Chapter 2

3498 Words
“Magandang hapon po Manang Melissa.” bati ng dalaga sa matanda. “Mas maganda ka pa sa hapon hija!” nakangiting bati rin ni Manang Melissa kay Gwen. Hapon nang magising si Gwen buong gabi hindi ito nakatulog ng maayos. Naninibago si Gwne dahil ngayon lang niya naranasan ang matulog sa ibang bahay. “L “Alam mo hija ngayon lang nalate si Luke ng gising mukhang maayos ang tulog niya.” ani manang, napangiti naman si Gwen. “Mag breakfast ka muna pagkatapos ikaw na ang magdala ng mga gamit ni Luke sa kuwarto.” sabay turo ng matanda sa mga nakaplastic na gamit sa ibabaw ng mesa. Tahimik lang si Gwen habang kumakain ito nakatingin siya kay manang na abala saga ginagawa. Pagkatapos ni Gwen kumain ay nagpaalam na ito sa matanda, katulad ng utos ni manang dinala niya sa kuwarto ni Luke ang mga gamit niya. Masarap pa rin ang tulog ni Luke kaya hindi siya gumawa ng ingay, Inilapag muna ni Gwen sa sahig ang mga gamit nito mamaya na lang niya aayusin kapag gising na ito. Ang sabi ni Manang Melissa pumunta raw kanina ang nurse ni Luke, pero hindi ito nagtagal umalis rin. Naka-upo si Gwen sa sofa pinagmamasdan niya ang buong kuwarto, napatingin ito sa pinto ng may kumakatok mula sa labas. Nagmamadaling tumayo si Gwen upang pagbuksan ang taong nasa labas. Pagbukas ni Gwen sa pinto isang magandang babae ang bumungad sa kanya. Yumuko si Gwen ngunit walang salitang lumabas sa bibig nito. “Hi Gwen, I'm Belen, Tita ni Luke.” yumuko ulit si Gwen bigla itong nahiya nagulat na lang ito ng bigla siyang yakapin ni Belen. “Magandang umaga po ma’am Belen, pasensya na ka’yo hindi pa po ako nakaligo amoy pawis pa po ako.” aniya, na ikinatawa naman si Belen. “Hey, It's fine Gwen anyway kumusta ang unang gabi mo dito? Did Luke giving you a hard time?” tanong ni Belen sabay upo nito sa sofa. “Hindi naman po, actually his feel better now pagkatapos ko linisin ang sugat niya, pinalitan ko rin po ang bandage sa paa at kamay nito. His good I have nothing to say, Luke need atensyon kaya sana huwag natin ipagdamot sa kanya iyon.” ani Gwen, napatango naman si Belen at mas lumapad ang ngiti nito. “I think nakita ko na ang hinahanap ko, and I know Luke will like you. I mean gusto ka ni Luke para alagaan siya, kilala ko si Luke if he don’t like you kagabi pa lang nagsusumbong na iyon sa akin. But thanks god behave na siya ngayon and you know what? You’re smart darling.” aniya Belen. “Thank you po I promise gagawin ko ang lahat ng makakaya ko matulongqn lang si Luke.” mula sa pusong sabi nito. “Please Gwen, huwag mong sukuan si Luke magbabayad ako ng doble maalagan lang siya ng mabuti.” ani Belen. “Huwag po ka’yo mag-alala sisikapin kong intindihin si Luke.” nakagiting saad ni Gwen. “Maraming salamat sa'yo Gwen kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa akin.” “Ma’am Belen kung okay lang po sa inyo gusto ko sana linisin ang buong kuwarto ni Luke.” napatango si Belen. “Manang, pakisabi sa mga pamangkin mo kailangan na sila ni senyorito Luke. Kung puwidi bukas ng hapon nandito na sila para may katuwang si Gwen sa paglilinis dito sa kuwarto niya. Gwen hintayin mo muna ang mga pamangkin ni manang bago ka maglilinis.” tumango si Gwen lumapit naman si Belen sa higaan ni Luke kaya nakasunod ang mata ng dalaga kay Belen. Sa totoo lang kinakabahan si Gwen mukhang mataray kasi ang Tita ni Luke. “Ang guwapo ni Luke ngayon.” masayang sabi ni Belen at napatingin pa ito kay Gwen. “Sa tingin ko magkakasundo ka’yo ni Luke mabait na bata si Luke kaya sana alagaan mo siya ng maayos para bumalik ang dati nitong buhay. Ngayon alam ko na kung ba’t ang mga nurse na nakuha ko ay hindi type ni Luke, ikaw pala ang hinihintay niya.” natatawang saad ni Belen, lumapit ito kay Gwen sabay hawak niya sa kamay nito. “Kapag pasaway si Luke isumbong mo agad sa akin. And please call me Tita Belen parang tatanda ako sa tawag mo sa akin. Gwen, mga gamit ito ni Luke ikaw na ang bahalang magligpit nito pakisabi pumunta ako. Bukas bibisita ulit ako dito kakausapin ko si Luke, ayoko istorbohin ang tulog niya ngayon.” aniya, matapos mag paalam ni Belen ay lumapit naman si manang . “Hija maligo ka muna habang tulog pa ang alaga mo.” napakamot naman sa ulo si Gwen sabay ngiti. “Manang, wala po akong damit kaya hintayin ko magising si Luke para makapagpaalam ako sa kanya na aalis ngayon.” napatango naman ang matanda, habang naghihintay si Gwen kay Luke inayos muna nito ang mga dala ni Belen kanina. Napahinto ang dalaga ng marinig nito ang boses ni Luke tinatawag niya ang pangalan ni Gwen. Mabilis tumayo si Gwen ng makita niya si Luke ay napangiti ito. “Gising ka na pala may kailangan ka ba? Gusto mo mag banyo?” Hinawakan ng dalaga ang kamay ni Luke, nakahinga naman ng maluwang ang binata ng maramdaman nito si Gwen. “Gwen kumusta ang tulog mo? Nakatulog ka ba ng maayos? Sorry nalate ako ng gising, anong oras na ba?” nag-alala nitong tanong na ikinagiti ni Gwen. “Don't worry about me, I'm fine, It’s fine mas mabuti nga iyan dahil nakatulog ka ng maayos. Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?” aniya. Inalalayan ni Gwen si Luke upang maka-upo at makakain ng almusal. “Kumain ka na para makainom ka ng gamot, Luke magpapa-alam sana ako sa iyo kung okay lang pupunta sana ako ng accomadation huwag ka mag-alala babalik naman ako, kukuha lang ako ng damit.” saad ni Gwen nakatingin ito sa mukha ni Luke, bumuntong hininga muna ang binata bago nagsalita. “Basta ipangako mo na babalik ka baka katulad ka rin nila iyong mga nurse na pumunta dito iniwan ako.” ramdam ni Gwen ang lungkot sa boses nito, inabot niya ang kamay ni Luke at pinisil iyon. “Luke, may isang salita ako, pero kung ayaw mo akong payagan hindi naman kita pipilitin. It’s okay kung hindi puwidi ipapahatid ko na lang sa driver bukas.” aniya Gwen. “Hindi ba delikado? Gabi na kasi baka mapano ka sa daan, kung puwidi bukas ipabukas mo na lang iyan. I’m sorry pero nag-alala ako sa iyo.” anito sabay hinga ni Luke ng malalim. Walang tao bukas sa accomodation hindi makakapasok si Gwen dahil nakalimutan niya ang sariling susi nito sa loob ng kanyang kuwarto. “Gwen, huwag ka magtagal bumalik ka agad.” napatingin si Gwen sa binata. “Papayag ka na aalis ako? Promise hindi ako magtatagal, thank you Luke.” masayang sabi ni Gwen. Bago umalis si Gwen pinagbanyo muna niya ang binata nakakain na rin ito kaya naman panatag ang kalooban ni Gwen. Hytec ang mga gamit ni Luke dito sa loob ng kanyang silid kaya hindi ka mahihirapan. Inabot ni Gwen ang tungkod ni Luke pinahawak niya sa binata ito kasi ang nagsisilbing mata ni Luke kapag wala itong kasama. Ngayon lang napansin ni Gwen na may portable toilet bowl pala dito sa gilid ng kama ni Luke. Hindi kasi halata na bowl dahil nakabalot ito nang mabalahibong tela. Akala tuloy ni Gwen upuan napailing siya dahil kanina umupo siya sa bowl na iyon. Nang huminto si Luke agad itinaas ni Gwen ang kanyang suot na hospital gown ibinaba ni Gwen ang boxer nito ngunit mabilis pinigilan ng binata ang kamay ng dalaga. “Kailangan mong masanay isipin mo wala ako.” saad ni Gwen sa mababang boses. Pinagmamasdan ng dalaga ang bawat galaw ni Luke siguro matagal na itong pinag-aralan ng binata dahil alam na niya kung paano dumistansya sa toilet bowl upang maka-ihi. Kumuha si Gwen nang wet wipes inabot niya ito kay Luke, nag-aalangan pa ito dahil nahihiya siya sa dalaga. “Salamat Gwen.” “You’re welcome Luke.” Alam ni Gwen hindi komportable si Luke sa presensiya nito. Sa ilang taong nagtatrabaho si Gwen bilang isang Caregiver hindi na bago sa kanya ang hubad na katawan lalo na ang kaselanan ng kanyang mga pasyente. Take note walang nobyo si Gwen pero hindi na virgin ang mata nito dahil sa kanyang mga nakikita. Sanay na ang dalaga sa ganito kaya alam na ni Gwen ang teknik sa mga pasyente na masyadong maarte. Inakay na ni Gwen si Luke papunta sa kanyang kama, naglagay muna si Gwen ng unan sa likod ni Luke para hindi ito masaktan. Nang makasandal na si Luke ay hinugasan ni Gwen ang kamay nito at pagkatapos nilagyan niya ng alcohol ang kamay ng binata. Sinigurado ni Gwen na palaging malinis si Luke hindi niya ito hinayaang marumihan dahil kapag nagkasakit ay siya rin ang mahihirapan. Palaging naka-sout ng gloves, mask, hospital gown, at iba pang mga kailangan si Gwen. Ganito ang buhay ng dalaga masaya siya sa tuwing makikita niyang masaya ang mga pasyente nito. “Gwen, okay na ako puwidi ka ng umalis para makabalik agad.” sabi ni Luke dito at nagpaalam na ito, bago umalis ng bahay kinausap muna ng dalaga si manang. “Mag-ingat ka huwag masyado mag-pagabi.” ani Manang Melissa. “Salamat po.” aniya. Ilang saglit lang naghintay si Gwen at dumating na ang kanyang sundo. “Kumusta kayong lahat? Bakit parang sinakloban ka’yo ng langit? May nangayri ba sa trabaho ninyo?” tanong ni Gwen sa mga kasamahan nito, gusto niya matawa dahil hindi na madrawing ang mga mukha nila. “Ito gutom na gutom ang masaklap masungit pa ang pasyente ko maramot sa pagkain.” Nakasimangot na sumbong ni Rich, sa kabilang upuan ay halos hindi maipinta ang mukha ni Itang. Habang si Amy naman tahimik sa isang tabi at nakatulala. Ito ang problema sa mga amo minsan makakatagpo ka nang amo na pangit ang ugali, minsan naman utos dito utos doon hindi ka naman pakakainin. Sanay naman sila sa trabaho pero kapag nagugutom ay hindi na tama iyon. “Hindi ka’yo nagreklamo? Hinayaan ninyo na hindi ka’yo pakainin?” kunot noo na sabi ni Gwen. “Hindi na ako nagreklamo hindi naman ako babalik doon. Ikaw Gwen kumusta ayos ba ang amo mo?” tanong ni Itang. “Oo, umuwi lang ako para kumuha ng mga gamit, mabait ang amo ko.” ani Gwen. “Wow, halata nga sa mukha mo kilala ka namin budang hindi mo babalikan kung hindi mo nagustohan.” ngiting saad ni Amy. “Basta magpakabait ka huwag ka mag-pagutom.” wika naman ni Rich na nakataas pa ang kilay, sa tagal nila sa ganitong trabaho ay kilala nila ang bawat isa. Mahalaga kay Gwen ang kanilang pagkakaibigan, mahalaga rin kung paano sila tratuhin ng kanilang mga pasyente. Masaya sila sa kanilang trabaho at kahit mahirap kaya nilang tiisin. Para sa dalaga ito ang pinaka magandang trabahong napili niya sa buhay kanyang buhay. Gusto ni Gwen makatulong sa mga mahihirap kaya naman masaya ito sa kanyang ginagawa at proud ito sarili niya. “Iyong deal natin huwag mong kalimutan!” wika ni Rich sabay tawa naman ng dalawa sa likod. “Promise hindi ko makakalimutan unang sahod ko elilibre ko ka’yo.” ngiting saad ni Gwen, sabay pa nilang niyakap ang dalaga at hinalikan sa noo. Pagdating nila sa kanilang accommodation ay nagmamadaling silang bumaba. Nasa twelve floor ang kanilang room kaya kailangan pa nila sumakay ng elevator. Dumiritso si Gwen sa silid nito upang uniform lang naman ang kailangan niya dahil iyon ang susuotin niya araw araw. “Mag-ingat ka’yo sa day off ko sabay-sabay ta’yo para masaya.” saad ni Gwen nakaupo sina Rich, Itang at Amy sa tabi nito malungkot ang mga mukha. “Ikaw ang mag-ingat sa trabaho mo baka mamaya apihin ka ng alaga mo.” magkasabay pa nilang wika na ikinatawa naman ni Gwen. “Kompleto na ba ito? Ang uniform mo lahat ba dala mo na?” denoble tsek pa ni Rich ang bag ni Gwen. Ganito sila magkakaibigan kapag isa sa kanila ang mag stay in sa loob ng bahay ay malulungkot ang lahat. Motor ang gagamitin ni Gwen pauwi sa bahay ni Luke kaya back pack lang ang nito. “May budyet pa ba ka’yo?” tanong ni Gwen sa tatlo, nagkatinginan naman sila sabay tawa ng malakas. Pagdating sa pagkain si Gwen na ang bahala every week itong nag grocery para sa lahat. “Ikaw talaga hindi mo na obligasyon ang pakainin kami, kami na ang bahala sa aming mga sarili.” ani Itang sabay tapik sa balikat ni Gwen. Kahit mayaman silang magkakaibigan ay hindi sila naglalamangan. Pagkatapos mag-paalam si Gwen ay bumaba na ito, pagdating sa parking agad pina-andar ni Gwen ang kanyang motor. Nagsuot ito ng helmet at gloves, nasa likod rin nito ang kanyang backpack. Nagsimula ng magmaneho ang dalaga masarap ang simoy ng hangin ngayon nakakawala ng stress at nakakarelax. Nagulat naman ang dalaga ng biglang bumusina ang isang maitim na kotse sa tabi nito. Mabuti na lang alerto si Gwen naka-iwas siya sa kotse, huminto muna ito ng ilang minuto dahil may mga taong tumatawid. Akala ni Gwen ay wala na ang kotse ngunit laking gulat nito dahil nakasunod pala ito sa kanyang likuran. Hindi naman makita ng dalaga kung sino ang nasa loob dahil tented ang salamin ng kotse. Dahan dahan ang pagpapatakbo ni Gwen sa kanyang motor, hindi na lang binigyan ng pansin ni Gwen ang kotse. “Hoy, kung nagmamadali ka huwag mo akong idamay!” Inis na sigaw ni Gwen kahit alam nito na hindi siya maririnig. Mabilis ang bawat kilos ng dalaga pinatkbo niya nang mabilis ang kanyang motor. Nagtataka si Gwen dahil nakabuntot sa kanya ang magarang kotse. “Sino sila? Ba’t sinusundan nila ako?” tanong ni Gwen sa sarili, kahit kinakabahan ang dalaga ay patuloy ito sa pagmamaneho. Nang mapansin ni Gwen ay siya talaga ang sinusundan ng kotse ay nag-iba siya ng daan. Napangiti ang dalaga nang makita nitong wala na ang kotse hindi na nakasunod sa kanya. Napahinga ng malalim si Gwen sa sobrang pag-iwas nito ay nakarating na pala siya sa isang coffe shop. Hindi muna dumiritso si Gwen sa bahay ni Luke, bumaba siya sa kanyang motor bigla kasi itong natakam sa amoy ng kape. Pagpasok ni Gwen ay agad itong nilapitan ng waitress at binigyan ng menu. Agad naman pumili ang dalaga kaya nag order iyo ng isang slice na cheez cake at isang coffee. Dinayal ni Gwen ang number ni Luke isang ring pa lang sinagot na ng binata ang tawag nito. “Hello Gwen, nasaan ka na?” masayang bungad ni Luke sa dalaga. “Luke, pauwi na may binili lang ako.” sagot naman nito, napangiti pa si Gwen ramdam niya ang saya ni Luke kahit hindi niya ito nakikita. “Okay, sayang dumalaw ang pinsan ko gusto sana kitang ipapakilala sa kanya. But I’ts fine next week pupunta naman sila dito, Gwen mag-ingat ka.” anito, umupo muna si Gwen sa isang bato bago nagsalita. “Luke, may ibang araw pa naman hayaan mo makikilala ko rin ang mga mga pinsan mo.” saad ng dalaga na ikinatango naman ni Luke. Pagkatapos nila mag-usap ay nagpaalam na si Gwen sa binata, kapag ganitong oras pala ay maraming tao dito sa coffee shop. “Wow, ang sarap.” saad ng dalaga habang kumakain ng cheez cake. Ang ibang mga costumer ay napapatingin pa sa kanya, wala naman pakialam si Gwen sa kanyang paligid kaya hindi na ito nag-abala pa. Pagkatapos kumain ni Gwen ay nagpasya na itong umalis pero bago ito lumabas humingi muna siya ng number sa waitress Habang sinusuot ni Gwen ang kanyang helmet ay nakita nito ang mga lalaking pumasok sa coffee shop. Nakakatakot ang kanilang mga awra sa titig pa lang parang kakain na sila ng taong buhay. Naagaw naman ng atensyon ni Gwen ang isang matangkad, guwapo, makisig na lalaki badboy looks at puno ng tattoo ang kanang kamay nito. Salubong ang dalawang nitong kilay parang bang galit ito sa mundo, napapailing si Gwen. Ilang sagoit lang ay nakarating ang dalaga sa bahay ni Luke, tahimik ang buong paligid tanging ingay lang ng paa nito ang maririnig. “Good evening hija, mabuti dumating ka na, kanina ko naghinihintay si Luke sa iyo.” wika ni manang. “Pasensiya na po kung natagalan ako.” hinging paumanhin ng dalaga sa matanda. “Walang problema ang mahalaga nandito ka na, umakyat ka na baka gising pa ang alaga mo.” aniya. Nang makapasok si Gwen sa silid ay nadatnan niya si Luke na naka-upo, mukhang hinihintay talaga niya si Gwen. “Yaya, ikaw ba iyan? Wala pa ba si Gwen?” anito. “Luke, ako ito.” wika ni Gwen at nilapitan ito, kitang-kita sa mukha ng binata ang saya. Hinawakan ni Gwen ang kamay nito kaya napangiti si Luke. “Salamat at bumalik ka.” pinisil pa ni Luke ang kamay ng dalaga kaya napatingin si Gwen dito. “Kumain ka na ba?” tanong ni Gwen sabay bawi sa kamay nito. “Oo Gwen, pinakain na ako ni Ash sayang nga wala ka hindi mo tuloy sila naabutan. Ayaw nila maniwala na maganda at mabait ang taga-alaga ko.” sumbong ni Luke sa dalaga, natawa ng mahina si Gwen. “Hayaan mo bukas ipakilala mo ako sa kanila, sabihin mo sa kanila bukas pumunta sila dito para makita ako.” Ang matapang na saad ni Gwen dito. “Malalim na ang gabi magbihiis na ta’yo, bukas na natin pag-usapan iyan at para makapagpahinga ka na rin.” ani Gwen sabay tanggal sa mga saplot nito at pinalitan ng hospital gown. Bukas maglilinis si Gwen sa buong kuwarto, makalat ang silid ni Luke kaya kailangan linisin ng mabuti. Nakahiga na si Luke sa kanyang kama, habang si Gwen naman ay natingin sa kanya. “Luke, matulog ka na.” sabay ayos ng dalaga sa kumot ni Luke, hindi napigilan ni Gwen ang matawa ng makita ang suot na brief ni Luke. “Gwen, bakit ka tumawa?” kunot noo tanong nito. “Wala naman may naalala lang ako, sorry.” aniya, kaya pala ayaw ni Luke bihisan siya ni Gwen kanina ng brief dahil nakabihis na ito, iyon nga lang baliktad ang pagkakasuot niya. “Okay, good night Gwen.” wika pa ni Luke sabay hikab nito, Inayos muna ni Gwen ang position ni Luke naglagay ito ng unan sa tagiliran niya para maging komportable siya. Ilang saglit lang naging tahimim ang buong silid, sa sofa ulit natulog si Gwen. “Luke, kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako.” kahit hindi na sumagot ang binata ay nagsalita pa rin si Gwen. Pasado ala una na nang madaling araw kaya naman inaantok na si Gwen. Gusto na sana niya matulog ngunit hindi pa full charge ang phone nito. Ginamit muna ni Gwen ang kanyang loptop at nag scroll muna sa social media. Pagbukas ni Gwen ng kanyang data ay nagulat pa ito dahil sa dami ng notification. Natawa ito ng makita niya ang kanyang mga kaibigan na nagtitiktok. Naghahamon na naman sila ng challenge na sayaw ng makita ni Gwen ang post ni Rich agad itong nag comment. Nagpasaway muna sila sa comment section bago sila natulog. Sinilip ni Gwen ang binata napahinga ito ng maluwang nang makitang mahimbing na ang tulog nito. Bago lamunin ng antok si Gwen ay narinig nito ang mahinang ungol ni Luke. Pumikit si Gwen hindi na niya pinansin ang ungol ni Luke, maya maya pa ay nagulat ito ng marinig niya ang boses ni Luke. “Mommy! Daddy! Please huwag niyo po akong iwan. Dad, hold on please.” malakas na sigaw ni Luke sa gitna ng kanyang pagtulog. Napabangon ang dalaga, mabilis nilapitan ni Gwen si Luke at agad hinawakan ang kamay ng binata na nanginginig sa takot. “Luke, wake up! Luke, your dreaming.” sabay tapik ni Gwen sa mukha ni Luke, nahihirapan itong huminga. Pinagpawisan si Luke nanginig ang buong katawan nito, agad tinaas ni Gwen kanyang ulo upang sa ganun ay makahinga ito ng maayos.“Luke, everything is fine don't be afraid, nandito ako sa tabi mo hindi kita iiwan.” ani Gwen at napayakap ang binata sa baywang ng dalaga. Humagulgol naman ng husto si Luke habang nakayapos ang kamay nito kay Gwen. “Gwen, normal lang ba na palagi kong napapanaginipan sina mommy at daddy?” para itong batang nagusumbong. “Luke, panaginip lang iyon please kumalma ka, yes normal lang iyan kaya ipanatag mo ang kalooban mo.” aniya Gwen. “Gwen, huwag mo akong iwan please.” anito. napatango si Gwen, niyakap niya si Luke hanggang sa nakatulog ito ulit. Naawa ang dalaga sa sitwasyon ni Luke parang sasabog ang dibdib nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD