FOURTEEN: MISERY

3367 Words
“No.” Bumusangot ang mukha ko. Hindi pa nga ako tuluyang nakakalabas sa pinto ay 'No' na agad ang sagot nito. “What's wrong with this outfit?” “Sweetheart, nasa probinsya ka. Wala ka sa siyudad. Conservative ang mga tao dito.” Naka-ekis ang mga braso nito habang nakasandal sa pader. “Denim shorts and hanging blouse lang naman ito, Chris. Hindi ako naka-swimsuit, duh.” Irap ko sa kanya. “Pinapayagan kitang sumama kay Monica pero ako ang masusunod pagdating sa isusuot mo. At ayoko niyang pinili mo. Exposed masyado ang mga hita. Your belly button is showing, honey. Believe me, malayo ka pa lang, tumutulo na ang laway ng mga kalalakihan.” He frowned at me. I sighed exasperatingly. “Okay! I'll change!” Ang tanging nasambit ko lamang. “Good girl.” He grinned naughtily. Mabilis akong nagpalit ng damit at pinili kong suotin ang nag-iisang summer dress na baon ko. Flat sandals lang ding ang napili kong sapin sa paa. I hurriedly went out of the door. Chris was still there, standing patiently while his both hands were inserted in the front pockets of his jeans. He lazily gazed up on me. “Okay na'to, di ba?” I asked. “Okay yan sa'yo? The neckline is too low I can see glimpse of your cleavage from here and above knee lang ang dulo ng laylayan ng dress mo? Sweetheart, may idea ka ba sa lokasyon ng sayawan dito sa probinsya? Malawak ang plaza at tiyak akong lahat ng residente ng Sto. Cristo ay tutungo doon para makisaya. May idea ka ba kung gaano kasiksikan mamaya? Paano kung may mangahas na i-angat ang laylayan ng dress mo tapos nahipuan ka na pala? Gusto mo akong makapatay ng tao ngayong gabi, Veronica?” “Oh my god! You are ridiculous, Chris!” Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya?      “If you don't want me to be a heartless criminal, you better change again.” He said seriously, in a cold manner. Padabog na bumalik ako sa silid ko. Iilang piraso lang naman kasi ang binaon kong damit kaya wala akong mapagpilian. Ang tanging natitira na lamang ay skinny jeans at fitted T-shirt. When I went out of the door, Chris flashed his huge smile as he approached me. “Perfect.” Wika nito as he pulled me to his embrace. “I snorted. “Ayos ka rin. Sana kanina mo pa sinabi kung ano ang tipo mong damit na suotin ko nang hindi sana ako papalit-palit sa loob.” Magaang sinuntok ko ang kanyang dibdib. Marahang sinusuklay ng mga daliri nito ang aking buhok. Napapikit ako habang sinasamyo ang kanyang bango. “I did it on purpose. My eyes have been blessed by your enchanting beauty.” He laughed lightly kaya nakatikim ito ng pinong kurot sa tagiliran. “Ewan ko sa'yo. Napaka ano mo.” Natatawa kong wika. “Napaka ano?” “Napakaloko.” I said. He cupped my cheeks using his hands at nagtama ang aming paningin. “With this face alone, hindi ko alam kung ilan ang makakalaban ko sa atensiyon mo. Sa mundo mo, hindi ko tiyak masukat kung ilan silang pinapangarap ka. Kung ilan silang ginugusto at hinahangaan ka. Ano ba ang laban ko sa kanila para mapasaakin ang babaeng kasing perpekto mo?” He whispered. “Hindi pa ba sapat na andito ako ngayon sa tabi mo, Chris? And for your information, there is no competition to begin with. Wala kang kaagaw pagdating sa akin dahil ikaw palang naman ang kauna-unahang lalakeng pinapasok ko sa buhay ko. At wala akong balak magpapasok ng iba pa.” Bumuntong-hininga ito. “Habang tumatagal na nakilala kita, mas lalong lumalaki ang paghanga ko sa'yo. Mas lalong nahuhulog ang loob ko sa'yo, Veronica.” Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang kanyang baba. Mahulog ka lang sa akin, Chris. Hanggang sa tuluyan mo ng matanggap sa sarili mo na umiibig ka na sa isang tulad ko. “That's great. Yan naman talaga ang balak ko umpisa pa lang. Ang pagkatiwalaan mo ako, Chris. At tuluyang mahulog ang loob mo sa akin. Ang swerte mo lang kaya sa akin.” Ngumisi ako. Inilapat lamang nito ang kanyang labi sa aking noo at napapikit ulit ako. Simple gestures like this never fails to melt my heart. “Nakakatakot kang mahalin, Veronica Dela Vega. The moment you walk into my life, I know I am in deep trouble. You are now the reason why I'm living, and you will be the reason of my death. It's scary because I am so willing to give up everything for you.” I smiled lovingly at him. He just confessed how much he truly love me. Though, he isn't aware of it yet. How I love you, Chris. See? You love me too. I know you do. Just say the words I long to hear, Chris and I will vow to Almighty that I'll be yours forever. “It will be okay. One step at a time Chris, remember? We'll get there.” I said as a way of giving him the courage to continue what we have started and let our hearts decide when we reached the end of the road we chose to walk on. The truth is, I'm also scared of how immense my love for him is. And this is the first time I felt this way. The great feeling of willingness to give up everything just to be with this man. It's scary but I'm not afraid to take chances. “Alright.” He replied. Tumingkayad ako para hagkan ito ng marahan. Hinapit nito ang aking baywang kasabay ng pagdiin ng labi nito sa akin. “How can lips be so addictive like yours?” He murmured. I bit his lower lip tenderly. “I'm asking the same question.” “C’mon, you guys! Not in my face! Damn it!” Reklamo ni Monica na kakalabas lang sa kanyang silid. Chris and I just grinned at each other at mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. “Go away, Mon, and find your man.” “Hiyang-hiya naman ako na siyang may-ari ng bahay. Goodness, lalanggamin kayo. Magdala kayo ng asin sa mga bulsa nyo pangontra sa langgam. Hihintayin ko na nga lang kayo sa baba. Bilisan nyo lang ha.” She walked past us na nagtatakip pa ng mata. Akala mo naman hindi pa nakakakita ng mag nobyong naghahalikan. Sinundan namin ito ng tingin at sabay kaming humalakhak ni Chris.   *********** “Pasensya ka na Veron kung malayo ang istilo ng sayawan dito kumpara sa kanasanayan mo.” Wika ni Monica habang hinihila ako patungo sa gitna ng sayawan. Hindi nito alintana ang nakakairitang tingin ng mga tao sa amin dahil sa paraan ng kanyang paghawi sa mga ito. Ako ay panay lamang yoko at sabay hingi ng despensa sa mga tao. “I'd rather chose to be in this place than to be stuck in a fancy dance floor.” Sagot ko sa kanya. At least dito, walang nakakakilala sa akin. Hindi katulad sa mga bars o parties na dinadaluhan ko, kailangang may nakaplaster ng ngiti sa aking mga labi. Kahit hindi mo naman kilala ang iba sa personal na lebel ay kailangan mong pakibagayan ang mga ito. And even if you met your most hated person on earth, kailangan mong makipag-plastikan dahil may mga camerang nakatutok sa inyo. Sa totoo lang, I really don't care to show the bad side of me, lalo na pag hindi ko talaga gusto ang tao. But I know where to place myself. Hindi naman ako ang tipong eskandalosa o mahilig makipag kompetensya sa iba. I have my own identity and they fear my name. And maybe because of this, kaya silang lahat ay mababait sa akin. Hindi ko tuloy matiyak kung sino sa kanila ang totoo at hindi. Right after my graduation in College, I requested to take a leave from my modelling agency in Paris. Hindi nga sana ako papayagan dahil may schedule kaming tumungo sa New York. A famous designer recruited us to model her creations. Pero tumanggi ako at hindi ako pumirma total naman ay expired na rin ang contract ko sa kanila. I told them that I'd wait for my exclusive contract to be renewed bago sumalang ulit sa spotlight. At gusto ko munang magbakasyon at tulungan si kuya Lawrence sa pagpapatakbo ng negosyo namin dito sa Pinas. “Sa tingin mo, nasa paligid lang sila kuya at Chris?” She asked nang makahanap kami ng magandang pwesto. Nagkibit balikat ako. “Papunta na rin mga yun. Nahirapan lang siguro makahanap ng parking space.” “Oo punuan din eh. Ang daming tao, noh? Grabe! Pawis na pawis na ako kahit di pa tayo nagsasayaw.” “Sanay ako sa ganitong crowd. Parang beach party lang din sa Boracay sa dami ng tao. But it's nice here. Look, there are tables over there. We should find one for us para pag napagod tayo may mauupuan tayo.” “Dapat pala nagdala tayo ng sapin para sa bermuda nalang tayo naglatag. Mas masarap umupo sa damuhan kaya. Bakit kasi hindi ko naisip yun. Nakaka inggit tuloy ang iba.” Tumawa ako. “Oo nga. Excited ka kasi masyado.” Inikot ko ang aking tingin sa paligid. “Nako Mon, pawang magkakapareha ang mga nakapwesto sa damuhan.” “Madilim na kasi sa bahaging yun kaya feel nila mag moment at magsolo. Baka gawin pang motel ang damuhan. Nako talaga! Wag lang ako makarinig ng nakakarinding ungol at baka mabato ko sila ng bote ng alak.” Humalakhak ako. “Grabe naman siya. Hindi naman siguro ganun. Tsaka ang lakas ng tugtog, imposibleng marinig mo kung may uungol man.” “Mukhang nakakatuwa ang usapan nyo ah.” Sabay kaming napalingon sa nagsalitang si Ysmael. Si Chris ay nasa likod nito ngunit ang tingin sa paligid. “Si Monica kasi ang bitter niya.” I answered. Chris looked at me at ngumiti. Sinalubong ko ito at yumakap sa baywang. “Natagalan kayo?” “Bumili pa kami ng inumin. At nahirapan kaming hanapin kayo. Akala namin nasa dance floor na kayo ni Monica.” He said as he gave me a peck on my lips. I shook my head. “Naghanap muna kami ng pwesto.” Nilapag ni Chris ang bitbit nitong plastic bags na may can drinks at iilang chichirya. “I assumed you eat junk foods?” I nodded. “Of course. I love junk foods. Namiss ko rin kaya yan. Ilang taon din akong hindi nakakain ng mga yan dahil sa trabaho ko. Bawal kasi.” “Pero masama din to sa katawan pag minamayat-maya.” “I know.” I smiled again. Mayamaya pa ay nag-aya si Monica na pumunta sa dancefloor. Alanganin pa akong nagpaalam kay Chris ngunit tumango naman ito. “Wag kang masyadong lumayo para hindi ka mawala sa paningin ko, sweetheart. Nakabantay lamang ako dito.” Ngumuso ako. “Ano ba yan, para kang bodyguard ko ah.” “You are mine kaya pinoprotektahan ko lamang ang akin.” Seryoso nitong sagot. My smile broadened kaya kinintilan ko siya ng magaaan na halik sa labi. “I'm yours. And you're mine as well.” Si Monica ay panay na ang mura dahil sa usapan namin ni Chris. Kinaladkad ako nito patungo sa dancefloor at panay pa rin ang halakhak ko sa kanya. Siya naman ay panay ang irap sa akin. “Hanapan mo nga ako ng katulad ni Chris nang hindi na ako mainggit sayo. Grabehan na talaga ito. Nag-uumapaw na yang pag-ibig n’yo sa isat isa. Hugis puso na yang mata mo, Veron.” “OA naman. Wag kang mag-aalala, ipapakilala kita sa mga kaibigan ng kuya ko. Kikilatisin ko lang din ng maigi para hindi ka mapaglaruan.” “Ano ba yan, mukha bang panglaruan ‘tong mukha at alindog ko?” “FYI, playboys think that way to girls. As if naman di mo na experience ang maloko ng playboy?” “Matagal na yun Veron tsaka hindi naman sira ang ulo ko nun kaya nga kahit anong pang-aakit nung lalakeng mukhang bakla na yun eh na-preserve ko pa rin ang aking virginity.” “Oh my god.” Wika ko na natatawa. “Hindi pala yun mukhang bakla. Sadyang type niya lang talaga ang bakla dahil napeperahan niya.” “Sumayaw na nga lang tayo” Wika ko. Hindi kami gaanong nagpagitna at nanatili lang din sa gilid. Kita namin mula dito sila Ysmael at Chris. Kumunot ang noo ko nang may lumapit na grupo ng kababaihan sa table namin. Ang isa ay agad na yumakap sa leeg ni Ysmael. Ang apat naman ay pinalibutan ang Chris ko. Tumaas ang sulok ng aking kilay at unti-unting kumulo ang dugo sa nakikita. Hindi ko alam na may mga mahaharot din pala sa probinsya. I was about to march going back to our table when someone grabbed my arm. “Veron!” Tili ni Monica. Dalawang lalake ang nakahawak sa magkabilang braso nito. Tatlong lalake ang nakapalibot sa akin. Mabilis kong inigkas ang braso ko mula sa pagkakahawak ng lalakeng hanggang balikat ang buhok. Ngumisi ito at agad na pinanindigan ako ng balahibo. Nakakadiri ang mahawakan man lang ng mga lalakeng ito. Another man grabbed my left arm at agad na umigkis ang kamao ko sa kanyang mukha at napaupo ito sa semento. “Oy, palaban. Ganyan ang mga tipo kong babae. Bukod sa palaban ay napakaganda pang binibini. Kung suswertehin ka nga naman.” Umatras ako ngunit napatagil lang din nang may nabunggo ako. “Stay behind me.” Chris whispered at saka palang ako nakahinga ng maluwag pagkarinig ko sa boses niya. Mabilis akong umikot patungo sa kanyang likuran. Binitiwan ng dalawang lalake si Monica at nanakbo ito patungo sa akin at niyakap ako. Hindi ko napansin na nasa gilid na rin pala namin si Ysmael. Chris made the first move as he punched the man on the face. He then kicked the other man na nagtangkang lumapit sa amin. Ysmael was on the floor when he was punched on the stomach nung lalakeng nakapula. “Kuya!” Sigaw ni Monica. Kahit binabayo na ng kaba ang aking dibdib ay hindi ko maalis ang tingin ko kay Chris. His aura changed. His eyes were cold but dangerous. He's standing there proudly like he was so ready to kill. When two men approached him, mabilis niya itong nailagan. His reflexes were fast at agad na nakatanggap ng suntok sa dibdib ang kalaban. Ang isa naman ay sa nguso na agad pumutok at dumugo. Hindi na makatayo ang lalakeng napuruhan sa dibdib dahil nahirapang huminga. He made a straight cut, and he kicked the remaining two thugs na pareho ding napasubsob sa semento. Ang isa ay sumugod din ngunit hindi agad nakaporma dahil pinaulanan agad ito ng magkasunod na suntok sa mukha at tiyan ni Chris. Nagkagulo na sa dancefloor dahil sa commotion na nangyari at agad na rumispunde ang mga tanod na nakaantabay kanina sa entrance ng plaza. Nakatayo na si Ysmael at tinadyakan ang lalakeng nanakit sa kanya. “Gago! Sa sunod kilalanin mo ang kakalabanin nyo ah.” Ani nito. Si Monica ay sinaway ang kuya nito at hinila palayo. Hinihingal si Chris na agad na kinulong ako sa kanyang yakap. “Are you okay? Sinaktan ka ba nila?” I shook my head habang nakabaon ang ulo ko sa kanyang dibdib. “I'm okay. Ikaw ba? Hindi ka ba napuruhan?” “No sweat, sweetheart. Mga lampa mga yan. Nasuntok lang sa katawan hirap ng makatayo.” He made a ‘tsk’ sound. “Let's go home, Chris.” “Yeah. Let's get go home.” Mabilis kaming umalis sa lugar na yun. Ysmael was driving the car at katabi nito ang kapatid niya. Kami ni Chris ay sa back seat umupo and he kept on rubbing my back. “I'm fine, Chris.” Marahan kong hinaplos ang dibdib nito. Ramdam ko ang kanyang panginginig. Was he afraid? “I was so scared back there. Akala ko nasaktan ka nila. I was so prepared to kill them with my hand kung nagkataon. Lamang ay alam kong nanonood ka kaya kinontrol ko ang galaw ko. You are not exposed with violence Veronica, kaya ayokong makita mo iyon sa akin. But if they inflicted a damage on you, I swear nakapatay na ako ngayon.” Ysmael coughed. “Kaya nakakatakot ka talagang kalabanin, Chris. Kahit sa isip ay hindi ko susubukang kalabanin ka.” Bahaw na tumawa ito. Pagkarating namin sa bahay nila Monica, hindi pa ako nakakaakyat sa hagdan ay hinila na ako ni Chris papunta sa garahe. Nilingon ko si Ysmael na tumango lamang sa amin. Si Monica ay mangiyak ngiyak na yumakap sa akin at humalik sa aking pisngi. Kumunot ang noo ko. What's going on? “Chris?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.   Sa garahe ay pinaandar nito ang dalang motor na ginamit niya sa pagbiyahe mula Sta. Teresa hanggang dito sa Sto. Cristo. “Here.” He put the helmet on me. “Where are we going?” I asked habang umaangkas sa likod ng motor. “Sabi mo, you want to go home? We're going home now, sweetheart. My place is your home.” Ilang segundo ang dumaan bago ko nakuha ang ibig nitong sabihin. Tipid na ngumiti na lamang ako sa kanya at hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanyang baywang habang pinaharurot niya ang motorcycle. Ang mga gamit ko ay ipapakuha na lamang daw ni Chris sa bahay nila Monica. Kahit paano ay nalungkot ako dahil sa iksi ng bonding namin ni Monica pero alam kong niintindihan nito ang sitwasyon. Halos tatlumpung minuto lamang ang naging biyahe namin dahil sa bilis ng kanyang papapatakbo. Kahit malalim na ang gabi ay maliwanag pa rin ang paligid dahil sa bilugang buwan. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang namiss ko ang bahay na ito. “Tulog na sila lola.” Sabi ko habang tahimik kaming umaakyat sa ikalawang palapag. Nakwento nito na dumating na daw ang hired helper na kinuha nila sa Agency at kumuha na rin sila ng boy para tagalinis ng paligid ng bahay at magsilbing hardener na rin. “They're all sleeping, sweetheart.” Lalagpasan ko na sana ito para tumungo sa dati kong kwarto nang hinila na naman ako nito at napasubsob sa kanyang matipunong dibdib. “I want you to sleep in my bed, Veronica.” He whispered huskily. I swallowed as he guided me to his bedroom. Hindi na ito nag-abala pang buksan ang ilaw sa kanyang silid. May kinuha ito sa kanyang drawer at inabot sa akin. “Wear this habang wala pa ang mga gamit mo. Bukas ay gumala tayo sa lungsod para bumili ng mga gamit mo. At wag ka ng lumabas ng silid para tumungo sa bathroom para magpalit. Tatalikod ako habang nagbibihis ka. I won't peek.” He said in a casual way.       Tumango lamang ako habang kagat-kagat ang labi ko. Tumalikod ako sa kanya at sa nanginginig na kamay ay mabilis akong naghubad ng T-shirt. Napamura si Chris nang narinig ang tunog ng pagbaba ng zipper ng jeans ko. Isang maluwag na T-shirt lamang ang binigay nito sa akin at wala akong pang ibaba. Pero dahil hanggang gitna ng hita ko ang haba nito ay hindi na ako nagtanong kay Chris. “Are you done changing?” “Yes.” “Alright. Ako naman ang magpapalit.” “Uhm. Okay.” Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at inabala na lamang ang sarili sa pagtanaw sa kalangitan mula dito sa bintana. Napaigtad ako sa pagyakap nito sa akin mula sa likod. Agad na gumapang ang init sa aking pisngi. He's shirtless. “Come to bed with me, Veronica.” He said in a throaty tone. I nodded at nagpatianod ako sa malambing na paghila niya sa akin. He climbed to the bed first at saka ako sumunod dito. Inayos nito ang unan sa kanyang uluhan at tinapik nito ang kanyang braso. “Put your head on my shoulder, sweetheart. I want to feel you close to me.” And I did. Kinumutan niya ang aming mga sarili hanggang dibdib. I automatically threw my arm over his stomach at ang aking pisngi ay nakasandal kanyang dibdib. He repeatedly kissed my forhead. “It's late. You better close your eyes at baka magka-eyebags ka. I will watch you sleep.” “Why? Hindi ka pa ba inaantok?” “I want to watch you sleep to calm my nerves. Gusto kong nakatunghay lamang sayo habang natutulog ka. At para mawala ang takot ko na baka isa ka lamang panaginip na maglalaho sa oras na magising ako. Just like what you did when you left my house days ago. I don't want to be in that same misery again, Veronica.” “Bukas pag gising mo andito pa rin ako sa tabi mo. I promise.” He sighed with relief as he tightened his hold around me. “Alright then. Good night, sweetheart. I'll see you in my dreams.” I laughed quietly. “I'll meet you there.” Bulong ko at tuluyang pinikit ang aking mga mata.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD