FOUR: So Right

3903 Words
  Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit ko pinilit ang isang dalaga na hindi ko kilala na katagpuin ulit ako mamayang gabi. "Damn." Mura ko. Ayokong mandamay ng tao sa sitwasyong pinagdadaanan ko ngayon. Sino ba ang niloloko ko? Hindi ko maiiwasan ang problema ko ngayon sa pamamagitan ng pakikipag kwentuhan sa isang taong wala namang kinalaman sa problema ko. Sa isang babaeng walang kaalam-alam sa totoong ako. Sa kung ano ang totoong sitwasyon ko. All I ever want is to be alone. I want to have my own world. Sa isang mundong malayo sa kinaroroonan ko na puno ng masasakim at makasarili. But what happened awhile ago was something I did not expect to happen. Sa ilang oras na kausap ko lamang ang babae na bagaman may katarayan ang boses, hindi maipagkakaila na malamig ito sa aking pandinig at isa sa mga dahilan kung bakit gumaan ang pakiramdam ko. But she must not take me for a fool. Alam kong nagsisinungaling lamang ito. She ain't ordinary. It doesn't take a rocket scientist to figure out what kind of a girl she is. She belongs there. Way up there. But still, I couldn't help myself to talk to her again. Her smell was so good and intoxicating. Hindi ko mapigilang mapapikit sa tuwing tumatama ang buhok niya sa ilong ko. Ilang beses akong nakipag-talo sa aking sarili na hilahin ito palapit sa akin at samyuhin ang kanyang kakaibang bango. There was really something about her hair. At kahit hindi ko man iyon hawakan ay alam kong makintab at malambot iyon. Hindi ko talaga maipaliwanag pero may kakaiba talaga sa kanyang buhok. Kahit hibla lang nito ang dumikit sa aking balat ay nakakaramdam na ako ng kakaiba sa aking kaibuturan. I wanted to grab her shoulders and nuzzled in her hair endlessly. And just thinking about that makes my stomach somersaults. In a good way. "Nica." I whispered the girl's name. Tumawa ako. Nababaliw na ata ako. Ano bang mayroon sa kanyang buhok at bango at pinagpapawisan ako ng ganito? "f**k that hair." Inis na bulong ko sa gitna ng kadiliman ng silid na ito. "And f**k that sweet scent of hers!" I feel like the girl just marked her territory. It's all over the four corners of this damn room! Inis na tumayo ako mula sa pagkakaupo. What the hell am I thinking! The girl is just minor! Makauwi na nga lang at maitulog ang lahat ng ito. Sana sa pagpasok ko sa kolehiyo mamayang tanghali ay makita ko si Rosalie. I missed her. And God, I need her more than anything now. Pero buong maghapon kong hindi nakita si Rosalie. Alam kong seryoso ang ama nito sa pagpapaiwas sa anak niya mula sa akin. Pero sa kabila ng katotohanang iyon, ay umaasa akong gagawa ng paraan ang babae para makita ako. Dahil mahal niya ako. Mahal na mahal. At alam kong miss na miss na rin ako ni Rosalie. Hindi kami makakatagal na hindi nakikita ang isa't isa. Pero siguro nga ay kailangan ko pang maghintay ng konti. I know she'll do a way para magkita kami. Alam kong gagawa ang dalaga ng paraan. "Toper, wala ka bang balak na magpagupit ng buhok ? Ang gulo tignan ng ayos mo at halos natabunan na yang mukha mo. Buti at hindi ka pinagbabawalan sa school mo." umiiling sa akin si Lola. "Tinatali ko naman po, La." Maiksi kong sagot. "Magaling na ba ang mga pasa mo, apo?" Huminahon na ang boses nito. Sinundan ko ito ng tingin habang naghahanda ng pagkain sa mesa. Ginisang sardinas at pritong talong ang aming hapunan ngayong gabi. Huminga ako ng malalim. "Okay lang ako, La. Wag ho kayong mag-alala. Malakas ata itong apo nyo." ngiti ko sa kanya ngunit umiling lamang ito at naupo sa aking kaliwa. "Toper, apo kita at alam mong wala kang maitatago na sikreto sa akin. Kahit hindi mo sabihin, apo, ay batid ko na kung ano ang nangyayari. Huwag mo na lamang ipilit pa ang gusto mo. Kung mapapahamak ka lang naman, tigilan mo na yan." "Mahal ko siya, La." Maiksi kong tugon. Humigit lamang ito ng malalim na hininga. "Hindi lahat ng nagmamahalan ay nakalaan sa isa't isa. Hindi lahat ng nagmahahalan ay nagkakatuluyan. Kung talagang ipipilit mo yan, wala akong magagawa, apo. Pero sana pag umabot ka na sa punto na alam mong wala na talagang pag-asa pa, sumuko ka na at bumitaw na. Hindi siguro siya para sa'yo at hindi kayo nakalaan sa isa't isa." Hindi ako umimik. Nagtagis lamang ang aking bagang dahil sa pagpipigil ng emosyon. Tama nga ba si Lola? Hindi nga ba talaga kami ni Rosalie ang nakalaan sa isa't isa? Kahit kailan ba ay hindi pwedeng humalik ang langit sa lupa? At hindi ba kailanman maaabot ng lupa ang langit? "Nga pala, dumaan si Attorney kanina--" Agad na napasandal ako sa aking upuan at kunot-noong nakatingin sa matanda. "Ano na naman daw ba ang kailangan niya?" Sinulyapan lamang ako ni lola habang nagsasalin ito ng kanin sa kanyang plato. "Ganun pa rin naman, Toper." Binagsak ko ang aking palad sa mesa na ikinauga nito. "Napakakulit ng matandang yun! Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na ayokong tanggapin! Ayaw kong tumanggap ng kahit na ano mula sa demonyong yun!" "Huminahon ka, Christopher." Saway nito. "Alam kong matindi ang galit mo sa kanya pero hindi mo ba kailanman ito mapapatawad? Matagal na siyang namayapa, apo. Sigurado akong pinagsisisihan niya lahat ng ginawa niya sa inyong mag-ina." Pumipikit ako at huminga ng malalim. Bigla akong nawalan ng gana. Kumukulo ang dugo ko sa sa tuwing ganito ang paksa namin ni Lola. "Tama na, La. Ayokong pag -usapan pa ang bagay na ito. Kung bumalik na naman ang attorney na yun, sabihin nyong pakamatay na siya." "Christopher!" Kastigo nito sa akin. Tumayo na ako at naghanda na para sa aking pagpasok sa trabaho. Humalik ako sa noo ni Lola Fransing at nagpaalam nang umalis. Hindi ko kailangan ng tulong mula kanino. Kaya kong patunayan sa lahat na kaya kong itaguyod ang sarili ko. Na kaya kong magtagumpay mula sa sarili kong sikap. Ma-pride na kung ma-pride, but this is the only thing that is left to me. Ang aking pride at prinsipyo. At hindi ko hahayaan na pati ito ay maalis sa akin ng tuluyan. "Toper." Napatigil ako sa paglalakad sa makitid na iskinita pagkarinig ko sa aking pangalan. Nilingon ko ang lalake na nagkukubli sa dilim. Hindi ko nakikita ang mukha nito pero kilala ko ang boses na iyon. Tanging ang sindi lamang mula sa sigarilyo ang kumikislap sa kadiliman. "Oh. Anong balita." "Baka kako gusto mong sumubok ulit? Marami na ang nakakamiss sa'yo doon. Hindi ko na namamataan ang chick mo kaya baka lang gusto mong bumalik ulit." Pinilig ko ang aking ulo pakaliwa. "Medyo masakit pa ang aking katawan, Atoy. Napuruhan kasi ako nung nakaraan." Ang tinutukoy ko ay ang araw na nabugbog ako ng mga alaga ng ama ni Rosalie. "Hindi naman mahirap ang magiging kalaban mo, tol. Isang suntok mo lang ay tiyak na panalo ka na. Subukan mo lang, mataas ang pustahan ngayon. Pera na rin to, tol." Tumango ako. "Sige, dating gawi." bigkas ko. Ngumisi ito at tumango sa akin. Tumalikod na ako at tinaas ko ang aking isang kamay bilang paalam. I had been into underground fighting since I was in high school. Malaki ang naitulong nito sa aking pag-aaral noon. But I quit fighting when I started courting Rosalie. She was a breath of fresh air. She changed my life. Pero ngayong nagkakalabuan na ang aming relasyon, susubukan kong lumaban ulit. I will use this as diversion from thinking of her.   *********************** Veronica's POV     Kanina pa ako paikot-ikot at palakad-lakad sa aking silid. Sobrang naiinis ako dahil ayaw ni Kuya Lawrence na pagalain ako sa hotel. Sobrang nagalit ito sa ginawa ko sa kanya at sa guards kagabi. Kaya ang parusa niya sa akin ay ang pagbabawal na bumaba. He made sure na sa penthouse lang talaga ako buong-araw! Nagpapadyak na pinulot ko ang aking cellphone na hinagis ko sa kama kanina. I dialed my brother's personal number. Sandali lamang itong nagring at sinagot agad ng kabilang linya. "Yes, Veronica?" he spoke with disinterest in his voice. I pouted. He's still mad. "Kuya, nababagot na talaga ako dito. Buong araw na akong nakakulong dito sa penthouse. Gusto kong bumaba, kuya. Payagan mo na ako. Hindi naman na ako manggugulo eh." Nilambingan ko ang aking boses para mahabag ito sa kalagayan ko. "Yeah. I've heard that before. Your charm will not work on me this time, pet. Kung nababagot ka dyan, maglinis ka ng bahay. Maglaba ka o di kaya maghugas ka ng pinagkainan mo. Paniguradong nagkalat na naman ang mga basura sa sala at kusina." Natatawa pang sagot nito sa akin. Mas lalo lamang akong nainis. Nang-aasar pa talaga ang kapatid kong to! "Nagawa ko ng lahat yan kuya! At ilang movies na rin ang pinanood ko, pero nasasakal pa rin ako dito. Please let me go down and roam around." He heaved a sigh. "Tell me, bakit gustong gusto mong bumaba? Dati rati naman, nagkukulong ka lang din sa kwarto mo noon ah. Bakit ngayon, di ka mapalagay dyan, Veron?" Kinagat ko ang ibabang labi ko. Bakit nga ba? Dahil may pinangakuan akong isang estranghero? Pag sinabi ko ito kay kuya ay baka di na ako abutan ng araw! "Nabobored lang talaga ako dito, kuya. Please let me go down there. Tatambay lang ako sa lobby." "But it's late now, pet. It's ten minutes past eleven. Bakit hindi ka na lang matulog?" Napakamot ako sa aking batok dahil ang inis ko ay nag-uumapaw. "Kuya, ang haba ng naitulog ko kaninang hapon. Sumasakit na nga ang likod ko dahil kahit magpaikot-ikot pa ako sa kama, hindi pa rin ako inaantok! Pababain mo na kasi ako!" "At tatakasan mo na naman mga bodyguard mo?" 'Hindi ko naman kasi maintindihan kuya. Bakit kailangan ko ng bodyguards gayong nasa premises naman ako ng hotel. Hindi naman ako lalabas para maglakwatsa o gagala sa mga mall sa downtown." "Because there's always a threat around us, sweetheart." Sumikdo ang dibdib ko nang may maalala ako sa salitang "sweetheart". I'll wait for you, sweetheart. He'll wait for me...... I cleared my throat. "Ganito na lang kuya, pag dito lang ako sa hotel, ayoko nang may bodyguards. Pero kung lalabas ako para pumasyal sa mga kaibigan, papayag ako na may bodyguards na bubuntot-buntot sa akin. I think I can live with that, kuya. Ilang araw na lang naman ang ilalagi ko dito sa Pinas. Hindi mo ba ako mapagbibigyan, kuya?" Sinadya kong basagin ang boses ko kunwari ay maiiyak na ako. "Gusto mo bang umalis ako ng Pinas na may dala-dalang sama ng loob sa'yo?" Isang napakalalim na buntong-hininga ang aking narinig sa kabilang linya. "Okay. You win, pet. Pero tuparin mo ang pangako mo. Wag mo na rin uulitin ang pagtakas mula sa mga bantay mo. Nakakailang palit na ako ng tauhan dahil sa'yo." "Sinisante mo sila?" medyo nagulat ako. "Natakasan mo sila. Nangangahulugan lang iyon na nagpabaya sila sa trabaho nila. Anyways, I have another phone call to make. See you in a bit." Umiiling na nakatitig lamang ako sa cellphone ko. Nakaramdam ako ng guilt dahil nawalan ng trabaho ang mga bantay ko because of the stunt that I pulled last night. I pouted. "You are harsh to others, big brother. Sana may dumating na tamang babaeng makakapag palambot sa puso mo. And I feel sorry to those guys he just fired. It was my entire fault." Mabilis na nagtungo ako sa aking dresser at nagpalit ng damit. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Bakit parang may mga dagang naghahabulan sa dibdib ko ngayon? Am I too excited to see him? See him? But I never saw his face even once. But whatever it is, gusto ko pa ring makasama ang estrangheron iyon. Nagugustuhan ko ang mga pag-uusap namin. Ang totoo, siya ang unang lalakeng pinaglaanan ko ng oras. Kung sa iba iyon, masyado nang mahaba ang sampung minutong usapan. In school, they tag me as "Snow Queen" dahil masyado daw akong aloof sa mga guy. Yes, I agree. I am courteous but faintly aloof to them. Pero hindi dahil sa ayaw ko talaga sa kanila, kundi ay wala lang talaga akong interes. Yun lang yun. Masyado rin namang assuming yung iba na kesyo daw nagpapakipot ako. Duh! Me? Where on earth did they get that idea? Sadyang hindi lang talaga sila aware na nakakairita ang mga tinging ipipupukol nila sa akin. At para sa akin masyado pa akong bata para tumanggap ng manliligaw. Having a relationship isn't my priority as of this moment. Marami pa akong pangarap na gustong abutin. Gusto kong tulungan si Kuya sa pamamahala ng negosyo namin. Gusto ko ring magtayo ng sarili kong boutique. That's why I planned to study abroad para mas lumawak pa ang aking kaalaman sa fashion design. And when I reached the right age, gusto ko ring subukan ang spot light at mag ipon ng sariling pera. Yun ang gagamitin ko sa pagpapatayo ng aking boutique. I know Kuya will help me financially, but I want to challenge myself. I want to push myself to the limit. I want to grow independently. At kung sakaling makamit ko na ang lahat ng iyon, I am pretty sure my parents and kuya Lawrence will be proud of me. ************** Dumaan muna ako saglit sa office ni kuya at binigyan ng matamis na halik sa pisngi. He was on the phone, discussing business, as usual. Sumenyas lang ako na lalabas na ako sa office niya at tumango lamang ito. Habang naglalakad ako sa corridor, napansin ko ang isang maintenance crew na nakaakyat sa isang folding stair at may kung anong pinupunasan sa kisame. Pinasadahan ko ang nakatalikod nitong pigura. Matangkad ang lalakeng ito at halatang banat sa trabaho ang katawan dahil sa mga masel na lumalabas sa mga braso nitong nakaangat. Marumi na ang maintenance uniform nito at may bakas din ng grasa sa abuhing pantalon nito. Nakasombrero ito ngunit nakalabas ang dulo ng kanyang buhok. Lagpas balikat ito at nakatali ng goma. Ang alam ko ay kahit sa maintenance ay may proper grooming sila na dapat sinusunod. Bilang may-ari ng hotel ay gusto ko itong pangaralan. Akma na akong lalapit dito nang kumilos din ang lalake at bumaba sa hagdan. Kinuha nito ang timba na nasa gilid pagkatapos nitong tupiin ang hagdanan. Kumilos ito paharap sa akin at napatda nang magkaharap kami. Tatlong metro ang layo ko sa kanya at dahil naka sombrero ito at sumasabog ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabon sa kanyang mata, ay hindi ko ito maaninag ng mabuti. "Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Pinagkrus ko ang aking mga braso sa aking harapan. Sadyang nilakipan ko ng katarayan ang boses ko. Likas na friendly ako sa mga tauhan ng hotel kaya hindi ko maipaliwanag kung bakit naiirita ako sa lalakeng ito. Dahil siguro alam kong tinititigan niya ako mula ulo hanggang paa? "Mas maganda ka pala sa malapitan, Miss. Ipagpaumanhin nyong medyo napatda ako ng sandali." Ani nito. Kumunot ang noo ko. May kung ano sa boses nito na nagpatayo sa balahibo ko. Sobrang pamilyar kasi sa pandinig ko. Hindi na lamang ako kumibo at tinalikdan ito. I immediately summoned the elevator. At nang bumukas ang pintuan, tinagilid ko ang ulo ko sa kanya at nagsalita. "Hindi allowed sa mga lalakeng trabahante ang mahahaba ang buhok. The next time I'll see you, dapat maiksi na yan." Tikhim lamang ang narinig kong sagot mula rito. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at saka ako pumasok sa private lift. Nang masara ang pinto ay saka pa lang ako huminga ng malalim. What the hell was that? Bakit ang lakas ng pintig ng puso ko? Seriously, what is wrong with me? ****************** Sinadya kong iwan ang aking cellphone sa kama ko. Mag-isa lamang ako sa gitna ng madilim na kwartong ito. Nagtatalo ang isip ko kung dapat ba akong umalis o maghintay pa? Trenta minutos na ata ang nakakalipas mula nang pumasok ako dito at wala pa ang estranghero hanggang ngayon. Gusto ko tuloy magsisi. Ang isang tulad ko ay hindi dapat manatili sa lugar na ito. Paano kung may ipis at daga? Hinihimas ko ang aking mga braso dahil kinalabutan ako. Akma na akong bababa sa kinauupuan kong mesa, nang marinig ko ang pagpihit ng seradura. "Miss, are you here?" Agad na bumalik ako sa pag-upo. Miss, huh? Just hearing his voice suddenly changed my mood. And my plan as well. "Yes." Narinig ko ang kanyang buntong-hininga. It's as if he felt relieved? I heard again the clicking of the door knob. I heard his footsteps leading toward my direction. Kabisado na ba niya ang kwartong ito? Bakit parang wala man lang bakas na pag-iingat ang paglalakad nito? Parang normal lang samantalang ako kanina ay humihinto dahil kinakapa pa ang aking dinaraanan. Kinapa nito ang mesa at di sinasadyang nahawakan nito ang aking hita. "Opps. Sorry. Di ko sinasadya. Madilim kasi." bahagya pang tumawa ito. Well, that's the best excuse ever. Because it's too damn dark here. At bakit nga ba kami nagtatago sa dilim? Nang umuga ang mesa hudyat na nakaupo na rin ito, hindi maiwasang naamoy ko ang kanyang sabong panligo. I bet my life, bagong ligo ang lalake. Nangati ang ilong ko at napabahing. "Sorry, nangangati talaga ang ilong ko kapag nakakaamoy ng....I mean, ng......." Kinagat ko ang aking labi at pasikretong kinastigo ang sarili. I really need to think twice before opening my silly mouth. "Kapag nakakaamoy ka ng mumurahin na sabon?" "Hindi dahil mumurahin, sadyang matapang lang sa pang-amoy ko. I am really sorry." "What are you sorry for? Hindi mo naman kasalanan na pinanganak kang may nakasubong gintong kutsara sa bibig mo. You should be grateful for the kind of life you have." "I don't want to offend you, Chris." "Ah. I like the sound of my name in your lips, Nica. I'll be offended kung nakalimutan mo ang pangalan ko." Umiling ako. Not in this lifetime, Chris. "At bilib din ako sa lakas ng loob mo. Ang totoo ay hindi ako umaasang babalik ka dito. At napahanga mo ako dahil sa kabila ng pagiging matayog mo ay hindi ka nag-alangan na tuparin ang pangako mo. I'm impressed, really." "I have a feeling that you are not a dangerous man, Chris. At gusto ko rin talaga. Staying here is like being in a new world." "A new world where only the two of us exist, Nica?" His voice became rasp and deep. Napalunok ako nang wala sa oras. Kakaiba kasing hagod ang taglay ng boses nito. Ganito rin ang naramdaman ko kanina. Are all men have this kind of deep, baritone voice? "Uhm. Perhaps. I can be whatever I want to be kung nandito ako. I can talk and I can express myself freely. Without thinking what others might think about me if I say something that they don't like. I am frank, but with limitations lalo na pag ibang tao na ang aking kaharap." I am referring to the media who loves to interview me once they get the chance to do so. They know me as a prime and proper heiress. Unlike kuya Lawrence, he can speak brutally whatever he wants to say and he doesn't give a flying f**k. But I do. Kailangan kong ibalanse ang imahe ng hotel na ito.Ngunit hindi ko masabi kay Chris ang tungkol sa bagay na yan. "Right. Ako naman, this place is my escape from the cruelty of this planet we called Earth. Payapa ang pakiramdam ko dito. Tahimik ang isip at damndamin ko. Nagiging mahinahon ako at kumakalma ako. Pag nasa labas ako, all I see is red. Like, I always looking for trouble. At ang tingin ko sa lahat ng tao ay kaaway. I always think they are heartless, shrewd and rude. But then, that's really the reality. All the good things, good feelings are just a fantasy." "Galit ka ba sa mundo, Chris?" "You can say that again." "Why?" He sighed deeply. "You don't have to know. Because I sure as hell, once you knew the real me, you'd run for the hills and regret the times you have spent with me. At ayokong malaman mo ang tungkol dun ngayong kakaumpisa pa lang ng pagiging magkaibigan natin. I want to spend more time with you, if I am not asking too much." I swallowed the lump behind my throat. Hindi ko maipaliwanag pero gustong gusto ko siyang yakapin. He has lots of burden on his shoulders, I assume that. The way he spoke, the tone of his voice, the sadness within it, it's too obvious. This man, he is dealing such agony I could never imagine a person could have felt. "You have to try me, Chris. Hindi ako ang tipo ng taong sumusuko. Palaban din ako kagaya mo. At kaya kong intindihin ang isang tulad mo. And yes, I want to know more about you. You can tell me at least the things you are most comfortable to talk about." Isang mahabang katahimikan ang sunod na namayani. "I really like your smell." he then spoke. Wow. That was so random. Suddenly the atmosphere became heavy. "Uhm. Thanks." "I bet your perfume costs a fortune." bahaw na humalakhak ito. "Hindi naman masyado. Some are just gifts from families and business friends." I sighed. Bakit hindi ata ako komportable pag-usapan ang tungkol sa klase ng buhay na mayroon ako? I want us to talk about more about his life. "I see. I can't imagine how glamorous your life is." "Please. Let us not talk about my life. Tell me more about yours." He laughed lightly. "Interesado ka talaga sa buhay ko noh?" "Uhuh." "Well. Where shall I start? hmmm." "Kahit ano lang basta----Hindi ko naituloy ang sasabihin ko at napatili na lamang nang maramdaman kong may gumagapang sa kamay ko paakyat sa aking braso. Mabilis akong napatalon sa aking kinauupuan at mahigpit na yumakap kay Chris. "I swear, may ipis na dumapo sa balat ko Chris!" I couldn't hide the fear in my voice. Cockroaches are my worst nightmare! "Alright sweetheart, you need to calm the f**k down. You are literally straddling me, sweetheart." Napapaos na sambit nito. Umiiling-iling pa rin ako na naglimbitin sa kanyang leeg. I buried my face on his chest because I can't seem to stop myself from trembling. "Oh my god, Chris. I hate cockroach!" "Yep. I can see that." "They suck!" "I know." "They're dirty as hell." "I think they pretty sure know about that now." "And I really hate them!" "I bet you do." "I am so scared! Get them away from me, please!" He heaved a sigh. "You'll probably gonna hate me later but I guess, you've left me with no choice." My face still on his chest. "What do you mean?" I felt his hands on my shoulders, holding me firmly as he slowly pushed me away from his. His finger then transferred to my chin, raising it up. His one hand on my back was moving down as he pulled me back against his hard body. His thumb was rubbing my lower lip that made me gasped. I then felt the warm, soft lips against mine and the air literally caught behind my throat. My eyes grew wide when I realized what he was doing. "Damn sweetheart, your lips are soft as rose petals. But I know there are much more of you. Open your sweet mouth, Nica. I want to taste more sweetness from you." He spoke in a whisper that sent shiver down my spine. I parted my lips and gasped some air. And when I felt his tongue caressing the outer of my lips, I shivered. Wala sa sariling inawang ko ang aking mga labi. God, I wished I knew how to do this correctly. When he pulled me closed against his body that even air can't pass, I gave in. Kissing with stranger is so wrong, but damn, it feels so right...........          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD