Chapter 5

2648 Words
Gwen Maaga pa lang sinabi na ni Luke kay Gwen na bibisita ngayong araw ang mga pinsan niya. Nakangiti si Luke habang kinakausap si Gwen. “Okay, ihahanda ko ang damit mo!” Aniya Gwen! “What? Kailangan pa ba ‘yon?” Gulat na tanong ni Luke dito. “Oo naman dapat guwapo ka sa mata ng mga pinsan mo, tandaan mo hindi na ikaw ang Luke dati, bagong Luke na ang makikita at makilala nila ngayon.” Sabi pa ni Gwen, naglalakad ito papunta sa closet ni Luke. Last week natapos sa paglilinis sila Gwen kaya naman maaliwalas na ang buong silid. Actually hindi trabaho ni Gwen ang maglilinis, pero naawa ito sa mga maid's kaya tumulong siya. “Luke anong paborito mong kulay?” Napabuntong hininga ang binata. “Blue, and white!” Tipid nitong sagot! “Mas maganda ang color white tapos partneran natin ng black short.” Aniya! Hinanda ng dalaga ang damit ni Luke para mamaya hindi na ito mahirapan. Busy pa naman siya ngayon mabuti na lang nakapaglinis sila. “Gwen, pakitawag si yaya may gusto akong sabihin sa kanya!” Dinayal agad ni Gwen ang intercom sa baba agad naman sinagot ni Manang Sol. “Hello Manang, pinapatawag po kayo ni Luke!” “Okay hija” Sabay baba ni manang sa telephono. Inalalayan ni Gwen ang binata para maka upo, Ilang sandali lang pumasok si manang. “Hijo, may kailangan ka?” “Yaya, dito po kakain ng dinner ang mga pinsan ko, ikaw na ang bahalang mag luto. Basta huwag mong kalimutan ang inihaw na bangus, ‘yon kasi ang paborito nila.” Aniya Luke! “Hijo, anong oras ang dating ng mga pinsan mo?” “Hindi ko pa po alam, alam mo naman ang mga ‘yon I’m sure hapon pagkatapos ng work nila.” Wika ni Luke! “Sige hijo, ako na ang bahala.” “Salamat po. At dito kami kakain sa taas, ayaw po kasi ni Gwen na bumaba ako, baka raw po mabigla ang binti ko.” Pagsusumbong niya kay Manang Sol, napailing naman ang matanda bago lumabas. Alas dose na ng hapon kaya pinakain ni Gwen si Luke kailangan pa niyang magpahinga at makainom ng gamot. Sigurado kapag dumating ang mga pinsan ni Luke hindi siya makapagpahinga. “Luke, gusto mo pa bang magdagdag ng rice?” Agad imiling ang binata. Pinag diet ni Gwen si Luke, takot ang dalaga baka ma over weight ito. Simula dumating si Gwen lagi pinapakain ni Gwen ng masustansiya pagkain ang binata kaya tumaba ito. Hindi hinayaan ni Gwen na masunod ang gusto ni Luke. Minsan kasi ayaw niya kumain ng gulay, kaya kung minsan nagtatalo ang dalawa. “Wow good job!” Puri ng dalaga kay Luke! “Mamaya one cup nalang ang rice mo!” Aniya Gwen! Kumunot naman ang noo ni Luke. “Bakit Gwen? Masarap ang ulam mamaya tapos pinagbawalan mo akong kumain ng marami.” Maktol ni Luke! Napangiti tuloy si Gwen, inabot niya ang juice at pinainom sa binata. Hindi na gumagamit ng straw si Luke dahil na igalaw na niya ang kanyang leeg. Pagkatapos kumain hinugasan ni Gwen ang kamay niya, pinatuyo at nilagyan ng alcohol. “Gwen, alas tres na bihisan mo na ako baka maaga silang dumating.” “Okay Luke!” “Thank you Gwen!” Mabilis ang bawat kilos ni Gwen, pinunasan niya si Luke. Sinuotan ni Gwen ng puting t-shirt at black short, ayaw naman magsapatos ni Luke kaya sinuotan ni Gwen ng medyas. Mabilis lang matapos si Gwen sa pagbibihis kay Luke, hindi na katulad dati palagi sila nagtatalo nasanay na rin si Luke sa dalaga. Ngayon hinayaan na ni Luke kung makita ni Gwen ang p*********i nito. Hinanda na ni Rich ang wheelchair sa paanan ng bed, bubuhatin nila si Luke gamit ang machine para maka upo si Luke sa wheelchair. “Luke, huwag ka malikot baka mahulog ka!” Nang maka upo na si Luke agad inangat ni Gwen ang kanyang paa. Napahinga si Gwen ng malalim, mahirap ilipat si Luke lalo na kung mag-isa ka. Ito ang unang beses umupo ni Luke sa wheelchair kaya naninibago ang binata. “Mag sabi ka kung may masakit sa’yo. Komportable ka ba?” Tanong ni Gwen dito. Para kasing natatakot ito. “Oo, thank you Gwen, hindi lang ako sanay pasen’sya na.” Aniya! “Gwen, baka mahulog ako?” “Luke, nandito ako hindi ko hahayaan na mahulog ka.” Mahigpit na kumapit ang binata sa balikat ni Gwen. “Huwag ka malikot para hindi ka mahulog!” “Okay Gwen!” Nang maibaba si Luke, inayos ni Gwen ang kanyang buhok naglagay ang dalaga ng kunting gel. “Luke, are you okay? Wala bang masakit sayo? Komportable ba ang pag-upo mo? Magsabi ka kung masakit ba ang leeg mo?” Aniya! “Wow ang guwapo talaga ng alaga ko, baka hindi ka na makilala ng mga pinsan mo niyan?” Ngiting wika ni Gwen sabay pasada sa kabuuan ni Luke. “Thank you Gwen, You’re always good” Sabi pa ni Luke! “Huwag ka mag alala magiging okay rin ang lahat.” Hawak ni Gwen ang kamay ni Luke pinakalma niya ang binata dahil nag-iisip na naman ito. “Alam mo ba na ito ang unang pagkakataon na umupo ako? Hindi mo lang alam kung gaano ako ka saya ngayon.” Napangiti si Gwen. “Next week ipapasyal kita sa garden, okay ba sayo ‘yon? Huwag ka na malungkot Luke may mga bisita ka ngayon. Dapat masaya ka, palagi mong tatandaan habang buhay may pag-asa. Alam ko gusto mo nang makalakad, walang ibang tutulong sayo kundi ang sarili mo. Nandito lang ako hindi kita iiwan lagi kitang gagabayan.” Hinigpitan ni Gwen ang paghawak sa kamay niya, nasasaktan ang dalaga sa tuwing umiiyak si Luke. Inabotan siya ng tubig ni Gwen, pinahid rin niya ang luha sa kanyang pisngi. “Tahan na, magtataka ang mga pinsan mo, inalo siya ni Gwne para itong bata na inagawan ng candy. Sinuotan siya ng puting medyas ng dalaga para hindi ito lamigin. “Mas maganda sana kung nag sout ka ng sapatos.” “No need Gwen, hindi rin naman ako makakalakad!” “Listen Luke, hindi porket bulag ka at hindi makakalakad hindi mo na kayang gawin ang ginagawa ng iba. Kaya nga ako nandito dahil ako ang mata at paa mo diba?” Hindi nakapagsalita si Luke, naisip niya na tama naman si Gwen. Naka white t-shirt,black short white shoes ang attire ni Luke ngayon. Sa tindig ni Luke iisipin mo na wala siyang kapansanan. Pagkatapos ayusin ni Gwen si Luke lumabas sila nang silid dinala ni Gwen sa sala ang binata “Wow, ang bango. Gwen, anong klaseng pabango ‘yon?” Ani Luke! “Candila ‘yan Luke, lemon grass scent ang flavor.” Napatango si Luke. “Gwen, ‘yan ang e pabango mo sa kuwarto ko!” “Sige, mamaya!” Sabi pa ni Gwen. Saktong alas singko ng hapon, dumating ang mga pinsan ni Luke. Nasa baba na raw sila, pinahiran ni Gwen ng gel ang buhok ni Luke, pinabanguhan rin niya ito. “Ang guwapo nang alaga ko.” Ani Gwen! Nakahanda na ang mesa, hinatid ni Manang ang salad dahil ‘yon na lang ang kulang. “Matutuwa ang mga pinsan mo kapag makita ka nila,iba talaga mag-alaga si Gwen.” Masayang saad ng matanda! “Yaya, matutuloy po si Ash.” Akala kasi ni Luke hindi matuloy si Ash dahi busy siya, pero tumawag ito ulit on the way na raw. “Tamang tama dinagdagan ko ang putahe kaya kasya na ‘yan sa inyo.” Tugon ni Manang! “Luke, doon muna ako sa kabilang kuwarto, kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako. Saka nakakahiya sa inyo puro kayo lalaki. Huwag ka mag-alala ako ang magpapakain sayo.” Ani Gwen!Hindi nagsalita si Luke, nanatili itong tahimik, kaya alam ni Gwen na ayaw ng binata malayo siya. “Okay, fine hindi na ako aalis sa tabi mo, dito lang ako!” Ngiting saad ng dalaga! “Hey, it's fine Gwen, hindi naman ako pababayaan ng mga pinsan ko.” Napatango ang dalaga. “Good evening.” Sabay sabay nilang bati kay Luke. Apat na lalaking makisig ang dumating niyakap nila si Luke saby pasada sa kabuoan ng binata. “Wow ngayon ko lang napansin, ang guwapo mo ngayon.” Nakangiti si Levi habang nagsasalita ito. “Thank you Levi! “Ang galing mo pumili na tagapag-alaga mo!” Saad ni Oliver. Maingay sila, hindi man lang nila napansin na nasa tabi si Gwen. Nasa isang sulok si Gwen busy ito sa kaka-reply sa mga kaibigan niya. Isa isang pinakilala ni Luke kay Gwen ang mga pinsan niya. Sina Oliver, Lucas, Levi, Carter at Logan, wala ka nang hahanapin sa kanilang lima lahat sila guwapo. Nag pakilala rin si Gwen sa kanila panay ang pasasalamat nila dahil natiis ko raw ang ugali ni Luke. “Hello Gwen, sa wakas nakilala ka rin namin.” Sabi pa ni Levi. “Luke, may kausap pa si Ash kaya hindi pa siya umakyat akala nga namin hindi siya sasama.” Ani Lucas! “It's fine Lucas, hintayin natin siya bago tayo kakain.” Lumapit si Gwen kay Luke. “Kapag pinawisan ka tawagan mo ako, huwag mo hayaan matuyuan nang pawis ang likod mo.” Aniya! “Opo, thank you Gwen!” Nagpaalam muna si Gwen kay Luke at lumabas ito. Napapailing na lang ang dalaga, hindi niya akalain na ganito pala sila ka daldal. Paglabas ni Gwen, dumiritso ito sa kabilang kuwarto ilalagay niya sa machine ang mga labada niya. Bago sinarado ni Gwen ang pinto, napansin niya ang dalawang paris ng mata na matalim itong nakatitig sa kanya. Bumuntong hininga ito at pumasok na ng tuloyan sa kuwrto. “Grabe naman makatitig ang taong 'yon, para akong kakainin nang buhay.” Kausap pa ni Gwen sa kanyang sarili. Pagkatapos maglaba ni Gwen, bumaba muna ito, hindi naman siya tinawag ni Luke. Naisipan niyang palitan ang cover ng kanyang motor. Pagdating sa sala tahimik walang ingay, pumasok sa kusina ang dalaga nagulat pa sila sa presensya niya. “Oh, bakit nandito ka?” “Nagpaalam na po ako kay Luke!” Sagot niya kay Manang. “Kumain ka muna baka mamaya tawagan ka?” Ani Manang! “Opo Manang Sol, lalabas lang po ako saglit papalitan ko lang ang cover ng motor ko para malabhan.” Napatango naman si Manang iniwan na sila ni Gwen at dumiritso sa garahe. Paglabas niya napayakap ito sa kanyang sarili, malamig ang hangin amg sarap sa pakiramdam. Lumapit agad si Gwen sa kanyang motor, six month na niya hindi nagamit kaya na miss ng dalaga. “I miss you buddy, kumusta ka na?” Kinakausap ni Gwen ang motor niya. Hayaan mo kapag natapos ko ang trabaho ko dito mamamasyal tayo.” Sabay haplos nito sa upuan. “Papalitan ko lang ang cover mo, baka magtampo ka sa akin.” Pagkatapos palitan ni Gwen ang cover umupo ito saglit. Napatayo ito ng mahagip ng mata ng dalaga ang isang bulto ng tao. May kalayuan ito sa kinatatayuan niya pinag-mamasdan ni Gwen ang lalaki. Nang makabawi nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng mansion si Gwen, bigla itong natakot mukha kasing masamang tao ang lalaki. “Sandali!” Tumayo ang mga balahibo ni Gwen sa batok ng marinig ang malakas nitong boses. Nang marating ang pinto agad sinarado ni Gwem ‘yon. Sumilip sa bintana ang dalaga napatakip ito sa kanyang bibig dahil naka upo na pala sa motor niya ang lalaki. May hawak itong sigarilyo sa kanang kamay, umupo na parang siya ang may ari ng motor. “Sino ba siya? Hindi kaya magnanakaw ‘yon? Pero imposible naman hindi ganun ang tindig nang magnanakaw. Mukha siyang mayaman.” Aniya Gwen! Umakyat na si Gwen at dumiritso ito sa kanyang kuwarto. Nadumihan ang uniform ng dalaga kaya kailangan niya magbihis. Nakatali pataas ang mahabang buhok ni Gwen, lumabas ito at tinungo ang pinto bago siya pumasok kumatok muna siya. Nang makapasok na si Gwen bigla silang natahimik, nahiya naman ang dalaga dahil lahat sila nakatingin sa kanya. Lumapit siya kay Luke agad niya hinawakan ang kamay nito. “Sorry, ngayon lang ako. Okay ka lang ba?” Aniya! “Hey, I'm fine, don’t worry about me.” Sabi pa ni Luke. Ramdam ni Gwen ang higpit ng hawak niya sa kamay ng dalaga. “Kumain ka na ba?” Natawa naman ng malakas ang mga pinsan niya. “Gwen, malaki na siya kaya na ni Luke ang sarili niya, huwag ka masyadong mag-alala sa kanya. Saad ni Levi na naktingin kay Gwen. “Salamat sa inyo. Sandali kukunin ko ang gamot mo para maka inom ka na.” Aniya Gwen. At pumasok na sa silid Luke. Pagpasok ni Gwen sa kuwarto ni Luke nagtaka ito dahil nakabukas ang TV. Napahinga siya ng malalim sabay patay sa TV. Bumalik agad si Gwen sa puwesto ni Luke, Inabot niya ang gamot kay Luke agad naman ininom ng binata. “Thanks Gwen!” Nilapag ni Gwen ang tray sa mesa, pinalitan niya ang towel na nasa likod ni Luke. Pawisan ang binata kahit malamig ang aircon pinagpapawisan ito. “Basang basa ang likod mo.” Saad ni Gwen dito, pinunasan niya ‘yon hanggang matuyo ang likod ni Luke. Panay naman ang hagikhik nila ng mga pinsan niya, wala naman pakialam si Gwen ginagawa lang ng dalaga ang trabaho niya. Nandito siya para alagaan si Luke, kung iba ang pagkakaintindi nila sa ginawa niya hindi na problema ni Gwen ‘yon. Ang sabi nila hindi na raw bata si Luke para alagaan ng ganito. Hindi ba nila nakita bulag ang tao, naiinis tuloy si Gwen sa kanila. “Kaya pala mabilis kang gumaling sobrang ma-asekaso si Gwen sa’yo.” Nakangiting saad ni Levi. Pansin ni Gwen parang si Levi palagi ang namumuna sa kanya. “Gwen!” Tawag ni Luke sa dalaga. “May e utos ka ba?” Aniya! “Gusto ko ipakilala sa’yo si Ash, nahuli kasi siyang dumating kaya hindi mo siya nakita.” Wika ni Luke habang hawak niya ang kamay ni Gwen. Nakatayo naman si Gwen, kaya nakita nang dalawang mata l niya ang paglapit ni Ash. Kumabog ang dibdib ng dalaga sa takot, siya ang nakita niya kanina sa parking area. Napa-iwas ng tingin si Gwen! “Finally nakilala rin kita. Nice to meet you Gwenyth.” Inabot ni Ash ang kamay ni Gwen hinalikan niya ito, nagulat naman ang dalaga sa ginawa ni Ash. Babawiin sana niya ang kanyang kamay ngunit mahigpit itong hinawakan ni Ash. Titig na titig si Ash sa mukha ni Gwen, para bang sinabi niya na ako ‘yong nakita mo kanina sa labas. Kung nakakasunog ang mata ni Ash baka naging abo na si Gwen ngayon. Hindi namalayan ni Gwen napakapit ito sa balikat ni Luke. “Gwen, are you okay?” “Yes Luke, I'm fine!” Pinawisan ng malapot ang dalaga, feeling niya matagal na siyang kilala ni Ash. Nang bitawan ni Ash ang kamay niya nakahinga ito ng maluwang. Napayuko si Gwen sobrnag nahiya siya sa ginawa ni Ash, nanginig ang buong katawan niya sa hindi malaman na dahilan. Hindi alam ng dalaga kung ba’t ito natakot kay Ash, matapang siyang babae ngayon biglang naglaho ang tapang niya. “Gwen, nakita mo na ba si Ash? Huwag kang matakot sa kanya ganyan talaga ang ugali n'yan.” Ani Luke! “Wow, matapang na pala ngayon si Luke!” Sabi pa nilang lahat. “Sinabi ko kay Gwen kapag nakilala mo si Ash baka magtago ka sa likod ko, masungit ang pinsan kung ‘yon, pero mabait. Saad ni Luke! “Luke, si Ash at Augusto iisa lang ba?” Tanong ni Gwen! “Yes Gwen!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD