THREE: Excitement

2368 Words
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Pabulong ko na tanong. Pinatigas ko ang aking boses para hindi nito mahalata na sinasalakay ng kaba ang aking dibdib. I have no idea who this man is. I can't see him because the room is too dark, and the worst part of this situation is kami lang dalawa sa loob ng stock room na ito. Ang pagkakakaalam ko ay dito tinatambak ang mga sirang gamit ng hotel bukod pa sa ibang kagamitang panlinis. Kaya laking pagtataka ko na may tao dito ngayon.   "I questioned you, but you answered me with question too. Tsk. tsk." And this is one more thing that I hate. His deep, husky, baritone voice makes my hair tingled with undescribable feeling. Kailangan ko pang humalukipkip dahil sa tuwing nagsasalita ito ay pakiwari ko'y giniginaw ako. Napasandal ako sa pinto dahil biglang nanginig ang aking tuhod. Malakas ang hinala ko na higit na matanda ito kaysa sa akin. Ang baritonong boses nito at sapat na para patunayan ang hinala ko.   "Masyado ka atang malapit sa akin. Can you stay a little bit farther away from me? Hindi ako komportable." Wika ko sabay kagat sa aking ibabang labi. Nangangatal kasi ito, kung sa kaba o takot ay hindi ko alam.   "Sagutin mo muna ako, Miss. Bakit ka nagtatago dito? Sino ang pinagtataguan mo?" "Bakit mo tinatanong? Hindi mo ba ako---" I ubruptly stopped from talking. Hindi ko pala pwedeng sabihin kung sino ako dahil baka mamaya, kidnapin ako ng lalakeng to. Baka mamaya, masamang tao ito at manghihingi ng ransom. Baka pagkainteresan nito ang apelyido kong taglay! Malalagot ako kay kuya Lawrence pag nagkataon! Magkagayunman ay nilalagay ko sa panganib ang aking buhay! "Naglalaro kami ng tagu-taguan." Ang nasabi kong dahilan na hindi na nagawa pang mag-isip ng matinong alibi. Tumahimik sandali ang paligid at tanging paghinga ko lamang ang aking naririnig hanggang sa humalakhak nang malakas ang lalakeng nasa harap ko. "Tagu-taguan? Ako ba'y pinagloloko mo? Ano ka, anim na taong gulang? Sweetie, I could tell you're a lady the moment I held your slender waist. I swear I could cup it with just one hand. I imagine you having a perfect body and I am guessing you're tall dahil tumatama ang hininga mo sa leeg ko. And besides, a child doesn't wear a sensual perfume like the one you are wearing now. Kahit ilang metro siguro ang layo ko sa'yo, malalanghap ko ang pabango mo. You must be in your teens." I could swear I could hear the mockery in his voice. He must be laughing at me at the back of his mind. Nababakas ko iyon sa paraan ng kanyang pananalita. Na para bang sinasabi nito na hindi ko ito mapagsisinungalingan. "Did I say I'm a child? Bakit, bata lang ba ang may karapatang maglaro ng tagu-taguan? Ginagawa namin yun palagi ng mga kabarkada ko pag gusto namin." Depensa ko. Nayayabangan ako sa lalakeng ito. Ang irita ko ay unti-unting nabubuhay. "And do you think this is the right place to play? The last time I checked, a hotel isn't a playground." Nanliit ang mata ko at umuusok na ata ang ilong ko sa inis. "Mister-whatever-your-name-is, wala ka ng pakialam dun! Eh ikaw, bakit ka andito? Nagtatago ka rin di ba? May pinagtataguan ka rin siguro di ba? Kung guest ka sa hotel na ito, why are you hiding here of all places?" "Guest ako ng hotel......" He trailed off. Hanggang sa malutong na humalakhak ito. "Yeah, I'm a guest here. Alam mo, since wala ka naman atang balak lumabas, maano bang umupo muna tayong dalawa? Alam kong nangangawit ka na dyan sa kakatayo." "Okay lang ako dito. Lalabas na rin naman ako mayamaya." I am sure magsusumbong ang mga nakabantay sa akin kay kuya. At pag nalaman ni kuyang nakatakas ako, makakatikim na naman ako ng sermon. "Mamaya pa pala eh. Maupo muna tayo. Here, take my hand." salita nito. I rolled my eyes. As if makikita ko kung nasaaan ang kanyang palad. "I am fine here, thanks." "You are one stubborn brat." "I am not a brat! FYI, hindi ako mayaman. Sinama lang ako ng kaibigan kong magbakasyon dito sa Davao. Do you think, makaka-afford ako na mag check-in dito?" "Pag brat ba ang isang tao, ibig sabihin mayaman siya?" "Hindi ko alam!" Naiinis kong tugon while stomping my right foot. Bakit ba pakiwari ko napaka-pilosopo ng lalakeng to. I almost jump off my feet when I felt his hand holding my wrist firmly. "Gocha." "Bitiwan mo ako, Mister." Bawi ko sa kamay ko pero ang higpit talaga ng hawak niya. "Kung hindi ka pa aalis, maupo muna tayo. Nangangawit na rin kasi ako." Ang totoo'y nangangawit na rin ako. Kanina pa nga ako tumatakbo paikot sa hotel para lang matakasan ang mga bantay ko. Hindi kami magkasundo ni kuya nitong huling mga araw. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang magtalaga ng bodyguards gayung safe naman ako dito sa hotel. Naiinis ako dahil hindi ako makagala kung saan, kahit sa mall, dahil laging nakabuntot ang tatlong guards. Nasasakal ako at hindi niya iyon maintindihan. Ilang araw na lang naman ang ilalagi ko sa Pilipinas, ganito pa ang ginagawa niya sa akin. Nang hinila ako ng lalake ay hindi na ako nanlaban pa. His skin was warm against mine. Pansin ko rin ang kagaspangan ng kanyang palad. Hindi ito katulad sa mga lalakeng kakilala ko na daig pa ang babae sa lambot ng kamay. Pero ang lalakeng ito, parang sanay na sanay sa gawain at batak sa mabibigat na trabaho. Wala sa sariling hinaplos ng daliri ko ang palad niya. "Magaspang ba ang kamay ko? Pasensya ka na. Marami lang kasi akong ginagawa sa buhay." "Wala naman akong masamang ipagkahulugan. Nakakapagtaka lang na ang isang lalakeng mula sa may-kayang pamilya ay magaspang ang kamay. Wala pa kasi akong nakasalamuha na kagaya mo." Paliwanag ko. "Humakbang ka pakanan. May mesa sa gilid. Dyan tayo uupo. Walang upuan dito eh." Sabi nito sabay tikhim. Sinunod ko ang sinabi nito. Nang makapa ko ang mesa ay dahan-dahang umupo ako doon. Hindi naman iyon kataasan kaya madali lang ang pag-upo. "Kanina ka pa ba dito? Mukhang kabisado mo na ata ang kwartong ito." Umusog ako ng bahagya ng umuga ang mesa. Umupo din ito sa tabi ko at nagbungguan pa ang aming siko. "Uhm. Yeah." I cleared my throat. "So tell me, bakit ka nagtatago din dito?" "Uhm. Well, I just found out na nasundan ako ng ex ko dito. At ang masaklap pa ay magkatabi lang ang room na inuukopa namin. She's obsessed with me kaya nang malingat ito ng konti ay tinakasan ko ito at nagtago ako dito. I am pretty sure she will find every corner of this hotel just to get me. Pero hindi siya tutungo dito because she hates this kind of place." Anito sa magaan na tono. Mukhang aliw na aliw ito sa kanyang mga sinasabi. "Kung ganun ay kanina ka pa dito? Masyadong late na. Baka naman nagugutom ka na." The man laughed lightly. And did I just say I hate the sound of his laughter? It's so manly and....never mind. "I am not starving, sweetheart. In fact, kakakain ko lang ng dinner bago ako nagtago dito. Tsaka pag labas mo, lalabas na rin ako." Napayuko lamang ako at nilalaro ang aking mga daliri sa aking kandungan. Nakakapagtaka na hindi na ako nakakaramdam ng takot sa lalakeng ito. I mean, at first, I was scared to be left alone with a stranger. Pero habang tumatagal, nawawala na paunti-unti ang takot ko. In fact, I feel so safe and comfortable around him. And I find it weird. There is something about this guy that I just can't figure out. Ang panganib na una kong naramdaman kanina ay unti-unting naglalaho na. "May cellphone ka?" Tanong ko. "Oo pero lowbat eh." I nodded kahit hindi naman nito nakikita ang reaksyon ko. "Naiwan ko ang akin sa room ko." "Natatakot ka ba sa akin? I'm not a bad person, trust me. I am not going to harm you." "I am not scared of you, Mister. May konting alam ako sa karate at naniniwala akong kayang kaya kitang puruhan once dumapo ang paa ko sa katawan mo." I pouted. He laughed again. Tumirik ang mata ko pataas sabay irap. Does he find me amusing? Wala naman sigurong nakakatawa sa sinabi ko. Dahil sa inis ko, I gave him a straight punch na tumama sa kanyang balikat. "Oucch!" Bigkas nito. "What the? Ang sakit nun ah." "Grabeh ka. Hindi pa ako bumwelo sa lagay na yun, nasaktan ka na? Paano pa kaya pag napaghandaan ko?" Pumalatak ito. "Kaya masakit dahil sadyang may pasa ako sa balikat, Miss. Hindi dahil sa malakas kang manuntok." "Bakit ka may pasa sa balikat? Kung totoo man yan, I'm sorry. Hindi ko alam." hingi ko ng paumanhin dito. "Okay lang. Kaya ko naman ang sakit. Mas malala pa ang nangyari sa akin nung isang araw." sinabayan niya ito ng bahaw na tawa. Kumunot lamang ang noo ko. Hindi ko nakukuha ang kanyang sinasabi. Nakipag away kaya ito at nabugbog? Gusto ko sanang itanong pero tingin ko'y masyado na akong nagiging pakialamera. "Anong pangalan mo?" ang naitanong ko makalipas ang ilang sandali. "Chris." Maiksi nitong sagot. "Ah. Ako naman si Nica." "Nica." ulit nito. Hindi ko alam bakit Nica ang sinabi kong pangalan imbes na Veronica. Tanging ang aking ina lamang ang tumatawag sa akin ng Nica. At nagagalit ako pag tinatawag ako ng ibang tao ng Nica. Pero dahil hindi ko naman siguro makakadaupang palad pa ang lalakeng ito, hahayaan kong tawagin niya ako sa paborito kong palayaw. "Nica. The name is cute. I think it suits you." Lumabi ako at nagkibit balikat. "Salamat." Hindi ko alam pero ang sarap pakinggan ng pagkakabanggit niya sa pangalan ko. "So tell me, nag-aaral ka pa ba?" Umpisa ko ng bagong paksa. "Yeah. Nag-aaral ako ng Law at hopefully makagraduate two years from now." Saad nito. "Ah. Ang galing naman. Ako naman balak kong kumuha ng Business Management and at the same time, gusto ko ring mag-aral ng tungkol sa Fashion Design. I love to design clothes, and I wish someday I could open a boutique displaying my own creation to the world." nakangiti kong sagot dito. "Impressive. Mukha namang makakamit mo ang pangarap mo dahil may pamilya kang handang tumulong na matupad iyon." "Yap. Ikaw ba, for sure your family must be proud of you. Di biro ang mag-aral ng Law huh. Katakot-takot na pag-aaral ang ginagawa mo siguro." "Uhm. I think it's time for us to leave this place. Kung tama ako ay lagpas alas dos na siguro ng medaling-araw and I am so late for work." "Work?" "I mean, never mind." He huffed and seemed like he was irritated. "Siguro ay dapat na tayong lumabas. Baka kanina ka pa hinahanap ng mga kasama mo." He spoke again. Pakiwari ko'y biglang nagbago ang ihip ng hangin. Tumango ako. "Hinahanap na tiyak ako ng kapatid ko at baka nag-aalala na yun. Ang mabuti pa nga ay lumabas na tayo." "Sige. Mauna na ka na. I'm sure as hell you know the way back to your room." "Anong room mo ba?" wala sa isip na tanong ko at agad na natampal ko ang aking noo sa tanong na iyon. The guy made a tsk sound. "Bakit? May balak kang puntahan ako sa silid ko?" May panunukso sa boses nito. Ngumuso ako. "You wish." Sabay talon mula sa pag-kakaupo sa mesa. "Sige na mauuna na ako. Salamat, Chris." Napakislot ako nang maramdaman ko ang paghawak nito sa aking braso. Bigla akong tinulos sa aking kinatatayuan dahil tumatama ang kanyang hininga sa aking noo. I was so sure he was so close to me. I swallowed. Nalalanghap ko ang pinaghalong pawis at cologne mula sa lalake. At ewan ko ba, ito ata ang unang beses na nagkagusto ako sa isang mumurahing cologne lamang. I know all the expensive perfumes in the world, and definitely he's not using a branded one. Who is this guy? "Gagabayan kita hanggang sa pinto. Baka makasagi ka ng gamit at bagsakan pa tayo." I could sense he was smiling. Ang magaspang niyang daliri ay marahang hinahaplos ang aking balat. I swallowed again. "Uhm." Binawi ko ang aking braso mula sa kanyang hawak. "Hindi na kailangan, Chris. I know how to get out." "I am not scaring you, am I?" there was uncertainty in his deep voice. Pagak na tumawa ako. "Of course not, bakit naman ako matatakot sa'yo. Kung mapanganib kang tao, kanina mo pa dapat ako sinaktan. But we've been talking things and addressing each other's names. So, no, I don't think I am scared of you. Goodbye, Chris." paalam ko sabay lakad papuntang pintuan. Kinakapa ko ang aking daraanan para makasigurong wala akong masagi na kung anupaman. Ilang hakbang na ako mula sa lalake but I could hear him heave a sigh. "If that's the case, can I meet you here again tonight?" Napatigil ako sa paglalakad. "I don't see any reason why we have to meet again?" "Uhm, well. Kung talagang hindi ka takot sa akin, magkita ulit tayo dito mamayang gabi. Prove me wrong, Nica. Pag nagpakita ka, maniniwala ako sa sinasabi mo." 'Hindi nga ako takot sa'yo, Chris!" "Patunayan mo, Nica." "Isa kang estranghero, Chris. God, I haven't even seen your face in broad day light! How do you expect me to not to be scared of you fully? Ilang oras lang tayong nag-uusap na hindi nakikita ang isa't isa." "Kung ganun ay nagkukunwari ka lang. Ang totoo, ay natatakot ka sa akin, or worse you've already figured out what kind of person I am. Na hindi ako mayamang tao. Na ordinaryo lamang ako. And I know hindi ka basta-bastang babae lamang. Isa ka sa kanila." May bakas ng galit sa boses nito. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Chris. Sinong sila ang tinutukoy mo?" "Kung hindi mababa ang tingin mo sa isang tulad ko, at kung hindi ka talaga namimili ng kaibigan, magkita ulit tayo dito mamayang gabi. Hihintayin kita, Nica." Napakurap ako. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. "Magpakita man ako sa'yo mamaya o hindi, may palagay na akong hinuhusgahan mo na ang pagkatao ko. Pero sige, pagbibigyan kita.I will see you tonight." Puno ng katiyakang sabi ko. "I'll wait for you, sweetheart." Tumalikod ako at basta na lamang lumabas sa pintong iyon na hindi lumilingon. My heart was beating erratically against my chest. I couldn't fathom what I was feeling at the moment. Pinaghalong kaba at excitement ang nasa aking kalooban. Nababaliw na ata ako para makipagtagpo sa isang lalakeng hindi ko kilala at higit sa lahat, walang mukha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD