Chapter 3

2751 Words
Luke Wala nang sasakit pa sa nararamdaman ni Luke, minsan tinatanong ng binata ang nasa itaas kung ba’t kailangan pa niya manatali dito sa mundo .Wala ng silbi para mabuhay nabulag at hindi na makakalakad ang binata. Kaya naman mas nanaisin pa niya ang mamatay kaysa mabuhay. Pakiramdam ni Luke wala na siyang kakampi, nawala ang mga mahal niya sa buhay ano pa ba ang silbi para manatili siya. “Nag iisang anak si Francisco Luke Villiamor, lahat nasa kanya na babae, yaman, at kapangyarihan. Top rank billionaire ang ama ni Luke kaya naman sikat na sikat ito sa mundo ng business maging si Luke ay kilala na rin. Ngunit isang araw biglang naglaho ang lahat, nagpasyang mag bakasyon ang buong pamilya sa States. Exited si Luke sa araw na ‘yon, almost three years hindi niya nakita ang kanyang mahal na Lola. Kaya naman walang mapaglagyan ang saya ng binata, gusto ng liparin ni Luke ang states makarating lang ng mabilis. Bago sila lumipad tumawag muna ito sa kanyang Lola pina-alam ng binata na nasa loob na sila ng eroplano. Napangiti pa si Luke dahil exited na rin raw ang Lola niya na makita siya. “Son, say bye to your Lola lilipad na tayo.” Ani ng ama ni Luke. Tinapos na ni Luke ang pag-uusap nila ng kanyang Lola, panay ang bilin nito na magsuot ng jacket dahil malamig raw. Habang nasa loob sila ng eroplano panay ang halik ng mommy at daddy kay Luke . sinasabi nila sa akin na huwag ko raw pababayaan ang negosyo, pag-aaral at si lola. Nagtaka ang binata sa mga bilin ng kanyang mga magulang. It’s wierd na magsalita ang mga ito ng ganito, sa buong buhay ni Luke ngayon lang niya narinig mula sa kanila ang mga salitang binitiwan ngayon. “I love you Luke, palagi kang mag-iingat take care always son.” Aniya daddy! “Daddy, is there something wrong?” Nagtanong na ang binata. “No anak, walang problema!” Sabay ngiti ng mommy niya. Sa buong biyahe nakatulog si Luke, bigla itong nagising dahil sa ingay ng paligid. “Luke!” Rinig kong tawag ni mommy. “Luke wake up, hon what happened?” Ramdam ni Luke ang takot sa boses ng ina nanatili parin siyang nakapikit. “Honey, please, save our son!” Aniya ng kanyang ina. Napadilt si Luke sa sinabi ng mommy niya. Pag mulat ni Luke agad sumalubong sa kanya ang magulong paligid, nakatayo na ang mga tao puno ng takot ang kanilang mga mukha. Dahil sa ingay hindi maintindihan ni Luke ang sinasabi ng kanyang mommy. Nag panic na rin ang mga tao, nakita ni Luke isa isa na nag kabit ng life vest ang lahat. Nagulat ang binata ng biglang mag salita ang flight attendant. “Brace down, brace down, brace heads down, stay down.” Saka lang napagtanto ni Luke ang eroplanong sinasakyan nila ay nag emergency landing. Tatayo sana ang binata ngunit naka seatbelt ito, agad hinarang ng kanyang daddy ang sariling katawan para hindi makatayo si Luke. Pinasout ng daddy niya ang life vest na hawak nito, nasa kaliwa ang kanyang mommy, nanginginig sa takot. Alam ni Luke takot ang kanyang ama ngunit hindi niya ‘yon pinahalata. Nakita ni Luke ang pag tulo ng luha ng mommy niya “Honey, iligtas mo si Luke!” Sigaw ng ina, ngunit nanatili itong naka upo. Hindi napigilan ni Luke ang matakot at sa mga oras na ‘yon alam niya kamatayan na ang kahihinatnan nilang lahat. Lahat ng tao sa loob ng eroplano ay nagsigawan, hindi alam ang gagawin dahil nasa himpapawid pa sila. Wala ng maririnig si Luke tanging ang luha ng mommy niya ang kanyang nakikita. “Mommy, huwag n’yo po akong iiwan!” Humawak si Luke sa leeg ng daddy niya, takot at pangamba ang nakikita sa mukha ng mga tao. Hindi na nila alam kung saan sila kakapit dahil gumigiwang na ang eroplano. “Honey, remember I always love you, kahit anong mangyari huwag mong pababayaan ang anak natin.” Kahit maingay ang buong paligid malinaw sa pandinig ni Luke ang mga katagang binitawan ng mommy niya. Ngayon lang nasaksihan ni Luke ang luhang umagos sa pisngi ng Daddy niya, luhang puno ng pangamba at takot na kahit kailan hindi pa nakita ng binata. Nanatiling nakakapit si Luke sa leeg ng kanyang ama, natatakot si Luke ayaw niya humiwalay dito. Kung ang iba nag-hahanap ng paraan para makaligtas sa trahidya, silang tatlo ay nagyakapan at nagdarasal. Hinubad ng mommy ni Luke ang kanyang rosary at pinasout sa kanyang anak. “Honey, ang anak natin iligtas mo siya!” Paulit-ulit na sabi ni Mom. Kumapit si mommy sa baywang ni Luke! “Anak, tandaan mo, mommy always love you!” Sabay halik ng ina sa noo ni Luke. Kahit nahihirapan ang daddy niya hindi siya bumitaw sa pagkakayakap sa kanilang mag-ina. Naramdaman ni Luke ang bulto ng lalaki sa kaniyang likuran, mahigpit itong nakayakap sa kanila “Kuya Rodel!” Sambit ng daddy ni Luke. Hindi alam ng binata kung saan sila bumagsak, sa lakas ng pagkakabagsak ng eroplano, parang kulog ito sa pandinig ni Luke, kasabay nang pagdilim ng buong paligid ay ang malalakas na sigaw ng mga tao. Nagulat ang lahat ng sumabog ang dulo ng eroplano, tumakbo na ang mga tao ngunit hindi nila alam kung saan sila lalabas. Umusok ang pakigid, kumalat na ang apoy, kaya agad inabot ng daddy ni Luke ang kamay ni Rodel. “Kuya, iligtas mo ang anak ko, mangako ka sa akin na hindi mo pababayaan si Luke.” Hawak ni Rodel si Luke, basa na ng luha ang kanyang mukha, ramdam ng lahat ang init dahil nasusunog na ang buong paligid. Kitang kita ni Luke kung paano nilamon ng apoy ang mga tao, iyak ng mga bata, hagulgol ng mga matatanda, humihingi ng tulong. Nagbabakasakaling makaligtas sa sinapot nila ngayon. Ang iba tumatakbo habang sunog na ang kanilang katawan, may ibang tumalon na lang para hindi na sila mahirapan. Parang sa pelikula lang ni Luke makikita ang ganitong pangyayari. Hindi niya inaasahan ang masayang bakasyon sana nila ng kanyang pamilya ay nauwi sa ganitong trahedya. “Kuya Rodel, umalis na kayo, sige na.” Agad kumapit si Luke sa leeg ng daddy niya. “Daddy please huwag mo akong iwan, mommy natatakot po ako.” Halos matanggal ang leeg ng daddy ni Luke dahil sa higpit ng kapit niya dito. Naramdaman ng binata na unti-unti ng kumalas ang mommy at daddy niya sa pagkakayakap sa kanya. Sa lakas ng sigawan ng mga tao hindi na napansin ng binata na lumalayo na pala siya sa kinatatayuan nila. “Mommy! Daddy!” Sigaw pa ni Luke. Nakita ng dalawang mata ng binata kung paano nilamon ng apoy ang kanyang mga magulang. Nagpupumiglas ai Luke, gusto niya iligtas ang mommy at daddy niya ngunit wala na siyang magagawa sa huling sandali ng buhay ng ama ni Luke narinig pa niya ang sigaw nito. “Kuya please, save our son!” Ani ng kanyang ama. Nakatulala si Luke, hindi niya akalain na nawala sa isang iglap ang kanyang magulang. “Luke, kailangan natin makalabas dito!” Mahigpit ang pag kakahawak ni Rodel sa kamay ni Luke. Mas lalong lumakas ang putukan, iyakan, at sigawan, habang umiiyak si Luke hindi niya namalayan nabitawan pala niya ang kamay ng kanyang Tito Rodel. Sa kinatatayuan ni Luke maraming tao ang naroon, umiiyak habang hinahanap ng kanyang mata si Rodel. Tumakbo palabas ang mga tao, tatakbo sana si Luke ngunit nadapa ito gumulong siya sa maruming sahig. Dahil madulas ang sahig hindi na makatayo si Luke, sumigaw ito at himumingi ng tulong ngunit walang nag lakas loob na lapitan at tulungan siya. Napasigaw si Luke, bumagsak ang mabigat ng bagay sa kanyang mga paa, ng dahil doon hindi na siya makagalaw. “Tito Rodel!” Malakas na sigaw ng binata. Dumaing si Luke sa sobrang sakit hindi na niya kaya itayo ang kanyang mga paa. Bago pa nawalan ng malay ang binata, narinig niya ang tunog ng ambulansiya at boses ng kanyang tito Rodel. “Iligtas ninyo ang pamangkin ko!” KINABUKASAN Nagising si Luke, madilim ang kanyang paningin hindi na niya makikita ang liwanag. Ang masaklap hindi na rin niya maigalaw ang kanyang mga paa. “Mommy! Daddy!” Sigaw ni Luke. Napahinto siya sa pag iyak ng maalala ang sinapit ng kanyang mga magulang. Kinapa niya ang kanyang mukha, gusto niyang umulat ang kanyang dalawang mata ngunit wala siyang nakikita. “Tito Rodel?” “Mr. Villiamor. Calm down, nasa hospital po kayo.” Ani ng boses lalaki. “Who are you? Nasaan ako? Can you please gave an answer, bakit wala akong makikita? What happend? Please answer me.” Hagulgol ni Luke, habang pinagtutulongan siyang hawakan ng mga doctor. “Just relax, i will explain it with you, kapag okay na ang pakiramdam mo.” Ilang saglit lang nakatulog si Luke, tinurokan siya ng doctor ng pampakalma para hindi siya magwawala. “Kumusta siya?” “Nakatulog na siya, okay naman siga doc kaya lang nagwawala siya.” Ani ng babaeng nurse. “Hayaan ninyong matulog siya, kapag nagising na tawagan ninyo ako.” Ani ng doctor. “Paano na ang mga pangarap ko? Paano ko ipagpapatuloy ang buhay kung wala na ang aking pamilya? Hindi ko alam kung saan ako lalapit at ibalitang buhay pa ako. Bakit hindi na lang ako namatay para hindi ako mahirapan ng ganito. Mommy?” “Anak, sabi nga nila may plano ang diyos kung bakit hanggang ngayon buhay ka.” “Mommy, gusto ko ng sumuko, sa dami kong napag daanang sakit, lungkot, at pangugulila wala akong ibang karamay at kakampi. Panginoon, isusuko ko ang lahat sa iyo handa akong maghintay kung kailan mo ako bibigyan ulit ng pagkakaktaon upang maibalik ulit ang lahat sa akin.” Naibulong ni Luke sa hangin ang mga katagang ‘yon. Napa hawak si Luke sa kanyang ulo, hindi niya alam kung ilang araw na ba siya nakatulog. Kinapa ni Luke ang kanyang higaan, napahinga siya ng malalim napanaginipan niya pala ang kanyang mommy. “I’m sorry mom and dad, hanggang ngayon sariwa parin sa akin ang mga nangyayari. Siguro oras na para sundin ko ang payo ni Tita Belen. Tama sila, paano ko ipagpapatuloy ang buhay kung ganito ako?” Kausap ni Luke ang kanyang sarili. Buo na ang diccision ni Luke mag papagamot na siya sa Amerika. Gustong ibalik ng binata ang dating buhay niya, wala man itong kasiguraduhan na makakita at makakalakad siya ngunit kailangan niyang subukan. Walang imposible sa itaas, kung magtiwala ka sa kanya. Aanhin ni Luke ang yaman, kung ganito naman ang buhay niya. Salamat sa kanyang yaya na hindi siya sinikuan kailanman, sa kanyang Tita Belen na palaging nandiyan para intindihin siya sa lahat ng bagay. Pinahid ni Luke ang luhang lumandas sa kanyang pisngi. Tahimik ang buong silid, hindi na makatulog si Luke dahil maraming pumapasok sa isip niya. Gusto niyang tawagin si Gwen kaya lang nahihiya ito baka tulog pa ang dalaga. Alas otso na ng umaga, kahit hindi nakikita ni Luke ang oras alam na niya dahil naka set ang cellphone niya. “Are you okay? Bakit nakatulala ka na naman diyan? May problema ba?” Aniya Gwen na kakapasok lang. “Ikaw pala ‘yan, kanina ka pa ba diyan? I’m sorry Gwen naalalala ko lang mga nangyayari sa buhay ko, napanaginipan ko rin si mommy at daddy.” Bumuntong hininga ito. “Saan ka galing? Tanong niya kay Gwen, alam ng binata naligo ito amoy na amoy ni Luke ang gamit na sabon at shampoo ng dalaga. “Sa kabilang kuwarto naligo ako. May kailangan ka ba? Sorry Luke.” “Hey, okay lang ano ka ba? Kailangan mo rin ng oras para sa sarili mo.” Naramdamn ni Luke ang pag lapit ni Gwen sa kanya. Kahit masama ang pakiramdam ni Luke napangiti ito. Ang sarap kasi sa ilong ang amoy ni Gwen, kahit hindi nakikita ni Luke si Gwen alam ng binata na maganda si Gwen. Unang araw pa lang ni Gwen dito sa bahay, magaan na ang loob sa kanya ng binata. Boses palang ni Gwen alam ni Luke na mabait ang dalaga. “Luke, pakainin muna kita bago ka magbihis, inayos ko na ang mga gamot mo dito sa drawer, tinapon ko ang ang mga walang laman. Nagliligpit na rin ako para mabawasan ang kalat dito sa loob ng kuwarto mo. Pinatabi ni manang sa kabilang kuwarto ang mga gamit mo na hindi mo ginagamit baka raw kailangan mo pa.” Ani Gwen na panay ang subo kay Luke. Napangiti naman ang binata dahil hindi doon ang atensyon niya kundi sa boses ni Gwen. Napaka malambing at mahinahon ang boses niya masarap pakinggan at hindi masakit sa tainga. “Luke, naririnig mo ba ako? Aniya! “O-oo Gwen, nautal pa si Luke sa pagsagot dito, dahil ang totoo hindi naintindihan ng binata ang sinasabi ni Gwen. “Nakangiti ka kasi, may nagpapangiti ba sa’yo?” Tukso ni Gwen sa kanya. “Wala naman, siguro masaya lang ako dahil kahit papano may taong nagmamahal sa akin.” Ngiting wika niya. “Masarap ang ulam ngayon steam vegestables at tinolang manok. Dapat lagi ka kumain ng gulay huwag puro karne masama sa katawan ‘yan.” “Wow, masarap nga?” Komento ni Luke! Pinagmamasdan ni Gwen si Luke, maganang kumain ngayon ang binata. Hindi na nagsalita si Gwen patuloy lang ito sa pagsubo kay Luke. “Okay na Gwen, busog na ako salamat!” “You’re always welcome Luke!” Simula ng dumating si Gwen dito sa bahay, nabuhayan ng pag-asa ang binata. Handa na itong mag pagamot para muling makakita at makalakad, gustong gumaling ni Luke ‘yan ang nakatatak sa isipan niya. Pagkatapos kumain pinainom na siya ni Gwen ng gamot, napakunot ang kanyang noo. “Huwag ka na magalit, para hindi matapon ang tubig at hindi sumakit ang leeg mo dapat gumamit ka ng straw.” Napatango naman si Luke, hindi na umangal ang binata dahil para naman rin sa kabutihan niya ang ginawa ni Gwen. Lihim na napangiti si Luke sa concern na ipinapakita ng dalaga sa kanya, kahit palaging tumataas ang boses ni Luke kay Gwen binaliwala ng dalaga ‘yon. Naramdaman ni Luke ang basang towel sa kanyang kamay, pinupunasan ni Gwen ang kamag ni Luke. “Luke, okay ka lang ba?” Binatawan ni Gwen ang kamay ni Luke napatingin ito sa binata. “I’m sorry Gwen!” Hinahaplos na pala ni Luke ang kamay ng dalaga. “Gwen, kailan ako puwidi maligo?” “Kapag maayos na ang sugat mo, sa ngayon lagi muna kitang pupunasan. Kapag humilom na ang mga sugat mo lilinisin ko ang buong katawan mo.” Napangiti naman si Luke, sabay tango. “Luke, magbibihis na tayo, para makapagpahinga ka na.” Matapos bihisan ni Gwen si Luke, pinahiga na ito ni Gwen. “Gwen, nag kape ka ba?” Akala ng dalaga tulog na siya. “Yes Luke, para hindi ako antokin sa pagbabantay sa’yo? Gusto mo ba?” Alok niya dito. “No, thank you naamoy ko lang kaya mag tanong ako.” Aniya! “Luke, magsisimula na pala ako bukas sa paglilinis dito sa kuwarto mo. Don’t worry ililigpit ko ang mga gamit mo. At tatanungin ko si manang kung saan niya ipalipat.” Nagtaka naman si Gwen dahil wala ng imik si Luke, ng silipin niya ito nakatulog na pala ang binata. Nag-iisip na si Gwen sa gagawin niya bukas, gugupitin niya ang buhok ni Luke, e shave ang mahaba nitong begote, at lilinisin niya ang kuko nito. Tanghali na nagising si Luke, agad lumapit si Gwen at kinapa ang noo ng binata. “Luke, may lagnat ka, masakit ba ang lalamunan mo? Baka kasi may tonsil ka.” Ani Gwen sabay kuha sa temperature ni Luke. Nakahinga naman ng maluwang si Gwen dahil hindi naman ganun ka taas ang lagnat ni Luke. (37. 8) Agad pina inom ni Gwen ng gamot si Luke. “Every four hours kita painomin para hindi ‘yan tataas, baka napagod ka lang.” Ani Gwen na sobrang nag alala ito sa binata. “Thank you Gwen, salamat sa pag- alala mo sa akin!” “Walang anuman, trabaho ko ang alagaan ka. Kapag may nararamdaman kang kakaiba mag sabi ka sa akin para alam ko kung ano ang gagawin.” Ani Gwen sabay punas sa noo ni Luke. “Okay!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD