EIGHT: Unsual

3017 Words
Nagngingit-ngit ang kalooban ko habang nagbabanlaw ng aking mga pinaghugasan. Nakailang balik ako sa pag-iigib para lamang may tubig akong magamit. Muntik pa akong madulas sa labas dahil maputik na rin ang lupa dahil sa pag-ulan. Hindi naman kalayuan ang poso pero dahil pinupuno ko ang timba kaya mas nahirapan ako sa pag-alsa nito. Kasi kung hindi ko naman pupunuin ito ay aabutin ako ng siyam-siyam sa ginagawa ko. I'd never thought that I could do this in my life. Never did I imagine na mararanasan ko pala ang ganito na napapanood ko lang sa mga bidang mahihirap mula sa local movies o teleserye ng bansa. Speaking of which, hindi ko na maalala kong kailan ako huling nakapanood ng pelikulang Pilipino. I don't even feel starstruck whenever I rub shoulders with local celebrities. Bumuntong-hininga ako. Ito na ata ang pinakamabigat na gawaing bahay na naranasan ko in my twenty-one years of existence. Napigtas pa ang kaliwang tsinelas na gamit-gamit ko. Nakakabanas talaga. Hindi man lang ako tinulungan ng lalakeng yun at ewan ko kung saan na yun. Iniwan lang akong mag-isa dito sa kusina. Huwag siyang magpapakita sa akin at baka makalmot ko lang ang kanyang mukha. “Hindi ka pa ba tapos dyan?”           Muntikan ko nang mabitawan ang huling platong binabanlawan ko. At talagang sumulpot pa talaga ang aroganteng lalakeng ito. Speaking of the devil. Magpapasuntok siguro. “As you can see, I am not done yet.” Pabalang kong sagot dito na hindi nililingon. Huwag na lang, baka mamaya niyan patulan pa nito ang binabalak kong pagsuntok ko sa kanya. “Okay na yan, iwanan mo na ang mga yan. Ako na ang bahala sa mga yan mamaya.” He said in a light, friendly tone. I rolled my eyes. “Okay lang, nakakahiya naman sa'yo. Baka isipin mong masyado kong inaabuso ang pagpapatira mo sa akin dito kahit pansamantala lang. At isa pa, hindi mo naman ako bisita so kailangan ko ring kumilos dito sa bahay mo, di ba.” “Yes, but as the owner of this house, sinasabihan na kitang tigilan mo na yan at umakyat ka na sa silid mo.” Matigas nitong salita sa akin. “Hindi. Okay lang talaga.” Ngayon mo pa ako sinaway kung kailan patapos na ako. Ganda rin ng timing mo eh, noh. “Kokonti lang naman ang mga yan pero isang oras ka na ata diyan. Buong buhay mo ba ay hindi mo naranasan maghugas ng pinggan, Miss?” Miss ka dyan. May pangalan ako, Mister. Buwisit na'to. “Nag-igib pa po ako at nakailang balik ako. Akala mo naman ang daling gawin nun. Ang bigat naman kaya. Kung sana'y ipinag-igib mo ako ay kanina pa dapat ako tapos.” “Tss. Naghihintay lang naman ako na hingin mo ang tulong ko, pero hindi mo naman ginawa.” I pictured him grinning at me. “Wag na. Baka madagdagan lang ang utang na loob ko sa'yo. At hindi naman ito mabigat na trabaho, kayang kaya ko to. Pero alam mo kasi, pag gusto mong tumulong sa tao, hindi mo na kailangan pang hintayin na hihingi siya ng saklolo. Mag magandang-loob ka nalang dapat.” Nakakainis lang ha. Kailangan pa ba talaga na hingin ko ang tulong niya? Wala ba siyang kusang loob? How ungentlemanly! “Alam mo kasi Miss Veronica, ikaw yung tipo ng taong hindi nanghihingi ng tulong kahit alam mong hindi mo naman kayang mag-isa. You think that you are too good in everything and that you don't need anybody to help you. You are too conceited and too confident that asking help is like an insult to your ego. Kaya nakakahiyaan ko tuloy mag-alok ng tulong kasi baka tanggihan mo lang din naman.” Hindi ako makapaniwala sa aking narinig mula sa kanya. Did he really just say that? Did he just.... insult me? Ganun ba kasama ang ugali ko sa kanya? He just knew me today tapos ganito na agad siya makapaghusga sa akin?! I counted one to ten at the back of my mind and took a deep breath. Suddenly, my head hurts and the last thing I wanted to do is to argue with him over petty things. Okay, if he thinks I am like that, then so be it! “Can you just leave so I can finish this?” I did my best not to turn my head to him at baka maibato ko pa sa kanya ang platong hawak ko. Oh well, hindi naman na bago sa akin ang ganung impression. In fact, all of them have the same opinion and maybe they are right. At kailan man ay hindi iyon naka-apekto sa akin. “Tss. Ikaw ang bahala. Stubborn girl.” He murmured. I shrugged my shoulders and wrinkled my nose when I heard the sound of his footsteps getting further. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Bakit ba nag-iinit ang sulok ng aking mga mata? I am hating myself right now dahil ayaw sumunod ng katawan ko sa sinasabi ng utak ko! I am not affected at all kaya bakit naman daw ako naiiyak? Bwisit! Kailangan ko na tong bilisan. Pupunasan at patutuyuin ko na lang naman ang mga ito. It won't take another thirty minutes to finish all of this. Kung akala ng lalakeng yun na wala akong alam sa gawaing bahay, puwes, nagkakamali siya. I spent my college life in Europe at nakaya ko yun na walang ibang umalalay sa akin. I could say that I am an independent woman. At kahit ilang beses naming pinagtalunan ni kuya Lawrence ang tungkol sa gusto niya na magkaroon ako ng helper, at nagmatigas talaga ako. I cook my breakfast. I clean my own condo unit. I wash my own clothes. Maliban na lamang sa mga bedsheets, covers, linens at curtains dahil sobrang mabibigat ang mga yun kaya pinapa-laundry service ko. But I must admit, it was an easy task for me because my condo unit was fully equipped with high-tech home appliances and security gadgets. Thanks to Kuya Lawrence who is always paranoid about my safety. At alam kong may mga far guards na nagbabantay sa akin kahit saan man ako magpunta. Kaya nga natutunan ko ang art of dedma dahil din diyan. Dahil kung lagi kong iisipin at papansinin na may bumubuntot sa akin, maiirita lamang ako at magtatalo na naman kami ni kuya. Although, I understand where he is coming from dahil ganun din ako sa kanya. Hindi pwede na lumipas ang araw na hindi kami nag uusap ni kuya. Dahil katakot-takot na kaba ang inaabot ko sa tuwing out of reach ito. Minsan din kasi ay hindi nagpapasabi ito kung saan tutungo. We had a rough, dark, awful childhood experience. At hindi talaga madali ang pinagdaanan namin na yun. Masyadong traumatic para sa aming dalawa, ngunit higit sa kanya. Minsan nga ay natatakot ako sa kinikilos ni kuya noon. I never saw him weep. Bibihira lang din ito kung ngumiti. Laging malalim ang iniisip at seryoso parati. Yung tipong hindi mo magawang biruin. I'd always pray na sana may dumating na babaeng magbibigay ng kulay sa buhay ni kuya. I don't mind sharing him with another woman as long she will make him happy. I want him to feel the love from someone aside from me. I want him to have that kind of love that he will hold forever. A kind of love that could make his world go round. Pero syempre, I need to get to know that lucky woman. Hindi ko na mabilang kung ilang babae na ang binalaan ko na lumayo sa kanya. They weren't worthy of his time. Masyado pa itong bata para akuin ang responsibilidad sa pagpapatakbo ng aming kompanya na naiwan ng aming mga magulang. Pero sa kabila ng lahat ay naging matatag ito sa lahat ng pagsubok. At sobrang taas ng paghanga ko sa kanya. Sobrang mahal na mahal ko ang aking kuya. We only have each other. Hindi ko kakayanin pag may nangyari sa kanya, at ganun din tiyak siya sa akin. I sighed. Kailangan ko nang madaliin ito para matawagan ko si kuya at tiyak akong kanina pa siguro ito nag-aalala. Kung bakit nawala sa isip ko ay ewan ko ba. Dahil siguro sa antipatikong Chris na yun. Nakakainis lang na ngayon lang kami nagkakilala pero sobra na ang epekto ng presenya nito sa akin. May ganun ba talaga? Kinakabahan ako sa tuwing malapit ito. Kailangan ko yata magpatingin sa doctor at baka may deperensya na ang puso ko. Napangiti ako ng matamis nang matapos ako. I want to pat my back for a job well done. Parang ang laking achievement nito sa akin. Akala ng Chris na yun hindi ako marunog sa ganito! He shouldn't flatter himself that much. I was drying my hands with the clean towel when suddenly, the lights turned off. Napatili ako at napasandal sa lababo. Oh s**t. The last thing I would want to get myself into is to be caught in the middle of the darkness! Hindi ko pa naman kabisado ang kabahayan. Ni hindi ko nga sigurado kung naisara ko ba ang pintuan sa likod. Paano na lang pag may masamang loob na magtangkang pumasok sa bahay na'to? Mapapahamak pa kami pag nagkataon. Hihingi na ba ako ng saklolo? Tatawagin ko na ba ang pangalan ng lalakeng yun para mas lalong magyabang sa akin? Baka asarin na naman ako nito at pagtawanan! Maririnig naman kaya niya ako? Baka mamaya nasa taas na yun at natutulog na. I should not be panic. I need to focus and stay calm. Pero paano ba? Ang lakas ng tahip ng aking dibdib. Wala naman sigurong multo dito, di ba? di ba? Taimtim akong nanalangin habang kinakapa ang madadaanan ko. This is so terrifying! Isang kamay ang humawak sa aking braso at isa naman sa aking bibig! Agad na nagpumiglas ako at pilit kumuwala sa kung sino man ang nangahas na hawakan ako. At sana ay may makapa ako sa paligid nang maipukpok ko sa taong ito. “Be still.” Bulong nito. Napasinghap ako ng mabosesan ko ang lalake. Inilag ko ang ulo ko para makawala sa kamay niya. “Tangina naman Chris! Ginulat mo ako! Kung may nakapa akong kutsilyo dito eh mapapatay kita nang wala sa oras!” He laughed at my outburst. “Damn girl, your mouth is dirty. I never thought that a sophisticated woman like you could talk that way.” He chuckled almost near my ear. “I don't think you can kill me. I was watching your every move, sweetheart. And besides, I won't let you grab anything that is hazardous because I am not letting you go, even if you want to.” He whispered. Parang may dumaan na kung ano dahil walang nagsalita sa aming dalawa. I could feel the ragged breathing of his chest against mine. O baka sa akin yun? Dahil ang lakas ng t***k ng puso ko sa pagkakalapat ng aming katawan. I felt his one arm move and snake around my waist pulling me closer against his hard body. His other arm tightened his grip on my elbow. Dahan-dahang gumalaw iyon at marahang hinahaplos ang aking balat. Ang init ng kanyang hininga ay tumatama sa aking pisngi at leeg. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. I felt trapped within him. Ang tanging naririnig ko ay ang marahas ng kanyang paghinga, o baka sa akin iyon? Dahil hinahaplos ng kanyang isang kamay ang aking likod kaya nakakapagbigay iyon sa akin ng kakaibang sensasyon na hindi ko pa naramdaman kahit kalian. I tried to find my tongue so I could speak. “You were watching me?” He breathed faintly. “My clothes look good on you. Kahit ano pa siguro ang iyong suotin ay babagay sa'yo, Miss Veronica.” He said using his deep, baritone voice. Nagsitayuan ang balahibo sa aking batok. Speak, Veronica. C'mon. Lumunok muna ako at hinanap ulit ang aking dila na nalulon ko ata. “Is that a compliment coming from you, Chris? Hindi ako makapaniwala na sa buong araw na'to ay nakarinig ako ng papuri mula sa'yo.” “Well, if that's what you think, then it is.” “Gusto ko nang matulog, Chris.” Tahimik na napamura ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang ilong sa gilid ng aking labi. Nanginig ako. Hindi ko na gusto ang reaksyon ng aking katawan. “Hmmm. Kung yan ang gusto ng prinsesa, yan ang masusunod.” He spoke, then he slowly pushed his body away from me pero nakahawak pa rin ang kanyang palad sa aking braso. “Ihahatid kita sa silid mo.” Tumango ako kahit hindi ko alam kung nakikita niya ba. We were heading to the living room at doon ay medyo may liwanang dahil sa nakasinding lampara. Nakapag-adjust na ang aking mata sa dilim kaya unti-unti kong binawi ang siko ko mula sa kanya. Hindi ito pumalag at tuluyang pinalaya ako. Nang nasa taas na kami ay umihip ang malakas na hangin mula sa mga bintanang hindi pa nakasara kaya siguro namatay ang sindi at kumalat na naman ang dilim. Hindi ako nagdalawang isip na tumabi agad kay Chris at narinig ko lamang ang mahina niyang tawa. He held my elbow again and slid his hand gently to my hand, gripping it. Pinisil niya iyon ng bahagya and I grimaced. Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paglakad kaya napahinto din ako. He pressed my hand again at hindi ko napigilan ang umungol sa sakit. “Damn it.” He cursed and I don't know why. May ginawa na naman ba akong masama? Hinila niya ako palapit sa kanya. His arm embraced my waist as we moved together heading to my room. “Sit.” Wika nito. Sumunod naman ako at naupo sa aking kama. Pasalamat nalang ako sa kidlat dahil kahit paano ay nagbibigay ito ng maya't mayang liwanag sa kwarto. “Babalik ako. Dito ka muna at huwag kang gagalaw.” “Ayokong maiwan dito, Chris.” Tutol ko. Tumingala ako sa kanya. Ayokong maiwan dito na mag-isa sa gitna ng dilim. “It won't take a minute, sweetheart, I promise.” Tututol na sana ako kaso napatda ako sa pagdampi ng labi niya sa noo ko. Naudlot ang sasabihin ko dahil sa pagsikdo ng aking dibdib. What was that for? Hindi ako takot sa dilim kaso hindi rin ako komportable, bukod pa sa kumikirot ang aking ulo at medyo nilalamig ako. Kaluskos mula sa pagbukas ng pinto ang sunod kong narinig at agad namang napalitan ng kaginhawaan ang kalooban ko dahil nakabalik din siya agad. May candle holder itong dala kaya biglang nagliwanag ang buong silid. Kumunot ang noo ko nang makitang may hawak din itong medicine kit at may nakaipit na bimpo sa kanyang kilikili. Nang mailapag niya ang candle holder sa side table ay umikot ito sa kama patungo sa direksyon ko at lumuhod sa aking harapan. Kumunot ang aking noo. “What are you doing?” I asked. Marahan nitong kinuha ang dalawa kong palad at nilahad. Namumula ang mga ito at konting pisil ay kumikirot. I winced instantly and he groaned. His face seemed pissed. Is he mad again? He brought my hands to his lips and kissed them gently. “I am sorry for this. Nagkasugat tuloy ang malambot mong palad sa pag-igib. Gagamutin ko para hindi magkapaltos ang mga ito. Bear with the pain, sweetheart. It will be gone soon. I promise.” Tinangala niya ako and I saw how guilty he was. His brown eyes were sad and apologetic. Kumurap ako at tumango. Kinakagat ko lamang ang aking labi habang dinadampian niya iyon ng bulak at alcohol. Hinihipan din niya iyon kapag napapaaray ako sa hapdi. Binalot niya ng gauze ang mga kamay ko. Nang matapos ito ay agad itong tumayo. “You better go to sleep now, Veronica.” “Kailangan kong tawagan si Kuya, Chris.” “I'm afraid you can't. Walang signal ang mga networks ngayon.”            I closed my eyes in dismay. “I see.” Sinulyapan niya muna ako ng isang beses before he gathered all the things, maliban sa candle, at tuluyang lumabas ng silid. I suddenly felt so alone and lonely. I set aside the hollowness I was feeling at humiga sa kama. Sinirado na ni Chris ang mga bintana pero bakit ginaw na ginaw ako. I pulled the duvet to cover my body and tried to get some sleep. I had a long day kaya siguro nanghihina ang aking katawan. I instantly closed my eyes. “Kuya bakit may baril sila?” Tanong ko kay kuya Lawrence na yakap-yakap ako. “Shhh. Wag ka maingay.” He said while tapping my head. May dalawang mama sa aming kilid at may hawak din na baril. Bakit ang daming tao dito sa sala.  Umiiyak ang Mommy ko na nakaupo sa sahig, yakap-yakap naman ito ni Daddy. “Mommy! Daddy!” Tili ko. Gusto kong tumakbo papunta sa kanila pero masyadong mahigpit ang hawak ni kuya sa akin. Sinisigawan ng dalawang lalake si Mommy at Daddy. Kahit nakiki-usap na ang aking magulang ay hindi sila umaalis sa bahay namin. Sigurado akong mga bad guys ang mga ito. Tinakpan ni kuya ang mata ko at sunod-sunod na putok ang umalingaw-ngaw sa buong kabahayan. Buong lakas kong pinalis ang kamay ni kuya sa aking mata at nasaksiksihan ko kung paano nila pinagbabaril ang Mommy at Daddy ko! “Mommy! Daddy!” “Veronica! Veronica!” Nagising ako sa malakas na pagyugyog sa akin ni Chris. “You're having nightmare, sweetheart.” Puno ng pag-alala ang tinig nito. “It's the same old bad dream, Chris. It's always the same. I am so scared.” Humagulhol ako. He pulled me towards him and embraced me with his strong arms. “Shh...It's alright. It's alright.” Pagkatapos ay sinalat nito ang aking noo. “May lagnat ka.” Tahimik na nagmura ito. Hiniga niya ako sa kama. “Kukuha ako ng gamot.” Nagtangkang tumayo ito ngunit mahigpit kong hinawakan ang kanyang braso. “Don't leave, please.” I begged vehemently. He stared at my hand holding him and it took a few seconds before he nodded. He moved and slid himself inside my duvet and laid down on the bed beside me. “Do you feel cold?” He asked softly. I nodded. He put his one arm under my head and his one arm over my waist as he pulled me closer to his body. He's holding me too firmly kaya ang mukha ko ay ipinatong ko sa kanyang leeg. Kinuha nito ang isa kong braso at iniyakap sa kanya. I felt him planting soft kisses on my head at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakagaan iyon sa aking pakiramdam. At kahit nilalagnat ako ay maliwanag pa rin ang aking pag-iisip. It's really unusual and so wrong to be this close to someone whom you just met today. But why do I feel like I have known him long time ago.... And you know what more's terrifying? Is the fact that I don't feel terrified about him at all.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD