Chapter 4

2888 Words
Gwen Lunes ngayon ang ganda nang gising ni Gwen, sa ilang araw niya dito sa bahay ni Luke mukhang kagabi lang siya nakatulog ng maayos. Abot langit ang pasalamat ni Gwen dahil okay na si Luke at wala na siyang lagnat. Bumaba muna ang dalaga tulog pa naman ang binata kaya titingnan ni Gwen kung anong breakfast ang hinanda nila para kay Luke. “Good morning po Manang Sol!” Bati ng dalaga. “Good morning, hija sila ang mga pamangkin ko, kararating lang nila kaninang madaling araw.” Wika pa ni manang. “Good mommy sa inyong lahat!” Ipinakilala ni Manang Sol ang mga pamangkin niya kay Gwen. “Si Ann, Tessa, Abby, at Sally, sila ang mga pamangkin ko.” Aniya. Nakangiti naman si Gwen sabay abot ng mga kamay nila. “Kumusta kayo?” “Maayos lang po kami Ate Gwen.” Sabay nilang sabi. “Hija, gutom na ba ang alaga mo?” Tanong ni Manang. “Opo natulog pa siya!” Ani Gwen! “Ang lakas kumain ngayon ng alaga mo?” Sinulyapan pa ng matanda si Gwen. “Oo nga po eh. Manang, anong breakfast ni Luke ngayon?” Lumapit si Gwen sa mesa at binuksan ang mga pagkaing nakahanda na. “Wow, I’m sure masarap po itong luto mong arozcaldo.” Ani Gwen! “Hija, pakisabi kay Luke dumatin na ang mga pamangkin ko. At Abby tulongan mo si Gwen sa pagdala ng pagkain sa taas baka gutom na ang alaga niya.” Napangiti si Gwen, unang dating pa lang niya dito sa bahay na ito, napakagaan talaga ng pakiramdam niya sa matanda. “Makakarating po Manang Sol!” Ngiting wika ng dalaga. “Hija, utosan mo sila kapag may kailangan ka, huwag ka mahiya.” Dagdag pa ng matanda. “Manang, si Luke lang po ang mag utos sa kanila, si Luke po ang amo dito, kaya wala akong karapatan para utusan sila.” Inakbayan ni Gwen ang matanda, bago ito nagsalita ulit. “Salamat manang sobrang bait n’yo po sa akin.” Inakayat na nila ang pagkain, nakasunod si Abby at Sally sa likod ni Gwen. Nang marating ang sala, pinatong agad ng dalawa ang pagkain sa mesa. “Maraming salamat sa inyong dalawa.” “Walang anuman po ma'am Gwen.” Sagot naman nina Abby at Sally. Lumapit ang dalaga sa higaan ni Luke, nakita ni Gwen na masarap ang pa ang tulog niya, bahagya pa nakabukas ang bibig ng binata. Kaya hindi niya ito ginising, hintayin muna niya mag alas otso bago niya gisingin si Luke. Nang mag als otso na hinawi ni Gwen ang kurtina, binuksan niya ang bintana at hinayaang makapsok ang malamig na hangin. Napapikit ang dalaga dahil sa sarap ng hangin na nagmumula sa labas. “Good morning Luke, gising ka na pala!” Aniya sabay silip sa labas. “Ang ganda ng sikat nang araw sa labas Luke.” Sabi pa ni Gwen kahit hindi naman siya kinakausap ni Luke. Maya-maya pa nag lakad si Gwen papunta sa higaan niya. “Have a nice morning Gwen!” “Kumusta ka na? Lumapit si Gwen at kinapa ang noo ni Luke. “Wow verry good, wala ka ng lagnat!” Aniya ng dalaga! “Thank you sa pag-aalaga mo sa akin!” Kahit bulag si Luke napa guwapo pa rin ito, hindi maiwasan ni Gwen na pag masadan si Luke. “Trabaho ko ang alagaan ka, salamat rin dahil ngumingiti ka na ngayon.” Tinaas ni Gwen ang higaan ni Luke at pinasandal siya nang maayos ng dalaga ng sa ganun makalanghap siya ng hangin. “Luke, komportable ka naba sa posisyon mo?”Tumango si Luke, pinunasan muna ni Gwen ang kanyang mukha ng basang towel, bago inilapag ang breakfast sa harap nito. Sinubuan na siya ni Gwen, panay ang lunok ni Luke. “Gwen, sino ang nag luto ng nito?” Ani Luke! “Si Manang Sol Luke!” “Puwidi bukas ganito rin ang breakfast ko?” Napangiti naman si Gwen sabay tango niya. “Sige sabihan ko si Manang bukas.” “Bakit hindi mo ako sinabayan kumain? Tapos ka na bang mag breakfast?” Napahinto si Gwen sa pagsubo kay Luke. “Don't worry about me, Luke kapag nagutom ako kakain naman ako, saka maraming pagkain dito.” Aniya! Pagkatapos pakainin ni Gwen ang binata, pinainom niya ito ng gamot. “Busog ka na ba? O gusto mo pang kumain ng prutas maghihiwa ako ng apple at watermelon sa’yo.” Inabot ni Gwen ang tissue saka pinunasan ang bibig ni Luke. “Thank you Gwen, mamaya na ako kakain ng prutas.” “Okay, siya nga pala Luke, dumating na ang mga pamangkin ni Manang Sol.” Ani Gwen! Napangiti si Luke, pansin ng dalaga palagi na lang nakangiti si Luke, noon kasi halos hindi mo makikita ang ngipin nito. “Gwen, pakitawagan si Manang Sol gusto ko silang maka-usap.” Utos ni Luke dito. “Okay, pero magpalit muna tayo ng boxer, ilang araw na iyan ayaw mo pang palitan.” Wika ni Gwen, na ikinakunot ng noo ni Luke, nagsalubong rin ang makapal na kilay ng binata alam ni Gwen hindi nagustohan ni Luke ang sinabi niya. Ngunit wala naman masama sa sinabi ng dalaga. “Bakit pati ‘yon napapansin mo? Ako na ang magpapalit mamaya kaya ko na.” Inis na wika ni Luke. Natawa naman si Gwen, basta tungkol sa brief magtatalo muna sila ni Luke bago ito pumayag na magbihis. “Parang ‘yon lang ang sinabi ko galit ka na? Ikaw rin mabilis kang tumanda kapag ganyan palagi ang ugali mo.” Ani Gwen, at tinaasan pa niya ng kilay si Luke kahit ‘di naman niya nakikita. Bumuntong hininga naman si Luke, sabay kamot niya sa kanyang batok. “Ang lalim naman!” Ani Gwen na nakangiti. “Nang alin ang malalim Gwen?” “Iyang buntong hininga mo, hindi magandang sign ‘yan malas ‘yan sa buhay ng tao.” Natahimik si Luke hindi ito nakapagsalita, kapag ganito si Luke inaasar ni Gwen, dahil ayaw niya magalit ito. Kahit naasar si Luke ngumiti pa rin siya, para itong bata na sunod-sunoran sa sinasabi ni Gwen. Naka luhod naman ang dalaga sa harapan ni Luke, habang nagsasalita si Luke hindi niya namalayan ang paghubad ni Gwen sa boxer niya, hanggang sa pinasuot ni Gwen ng bagong boxer si Luke ay wala itong kamalay malay na nakabihis na pala siya ng boxer. “Gwen, tumalikod ka muna please, magpapalit lang ako ng boxer.” Ani Luke sabay abot sa tungkod natawa naman ang dalaga sa itsura ni Luke, nakabusangot ito at naiinis. “Hindi na kailangan dahil tapos na!” “What? Are you serious Gwen? P-paano natapos!” Utal nitong tanong! “Yeah, ilang beses ko ba sabihin sayo na wala ka dapat ikahiya, hindi ko naman nakita, diba sabi ko sa’yo isipin mo wala ako dito kapag nagbibihis ka.” “Pero paano, bakit hindi ko napansin?" Sa boses pa lang ni Luke naiinis siya sa ginawa ni Gwen. “Hindi ko man lang naramdaman na hinubaran mo na ako?” “Huwag mo ng isipin ‘yon, ako lang naman ang tao dito. At walang nakakita.” Napahinga si Luke ng malalim. “Nakakahiya sa’yo, sabay yuko at kapa ni Luke sa kanyang harapan. Napapangiti na lang si Gwen kay Luke, sinadya ng dalaga ito, gusto niya masanay ang binata at maging komportable sa kanya. Gumawa nang paraan si Gwen para hindi na mahiya si Luke sa kanya. “Sorry Gwen kung tinaasan kita ng boses, nahihiya kasi ako sa’yo, hindi na mauulit." Hinging pasen’sya niya dito. “It's okay, sanay na ako. Ang haba at kapal na ng buhok mo kailangan na natin gupitin ‘yan.” Wala ng nagawa si Luke kundi ang tumango, naka isip naman ng paraan si Gwen. “Talian muna natin ito, sabay lapit at hawak ni Gwen sa buhok ni Luke. Sa sobrang haba tumatakip na sa mukha ng binata ang makapal nitong buhok. “See, ang guwapo mo ng tingnan ngayon, ba’t ka nakasimangot?” Ani Gwen! “Baka kasi pagtawanan nila ako, paano kung pupunta dito ang mga pinsan ko?” Malungkot nitong sabi. “E ‘di tanggalin natin para hindi ka nila pagtawanan, at sa susunod na pagtawanan ka nila ako ang makakalaban nila. Ngayon lang 'yan kapag nakakilos ka na tingnan natin kung pagtatawanan ka pa nila.” Seryosong sabi pa ni Gwen. Si Luke naman ngayon ang natatawa. “Ang tapang mo ah? Alam mo ba napakasungit ng pinsan ko, baka mamaya magtago ka sa likod ko kapag nakita mo siya.” Aniya Luke sabay tawa ng mahina. “Talaga ba? Hindi ako natatakot sa kanya.” Nakataas pa ang kilay ni Gwen habang napapailing. May kumatok sa pinto kaya natigil ang dalawa sa bangayan, tumayo si Gwen at pinagbuksan ang tao sa labas. “Nakaka-abala ba kami?” Ani Manang Sol. Agad pinasok ni Gwen sina manang, saka pina-upo sa sofa. “Hindi naman po, kakatapos ko lang kay Luke kaya okay lang po.” “Hijo, ikaw ba ‘yan?” Napangiti si Manang sa itsura ni Luke. “Yaya naman, pumangit ba ako lalo?” Nakanguso pa si Luke kaya natawa si manang. “Pinatawag ko kayo dahil gusto kong ibalik ang dating sigla ng mansion na ito. Sawa na ako maging malungkot kaya tulongan ninyo akong bumangon, gusto ko magkasundo tayong lahat kilala ninyo ako mula bata hanggang ngayon. Yaya gusto ko pong sumaya ulit kahit bulag ako naging maliwanag na ang paningin ko ngayon dahil kay Gwen.” Pinag-mamasdan ni Gwen si Luke, ibang iba na si Luke ngayon kumapara noon. “Kapag may reklamo at kailangan nandiyan si Manang Sol, sa kanya kayo lalapit kung may gusto kayo. Abby, Ann, kailangan ko kayong dalawa para tulongan si Gwen sa paglilinis dito sa loob ng kuwarto ko. Gusto ko mananatiling malinis ang kuwarto nila Mom and Dad.” Wika ni Luke, seryoso itong nakikipag usap sa kanyang mga maids. “Hijo, ang garden at pool sa labas?” Ani manang. “Pakitawagan si Manong Tasyo, pabalikin mo sa trabaho siya na ang bahala sa labas.” Aniya!Matapos makipag -usap ni Luke sa kanila manang nag paiwan sina Ann at Abby para tulongan si Gwen. “Ma'am Gwen, ano po ang gagawin namin.” Tanong ni Ann, ngumiti si Gwen sa dalawa. “Ann, Ate Gwen ang itawag ninyo sa akin, hindi ako sanay sa madam.” Ngiting wika ng dalaga. Nagsimula ng maglinis sina Ann, at Abby, inuna muna nila ang mga cabinet sa kuwarto. Tinanggal ni Gwen ang mga malalaking kurtina, makapal na ang alikabok kaya kailangan ng palitan. Napa ubo naman si Luke, linapitan ni Gwen, pina mask muna niya si Luke para hindi ito maka langhap ng alikabok. Hindi ko naman siya puwidi ilabas ayaw niya, naka upo si Luke sa kanyang hopistal bed. Pinakiramdaman ng binata ang mga kilos nila Gwen. “Kapag may kailangan ka tawagan mo ako, dito lang ako sa may cabinet banda.” Aniya Gwen. Abala sina Anne, Abby sa pag lagay ng mga basura sa plastic, maraming mga box ng gamot ni Luke na wala na palang laman ang iba expired na. Nakungkot si Gwen dahil sa dumi ng kuwarto ni Luke, parang ilang taon na rin itong hindi nalinisan. “Ann, ilang buwan na ba kayo nawala dito sa mansion?” Gusto malaman ng dalaga kung sino ang naglilinis ng kuwarto ni Luke dati. “Simula na aksedenti po si senyorito hindi na siya pumayag na linisin ang kuwarto niya. Bawal na rin po kami pumasok sa kuwarto dahil ayaw niya may makakakita sa kanyang sitwasyon.” Sagot ni Ann sa dalaga. Napatango naman si Gwen! Binuksan ni Gwen ang bintana para kahit papano makahinga sila, hapon naman kaya hindi na mainit sa labas. “Luke, okay lang ba diyan? May gusto ka bang kainin?” Ani Gwen! Agad naman umiling si Luke. “I’m good, don’t worry!” Napangiti naman si Gwen dahil kakaiba ang mukha ni Luke ngayon. Kanya-kanyang trabaho ang tatlo, si Ann ang nagpupunas ang drawer, habang si Abby naman ang nag vacuim sa carpet. Si Gwen ang taga ayos ng mga damit ni Luke sa loob ng cabinet. Inabot rin sila ng tatlong oras sa pag-lilinis, sa dami ba naman ng kalat at alikabok ‘kayang madaliin. Matapos maglinis pinababa na ni Gwen ang dalawa, feeling ni Gwen nakahinga siya ng maluwang. Maaliwalas na ang kuwarto ni Luke, bukas ‘yong sala na naman at mini kitchen. Nang tingnan ni Gwen si Luke nakatulog na pala ito, naligo na muna si Gwen habang natutulog pa si Luke. Ilang minuto rin ang ginugol ng dalaga sa loob ng banyo, nagkuskos ito ng katawan. Pagkatapos maligo ni Gwen lumabas na ito at tinungo ang silid ni Luke. Nagulat pa siya ng madatnan niya si Manang na nakatayo, pinagmamasdan ng matanda ang buong kuwarto. “Salamat hija, alam mo ba ngayon lang naging malinis ang kuwarto ng alaga ko. O siya kumain ka na alam ko nagutom ka sa paglilinis kaya hinatid ko na ang pagkain ninyo.” Aniya Manang Sol. “Maraming salamat po, I'm sure matutuwa si Madam Belen nito.” Sabi pa ni Gwen. Kulay puti ang nilagay ni Gwen na kurtina, kaya mas lalong lumiwanag ang buong silid. Limang buwan na nag tatrabaho si Gwen dito sa bahay ni Luke. Kumuha si Luke ng makakasama ni Gwen para hindi mahirapan ang dalaga. Siguro naawa ang binata kay Gwen, dahil palagi itong puyat, lalo na sa gabi. Inaamin ng dalaga nahihirapan siya kay Luke pero ni minsan hindi ito ang reklamo. Mabuti na lang nalaman ni Gwen na doon din kumuha si Luke sa kompanyang pinag tatrabahoan niya. Kaya naki-usap ang dalaga na kung puwidi ang best friend na lang niya ang kukunin para hindi na mahirapan si Gwen. Sobrang natuwa naman si Rich ng malaman niya magkasama sila ni Gwen. Agad pinahatid ni Luke dito sa bahay si Rich, ng magkita ang dalawa abot langit ang ngiti nila sa isa’t isa. Alam na ni Rich ang gagawin niya kaya mabilis natuto ito, nag usap na rin sila ni Luke tungkol sa sahod kaya napanatag ang loob ng best friend ni Gwen. “Gwen, utusan mo ako kapag may kailangan ka!” Wika pa ni Rich, habang nag kakape ito. “Maliligo si Luke ngayon, pakihanda ang mga gagamitin niya sa panligo.” Inabotan siya ni Rich ng isnag cup na kape. “Magkape muna, para may lakas tayo!” Natatawang wika pa ni Rich. Ngayon may Sunlift Midi Hoist Machine, hindi na mahirapan ang dalawa sa pag alalay kay Luke. Nang makapasok sila sa banyo agad pina upo ni Gwen sa kanyang upuan si Luke. Pinalabas muna ni Gwen si Rich dahil hindi sanay ang binata na may ibang taong makakita sa kanya. Maraming nag bago sa katawan ni Luke, unti-unti na itong tumaba. Nong nakaraang linggo tinanggal na ni Gwen ang benda sa kanyang leeg, kaya komportable na itong kumilos. Ngayong gugupitin ng dalaga ang buhok ni Luke, hindi naman mahirap dahil machine naman ang gagamitin ng dalaga. “Luke, huwag ka malikot, sandali lang ito!” “Okay, Gwen!” “Masakit ba luke?” Umiling lang si Luke. “Ang kapal ng buhok mo! Ilang taon mo na ito hindi pinagupit?” Napangiti si Luke na ikinataka naman ng dalaga. “I think isang taon na!” Aniya! “Kaya pala, sobrang kapal. Pagkatapos ni Gwen sa buhok ni Luke, nilinis rin niya ang bigote ng binata. Hindi naman naging pasaway si Luke nanatili itong tahimik hanggang sa natapos sila. Matapos paliguan ni Gwen ang binata, tinawag na niya si Rich upang alalayan ulit si Luke pabalik ng kama. “Bukas e shave kita!” Alam na ‘yan ni Luke dahil nag usap na sila tungkol don. “Gwen, puwidi huwag muna, hindi pa naman siguro mabuhok ‘yon.” Ani Luke, nagsalubong pa ang kilay nito. “Fine, ano pa ba ang magagawa ko.” Pagsuko nito. Natatawa naman si Gwen dahil alam niya napilitan lang ang binat. “See, ang linis mo na tingnan, ang pogi mo pala kapag wala kang balbas. Mamaya kunan kita ng litrato, para pag dumating ang araw na bumalik ang mata mo makita mo kung gaano ka kapogi.” Wika pa ni Gwen. “Luke, are you okay?” “Yeah, I’m fine Gwen!” Bigla kasing nalungkot ang muka niya. “Thank you sa lahat lahat, masaya ako Gwen dahil sobrang bait mo. Wala kang katulad, alam mo kung buhay pa ang Mommy ko siguro siya ang gagawa nito sa akin.” Malungkot na saad ni Luke. Tuloyan ng humilom ang sugat ni Luke sa kanyang katawan. Mata at paa na lang ang inaalala ni Gwen, Kukumbinsihin ni Gwen ang binata para pumayag itong mag pagamot. “Salamat Gwen, guminhawa ang pakiramdam ko!” “You’re welcome Luke!” Ilang minuto ang lumipas nakatulog na si Luke, napangiti si Gwen. “Ang hirap pala ng trabaho mo dito Gwen!” Wika ni Rich. “Hindi naman, nasanay na ako!” Aniya! “Mabuti nga may machine, infairness ang guwapo ni Luke.” Aniya Rich sabay tingin sa natutulog na binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD