Ang kanina pang luhang pinipigilan kong lumutang ay tuluyang lumigid sa aking mga mata. I was stunned. How f**k up this will be?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD