"Bakit mo ako hinalikan?!"
Mataas na boses na pagkakasabi ko nang tuluyang luminaw sa isip ko ang nangyari. Ang isa kong kamay ay nakatakip sa aking bibig at ang isa ay sa aking dibdib dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Pakiwari ko pa nga ay lalabas na ang puso ko sa ribcage ko dahil sa paghuhurimintado nito.
"You were rattled." Simple nitong tugon.
"So? Does it give you the right to kiss the person? Ang kapal din ng mukha mong magnakaw ng halik! First kiss ko yun, FYI! At hindi ko akalain na sa ganitong pangyayari lang mararanasan ang first kiss ko!"
Dalawang kamay ang ginamit ko pantulak sa kanya palayo sa akin. He was still so close to me because his breath were fanning through my face. I was fuming mad. Hindi ganito ang inaasahan ko. Lagi kong naiisip kung ano ang pakiramdam nang mahalikan sa unang pagkakataon. How it would be like. How it would feels like. How does a man's lip taste like. Those were the questions I kept asking myself. Ang mga kaibigan ko ay nagkukuwento tungkol sa karanasan nila sa kanilang unang halik kaya hindi ko maiwasang pangarapin din ito. Lamang, pangarap kong mahalikan sa unang pagkakataon mula sa lalakeng mahal ko. At hindi sa isang estrangherong kagaya ni Chris.
And how stupid of me for acting like this! When in fact, I voluntarily answered his kisses! Pero kasi, first kiss ko yun! At nabigla din ako!
He sighed deeply. "I'm sorry. I didn't know how to calm you down. I'm sorry, Nica."
I took a step back and shook my head. This is crazy. Para akong natauhan bigla. Ano bang ginagawa ko dito? Bakit ko ito ginagawa? Bakit ko hinahayaang makipagkita sa isang lalakeng hindi ko naman kilala? How could I trust this man? I don't even know him! Isang kahibangan ito!
"Babalik na ako sa hotel. At ito na siguro ang huling beses na maghaharap tayo, Chris. I am sorry. Hindi na dapat ako nagpunta pa dito."
"You didn't like the kiss, Nica?" His voice was deep and suddenly serious. Hindi ko alam pero parang may pait sa boses nito. Para itong nainsulto.
"This isn't just about the kiss, Chris. I just find this whole thing weird. I even lied to my brother just to be here with you. I don't know you and you barely know me. Hindi dapat tayo nag-uusap ng ganito sa gitna ng dilim. This whole thing is totally weird. I need to get out of here before my brother found out where I am."
Bumuntong-hininga ulit ito at rinig ko ang kanyang paghakbang palapit sa akin. "Are you saying that this friendship is over? Kakasabi mo lang kanina that you are willing to befriend me. That you want to know me better. That you'd be willing to listen about my problems in life. That I can lean on you and that you are not afraid of me, Nica. Tell me, were you just bluffing when you said those words? All these time were you just dissimulating me?"
I swallowed. "I was not pretending, Chris. I really wanted to be your companion. A friend. But not this way. Not in the middle of this darkness! I really don't know, Chris. I just want to get out. I need to leave." Ang tangi ko lamang nasagot sa kanyang mga tanong.
Marahas ang paraan ng paghigit niya ng hininga. I could sense that he's starting to get pissed. "I thought you were different from others. Pero pare-pareho talaga kayong mayayaman. Do you think na pagtotohanan na ang pagkikita natin, in broad day light, may gana ka pa yang kausapin ang isang tulad ko? What will you do if you finds out the real me? Paniguradong hindi mabubura sa iyong mukha ang pagkadisgusto sa isang tulad ko. And I dread that moment I will see the disgust in your face. I've been rejected a couple of times. Hindi na bago sa akin ang ganito. Okay. If that's what you want, it's fine with me then. But I want you to know that I am not sorry for kissing you, Nica. If you ever give me another chance, I would love to kiss you some more and I'll make sure that I will kiss you properly and passionately until we both run out of breath." His soothing voice was seductive at tingin ko'y inaakit ako nito sa pamamagitan ng kanyang mga salita. At parang nangangako ito sa akin.
Bumuga ako sa hangin. How could he judge me just like that? Hindi naman ako masamang tao. Hindi ako palakaibigan at oo, may standard ako sa taong pinipili kong maging kaibigan pero hindi ko ugaling mang insulto ng harapan. At naiinis din ako sa eksenang pumapasok sa isip ko. I was thinking of us together. Him wearing a mask while kissing me in the middle of a grand staircase. Like he was the phantom of the Opera. Napapikit ako ng mariin. This is so wrong. "That will never happen again, Chris. Hindi na ulit magkukrus ang landas nating dalawa. This is goodbye."
"I really thought for one fleeting moment that you enjoyed the kiss. You responded to my kisses, Nica. I even thought I heard you moan for a moment there. Tama ba ako? O baka naman guni-guni ko lang yun."
"Stop it. I want to leave. Now."
"You know the way, Sweetheart. Must I lead you the way to exit?" I could sense he was smirking at me.
This time he seemed annoyed. I rolled my eyes. As if I care. Nagsimula na akong maglakad patungo sa pintuan. Binuksan ko iyon at hahakbang na sana palabas ng magsalita ulit ito.
"You know what? It feels so damn good to know that I was your first. Isang karangalan ang maging unang halik mo." Nang-aasar na salita pa nito. Pero sa aking pandinig at may halong pait sa kanyang tinig.
"Ewan ko sa'yo!" Huling banggit ko bago ako tumakbo palayo sa lugar na iyon. Lakad takbo ang ginawa ko. It's too dark in this area pero hindi ako natatakot. Pakiramdam ko pa nga ay mas safe ako dito, kesa sa loob ng stock room na iyon na kasama siya.
Natatakot ako hindi sa kanya. Kundi natatakot ako sa nararamdaman kong ito. This foreign feeling is unexplainable. Hindi ko dapat maramdaman ang ganito sa isang taong hindi ko kilala ng lubos. This will past, that I can assure of. Inis na pinahid ko ang luhang pumatak mula sa aking mata. Why am I even crying for christ’s sake?
Halos tatlong araw ang lumipas mula ng mangyari iyon. Laking tuwa ko nang pinayagan ako ni kuya Lawrence na galain ang mga kaibigan ko. Sa ganung paraan ay nababawasan ang mga sandaling naiisip ko ang lalake. Ang hirap ipaliwanag kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. Kahit walang mukha ang lalakeng iyon sa isip ko, ang malalim na boses naman nito ang lagi kong naririnig na parang bumubulong sa akin sa lahat ng oras. But I need to forget everything about it. About him. At isa pa, bukas na ang alis ko patungong Europe. Sasamahan ako ni Kuya Lawrence doon dahil may business trip din ito. Kaya mas Lalo akong nagalak. Atleast, hindi ako mag-iisa sa unang mga araw ko doon.
It's past eight o'clock in the evening nang dumating ako sa hotel mula sa galaan. "Salamat Kuya Rody, pwede na kayong magpahinga." Ang sambit ko sa driver bago ako bumaba sa sasakyan.
Dito ako sa entrance ng hotel nagpahinto dahil balak kong kumustahin ang kaganapan sa banqueting hall. Mayroon kasing event na ginaganap doon ngayon.
"Miss Veronica, good evening po."
Ngumiti lamang ako sa waiter na nakasalubong ko sa hallway. "Nasa loob ba ng banqueting hall si Ms. Mary?" Si Ms. Mary ay ang banquet manager for graveyard shift.
"Yes Miss." he answered.
"Thanks." tipid kong sagot. Umikot ako sa kabilang bahagi ng hall kung saan dinadaan ang pagkain mula sa hotel kitchen. Likurang bahagi ito ng banqueting hall. Tanging mga empleyado lamang ang pwedeng dumaan dito dahil obviously, ang entrance ng banquet ay para sa mga guests lamang.
Mga sampung katao siguro ang naabutan ko sa likuran nabusy sa pag-aayos ng mga pagkain sa tray nila.
Si Ms. Mary ay nagmamando sa mga waiter and waitress kung saang section sila ng banqueting hall nakatoka.
"How is everything here?" I asked discreetly.
"Miss!" Medyo nagulat pa si Ms. Mary sa biglaan kong pagtanong. "Okay naman po. Medyo nagkaproblema lang ng konti kanina dahil nagkulang kami sa waiter. Hindi po pumasok ang dalawa eh. Pero nagawan po ng paraan ni Sir Lawrence."
Humalukipkip ako. "So paano yun? Anong paraan ang ginawa ni kuya?" I asked curiously.
"He pulled two staff from the Maintenance, Miss." Ngumiwi pa ito ng bahagya.
My eyebrow raised. "Seriously? Pero may alam ba ang mga yun sa pag seserve ng food sa guests? Hindi tayo pwedeng mapahiya."
"According to my records Miss, this two guys are both working students. At nung tinanong naman po sila kanina ni Sir, kaya naman daw po nila. And so far, they're doing great." she smiled.
I sighed in relief. Okay. I believe in my brother's decision no matter how unbelievable it is.
Sumilip ang isang lalake mula sa pintuan at sumenyas na ilabas na ang pagkain. Kung tama ang pagkakatanda ko ay head bartender naming ito. Ang wine bar kasi ay nasa loob mismo ng malawak na kwarto. Pumalakpak si Ms. Mary ng isang beses. "I-serve na ang mga pagkain, dali! Dobleng ingat para iwas aksidente."
Mabilis naman agad na kumilos ang mga ito at isa-isang lumabas mula sa pinto. Fine dining kasi ang set-up ngayon. Kung buffet style lang sana ay hindi mangangailangan ng manpower.
"Ms. Mary, babalik na lang ako ulit mamaya para kumustahin ang lagay nyo dito. Kung anuman ang magiging problema ay ipagbigay alam nyo agad sa amin." wika ko.
She nodded politely. "Yes Miss."
Agad din naman akong umalis doon. Medyo napagod din ako sa lakad namin kanina kaya baka magpapahinga na lamang ako. Tatawag ko nalang mamaya para kumustahin sila dito. Dadaan na rin tuloy ako sa office ni kuya at paniguradong nandun pa rin iyon ngayon.
Tinatahak ko ang maliit na hallway pabalik sa lobby nang napatigil ako. May dalawang tao sa sulok ang nahihimigan kong nagtatalo. Nagpalinga-linga ako baka sakali may lugar na mapagtaguan para naman hindi isipin ng dalawa na nakikinig ako. Babalik na lang sana ako sa loob nang mapagtanto kong waiter ng hotel ang kausap ng guest. No, hindi sila normal na nag-uusap. Nagtatalo ang dalawa.
Naningkit ang mata ko. Anong pinagtatalunan ng dalawang ito?
Ang lalake ay nakahawak sa dalawang kamay ng babae na pilit hinihila ng huli. "Rosalie, ilang araw na tayong hindi nagkikita. Bakit mo ako ngayon iniiwasan? Alam ko naman ang sitawasyon nating dalawa pero ilang minuto lang naman ang hinihingi ko sa'yo. Mag-usap tayo, please."
"Topher, nasa loob lang si Daddy. Pag nalaman niyang nag-uusap tayong dalawa ngayon ay baka ipabugbog ka na naman sa mga tauhan niya! Ikaw lang ang inaalala ko! Bakit ba hindi mo iyon naiintindihan." Nanginginig ang boses ng babae.
"Wala akong pakialam sa gagawin ng ama mo sa akin, Rosalie. I just want us to talk. Give me sometime to talk with you at hayaan mo akong pagmasdan ka kahit sandali. I missed you so much." He hugged the girl tightly.
Pero pumiglas ang babae at lumayo ng bahagya sa lalake. "Christopher, let's stop this. Tama si Dad. Walang patutunguhan ang relasyong ito. Hindi ko kayang lumayo sa pamilya ko. Hindi ko sila bibitawan para sa'yo. Mas mahalaga sila dahil sila ang pamilya ko at sila ang buhay ko." Mangiyak-ngiyak na sambit nito. Sinubsob ng babae ang mukha nito sa kanyang palad at humagulhol.
"Hindi ba ako karapat-dapat para sa'yo? Dahil ba mahirap lang ako at mayaman ka? Am I not really worth the fight Rosalie? Am I really not that worthy of you?" His voice was shaking. Kumagat labi ito at halatang nagpipigil na umiyak sa harap ng babae.
Ako naman ay napasandal lamang sa pader. Hindi dapat ako naririto at masaksihan ang pagtatalo ng dalawa. Kung tama ang hinuha ko ay magkasintahan ang mga ito.
"Tama ka, hindi tayo nabagagay. You don't deserve me. I deserve a man who can love and provide all my wants and needs. At hindi ikaw yun, Christopher. You can never be that man. I am sorry." Taas noo nitong salita bago nagmamadaling umalis pabalik sa loob ng event.
Nanliit ang mata ko pagkarinig sa sinabi nung babae. That b***h! How ruthless of her!
Nanghihinang humaharap sa pader ang lalake. Halos mapatalon ako sa pagsuntok nito sa pader at sinabayan ng malakas na sipa. Yumugyog ang balikat nito at impit na humagulhol.
Lumunok muna ako bago dahan-dahang lumapit ditto kahit nanginginig ang tuhod ko. I remembered this guy. Ito yung taga maintenance na pinagbawalan kong magpahaba ng buhok. At mahaba pa rin ang buhok nito ngayon, lamang ay maaayos na nakatali ito sa likod.
I cleared my throat. "Are you okay?" Mahinang boses na tanong ko dito. Inangat ko ang aking palad para sana tapikin ang likod nito pero hindi ko na lamang ginawa. Ngayon lang ako nakalapit sa kanya ng husto at napagbatid ko kung gaano ito katangkad.
Umiiling ito. "Lumaki ako na sanay na hinihindian ng mga tao. Lumaki akong pinagkaitan ng pagmahahal. Nasanay akong binabalewala ng lahat. Pero ang sakit pa rin pala. Ang sakit-sakit. Tangina."
Napalunok ako. Why, I could feel how hurt he was. Tila ako maiiyak sa sitwasyon niya ngayon. "I am sorry to hear that. Pasensya na, hindi ko alam ang aking sasabihin."
Umayos ito ng tindig. Napaatras naman ako. He tilted his head and his side profile made me speechless. Pakiwari ko'y kilalang kilala ko ito. Ang lakas din ng t***k ng puso ko. He smiled bitterly. He must have recognised me through his peripheral view. He spoke coldly. "Well, I guess, you haven't been rejected all your life, kaya hindi mo alam ang pakiramdam ng isang tulad ko."
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay mabilis itong naglakad papalayo. Habang naglalakad ito palayo sa akin ay isang tao naman ang pilit na pumapasok sa isip ko.
"Chris...." It was just a whisper pero siguro ay narinig ng lakake ang aking tinig dahil tumigil ito sa paglalakad.
Kumalabog ang puso ko. Hindi ito kumilos sa kanyang kintatayuan.
Sinubukan kong maglakad papunta sa kanya pero nakailang hakbang lang ako ay mabilis itong kumilos at naglakad papalayo pa sa akin.
At hindi ko alam bakit sumakit ang dibdib ko.....