SEVEN: Bastard

2399 Words
Hindi kalakihan ang kanilang banyo pero malinis at mabango ito. Puting tiles ang wall at dark blue naman ang kulay ng floor tiles. The bathroom was made simply kaya hindi na ako nagulat na walang bathtub. I sighed in relief when I found a shower. Thank God. HIndi ko kailangan gumamit ng timba at tabo na nasa pinakasulok. I never tried taking a shower using those. But using it for the first time won't hurt, anyway. Nang mai-lock ko ang pintuan ay naghubad agad ako ng damit. Nilapag ko ang malinis na damitan at ang bath towel na bigay ng antipatikong lalakeng sa ibabaw ng sink. Tinitigan ko muna iyon. Seryoso ba talaga ang lalakeng iyon na suotin ko ang mga ito?  But I guess I have no choice. Sinulyapan ko pa ng isang beses ang mga iyon bago tuluyang maghubad ng aking undies. Siguro naman ay may washing machine sa bahay na'to? Pwede akong maglaba mamaya pagkatapos makapag-hapunan. Ininda ko ang lamig ng tubig habang naliligo.  Again, hindi na nakakapagtaka na wala ring heater dito. Sa sobrang kasimplehan ng bahay ay hindi na ako magugulat kung sobrang layo nito sa nakasanayan ko. But this house is too big for two people. O baka sadyang simple lang talaga ang lifestyle ng mga tao dito. I am not judging them or anything; I am just stating my point of view. At kahit hindi ko gusto ang brand ng shampoo at conditioner, pati na rin ng sabon ay nakigamit na rin ako. Mainam na ang mayroon kesa sa wala. Pakiwari ko'y ang dumi dumi na rin ng buhok ko. Tadtad tiyak ito ng alikabok mula pa kanina sa biyahe. This is what I get from insisting to commute when we have luxury cars available. Pinilig ko ang ulo ko. It happened already. I wanted to take my time in the shower pero maalala kong maliligo din pala ang antipatikong lalakeng yun. Ayokong umabot sa punto na mangatok at sitahin ako nito. Agaran din ang aking pagpapatuyo sa sarili. Ngumuso ako nang kinuha ko ang over-sized T-shirt ng Christopher na iyon. Umabot ang laylayan ng T-shirt sa gitna ng aking hita. Gusto kong magmura nang dahan-dahan kong sinuot ang boxer briefs. Hindi naman ako nandidiri kaya lang kakaiba ang pakiramdam ko. It feels so.......intimate......at hindi dapat ganito. But I am a Queen of dedma so I won't make an issue out of it anymore. Ang mahalaga ay may maisuot ako kahit ngayong gabi. Sigurado naman ako na matutuyo na ang mga damit ko bukas na sinampay ko malapit sa bintana. The wind will make them dry. Nang makapagbihis ay binalot ko ng tuwalya ang aking may kahabaang buhok. I gathered all my used clothes at binuksan ko na ang bathroom door. I suddenly felt sleepy, so I planned to take a nap kahit ilang minuto lang. But I was startled when I saw the arrogant man leaning against the wall while both arms were fold firmly on his chest. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. And there goes his naughty eyes again. Damn it. He sighed heavily. “Wow. My clothes look good on you, sweetheart. But I am more curious what's behind those clothes of mine.” My cheeks burned. “Alam kong hindi ako bisita dito, pero wag mo akong bastusin.” I looked daggers at him. “I thought I was giving you a compliment.”  His smile turned lopsided. I rolled my eyes. Compliment, my ass. He stood straight. I saw a pile of clothes neatly folded on his side at mayroon ding tuwalya. He's going to take a shower now, I see. He was looking at me intently and suddenly the atmosphere became heavy. Nagkibit-balikat lang ako and tried my best not to meet his piercing brown eyes. Nilagpasan ko siya at mabilis na pumasok sa kwartong nakalaan sa akin. Sumandal ako doon at saka pa lang nakahinga ng malalim. What the hell? Ano bang nangyayari sa akin? Why does the beating of my heart become abnormal all of a sudden? I almost jumped off my feet when there was a knock on the door. I sighed again before I clicked open the doorknob. Chris was there standing quietly, his head bowed down. “Ano yun?” Pasuplada kong tanong. I was gripping the doorknob tightly. He raised his face at me, and our gaze locked with each other. I couldn't even blink. I couldn't read the emotions written on his face. His cheeks were even reddish. His eyes were sparkling. Kumunot ang noo ko. What is this feeling? I can't explain it! Tumikhim muna ito at nilahad nito ang isang palad sa aking harapan. "You left your underwear in the bathroom, Miss. Gusto mo bang labhan ko?" hi bit his bottom lip but then the corner of his mouth twisted in a half-grin. Pakiwari ko ay umakyat lahat ng dugo ko mula sa talampakan patungo sa aking ulo. I knew I was already burning red but the embarrassment that I felt was too much to handle. I grabbed my undies from his hand at walang sabi-sabing pinagsarhan ko kaagad ito ng pinto. Nanakbo ako sa kama at dumapa doon, burying my face against the fluffy pillow. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang uunahin ko. Ang kahihiyan ba o ang inis sa sarili at sa nangyari? Pinagsusuntok ko ang kama at ang unan. Sinubunutan ko ang aking buhok dahil sa sobrang katangahan. Kulang nalang ay iuntog ko mismo ang aking ulo sa pader o di kaya sa sahig. “God, Veronica! Why are you so stupid! Why! Why!” I felt so ashamed. I cried. f**k, I cried. This is too much! Balak kong magkulong dito sa kwarto ng ilang buwan basta hindi ko lang makita ang mukha ng Chris na yun! That asshole! Kailangan niya talagang hawakan? Kailangan niya talagang ipamukha sa akin kung gaano ako katanga para kalimutan ang kapirasong tela na yun! But damn it! I am! I am that stupid! Sana ni-check ko ang lahat bago ako lumabas sa banyo na yun. Sana! Sana! Sana! “Damn it! So f*****g damn it!” I wanted to scream if only there is no one in this house. Ilang minuto ang nakalipas hanggang sa kumalma na ang sistema ko. I dried my tears. I need to pretend na balewala lang yun. It's not a big deal, right? It's not a big deal that someone like Chris, the most insufferable jerk I've ever met, held your used underwear with his bare hand at pinamukha sa'yo kung gaano ka katangang babae! It's not a f*****g big deal! f**k! Another knock on the door made my heart skipped a beat. “Hija, tulog ka ba? Tayo na't maghapunan, apo.” Bumuga muna ako sa hangin. I thought ang lalake na naman na yun. Binuksan ko ang pintuan at sinalubong ako ni lola ng isang magandang ngiti. “Buti naman at gising ka pa, tara na't bumaba. Masarap ang niluto ko ngayong gabi at sana ay magustuhan mo iyon.” Pinasadahan niya ako ng tingin at kumunot ang noo. “Komportable ka ba sa suot mo, hija? Kung gusto mo ay mapapahiram kita ng aking pambahay.” Ngumiti ako dito. “Okay na po ito, La. Bukas po ay siguradong tuyo na ang mga damit ko. Maaari ko silang gamitin bukas.” “Okay ka lang ba? Parang namumula ata ang mukha mo? Nilalagnat ka ba?” Sinalat nito ang aking noo. Hindi po ako nilalagnat, namumula lang po ako dahil sa sobrang kahihiyan. Bulong ko sa aking sarili. “Okay lang po, La. Wala po akong dinaramdam.” Malumanay na sagot ko dito. She nodded at me and smiled. “Tara na sa ibaba at naghihintay na si Topher doon. Maaga tayong kakain dahil tiyak akong mawawalan ng kuryente mamayang gabi. Ang balita ko'y mamayang madaling-araw tatama ang bagyo sa kalupaan." Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko kayang makiharap sa lalakeng yun nang hindi naiisip ang nangyari kanina. “Hija?” “Sige po. Susunod po ako, La. Magsusuklay lang ako ng buhok.” “O siya sige. Sumunod ka kaagad ha.” Magiliw na wika nito at tumango lamang ako. Mabilis ang kilos ko habang nagsusuklay ng aking buhok. Dahil tiyak kong walang hairdryer dito ay nagsikap nalang akong kuskusin ng tuwalya ang dulo ng aking mamasa-masa pang buhok. Maya-may pa ay bumaba na ako. Nakakahiyang paghintayin sila. Pumwesto ako sa katapat na upuan ni Chris. Kung ako ang papiliin ay doon sana ako sa pinakadulo uupo kaso alam kong magtataka lamang ang matanda sa gagawin ko. At baka isipin ng lakakeng ito na sobrang apektado ako. Hindi kaya. Hmmp. “Subukan mo itong pakbet, Hija. Bagong pitas ang mga iyan kanina ni Toper. Nag ani na ito ng mga gulay at tiyak na mapipinsala lamang ang mga ito sa bagyo pag pinabayaan. Ito, subukan mo.” Pinagsandok ako nito ng gulay at naglagay sa aking pinggan. Hindi ko pa nasusubukan ang ganitong uri ng pagkain pero naririnig ko na ang tungkol dito. Gusto ko sanang umungol ng protesta nang sinunod nito ang kanin.  I don't eat rice during dinner. Pero dahil naamoy ko ang bango ng niluluto ni lola, ay kumalam ang sikmura ko. Hindi naman siguro ako magkakasakit pag kakain ako ng kanin ngayong gabi. Kinuha ko ang tinidor at kutsara at nag umpisa nang kumain. Malinamnam ang ulam at nagustuhan ko kaagad ito. Tahimik lamang akong kumakain habang nakayuko. Ang mga mata ko ay nasa plato ko lamang at minsan ay bahagyang sumusulyap sa matanda sa tuwing kinakausap ako. Wag mo siyang tignan, Veronica. Wag mong subukan. Although I could really feel his stare lingering on me. I could sense because it sent shivers down my spine. “Apo, ang ulam ay nasa mesa wala kay Veronica. Kung makakatitig ka sa dalaga ay para bang ulam ito at takam na takam ka dyan. Panay subo mo ng kanin kahit wala namang ulam.” Humagikhik ang matanda. “La.” Chris groaned. “May naalala lang akong isang nakakatawang pangyayari kanina.” “At ano naman yun, apo?” “Sa akin nalang po iyon, La. Basta nakakatawa at baka nga hindi na ako makatulog nito.” Humalakhak ito na mas lalong ikinainis ko. Sana bumuka na lang ang lupa at talagang magpapalamon ako kaysa makaharap ang lalakeng ito. Pinilit kong lulunin at ubusin ang pagkain sa aking pinggan kahit bigla akong nawalan ng gana. “La, kami na bahala magligpit dito. Pumasok na kayo sa silid ninyo at magpahinga. Alam kong inaatake na naman kayo ng rayuma at iniinda mo lamang.” Boses ni Chris. “Kow, kaya ko pa namang kumilos, Topher. Kalabaw lang ang tumatanda.” “Wag ng matigas ang ulo, La.” “O siya sige. Kayo na bahala dito Veronica ha. Pagpasensyahan mo na at ikaw tong bisita eh.” “Hindi siya bisita, La. Nakikkitira lang siya dito.” Sagot naman ni Chris. Umirap lamang ako at hinaplos ang kamay ng matanda. “Okay lang po, La. Nakakahiya nga po sa inyo eh. Salamat po sa pag-aasikaso nyo sa akin. Isang malaking utang na loob ko po ito sa inyo.” “Nako Hija, walang anuman ito. Kung kasing ganda mo ba ang magiging bisita ay walang problema. Masaya nga ako at nandito ka nang may ibang mukha naman akong nakikita. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha nitong aking apo. At tiyak akong natutuwa din yan si Topher na andito ka dahil lagi nalang nakatitig sa iyo. Kow, naengkanto na ata. Baka naman isa kang Diwata, Hija?" Aliw na aliw na tumatawa ang matanda. Pati tuloy ako ay nahawa sa kanyang mga biro. “Hindi po ako diwata, La. Dyosa lang.” Sinabayan ko iyon ng munting tawa. “Oo nga naman.” Salubong lamang ang kilay ni Chris at ngumunguso lamang ito sa aming dalawa. Nang umalis ang matanda sa hapag para magpahinga sa kanyang silid, ay saka ako nag umpisang magligpit ng mga pinggan. “Ako na dyan. Doon ka nalang sa kusina para maghugas ng lahat ng kasangkapang nagamit.” “Uhm. Okay.” My god. Kung nasa ibang lugar lang ako ay baka nakatikim na ng katarayan ko ang lalakeng ito. He's the first man besides kuya Lawrence who ordered me around. And no man in his right mind would order Veronica Dela Vega around! Bakit ba hindi gumagana sa taong ito ang katarayan ko. But then, I know why. I'm at his mercy right now.  Kung magsusuplada ako ay baka sa labas ako matutulog. And I don't think Chris would think twice of throwing me out of his house. I sighed deeply when I saw the dishes. Sanay naman akong maghugas ng pinagkainan ko pero isang plato, baso  kutsara at tinidor lang mga yun. Hindi naman ako nagluluto sa unit ko. At madalas ay umo-order lang ako ng vegetables salad mula sa chef ng hotel namin sa Paris. Just when I turned on the faucet, I realized that there's no water coming out. Napailing ako dahil ibig sabihin nito kailangan kong magtungo sa lalake at magtanong kung bakit walang tubig. Papasok ito sa dirty kitchen kaya tinawag ko ang kanyang atensyon. “Walang tubig ata, Chris. I don't think I can wash the dishes without water.” Binaba nito ang hawak na pamunas sa kitchen counter at tinignan ako. Bakit namumungay ang mata nito at tila ba aliw na aliw sa naiisip? May ngisi pa sa labi nito na mas lalong nakadagdag sa kanyang pagiging antipatiko. Pero kahit ganun ay ang gwapo lang talaga ng lalakeng to. Nakakabwisit. Baghagya pang kinagat nito ang ibabang labi bago nagsalita.  “Pag ganitong oras ay nawawalan talaga ng tubig, Miss. Pero marami tayong tubig, wag kang mag-alala.” May kinuha ito sa gilid at inabot sa akin ang kulay asul na timba. “May poso at balon sa likod, mamili ka lang kung saan mo gustong kumuha ng tubig.” His grin widened from ear to ear. Napamaang ako. “Pag-iigibin mo ako? Seryoso ka?” At anong likod ang sinasabi nito eh nung sumilip ako sa bintana sa kwarto eh masukal ang likod at wala atang katapusan na gubat ang naabot ng aking mata. His brow arched. “Yes. May masama ba dun? You're not in your kingdom. You are in my property so that means you're not a princess here, Veronica dela Vega.” My jaw dropped. “Y—you know me?” Halos hangin lamang ang pagkakabigkas na iyon. At ang sabi niya kanina at hindi niya ako kilala! This man is incredibly irritating! He grinned devilishly. “Move your sexy ass now, Veronica. Anumang sandali ay mawawalan na ng kuryente ang buong kabahayan. Ayaw mo naman sigurong maghugas ng pinggan na tanging kandila lang ang magsisilbing liwanag.” “You bastard!” Galit na turan ko. Naningkit ang mga mata nito. Suddenly, there’s a dark aura coming out from his body. His face hardened; jaw clenched. Napalunok ako. Bigla akong nakaramdam ng takot mula sa kanya. He stepped closer. He crouched down para magtapat ang mga mukha namin. “News flash, I am.” He said in a dark tone before he turned his back away from me. What the hell is this mess I'm into?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD