(Present time)
Nakanguso akong sumunod sa antipatikong lalake dala-dala ang aking hand-carry bag na namimigat na dahil basang-basa sa ulan. Tama bang pagkamalan niya akong katulong? Sa porma kong ito? Sa mukha ko na ito? Alright, I am not pulling my own chair and I have nothing against helpers, pero naman kasi!
Nakakainsulto sa parte ko na pagkamalan niya akong katulong? Kahit nagtatakbo ako kanina at kahit puro putik na ang sapatos ko, at kahit basang basa na ang aking mukha at katawan, malayo naman siguro ang hitsura ko sa pagiging helper, di ba? Or do I really look like one now?
Kasalanan talaga ng kundoktor na iyon eh! Oo na kasalanan ko rin na dahil nakatulog din ako!
Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang hinarap ako ng lalake habang ang dalawang kamay ay nasa bewang nito. His eyebrows furrowed. There was a faint smirk on his lips. And just like that sight in front of me, hindi ko maiwasang mapalunok. This man is strikingly handsome. Kahit ba may bakas ng putik ang suot nito. Kahit basa na rin ito ng ulan, hindi iyon naging kabawasan sa kanyang taglay na kagwapuhan. And I've seen the handsomest men in all walks of life on this planet, but this man is certainly not the typical one. He is—exceptional.
“May problema ka? I think I heard you murmuring something?” He wiped his brow with his hand.
Wow ha! May powers kaya si kuya? May kakayahan ba siya na basahin o pakinggan ang sinasabi ko? “Wala kaya akong sinasabi. Sumusunod lang ako sa'yo.”
Mas lalong lumalim ang kunot sa noo nito and he looked at me with scrutiny. Pinasadahan niya ulit ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I almost rolled my eyes. Nababastusan ako sa paninitig niya. Sanay akong tinitignan ng maraming tao dahil sa propesyon ko ngunit hindi ko mawari kung bakit hindi ako komportable sa kinatatayuan ko ngayon. There is something in the way he looks at me.
“It's really rude to stare, Mister, especially if we are in the middle of the rain.” Hindi ko maiwasang lakipan ng panunuya ang boses ko. His eyes, damn those deep brown eyes.
He smirked. “Ang bagal mo kasing maglakad, Miss.”
An amount of air escaped from my nose. Huh! Talaga lang ha! Eh siya nga itong parang nagbibilang ng hakbang! At para bang nasa kanya lahat ng oras sa mundo! Nakakaasar!
Nasa porch na kami ng bahay nang lumabas ang isang matandang babae mula sa malaking pinto.
“Mareyosep! Basang-basa kayo! Sandali lang at ikukuha ko kayo ng tuwalya at nang makapagpatuyo man lang kayo.” Kahit may katandaan na ito ay pansin ko pa rin ang liksi ng kanyang kilos.
Umupo ako sa isang Monoblock chair na nasa patio at tinignan ang lalakeng naghuhubad ng kanyang boots. At dahil basang-basa na rin ang sapatos ko ay hinubad ko na rin ang mga ito kasama ang medyas. Iniisip ko kung paano ko ito malalabhan at ilang araw naman kaya bago matuyo? I don't think it will dry overnight. Unless this house has humidifier machine to help dry my wet stuffs.
“Ito apo, magpunas ka ng katawan at magpatuyo ka ng buhok. At ito naman sa'yo hija, nako basang basa ka rin. Magkakasakit kayo niyan.” Sambit nito ng makabalik mula sa loob.
Inabot nito sa akin ang kulay puting towel. “Salamat po.” Ngumiti ako sa matanda na magiliw na gumanti din sa akin ng ngiti.
“La, dumating ba yung mga papeles na pinakuha ko mula sa munisipyo?”
“Oo Toper, hinatid ng tauhan ni Mayor Gascon kanina. Inakyat ko na sa kwarto mo. Tawagan mo nalang daw ito bukas.”
Tumango lamang ang lalake. Sumulyap muna ito sa gawi ko bago walang sabi na naghubad ng kanyang pang-itaas. Napatuwid ako sa aking pagkakaupo. I was gaping at him. Umangat ang gilid ng labi nito sa akin bago umikot at nilagay sa sandalan ng kaharap na upuan ang pinaghubaran nito.
I swallowed. Hard. I've seen topless men almost every day sa Paris lalo na pag may rampa kami. Those models' bodies were solid and chiselled but never did I gawk at them like the way I was gawking at this man. His body was ripped, with those broad shoulders and tiny waist. Those lean muscles were sculptured perfectly. He has certainly a well-built body that any man would have wished to have. Kung gawa ng regular na ehersisyo o banat sa pagtatrabaho ay hindi ko na mawari pa.
“Staring is rude, you say? Pero bakit hindi mo ata maalis-alis ang mata mo sa akin, Miss?” Nakangisi pa ito sa akin at mga mata nito ay tila nagsasayaw sa galak.
Agad namang nagbawi ako ng tingin mula sa kanya. Goodness! Get a hold of yourself, Veronica! Ngayon ka lang ba nakakakita ng lalakeng hubad?
Tumikhim ang matanda kaya napunta sa kanya ang atensyon ko. “Tara na ninyo sa kusina nang mainitan ang mga sikmura ninyo. May paparating na bagyo kaya paniguradong aabutin ng ilang araw bago maging maaliwalas ulit ang panahon.”
Napamaang ako. “May bagyo po?!” Goodness! Ang tanga ko lang talaga. Bakit hindi ko man lang nai-check ang lagay ng panahon? Kumagat-labi ako at hindi maiwasang mag-alala. I am so sure Kuya Lawrence is so worried right now. Ganun din si Monica na dapat ay kanina pa kami nagkita kung hindi lang talaga ako nakatulog. At kung naalala lang sana ng konduktor kung saan ako dapat ibababa!
“Bakit hija? Hahanapin ka ba sa inyo?” Sumulyap ito sa kanyang apo na may pagtataka. Kunot ang noo nito at hinintay na sumagot ang apo.
“Uhm. Opo pero tatawagan ko na lang po sila, lola.” Medyo nahihiya pa ako nang tinawag ko itong Lola. Ayoko naman kasing isipin ng antipatikong apo nito na nagpapaka-feeling close ako sa lola niya.
The old lady smiled genuinely at me. “Ipagbigay-alam mo sa kanila na dito ka kina Topher pansamantala. Pero mamaya mo na gawin at magpa-init ka muna dito sa kusina. Gumawa ako ng tsokolate, hija. Tiyak akong magugustuhan mo iyon.” Magiliw na pahayag nito.
Tumango lamang ako dito. Hindi ko sinulyapan ang lalake kahit alam kong pinagmamasdan ako nito. Pasimple kong sinuklay gamit ang mga daliri ang aking basang buhok. Ang aking bag naman ay iniwan ko sa labas ng pintuan dahil ayokong mabasa ang kanilang sahig.
Habang nakasunod ako kay lola ay iginala ko ang aking paningin sa buong kabahayan. Minimalistic ang interior at tanging mahahalagang kasangkapan at appliances ang nandirito. Hindi gaanong nalalagyan ng palamuti ang loob pero nagugustuhan ko iyon dahil nagmumukhang mas malinis ang bahay. Hindi makalat at hindi masakit sa mata. Ika nga simplicity is beauty.
Napaigtad ako sa gulat nang lumitaw sa harap ko ang lalake na may dalang house slippers sa kanyang kanang kamay. He bent down at nilapag ang tsinelas sa aking harapan.
“Wear these. Wala ng iba kaya wag ka na mamili pa.” He said plainly.
Ngumuso ako sa kanya at umirap saka ko sinuot ang tsinelas na size 43 ata. Size 38 lang ako kaya halos lamunin ng tsinelas ang aking paa.
“Thanks.” Tugon ko. Ismid lamang ang sinagot nito sa akin.
Sa mesa na pang animan ay naghila ako ng upuan at umupo. Ang matanda naman ang umupo sa kabisera at ang lalake ay sa aking tapat.
Umuusok pa ang mga tasa at naamoy ko kaagad ang aroma ng cocoa. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kailan ba ako huling nakatikim ng ganito? Hindi ko na matandaan.
Dalawang palad ang pinanghawak ko sa aking tasa para mainitan na rin dahil kanina pa talaga ako nilalamig. Gusto ko mang mag-excuse sa kanila para makapagbihis muna kaso nakakahiyaan ko. Ni hindi ko nga alam kung saan ba ako matutulog mamayang gabi. Kung tama ang bilang ko sa mga pintuan sa taas ay mayroon lamang apat na pinto doon.
Nakayuko lamang ako at simpleng hinihipan ang aking tsokolate. Ayokong mag-angat ng tingin dahil paniguradong makakasalubong ko lang ang mga mata ng lalake. At ayokong makipaglabanan ng titigan sa kanya dahil nalulunod ako. His dark brown eyes are hypnotizing me. At hindi ko gusto ang paghuhurumintado ng aking dibdib sa tuwina.
“Kayo bang dalawa ay nagtatalo?” Tanong ng lola.
“Hindi, La.” Sagot nung lalake.
Hinihigop ko na ang aking tasa nang magtanong ulit ang matanda.
“Inaaway mo ba ang nobya mo, Christopher?” May halong babala sa boses nito.
Napaubo ako at napasamid nang wala sa oras. I didn't see that one coming. Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat ko sa tanong na iyon kaya umiiling lamang ako kay lola. Halos magkandabali-bali ang leeg ko sa pag-iling.
Humalakhak ang lalake sa aking harapan kaya pinaningkitan ko ito ng mata. Ano naman kaya ang nakakatawa?
“Hindi ko yan girlfriend, La. Ang layo niya sa babaeng pinapangarap ko. Hindi ko nga yan kilala. Nakita ko lang siya sa labas ng bahay. Akala ko nga siya na yung kasambahay na ni-hire natin kaso ang arte kaya napagbatid kong hindi siya yun.” May pang-uuyam sa pagkakasabi nito. Ang kapal talaga ng mukha ng lalakeng ito. Akala mo kung sinong gwapo.... Oo na! Ang gwapo niya talaga kaso antipatiko at mayabang!
“Naabutan po kasi ako ng ulan sa daan kaya naghahanap po sana ako ng masisilungan. Pasensya na po kayo kung dito ako sa inyo napadpad. Wala na po kasi akong makita na ibang bahay po. Ako nga po pala si Veronica.” Pagpapakilala ko.
“Ay akala ko naman e, ikaw na ang nobya nitong apo ko. Loko-loko talaga itong apo ko, hija. Pagpasensyahan mo na. Imposibleng mapagkamalan kang kasambahay eh kahit ano ata ang suot mo eh lumulutang ang pagiging mestiza mo. Ke ganda mong bata, hija.”
Pinamulahan ako ng pisngi. Sanay ako sa papuri pero masyadong sinsero ang pagkakasabi ni lola kaya nakakahiyaan ko tuloy.
“Salamat po.”
“Dumito ka muna ng ilang araw, hane. At tiyak akong walang bus na babyahe dahil sa bahain ang ibang parte ng bayan. Eh saan baga ikaw pupunta?”
Kinagat ko ang aking ibabang labi bago sumagot. “Sa Sto.Cristo po sana kaso hindi ko po namalayang nadaanan ko na po pala. Nakatulog po kasi ako sa bus.”
“Nakatulog ka?” Seryosong tanong ni Christopher. “Ang isang katulad mong baguhan sa probinsiya ay hindi dapat natutulog sa bus. Pasalamat ka at walang nanamantala sa'yo.”
Sasagot na sana ako nang magsalita ang matanda. “Oh siya, ubusin na ninyo iyang tsokolate at nang makapag-pahinga ka na, Veronica. Kung tama ang hinala ko ay galing ka pa sa siyudad ng Davao. May kalayuan din iyon. Ako ay maggagayak muna ng ating hapunan.” Tumayo ito. "Topher, pagkatapos nyo ay dalhin mo si Veronica sa taas nang siya naman ay makapagpalit. At ikaw na din.”
“Oo, la.”
“Salamat po.” Halos sabay kaming sumagot.
Mabilis kong inubos ang aking tsokolate dahil gustong-gusto ko na talagang makapagpalit ng damit. Nangangati na rin ako at nanlalagkit.
“Ako na ang kukuha ng bag mo. Hintayin mo nalang ako sa taas ng hagdanan.” Salita nito at mabilis na naglaho sa dining area. Ako naman ay agad ding tumayo at nagtungo sa may hagdan at umakyat doon.
Mula rito ay kitang kita ko ang paghaplos ng lalake sa aking bag. Kumunot ang noo nito at bahagyang umiling.
“Sa tingin ko ay napasukan ng tubig ang loob ng bag mo. Mukhang basa ang lahat ng gamit mo sa loob.”
Binuksan nito ang ikalawang pintuan ng ikalawang palapag. Isang queen size bed, side table with lampshade, isang tokador at isang aparador lamang ang kagamitan dito sa kwarto.
Kinuha ko ang aking bag mula sa kanya at agad na binuksan iyon. Umalis ito sa kwarto nang hindi nagpapaalam. Why would he when he’s the damn owner of this house, Veronica?
Napasalampak ako sa sahig sa panghihina dahil basa nga ang mga damit ko. Hindi naman basing-basa pero hindi pa rin angkop gamitin.
Laking pasalamat ko nalang at okay pa rin ang cellphone ko, lamang ay empty battery na ito. Nakabukod sa isang maliit na pouch ang charger ng phone ko at ganun na lang din ang ginhawa ko dahil hindi ito nabasa. Tumayo ako at nicharge ang phone ko. Hindi ko na nagawang magpaaalam pa sa may-ari ng bahay. Kung sisitahin man ako ng lalake ay magbabayad na lamang ako sa pagpapatira niya sa akin dito pansamantala.
Pero ang problema ko ay kung saan kukuha ng pamalit na damit?
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalake. Inilapag nito ang ilang piraso ng damit sa kama. “You can wear these habang pinapatuyo natin ang mga damit mo. Iisa lang ang bathroom dito sa taas at yun ang nasa pinakadulo ng pasilyo. Muuna ka ng maligo at ako naman ang susunod sa'yo pagkatapos mo. Kompleto naman ang toiletries doon. Feel free to use anything there.” Naka-krus ang mga braso nito habang nakasandal sa pintuan. And he's wearing a navy bue T-shirt now. Oh well, salamat naman at hindi na nakabalandra ang kanyang mapalad na dibdib. Masakit kasi sa mata.
I sighed deeply. I don't have any choice this time. Binaba ko ang phone ko sa tokador at lumapit sa kama. Sinipat kong maigi ang mga damit na nakalagay doon. Nanlaki ang mata ko at kinuha ang isang piraso ng tela na naroon.
“You expect me to wear boxer briefs?!”
“Why, Miss, do you expect me to own undies? Saan mo ako paghahagilapin ng pambabaeng underwear? Surely, my grandmother's won't suit you dahil sa nipis ng katawan mo. And besides, those boxer briefs are brand new kaya wag kang mag-alala. Hindi nakakamatay ang magsuot ng briefs. Have you never tried your boyfriend’s?” He c****d one eyebrow at me.
“Wala akong boyfriend! At kung mayroon man ay hindi ako magkakainteres na suotin ang underwear niya! That's totally disgusting!’
The man chukled. “Suit yourself then. Pwede rin naman kahit T-shirt ko lang ang suotin mo at wala ng iba pa. It's more than fine with me.” He grinned wickedly bago umalis ng tuluyan sa harap ko.
“Bastos!” The nerve of that man!
How can I survive in this place kung wala pa ngang isang oras na pananatili ko rito ay tila hapong-hapo na ako! That man is consuming all my energy and I hate him already!