Si Gwen, anak mayaman, pero mas pinili niya ang maging simpleng tao. Pangarap niyang mamuhay nang normal. Pangarap din niya ang mag-alaga ng mga taong may sakit.
Nag-iisang anak at tagapagmana, sa edad niya na (22) wala pa siyang karanasan sa pag-ibig. Mapag-mahal, magalang at mabait na anak. Lahat ng katangian ng isang babae na hinahanap ng lalaki nasa kanya na.
Kahit may sarili silang kompanya, mas pinili pa niyang mag trabaho sa ibang kompanya.
Pumasok siya sa isang kompanya bilang isang CAREGIVER.
Sa tagal na niyang naninilbihan sa kompnaya, hindi pa niya naranasan ang mag stay-in sa loob ng bahay.
Ngunit paano kung isang mayamang pamilya ang humingi ng kanyang serbisyo at kailangan siya ng dalawang taon o higit pa, makaka tanggi kaya ang dalaga?
Ano kaya ang naghihintay sa kanya? kapag tinanggap niya ang dalawang taong kontrata.
Si Francisco Luke Villiamor isang anak mayaman ulilang lubos, bulag at hindi makalakad. Marami nang kinuhang private nurse ang kanyang Tita Belen para alagaan siya, pero walang tumatagal sa kanya. Dahil masama ang kanyang ugali.
Augusto Cortez, pinsan ni Luke. Dito nakikilala ni Augusto si Gwen dahil pinakilala siya ni Luke. Ngunit hindi inaasahan na ito pala ang naging mitsa ng pag-aaway nila dahil sa isang babae.
Minahal ni Luke si Gwen kahit hindi niya ito nakikita, samantalang si Augusto lihim niyang minahal ang dalaga na walang nakaka-aalam.
Sino kaya ang magwawagi sa puso ni Gwen? Ating subaybayan ang kuwentong pag-ibig ng tatlong taong nag-mamahalan pero pilit pinahihiwalay ng tandhana.