NINE: Eyes

3518 Words
I flickered my eyes open. Nasumpungan ko kaagad ang lola ni Chris na nagpipiga ng bimpo sa plangganita na nakapatong sa side table. Naningkit pa ang mata ko nang tumama sa bintana. Maliwanag na pala pero umuulan pa rin. I jerked my head to my side. Siguro ay umalis din si Chris nang tuluyan akong makatulog kagabi. Huminga ako ng malalim. Biglang naging hungkag ang pakiramdam ko o dala lang ito ng aking pagkakasakit? Hindi na ako dapat pang magtaka kung hindi ito nakakatagal sa presensya ko. He hates my type. He was kind to me last night just because he pitied me. That was all there is to it. I know he doesn't like me kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya. He's very judgmental sa isang babaeng kagaya ko. Dahil ba mula ako sa may-kayang pamilya? Inano ko ba siya? Hindi ko naman inaapakan ang kanyang pagkatao. He hardly knows me. At kung ang basehan niya sa paghusga sa akin ay mula sa mga nababasa niyang magazines or tabloids, o sa mga napapanood niya sa entertainment news, pwes, ang babaw niyang tao kung ganun. Sinubukan kong bumangon at agad na sinalakay ng pananakit ang ulo ko. Mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Nananakit din ang aking mga kasu-kasuan. Pati ang aking mga braso ay wari ko'y namamanhid. Mas malala pa ito sa body pain na napagdaanan ko after I had long, strenuous exercise in the gym. “Hija, wag mong piliting bumangon. Teka, nagugutom ka na ba? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” Agad na nilapitan ako nito at sinalat ang aking noo at pisngi. “Bumaba na lagnat mo pero may sinat ka pa rin.” “Masakit lang ang ulo ko, La. Pero hindi na po kasing sama ang pakiramdam ko kompara kagabi.” Namamalat pa ako. Inabot ko ang isang basong tubig sa aking gilid at uminom. Gusto ko sanang tanungin ito kung saan ang kanyang apo ngunit nakakahiyaan ko naman. “Tumungo si Topher sa bayan para ibili ka ng gamot.” Nilingon ko ang matanda. May sumilay na ngiti sa labi nito na tila ba nabasa ang katanungan sa utak ko. “Po? Pero bumabagyo pa, La. Hindi ko naman na kailangan siguro ng gamot, La.” Pahinga lang talaga ang kulang sa akin because I was so exhausted yesterday. “Si Topher ang klase ng taong hindi magpapapigil, Veronica. Tsaka nag-aalala yun sa'yo, apo. Kahit naman ganun yun, e, mabait ang batang yun. Kaya kung sinusungitan ka niya ay pagpasensyahan mo na lang. Kasalanan din naman niya. Kow, pinagalitan ko nga kanina nang malaman kong pinag-igib ka niya at pinaghugas ng pinggan. Salbaheng bata. Nasapok ko nga.” Umiiling-iling ito na natatawa pagkatapos ay huminga ng malalim. “Humiga ka muna at ilagay natin ‘tong bimpo sa noo mo. Baka bumalik ang lagnat mo kapag hindi ka nakainom ng gamot. Ang hindi ko lang tiyak ay kung may bukas ba kaya na botika ngayon sa bayan.” “La, baka naman po.... Mapahamak ang apo ninyo sa daan. Sabi nyo po eh bahain ang lugar kapag malakas ang ulan.” She smiled sweetly at me. “Huwag kang mag-alala. Maparaan na tao ang apo ko na yun. Alam kong kayang kaya niyang suungin ang sama ng panahon para lamang sa'yo. Ewan ko ba, ngayon lang ba talaga kayo nagkakilala ng apo ko, hija? Pakiwari ko kasi e may nakaraan kayo at ganun na lamang ang kanyang pag-aaala. Hindi pa nga ata natutulog ang batang iyon. Hinintay lang ata magbukang-liwayway bago tumulak sa bayan.” Pumalatak ito ngunit nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot. Umiling ako sa kanya. Siguradong-sigurado ako na ngayon lang kami nagkaharap ni Chris. Although, his name reminded me of someone in the past......Pero maraming Chris sa buong mundo. “Ibababa ko lang ito at mag-aakyat ako ng sopas. Mainam ang sopas sa'yo para naman mainitan ang tiyan mo. Tska kailangan malamnan ang tiyan mo bago ikaw uminom ng gamot. Pauwi na rin tiyak si Topher kaya wag ka nang mag-alala.” Banayad na saad nito. Tanging ngiti lamang ang kaya kong isukli sa kanya. Pero tinitiyak ko na gagantihan ko ang kanyang kabaitan pagkaalis ko sa bahay na ito. I heaved a sigh. Just thinking of leaving this place made me sad. Hindi ko maipaliwang kung bakit sa ilang oras na pananatili ko sa bahay na ito ay tila ba nagkaroon na ako koneksyon dito. And Chris, there something about him that I just can't seem to understand. Why, just his presence alone makes my every fibre alive like they were no   Hindi naman nagtagal ay nakabalik agad si lola. May bitbit itong tray na may katamtamang laki na mangkok sa gitna. Pero napansin ko kaagad ang pagiging hapo nito at biglang naalala ang kanyang sitwasyon. Bumalikwas ako at kahit nahihilo at kumikirot pa ang aking noo ay ininda ko iyon. Sinalubong ko ito at kinuha ang tray mula sa kanya. “La, nirarayuma nga pala kayo mula pa kahapon. Hindi dapat kayo umaakyat.” Salita ko habang nilalapag ang tray sa side table. “Kow. Kaya ko pa naman, apo. Kumikirot ang mga tuhod ko pero kaya ko pa namang indahin. Hindi rin naman ako mapapakali kung sa baba lang ako gayong alam kong may sakit ka.” Parang may mainit na kamay ang humaplos sa aking puso. Nanikip agad ang aking lalamunan at parang gusto kong maiyak. Hindi ko na matandaan ang mga sandaling kasama ko ang aking mga lola at lolo. Siguro ay dalawang taon lang ako noong pumanaw sila. At sampung taon naman ako nung pinatay ang aking mga magulang. Hindi ko alam ang pakiramdam na inaalagaan ng isang ina o lola. Sa tuwing nagkakasakit ako ay si kuya lamang ang tanging nandiyan para sa akin at minsan ay ibang katiwala. Kahit may mga pagkakataon na naiiyak ako sa lungkot, pinilit kong sikilin. Naiisip ko kasi si kuya Lawrence. Hindi na nga nagawa nitong makapag-luksa dahil isinalang agad nito ang sarili sa pagpapatakbo ng kompanya sa mura nitong edad. Hindi ko dapat iniisip lamang ang aking sarili o mga personal ko na mga problema. Dahil higit na mahirap at mabigat ang pinagdadaaan ng kapatid ko. “Hija, umiiyak ka ba?” Mabilis na pinahirapan ko ang luha sa sulok ng aking mata. “Hindi po, la. Mainit lang talaga ang aking mata at medyo napuwing ako.” “Kung ganun ay kumain ka na habang mainit pa ang sopas. Masustansiya iyan.” Umupo ako sa gilid ng kama na malapit sa side table. Ang totoo ay wala akong ganang kumain pero dahil ayoko namang sumama ang loob ng matanda at nag-effort pa ito sa pagluto at pag-akyat dito sa kwarto ay uubusin ko ito hanggang sa kaya ko. I was in the middle of my food when the door swung open. Chris came in, and my gaze went to him in an instant. My heart fluttered just by the sight of him. He was wearing a faded, ripped pants. Nakamaong na long sleeves din ito na nakarolyo ang manggas hanggang siko. Kulay itim naman ang suot nitong boots. Kahit saang anggulo ay wala akong maipipintas sa lalakeng ito. Every inch of his body was perfect in my eyes. God, I was getting crazy again. “How are you feeling?” His tone was dry and plain. Hindi ito sa akin nakatingin kundi sa aking pagkain. “Medyo okay na ako. Kumikirot lang ng bahagya ang ulo ko.” Mahina kong sagot dito at ngingitian na sana ito nang may sumulpot na babae sa kanyang likuran. “Chris, siya ba ang pasyente?” Malambing ang boses ng babae. Pinasadahan ko ito ng tingin. Hindi ito matangkad but even if she's wearing lose white shirt and skinny jeans, I could tell that the woman has a nice figure and her cleavage almost showing. Her face is not the stunning type but she's very cute. Suddenly, I feel insecure. And I hated the way they look at each other especially when Chris smiled at her with tenderness. “Veronica, this is Lorraine, ang nag-iisang physician sa bayan. Sinundo ko siya sa kanila para matignan ka. Lorraine, si Veronica, bisita namin. And yes, siya ang may sakit. Like what I said along the way, she has a fever.” Ngumiti ito nang makahulugan kay Chris and then her gaze transferred to me at naglahad ng palad. “Hi! Pleased to meet you.” Her eyes squinted. “You look familiar though.” May curiosity sa boses nito. I nodded politely. “Please to meet you too, Doc.” “Please finish your food first then I will examine you when you're done.” Wika nito at saka tumungo kay lola Fransing para kumustahin ang matanda. It seems like she's close to the family. At hindi rin makakaila ang tuwa sa mukha ni lola habang nakikipag-kumustahan sa doktora. Parang matagal na nila itong kakilala at komportable itong kumilos dito sa bahay. “Ayaw mo na bang kumain?” Inangat ko ang tingin kay Chris na naghubad ng kanyang long sleeve. Lumapit ito sa bakanteng upuan at sinampay doon ang damit. Ang kulay itim na sando nito ay nanunuot sa malapad nitong dibdib. I blushed as I looked away. Umiiling ako dahil hindi ko na rin talaga malunok pa ang pagkain. Bukod kasi sa wala pa akong panlasa ay medyo masakit din lumunok. “Kung ganun ay ibababa ko na ito.” Tukoy nito sa food tray. “Here, drink some water.” Inabot ko naman ang baso mula sa kanya. Our fingers touched and I flinched. Tinitignan ko ito pero bakit hindi nito magawang tumingin sa akin? May mali ba sa mukha ko? Ang pangit ba ng mukha ko dahil kahit isang sulyap ay hindi nito magawa? Mayamaya lamang ay inumpisahan na akong suriin ng doktora. Una ay sinuri niya ang temperature ko gamit ang dala niyang digital thermometer. When I heard the beep sound, she removed it from my armpit. “38-degree celcius.” She uttered. She then asked me to open my mouth at may kung ano siyang aparato na gamit para magsilbing ilaw habang tinitignan ang loob ng aking bibig. Kung tama ako ay medical pen light ang tawag doon. She also checked my chest and back using her stethoscope. “Okay, pwede ka nang humiga at magpahinga. You need a complete rest. Ang kwento ni Topher ay nabasa ka ng ulan kahapon. Bukod pa dun ay galing ka sa mahabang biyahe kaya bumigay ang katawan mo.” Pagod talaga ako doc dahil inutusan niya akong mag-igib. Napanguso ako sa bulong ng aking isipan. Chris just cleared his throat na kanina pa nakabalik galing baba at tahimik na nagmamasid sa amin. “Medyo namamaga ang lalamunan mo kaya soft food lang muna ang kainin mo like oatmeal, lugaw at iba pa na hindi masakit ilunok. Also, tingin ko ay kulang ka rin sa vitamin C, Veronica. Bibigyan kita ng paracetamol and you need to take every four hours. Ang antibiotic naman ay three times a day. After three days, tatawag ako kay Topher para kumustahin ulit ang kalagayan mo.” She smiled and I could see the genuineness of her words. I like her. She seems nice. “Thank you, doc.” “Lorraine nalang.” She said sweetly. Pinatong nito ang kanyang kamay sa akin at pinisil ng bahagya. It was a friendly gesture at napangiti ako lalo. “Buti nalang at natyempuhan ako ni Topher sa bahay. Paalis na rin kasi ako dahil may pasyente rin akong kailangang bisitahin. Nagulat pa ako sa pagdating niya dahil mukha itong problemado. Now I can see why.” She winked at me at agad na nag-init ang aking pisngi. What does she mean by that? "Loraine.” Chris' tone was reprimanding. “Ihahatid na kita sa baba. Kukunin ko nalang ang sasakyan ko sa garahe nyo bukas.” “Wag na. Ipapahatid ko nalang sa driver ko mamaya pag nakauwi na ako.” Sinulyapan muna nila ako ng sabay bago sila lumabas sa aking silid. I sighed deeply. Ano ba ang ibig sabihin dun sa sinasabi ng doktora? Nag-aalala nga ba si Chris sa akin? Pero bakit ganun, wala naman akong nakikitang concern sa mukha ng lalake. Ni hindi nga halos nagtatama ang aming mata at pansin ko ang pag-iwas nito sa akin. What did I do this time at mukhang naiinis na naman ito? After I took the pills Lorraine gave me ay bumangon ako at tumungo sa bintana. Tumigil na pala ang pagpatak ng ulan at medyo umaliwalas na ang langit. Sa baba ay nasumpungan ko ang dalawa na nagtatawanan. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero siguro ay nakakatawa iyon dahil panay ang ngiti ni Chris. Lorraine looked up and smiled at me. May binulong na kung ano ito kay Chris na siyang ikinatigas ng balikat nito. Lorraine kissed Chris’ cheek and gave him a tight hug. Chris instantly snaked his arms around her as he drew her closer to his body. Parang biglang pumait ang panlasa ko lalo and my throat constricted. I hurriedly went back to my bed at humiga. Inabot ko ang cell phone and turned it on. Magpapasundo ako kay kuya Lawrence. I felt relieved when the signal has returned. Nakailang ring lang ako bago may sumagot sa kabilang linya. “Hello kuya?” “Veronica? Hi baby girl. How are you there?” Kumunot ang noo ko dahil hindi ang ganung bungad ang inaasahan ko sa kanya. Akala ko talaga ay magwawala ito at papagalitan ako ng katakot-takot. “I am fine, kuya. Hindi ka ba nag-aalala sa akin dahil hindi ako nakatawag buong araw kahapon? I assumed that you have already sent search and rescue team to find me.” Nilakipan ko iyon ng bahagyang tawa. He cleared his throat. “But I'm glad you called. You're okay there, right?” He sounded serious this time. “Uhm yeah. Pero baka...baka uuwi na ako bukas, kuya. Medyo nakakabagot pala dito.” Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoong kalagayan ko. Na wala ako ngayon sa Sto. Cristo at hindi kami magkasama ni Monica. “Oh why? Akala ko ay dalawang linggo kang mawawala, Veron. Care to tell me the sudden change of your plan? Bukod sa syempre ay nababagot ka.” “Uhm. It's too.... quiet here, kuya. Yun lang naman.” I pouted. How would I explain this to him? “Well, even if you want to come home, you can't. Sira ang mga tulay sa ilang lalawigan dahil sa bagyo. May landslide din sa gawi ng Monkayo. Mas lalo kang mapapahamak kung pipilitin mong makauwi bukas. I just read the newspaper now.” “Oh! Too bad.” Nasapo ko ang aking noo. So wala pala talaga akong choice. Pero baka accessible na ang Sto. Cristo ngayon at baka hindi gaanong malaki ang pinsala ng bagyo doon. Baka may marentahan akong sasakyan sa lungsod at magpapahatid nalang ako doon kina Monica even if it means offering the owner and driver huge amount of money. Ang mahalaga ay makaalis ako dito. After taking my meds, I'm pretty sure I'll be more than okay tomorrow than today. “Okay Kuya. Ibababa ko na ito. Tatawag nalang ulit ako. I love you.” “Veronica, sweetie. Whatever is running in that pretty head of yours, wag mong ipilit. Stay where you are.” Matigas na tono nito. Hell! He knew me too well! Although he thought I was finding ways to go back to Davao City. Hindi sa siyudad ang balak ko, kuya. Dun mismo sa Sto. Cristo kung saan dapat doon talaga ang destinasyon ko at hindi sa lugar at bahay na ito. “You are safe there, Veronica.” He said over the phone and that made me frown. Why do I feel like there's something else that I need to know? “I'll drop this call now, pet. I have a meeting in ten minutes. I love you, too.” And the line was cut. Tinitigan ko ang cell phone ko. What was that all about? Bumuntong-hininga lamang ako and start dialling Monica's number but it was busy. Nagtipa na lamang ako ng mensahe para dito telling her to call me ASAP. Nilapag ko ang cellphone sa aking gilid. I want to take a shower. Nanlalagkit na ang aking pakiramdam at bigla akong naiinitan. Matipid ang kilos ko habang kumukuha ng T-shirt at sweatpants. I was heading to the bathroom when Chris spoke behind me. “Going somewhere?” I tried my best to hide my nervousness. "You know exactly where I am heading to. Gusto kong maligo, Chris. Wala naman sigurong masama doon?” Biglang nag-flash sa isip ko ang pagyayakapan nila kanina ni Lorraine kaya naiinis ako ngayon sa kanya. At kahit hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa tagpong iyon, hindi ko pa rin maiwasan na maipakita. Eh sa naiinis kasi talaga ako. “I was worried about you.” You should be. Sigaw ng isipan ko. Hinarap ko ang lalake. His two hands were inserted in the side pockets of his jeans. Pinilit kong hindi titigan ito dahil nakakalunod ang paraan ng pagkakatitig niya sa akin. “Salamat sa pag-alala mo pero okay na ako. Sadyang sakitin lang talaga ako ever since. Pero madali lang din naman nakaka-recover ang katawan ko. As you can see, I'm getting better. I think the meds are effective.”              Tumango lamang ito saka ako tinalikdan. That was short. I was expecting for a longer conversation pero mamaya pagkatapos kong maligo ay kakausapin ko ito tungkol sa balak kong pag-alis bukas. I am sure he would let me go because there’s no reason why he shouldn’t. After I took a quick shower ay bumaba ako ng bahay. Pero si lola Fransing lamang ang nasumpungan kong naroon sa sala at nanonood ng balita sa TV. Mukhang buong magdamag kagabi nawalan ng kuryente at kanina lamang umaga bumalik. Anito ay umalis daw ulit si Chris dahil may ibang bagay na aasikasuhin. Umupo na lamang ako sa tabi ni lola at nakinood ng balita. Pero dahil sa epekto siguro ng gamot kaya nakaramdam ako ng antok. Sinandal ko lamang ang aking ulo sa backrest ng sofa at pumikit. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahil paggising ko ay mag-aalas kwatro na sa hapon ayon sa basa ko sa wall clock. I was even surprised na nakaunan pala ako at may kumot sa aking katawan. “Hi.” “Oh!” Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. “You startled me.” He was sitting in the single couch. “You missed your lunch. Hindi naman kita magawang gisingin dahil malalim ang tulog mo. C'mon, get up. I'll prepare your food.” He said as he stood up. Bumangon at tumayo din ako kaagad. “Ako na. Kaya ko namang ipaghain ang sarili ko, Chris. Marunong akong pagsilbihan ang sarili ko. I've been independent for years, kung hindi mo naitatanong.” “I know. I've read some articles of you. That's why I still can't figure out why of all places, dito sa lugar ko ikaw napadpad, Veronica. This place doesn't suit you. You belong to a castle. Kaya siguro nagkasakit ka dahil masyadong payak ang pamumuhay dito. At hindi ito araw-araw nadidis-infect. Hindi araw-araw napupunasan ng alikabok. Hindi araw-araw nalilinisan. Kaya bakit sa lahat ng pwede mong paghintuan, bakit sa teritoryo ko pa?” I was just gawking at him while absorbing all the things he just blurted out. “I am sorry kung pinahirapan kita kahapon. I am sorry kung pinaghugas at pinag-igib kita ng tubig. At pasensya ka na rin kung hindi gumagana ang generator sa bahay na ito. Ipagpaumanhin mong hindi ko kayang ibigay ang mga bagay na nakasanayan at nararapat sa'yo.” “Hindi kita maintindihan, Chris.” He chuckled without humour. “Don't mind me. It's just that looking at you reminds me of someone from the past. A girl of your kind who just heartlessly dumped me because I was not good enough for her. I didn't own a big house, a car, a business. I was literally a nobody. I wasn’t loved because I had nothing. I couldn't be good enough for her.” I swallowed, still confused. “Why are you saying this to me?” He smirked. He started walking towards me at huminto sa aking mismong harapan. He was so close to me that my breathing suddenly became heavy and my heart was thumping erratically against my ribcage. He touched my face using his one hand, his thumb making circular motion as he gently rubbing it against my cheek. I shivered a little. But deep inside me, an unfamiliar heat was igniting slowly. “Sinasabi ko ito sa'yo para sa ikakabuti nating pareho. To also remind myself not to be a fool bastard again. Not to do the same mistake again. Because every time I look into your eyes, I am f*****g lost soul, Veronica. Naiwawala ko ang sarili ko. Ang prinsipyo ko. Ang paninindigan ko. Ang paniniwala ko na ang isang babaeng katulad mo ay walang magandang idudulot sa isang ordinaryong taong kagaya ko.” He shut his eyes. Crease was formed between his brows. When he opened them again, his eyes were blazing with fire. “But f**k, just looking at you right now makes me want to break the damn wall I built for years!” I couldn't take my eyes off him. His piercing brown eyes were burning with.... desire. With needs...... His thumb slowly strokes the line of my lower lip na siyang ikinapikit ng aking mata. I don't even know if the moan I heard was from his or from my own lips. His touch was sensual and featherlike. He inhaled sharply. “And we're just talking about how your eyes affect me. How much more if I could have a taste of your lips, Veronica Dela Vega?” He spoke in a sultry, sexy whisper that made my insides shivered. I whimpered from his words and touch. Oh, this man will make me crazy! I didn't know what to do or say. I just close my eyes....and maybe silently anticipating for his lips to touch mine...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD