SIXTEEN: HATE

3860 Words
Things were happening too fast these past few days. Mag-iisang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang mapadpad ako sa lugar na ito. And from then on, I lose my control. The very first time I saw Chris, I knew I have loved him since then. Funny, yeah, because I couldn't believe that I was experiencing that silly quote ‘love at first sight’. But I admit it wholeheartedly. That I was falling in love with him. How much? I have yet to know. All I could ask myself now is, kung gaano ako kabilis napa-ibig sa kanya, ganun din kaya kabilis ako masasaktan? I clasped both my hands when Chris let them go. I looked at him. His face was full of shock. His body tensed and he was utterly speechless. His eyes darted at the boy who was slowly walking toward us. I swallowed the lump behind my throat. The boy was handsome. His eyes were brown just like Chris'. His hair was naturally hazelnut brown. The boy's skin seemed delicate and soft. And when he smiled, it was very similar like his mother’s. Rosalie. She was indeed pretty. Ang amo ng kanyang mukha na maikukumpara sa isang anghel. Balingkinitan ang katawan nito bagaman hindi ito katangkaran. But she looked familiar to me. Hindi ko lang mawari kung saan ko ito nakita o baka naman ay may kamukha lang. And for the first time of my life, ngayon lang ako na-insecure mula sa kapwa ko babae. I find her as a threat. Kahit wala pa itong nagagawang masama sa akin. “Da—daddy.” Ani ng bata nang huminto sa tapat ni Chris. Yumuko ito na tila ba nahihiya at di makatingin ng diresto sa lalake. Kumagat-labi ito. “Pasensya ka na, Topher. Likas na mahiyain si Echo. Hindi rin ito madalas nagsasalita.” Si Rosalie na tumabi sa anak para hawiin ang buhok na tumabing sa mga mata ng bata.  Naikuyom ni Chris ang kanyang kamao na tila ba nagpipigil ng emosyon. “Hinanap kita. Ang huling balita ko ay nangibang bansa kayo.” Ang kanyang sabi na palipat-lipat ang tingin sa mag-ina. Niya. Humikbi si Rosalie. “Ang kakambal ko lang, Topher. Marami kaming kamag-anak sa America kaya ayaw ni Dad na dalhin ako doon dahil sa kahihiyan. Dad brought me to Isabela instead. Sa isang maliblib na lugar niya ako tinago the moment he knew I was pregnant. He treated me like a prisoner. Mas humigpit siya lalo nung naipanganak ko na si Echo. Alam niyang hahanapin kita dahil hindi mo alam na may anak na tayo. I was so glad natatandaan ko pa ang lugar na naikuwento mo noon tungkol sa pinamana sa'yo ng iyong ama na tinanggihan mo. Nagtatanong-tanong ako sa bayan kaya nahanap kita, Topher. Finally, nagkita rin tayo. Sobrang miss kita Topher.” She sniffled a cry na agad namang dinaluhan ni Chris. Niyakap niya ang babae. Napaatras ako. Hindi ako kailangan dito. What the hell am I doing here, anyway? I felt like I am an outsider. That I am a stranger here. For the first time, I felt like I was completely lost and no place to run to. Napaigtad ako sa pagdampi ng kamay ni lola sa balikat ko. “Gusto mong umakyat muna at magpahinga? Sasamahan kita.” Pabulong nitong wika. Puno ng pag-alala ang mababanaag sa hapo nitong mukha. Tipid akong ngumit sa matanda. “Okay lang po ako, la. Mas mainam po kung narito kayo para makausap nyo rin ang bisita n’yo. Bababa nalang ako mamaya para tumulong sa paggayak ng hapunan.” Hininaan ko lang ang boses ko dahil ayokong makadistorbo sa masinsinang pag-uusap nila Chris at Rosalie. Nang tumango ang matanda ay tahimik na umalis ako doon. Maya't maya ako tumitingin kay Chris na tila ba wala nang pakialam sa nangyayari sa paligid nito. His eyes were focused to the woman and child in front of him. Ni hindi man lang ata nito namalayang nakaalis na ako sa tabi niya. Kinagat ko ang labi ko at tumingala para mapigilan ang nagbabantang mga luha. No waterworks, please. Pagdating ko sa kwarto ay dumiretso ako sa terasa. Kailangan kong mag-isip. At kailangan kong gumawa ng desisyon sa lalong madaling panahon. Humalukipkip ako nang umihip ang hanging panghapon. Bago pa lang ako sa buhay ni Chris. I don't think I am that important to him, no? Who am I compared to Rosalie? I don't even consider our relationship a love affair yet. It's too early to tell. Kung ikukumpara sa relasyon nila ni Rosalie noon, walang-wala ang mayroon kami ngayon. Ours was like a dot in a whole bond paper. And to sum it up, they have a son. This is a losing battle. Who am I kidding? Chris will never choose me over them! It would be ridiculous! Pero kahit alam kong I am nothing compared to his past, kahit sinasampal na ako ng katotohanan ng harap-harapan, ang sakit din pala. “Such a pity, Veronica. You loved a man who, unfortunately, isn't yours from the very start. Kung gaano ka kabilis umibig, ganun ka din kabilis nasaktan.” I laughed without humour. Nakangisi ako na nakatanaw lamang sa malayo habang nagpapahid ng mga luhang nag-uunahan sa pagpatak. “This is crazy. This whole thing is crazy. They have a child for crying out loud! Anong laban ko! Ano! Please somebody answer me.” I sobbed as I covered my face with my hands. Rosalie, I'm pretty sure, she came back for good. To be with Chris' arms again. To spend the rest of her life with him. Why not, they have a child! They are family! I may be a b***h to others and I always get what I want, but not this time. Certainly not this time. Chris deserved this. He has been through a lot. Ang tadhana na ang nagbalalik sa kanilang dalawa. They belong to each other, after all. I am not a villain. I will not be an obstacle. I will pave the way. I will go on with my life. I will forget him eventually. I will survive. Itinulog ko na lamang ang mga gumugulo sa isipan ko. I woke up when I felt like someone was watching me. Bumalikwas ako sa pagkakahiga only to find Chris sitting on my right side. Madilim na ang paligid at hindi ko namalayan kung ilang oras akong naidlip. Chris' penetrating eyes bore into mine. Marahan akong sumandal sa headrest ng kama. “Hi.” He said. “Hey.” Tipid kong tugon. Hindi maipagkukunwari ang lungkot at pagkalito sa kanyang mga mata. Nahihirapan ba siya dahil dalawang babae ang nasa pamamahay niya ngayon? Nahihirapan ba siya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa akin? “Oras na ng hapunan.” I nodded. I bit my lip to stop it from quivering. "Chris, I will go back to Davao tomorrow.” Panimula ko. Suminghap ito at mariing ipinikit ang mga mata. Mahabang katahimikan ang nagdaan bago ito nagsalita. “I'm sorry.” Paos na bigkas nito. Parang sinaksak ang puso ko ng ilang beses. I was somehow expecting him to stop me. But I guess, I expected too much. “It's alright. I understand. Wala kang dapat ipag-alala sa akin. Mas higit na mahalaga na mabuo mo ang iyong pamilya. You've been dreaming for this all your life. And Rosalie, she finally came back. She loves you. And I know you feel the same way to her.” I tried my hardest not to break my voice as I speak. Kahit ang paghinga ay pinipigilan ko. Sumasakit ang dibdib ko na para bang lalabas ang puso ko mula doon. Chris held my hand and brought to his lips. He kissed my knuckles. “I was so ready to face the future with you Veronica, but I didn't expect this to happen. Hindi ko kailanman inakala na magkikita ulit kami at higit sa lahat, nagkaanak kami. Believe me, I don't want you to go and leave me. Pero napakamakasarili ko kung hihingin ko yun sa'yo. I can't promise to give you my all. I need to help Rosalie about her feud against her father. She's scared as hell and I need to protect them from that old man. They are my responsibility—” “—and I am not." Putol ko sa sinabi niya. “Sabi ko naman sa'yo Chris. Kaya ko ang sarili ko. Pag-uwi ko ng Davao, I'll be back in my old self. The socialite Veronica Dela Vega will resurrect. I won't crumble, Chris. Nothing will bring me down, trust me. So, rest assured, hindi ito gaano makakaapekto sa akin. Yeah, I would probably miss you, but I don't think I have enough time to be thinking of you since I'll be very busy when I get back to my business.” I spoke like I was too proud of it. But deep inside, I was slowly dying. Nanliit ang mata ni Chris nang tumitig sa akin. He suddenly looked pissed. What did I say to make him angry like that? Those words are for me! Those words are my encouragement to let him go! “Kung nagkataon ba na hindi nagpakita ang mag-ina ko dito at nagpatuloy tayo, are you going to be that girl you used to be?” “What's wrong being me Chris? This is me! I never hide the real me! I am Veronica Dela Vega! I can never change that! I have businesses to run to, I have lots of works and fashion shows to do here and abroad! Do you think I will stop because you're with me? Hell, no!” Napatuwid ako sa aking pag-upo dahil sa biglang galit. Nag-igting ang panga nito. “Very well then.” He said before he stood up at tinalikdan ako. “Call your brother and ask someone to pick you up back to the city. I won't let you commute.” He heaved a sigh. “Have dinner with us at magpaalam ka rin tuloy kay lola.” He said bago tuluyang umalis sa aking silid. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Nanginig ang aking labi at impit akong napaiyak. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanyang nahihirapan ako. Na hindi ko gustong lumayo sa kanya. That if he would surely beg me to stay here, I would. I'd stay here even if it means breaking my heart apart. Kahit katangahan ang tawag doon, I'd be glad to be called a fool. Because I know, once I left this house and away from him, there is probably no chance of seeing him again. I gathered my strength to pull myself together. Naghilamos ako ulit at nag-ayos sa aking sarili. Hindi ko pwedeng ipakita kay Chris na nasasaktan ako. Ayokong makadagdag sa alalahanin niya. Kumpleto na sila sa dining area nang dumating ako. Sa kabisera naupo si lola. Si Chris at Rosalie ay magkatabi sa kaliwa ng matanda. Ako naman ay umikot at naupo sa kanan ng matanda. Magkaharap kami ni Chris na taimtim ang titig sa akin. “Nakapagpahinga ka ba ng mabuti, Hija?” Baling ni lola sa akin. I smiled at her. “Opo, la. Sorry po kung hindi ako nakatulong sa paghahanda ng hapunan.” Chris cleared his throat dahilan para ilipat ko ang atensyon sa kanya. “I believe hindi ko pa kayo naipakilala sa isa't isa. Rosalie, she's Veronica. Veronica, this is Rosalie.” “Anong relasyon nyong dalawa?” Rosalie hastily asked, with accusatory tone. Medyo nagulat ako sa paraan ng pagkakatanong niya. Chris looked at her. He then transferred his gaze on me like telling me that I should be the one to answer that. “We're friends. Actually, nakikitira lang ako sa kanila pansamantala. Medyo mahabang storya pero wag kang mag-alala, Chris and I have nothing special.” I smiled fraudulently at her. Si lola naman ay tila hindi nagustuhan ang aking sinagot at tahimik lamang na umiiling. Ginagap ko ang palad ng matanda at napatingin ito sa akin. "La, uuwi na poh ako bukas. Tumawag na po ako sa amin at darating ang sundo ko bukas ng alas siyete. Maraming salamat po sa lahat ng kabaitan nyo sa akin. Sana po ay makagala din kayo sa amin, la." “Veronica…” Gumaralgal ang boses nito. Umiiling ako at ngumiti ulit. Paki-usap la, don't make it harder to me.  Just accept it, please. “Kung yun ang kagustuhan mo ay wala akong magagawa.” She added and I heaved a sigh. I was relieved. Mas lalo lang kasi akong mahihirapang umalis dito kung ipipilit ni lola ang gusto niya. Hindi na ako nagtanong kung nasaan ang anak nila, baka ay natutulog na ito dahil na rin siguro sa haba ng binyahe ng mag-ina. “Salamat pala Chris sa pagpapagamit mo ng iyong silid. Nakakahiya naman sa'yo.” Si Rosalie na hindi maalis-alis ang tingin sa katabi. Si Chris ay napaangat ang tingin akin. Binawi ko ang aking mata sa kanya at kunwari ay busy ako sa pagkain. “Walang anuman. Higit kong nais na maging komportable kayo habang kayo'y naririto, Rosalie.” “Pero bakit ka sa sofa matutulog, kasya naman siguro tayo sa kama mo. Your bed is huge!” Umiling ang lalake. “It's okay. Hindi na ako sanay na matulog nang may katabi.” “But this is me, Topher! We slept many times—” “That's enough, Rosalie. Ang mga bagay na yan ay hindi dapat pinag-uusapan sa harap ng pagkain.” Ani ni Chris. Naikuyom ko ang aking kamao sa ilalim ng mesa. Parang gustong-gusto kumawala ng halimaw sa loob ko. Gusto kong kalmutin at isubsob sa plato ang pagmumukha ng babaeng ‘to! This woman has no shame at all! Chris stared at me with great intensity. Umirap ako sa kanya at niyuko ang pagkain. Hindi ko alam kung paano ako naka-survive sa hapunan na yun. Naunang nagpaalam si lola. Sumunod akong tumayo total naman ay nagpresinta ang dalawa na sila na lang ang magligpit ng pinagkainan namin. Sa kwarto ko ay inumpisahan ko nang ligpitin ang aking mga gamit. Naiwan ko ang mga ito kina Monica kaya laking pasalamat ko nang hinatid ito kaninang hapon. Alas-sais ay dapat gising na ako para may oras pa akong maligo at mag-ayos sa sarili ko. Binasa ko ang mga mensahe ni Monica sa aking cellphone at kinakansel ko naman ang mga tawag niya. Ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol sa estado ng puso ko. Baka ngumawa pa ako dito pag nagkataon. Bago ako nahiga sa aking kama ay sinigurado kong nai-lock ko ang pintp at ng sa terasa. Ayokong pumasok sa Chris sa kwarto ko at kahit kumatok siya ay hindi ko siya pagbubuksan! Pinakinggan kong mabuti ang paligid. Tahimik ang kabahayan. Iniisip ko kung ano ang ginagawa ng dalawa sa silid ng lalake? Are they kissing? Are they making love? Para akong tanga. Pinapahirapan ko lang talaga ang aking sarili. In-off ko ang ilaw sa aking silid at kumalat agad ang dilim. Sana ay dalawin ako ng antok para naman tumigil na ang isipan ko sa pag-iisip at ang aking mga mata sa pag-iyak. Siguro nga ay nananaginip ako ngayon. Ramdam ko ang hininga ni Chris sa aking pisngi. Ang dulo ng kanyang ilong na tumatama din sa aking ilong. He rained soft kisses on my face. On my eyelids, cheeks, nose, lips and chin. Ngumiti ako. I wish sweet dreams don't end.   **********   Dumilat ako nang tumunog ang alarm sa aking cellphone. Maagap ang kilos ko. Kinuha ko ang nakagayak kong bihisan para ngayong araw na nakapatong sa tokador. Sigurado akong tulog pa ang lahat ng mga tao sa bahay. Pagkaligo ay mabilis ko na ring pinatuyo ang aking buhok. Kinuskos kong mabuti ito. I need a hair treatment. Medyo frizzy na kasi ang aking buhok. Pagkababa ay bitbit ko na ang aking travelling bag. Pagdating ko sa sala ay nadatnan ko si Rosalie at Chris na tila nagtatalo. “Why did you sleep here?” “Why not?” “I was waiting for you all night, Topher.” Malambing na sabi nito. I rolled my eyes and grimaced. She sounded like a deprived slut. “Rosalie, please—” “Don't you miss me? I missed your touch, Topher. I missed your kisses.” She said na hinilig ang katawan sa lalake. She pressed her chest against his. Rosalie reached for his nape at hinalikan sa labi ang lalake. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko sila kayang tignan sa ganoong posisyon. Imbes na tumungo sa kusina ay ang daan palabas ang aking tinalunton. Hanggang ngayon ay wala pa rin ang sundo ko. Saan na kaya banda yun? Nilingon ko ang daan patungo sa orchard ni lola. Kukuhanan ko ng picture ang view ng orchard na yun. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay biglang dumaan sa harap ko ang bata. He was running so fast at sa masukal na gubat ang direksyon nito! Walang pag-alinlangan na sinundan ko ang bata at mabilis na tumakbo para habulin ito. “Ate! Saan ang tungo mo!” Hiyaw sa akin ng binatilyo na si Tonyo. May hawak itong pambungkal ng lupa. Tinuro ko ang direksyon na pinasukan ng bata. Mukhang hindi nito napansin na may dumaang bata kani-kanina lang. Wala na akong panahon para magpaliwanag. “Wag kang pumunta dun, ate. Delikado dun! May bangin dun!” Sigaw ulit nito. Mas lalo akong kinalibutan sa narinig. Ang bata! Mapapahamak ang bata! Kumaripas ako ng takbo at pinasok ang masukal na gubat na iyon. Hindi nakaligtas sa akin ang malaking warning sign na idinikit sa isang puno sa bukana. Pero wala na akong panahon para mag-isip, sana lang ay makahingi ng saklolo si Tonyo at hanapin agad nito si Chris. “Echo!” Tawag ko. Hindi na ako makatakbo ng mabilis dahil sa mga naglalakihang mga ugat ng mga puno. May mga baging din na humaharang sa aking daanan. “Echo!” Mahihinang iyak ang nagpabaling sa direksyon ko sa kanan. Agad na tinalutonton ko ang daan na yun at hindi inalitantana ang hapdi ng mga sugat ko sa aking mga braso dahil sa matutulis na mga baging. “Echo!” Nanlaki ang mata ko nang tanging mga kamay lamang ng bata ang nakikita ko. Lumuhod ako at kumapit ng mabuti sa mga kamay nitong nakakapit sa nakausling ugat. Mahuhulog ito kung hindi ito nakakapit! “Echo, I got you baby. Don't cry, please. Hindi kita bibitawan, kaya wag kang bibitaw, please!” Nakadapa na ako sa lupa at wala ng pakialam kung nakadikit na mga dahon at putik sa aking damit. “Hihilahin kita pataas, okay? Can you push yourself up, baby?” Umiiyak pa rin ito ngunit nakita ko ang kanyang pagtango. Kahit paano ay nabawasan ang aking kaba. Dahan-dahan at puno ng pag-iingat ko itong hinila pataas hanggang sa tuluyang umabot ang kalahati ng kanyang katawan sa lupa. Niyakap ko ito at hinayaang humagulhol sa aking dibdib. Pasalampak akong napaupo sa lupa. Waves of relief overwhelmed me. That was close. “Echo, anak! My god what happened to you!” Inagaw ni Rosalie ang bata mula sa akin at tinulak niya ako sa aking balikat kaya nawalan ako ng balanse. What the hell? Dumating si Chris kasunod si Tonyo sa likod nito. “Anong nangyari?” Hingal pa bigkas nito. Lumuhod ito sa tabi ni Rosalie at inalo rin ang batang di pa tumitigil sa pag-iyak. “Echo, what happened?” Humikbi ang bata at tinuro lamang ang bangin na nasa gilid lang namin. Rosalie looked at me with piercing eyes. “Walang hiya ka! Balak mong ihulog ang anak ko sa bangin? Gusto mong patayin ang anak ko! Napakawalang hiya mong babae ka!” Napaawang ang labi ko. Hindi agad maproseso sa utak ang sinasabi ng babae sa harap ko. Did she just accuse me of attempted murder? “Wa—what did you say?” “You plan to kill my son! Tulog pa siya kanina nung iniwan ko sa kama. Ngayon ay makikita ko siya sa ganitong lagay? Dito sa masukal na gubat? Hindi siya pupunta dito kung walang magdadala sa kanya!” Hiyaw ng babae na nanlilitid ang mga ugat sa leeg. Bumuga ako sa hangin at tumayo. “Imbes na magpasalamat ka sa ginawa kong pagliligtas sa anak mo, pagbibintangan mo pa ako? How dare you!” “How dare you too! Galit ka sa akin at sa anak ko! Nagagalit ka dahil hindi na mapapa sa’yo si Topher! Nagagalit ka dahil hindi na magiging kayo!” Bumaling ito kay Chris. “Palayasin mo na agad ang babaeng yan Topher bago pa ipamahak ulit ang anak natin!” Hindi ako nakapagtimpi at agad na nilapitan si Rosalie. Aabutin ko na sana ang buhok nito nang haklitin ni Chris ang baywang ko. Sinampay ako nito nang walang kahirap-hirap sa kanyang balikat. “Let me go, Chris!” Tili ko. “Tonyo, pakihatid sila sa bahay. Sa likuran na kayo dumaan.” He said in a dangerous tone. Si Chris ay naunang maglakad paalis sa lugar na yun. Binabayo ko ang kanyang likod gamit ang aking mga kamao. “Ibaba mo sabi ako!” Hindi ito nakinig at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Nasa harap na kami ng bahay nang binaba niya ako. Hindi ko agad napansin ng kotseng nakaabang sa labas ng gate. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagtagal ang titig niya sa magkabilang braso ko at nagmura. “Nailagay ko na sa loob ng sasakyan ang mga gamit mo. Go home, Veronica.” Nagpagpag ako ng damit at matalim siyang tinignan. “Naniniwala ka sa babaeng yun, Chris? Do you really think I can do that to someone especially to your child? Do you really think I am that bad? Buwis-buhay ang ginawa kong pagsaklolo sa bata Chris! I almost died there too!” Nag-igting ang panga nito. “Kaya nga umalis ka na! This is not the place for you! Veronica Dela Vega, you don't belong here! Hindi ka nababagay sa lugar na ito at lalong hindi ka nababagay sa nagmamay-ari nito. Go home and stay far away from this place and away from me!” Mabilis akong lumapit at dinuro siya. “Well, f**k you!” Mura ko. “I can't protect you!” Madiin nitong sambit. Sinuntok ko ang kanyang dibdib at hinayaang mamalibis ang masaganang luha sa aking pisngi. “I did not ask you to! I hate you for being so blind!  I hate you for giving up on me so easily! I hate you, Chris! I hate you!” Hindi man lang ito natinag sa pagwawala ko. “Veronica, this is the only way. Let's get rid of each other. It's better to be apart like this. Let's hate each other, Veronica. Tulungan mo akong kumbinsihin ang sarili ko na hindi tayo para sa isa't isa. Help me to get over you, sweetheart. Help me so that I can move on with my life without you.” “Move on? Sa ating dalawa, ikaw ang mabilis makakalaya Chris. You have Rosalie and Echo back in your life now! That's why it's so easy for you to throw away everything we had! But I won't beg, Chris. You want me to hate you? Fine! I hate you to the core! I'm so glad na makakaalis na rin ako sa lugar na ito!” I shouted even though my heart was exploding into pieces. “Good. And I hate you too. I hate you for crushing me. For making me feel this way. For making me crazier than I already am. For making me so helpless. For giving me sleepless nights and for the next sleepless nights to come. The moment you step out of my territory, you have ruin me, Veronica Dela Vega.” And as the car started to leave away from his territory, I cried to my heart's content. Is hate the answer for moving on?          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD