Chapter 1

3595 Words
Gwen “Good morning dad papasok na po ako sa trabaho.” Paalam ni Gwen sa ama, humalik muna ang dalaga sa pisngi ng ama bago ito lumabas nang bahay. “Mag-ingat ka anak!” Pahabol pa nito, tinungo ng dalaga ang parking area kung saan naka park ang kanyang yamaha motorcycle. Bago pa lang ang kanyang motor kaya excited si Gwen na gamitin ito. May sariling kotse naman ang dalaga ngunit mas gusto pa nito gumamit ng motor, Iwas traffic din sa daan at komportableng sakyan. Mayaman ang pamilya ni Gwen ngunit 'di umaasa ang dalaga sa mga magulang niya. Mas gusto pang kumayod ng dalaga para magkaroon ito nang sariling pera. Pumasok si Gwen sa malaking kompanya kung saan nagtatrabaho ito bilang isang Caregiver. Oo, ito ang pangarap ni Gwen, bata pa lang siya gusto na niya mag-alaga nang matatanda. Nong una pinipigilan siya ng kanyang daddy ngunit kalaunan ay sinuportahan din nila ang dalaga. Ang gusto kasi ng daddy ni Gwen siya ang hahawak ng kompanya nila gayong nag-iisang anak lang naman ito. Ngunit sa kagustohan ni Gwen na makatulong tinanggihan niya ang kanyang ama. Masaya si Gwen dahil wala na itong maririnig mula sa ama. Sobrang nagpasalamat rin siya dahil masaya na ito sa kanyang trabaho. May kalayuan ang kompanya kung saan nagtatrabaho si Gwen kaya naman maaga pa lang ay umaalis na ito sa bahay. Lunes ngayon maraming phone calls, maraming costumer ang aasahan sa kanila. Kaya naman magiging busy ang araw na ito para sa kanila. Binabagtas na ni Gwen ang kahabaan ng highway, hindi traffic kaya nakakarelax ang biyahe ng dalaga. Isa sa mga paborito ni Gwen ang motor riding minsan kapag day off niya ay sumasam ito sa kanyang mga kaibigan para makapag-bonding. Nang marating ni Gwen ang workplace nito ay agad itong naghanap ng bakante para ma e-park niya ang kanyang motor. Napahinga ng malalim si Gwen kailangan pa niya pumasok sa basement dahil wala ng bakante dito sa labas. Hindi uuwi si Gwen ngayon sa kanilang mansion gusto niya magpahinga kaya dito siya matutulog sa accomodation. Darating ang mga pinsan ni Gwen galing America kaya maingay ang mansion kapag nariyan sila. Dito sa kompanya walang nakaka-alam sa status ni Gwen. Kahit mayaman siya mas pinili niyang ipakilala ang sarili bilang isang simpleng tao. Palinga-linga ang dalaga sa buong parking area ng makita ang bakante agad pinaharurot ni Gwen ang kanyang motor. Sa bilis ng kilos ni Gwen ay nakapark na ito, agad bumaba ang dalaga at naglakad papuntang elevator. Napatalon si Gwen ng biglang bumusina ang sasakyan na nasa likuran niya. Siguro kung hindi nagmamadali si Gwen ay baka pinagsabihan na niya ang may ari ng sasakyan. Sa halip na mainis ang dalaga hindi na lang niya pinansin iyon bagkus ay nilagpasan ito ni Gwen. Nang makapasok siya sa loob ng elevator ay nagmamadali pinindot ang 5th floor. “Good morning.” Bati ni Gwen sabay ngiti. “Good morning, wow, blooming ta’yo ngayon.” Sabi naman ng tatlo nitong kaibigan na sina Rich, Amy, at Itang. Sila ang matalik na kaibigan ni Gwen alam ng tatlo kung anong klaseng buhay ang mayroon si Gwen. Sa tuwing dayoff nila ay laging magkakasama ang tatlo. Mayaman rin ang mga kaibigan ni Gwen ngunit katulad niya mas pinili nila ang mamuhay ng simple. Sa kanilang accomodation hiwalay ang kuwarto ng lalaki at babae. “Good morning sa inyong lahat.” Sabay silang napatingin sa pintuan ng bumukas ‘yon. Ang kanilang manager na si Sir Kevin ay kararating lang rin. “Good morning Sir Kevin.” Si Gwen na ang sumagot dahil nakatulala na ang mga kasama niya. “Girls, get ready marami tayong costomer ngayong araw. Gwen ka’yong apat isang location lang.” Sabi ni Sir Kevin sabay upo sa swevil chair. Napangiti naman si Gwen ito ang paborito nila ang magkasam sa isang location. “Ladies, alas-seyete na baka mainip ang driver natin sa baba. Ngiting wika ni Sir Kevin, nagtimpla si Rich ng kape kaya natagalan sila. “Bye Sir.” Sabay-sabay nilang paalam at kanya-kanyang bitbit ng mug papunta sa sasakyan. Nag-uunahan pa sila kung sino ang maunang maka-upo loob sa loob. Napangiti ang bawat isa kapag silang apat ang magkasama walang katumbas na saya. “Ito ang maganda lagi ta’yo ang mauna.” Sabi ni Rich sabay kaway pa sa isang kamay nito. Agad naman silang umalis sa loob ng sasakyan na rin nila hinigop ang kanilang kape. Minsan lalaki ang naunang sumakay kaya naiinis sila dahil amoy yose ang kotse. Kapag maubusan na sila ng sasakyan ay sasabay ang mga lalaki. Isa sa mga dahilan kung ba't mas gusto pa ni Gwen ang gumamit ng motor. Dahil hindi niya kaya ang usok ng sigarilyo kaya minsan mag-isa na itong puntahan ang location. Alam na mg driver na isang babaan lang sila kaya naman umidlip muna para kahit papano ay maka-relax. “Gwen, hintayin mo kami kapag mauna kang matapos.” Sabi ni Rich sabay bukas nang pinto. Ngayon lang napansin ni Gwen na nakarating na pala sila sa kanilang location. “Sure Rich, mag-ingat kayo.” De-noble tsek muna ni Gwen ang listahan na hawak niya baka kasi magkamali. Namangha naman si Gwen sa laki ng bahay diritso lang ang lakad tagamaneho hanggang sa marating nila ang gate. Bumaba agad ang dalaga at agad nitong pinindot ang doorbell. Ilang minuto lang ay bumukas ang gate at bumungad kay Gwen ang matandang babae. “Good morning po.” Bati ni Gwen sa matanda. “Good morning hija, Ikaw ba ang pinadala ng kompanya dito?” “Opo.” Magalang na sagot ni Gwen. “Pasok ka hija kanina pa naghihintay si Sir Luke sa’yo.” Aniya, nakamasid si Gwen sa buong paligid habang nakasunod ito sa likod ng matanda. “Hija, anong pangalan mo?” Napangiti si Gwen. “Ako nga po pala si Gwen.” Aniya, sabay tingin ng dalaga sa matanda. “Gwen, sumunod ka sa akin para maka-usap mo si Luke.” Hindi na nagulat si Gwen marami na itong naging pasyente at karamihan sa mga iyon ay lalaki. Dalangin ni Gwen na sana mabait ang amo, sa araw-araw na pag-tatrabaho nila ay ibat-ibang ugali at mukha ang nakasalamuha ng bawat isa. “Yaya, ikaw ba 'yan?” Boses ng lalaki na nagmula sa silid kung saan sila pumasok ngayon. Hindi makita ni Gwen dahil napapalibotan nang makapal na kurtina ang boung silid. “Luke, dumating na ang Caregiver na pinadala nang kompanya.” Sabi pa ng matanda. “Yaya, iwan mo muna kami kausapin ko lang siya maghatid po kayo ng pagkain o mainom dito sa taas.” Utos ni Luke na agad naman sinunod ng matanada. “Hija, maiwan muna kita dito babalik ako huwag ka mag-alala mabait si Luke kaya ipanatag mo ang kaloobam mo.” Tango lang ang naisagot ni Gwen, nang maka-alis na ang matanda katahimikan ang namutawi sa buong silid. Pinagmamasdan ni Gwen si Luke habang kinakapa ang tagiliran nito. Nakaramdam ng awa ang dalaga dahil puno ng galos ang iba't ibang parti ng katawan nito ang kamay at paa naka bandage pa. “Bulag!” Naibulong ni Gwen sa kanyang sarili. Marami nang naging pasyente ang dalaga ngunit kakaiba ito . Awang-awa ang dalaga sa itsura ng lalaking kaharap hirap na hirap ito sa sitwasyon niya ngayon. Hindi alam ni Gwen kung magsasalita ba siya o pagmamasdan na lang ang kaawa -awang lalaki. “H-hello, can I talk to you?” Utal nitong sabi. Mabilis kinuha ni Luke ang remote para ma adjsut ang higaan nitong hospital bed. Lumapit naman si Gwen, umupo sa tabi niya, habang si Luke nakayuko ito halatang nahihiya kay Gwen. “What's your name?” Aniya sabay kapa ng kung anong bagay sa ilalim ng unan niya. . “I'm Gwenyth, Javier. But you can call me Gwen. Your name is Luke right?” Nakita ng dalaga ang pag-ngiti ni Luke. Nagulat pa si Gwen dahil ang buong akala niya hindi marunong ngumiti ang kausap. “Can I know you more?” Mahinang tanong ng dalaga dito. “Yeah, sure, I’m Francisco Luke Villiamor, twenty six years old.” Huminga ng malalim ang binata bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Bulag ako Gwen, and I'am useless.” Aniya sabay pahid sa sariling luha. “ Sshh... Don't say like that ang mahalaga buhay ka? Nakaka-usap mo ang mga taong nasa paligid mo. Huwag ka mawalan ng pag-asa.”Pilit na ngumiti si Gwen. “There's is no chance na mabuhay pa, wala ng silbi para manatili sa mundong ito.” Parang dinurog ng pino ang puso ng dalaga sa narinig mula kay Luke. “Be strong Luke, lahat tayo may pinagdadanan sa buhay. Hindi namalayan ng dalaga hinahaplos na nito ang likod ni Luke. Guwapong lalaki si Luke. Matikas, makisig, at mayaman. “I'm sorry to ask, pero anong nangyari sa'yo!” Halos 'di na maibuka ni Gwen ang kanyang bibig nasaktan ang dalaga sa kanyang nakita. “Plane crused!” Tipid nitong sagot, napatango ang dalaga. “Bihira lang ang mabuhay sa ganitong aksedente, swerte niya nabuhay pa siya.” Ani ng isip ni Gwen. “Sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kung gawin.” Wika ni Gwen. Sa buong buhay ni Gwen ngayon lang siya natakot, natakot itong hawakan si Luke dahil sa mga sugat nito. “I’m sorry kung tinanong ko pa sa’yo kung ano ang dapat gawin, nabigla ako sa mga sugat mo.” Dagdag pa nito. “Ang gagawin mo linisin ang sugat ko, paliguan, pakainin at alagaan. Kaya mo ba gawin ang mga pinapagawa ko sa'yo?” Biglang umiba ang awra ni Luke, galit ito habang nagsasalita. “Magsabi ka ng totoo, lahat ng mga pumupunta dito iniiwan ako, hindi nila kayang alagaan ang isang tulad ko.” Aniya. Ngumiti ang dalaga, sa tuno ni Luke parang minaliit niya ang kakayahan ni Gwen. “Don't worry Luke, susubukan ko kapag hindi mo nagustohan ang trabaho ko p'widi mo ako pa-alisin.” Wala pang sinukuan si Gwen pagdating sa trabaho, lalo na sa kanyang mga pasyente. “Hija, kumain ka muna bago ka magsimula sa gagawin mo.” Sabay lapag ni Manang sa pagkain niyang dala sa ibabaw ng mesa. “Salamat po pero tapos na po ako mag breakfast.” Magalang na tanggi niya dito. “Ikaw ang bahala, kung kaya mong pakainin si Luke subukan mo kung hindi naman ako na ang magpakain sa kanya.” Aniya dito. “Manang, ako na po ang bahala kay Luke!” Napatango naman ang matanda at lumabas na ng silid. “Luke kaya mo bang umupo?” Lumapit si Gwen kay Luke bago niya binaba ang bed nito. “Susubukan kong umupo, minsan kasi masakit umupo dahil sa mga sugat ko sa likod.” Aniya Luke at nagsimula nang gumalaw. Nang maka p’westo sinimulan na ni Gwen pakainin si Luke. Lihim na nagpasalamat ang dalaga dahil wala itong narinig na reklamo mula kay Luke. Nagpatuloy si Gwen sa pagsubo sa kanya hanggang sa naubos ang nasa plato nito. “Huwag mong p’wersahin ang sarili mo kung ‘di mo pa kaya baka dudugo ang sugat mo.” Ani Gwen. “Salamat Gwen!” Nanatili si Gwen sa tabi ni Luke, inisip niya kung paano tutulongan ang binata. “Water please!” Agad naman inuma ni Gwen sa kanya ang baso na may straw. Dahil bulag si Luke kinailangan mong mag-ingat kung ako ang ibibigay mo sa kanya. “Salamat hija sa tagal na panahon ngayon ko lang nakitang kumain ng marami ang alaga ko.” Napalingon si Gwen sa likod niya, nakatayo pala si Manang at pinagmamasdan sila. “Walang anuman po Manang!” Aniya. “Yaya, ‘yong pagkain masyadong maalat, sa sununod huwag ka na magkagay ng asin.” Anito. Napangiti naman si Gwen ngayon lang nagreklamo si Luke kung kailan ubos na ang pagkain niya. “Hijo, pasen’sya na baka na doble ko ng lagay kaya naging maalat.” Tumango lang si Luke bilang sagot. Ilang minuto ang pinalipas ni Gwen bago ito nag simula sa kanyang gagawin. Kailangan ng linisin ang sugat ni Luke. Hinanda muna ni Gwen ang mga gagamitin niya sa paglilinis, mabuti kompleto dito sa loob ng kuwarto ni Luke lahat nandito na. “Linisin ko muna ang sugat mo sa likod, saka ako magsisimula dito sa kamay.” Mahinang sabi ng dalaga. Mukhang hindi pa naman nalinisan ng maayos ang sugat ng binata dahil namumuo pa ang mga dugo nito. “Gwen p'widi mag-usap muna tayo? Gusto kong makasiguro kung kaya mo ba akong alagaan. Baka kasi katulad ka rin ng iba iniwan nila ako.” Seryosong wika ni Luke. “Hindi mo naman siguro ako kakagatin diba? Gagampanan ko ang trabaho ko bilang isang caregiver.” Aniya. “I'm sorry Gwen, nag-alala lang ako, ang sabi ni Tita lahat ng mga pumupunta rito ayaw nila sa akin.” Malungkot nitong saad. “Baka naman kasi sinungitan mo sila, kahit ako kapag ganyan ang gagawin mo hindi na kita babalikan.” Natahimik si Luke, hindi siya nakapag salita, ang totoo tinakot lang ni Gwen ang binata para mabawasan ang kasungitan nito. Isa sa pinag-aralan nila ang bigyan nang lakas loob ang mga pasyente, upang sa ganun hindi sila mag-isip na wala silang silbi. “Gwen, gusto ko dalawang taon ang kontrata mo sa akin, dito ka na magtatrabaho.” Napangiti si Gwen. “Tawagan mo ang opisina, tanungin mo ang manager kung papayag sila sa gusto mo. Mabilis kinapa ni Luke ang kanyang cellphone sa pagmamadali nasagi niya ang baso, dahilan para mahulog at mabasag ito. Napatayo ang dalaga dinalo niya si Luke nanginginig ang mga kamay nito. “Be carefull utusan mo ako kapag may kailangan ka!” “Fvck, this life!” Galit nitong wika. “Alam ko nahihirapan ka, pero hindi masama kong maki-usap ka at sabihin mo ang gusto mo.” Si Gwen na ang nagpatuloy sa pag-hahanap ng cellphone ni Luke. Ilang saglit lang inabot niya ito sa binata, agad naman nagpasalamat si Luke ngunit tinabi na niya ‘yon. “Gwen, paki dial sa number ng kompanya, gusto ko kausapin ang manager mo.” Sinunod naman ng dalaga, ng matapos agad niya itong ibinigay kay Luke. Naririnig ng dalaga ang paki-usap ni Luke sa kanyang kompanya, nasa tabi lang siya nakamasid sa binata. Sa tingin ng dalaga wala naman masama kung dito siya magtatrabaho kay Luke. Ang inalala lang ni Gwen ang kompanya, kapag nalaman nila na mayaman si Luke sigurado sisingilin siya na mahal. Napahinga ng malalim si Gwen, hindi na muna niya iisipin ‘yon, ang mahalaga sa ngayon ay maalagaan niya si Luke. Ito ang unang pagkakataon na tatangap si Gwen ng kontrata. Alam ng dalaga na kaya niya ang trabaho, ang hindi niya alam kung tatagal ba siya ng dalawang taon dito. Tahimik na umupo si Gwen sa tabi ni Luke. Napa-angat ito ng tingin ng marinig niya ang buntong hininga ni Luke. “Don't worry about your salary, ako na ang bahala okay na ang lahat, two years ang kontrata mo dito sa akin.” Aniya. “Bakit naman ikaw ang mag shoulder ng bayad? Obligasyon ng kompanya ko ang bayaran ako kahit pa naka kontrack ako sa’yo.” Wika pa ni Gwen na hindi sang ayon sa gusto ni Luke. Hindi big deal sa binata kung magkano ang ibabayad niya sa kompanya, ang mahalaga kay Luke ay makapagtrabaho si Gwen sa kanya. Napa-iling si Gwen, gusto man nito sawayin si Luke ngunit wala na itong magagawa kundi sumunod na lang. “Luke, magsisimula na tayo para malinisan na ang sugat mo at maka pagpahing ka na rin.” Tumatakbo na kasi ang oras at hanggang ngayon wala pa siyang nagawa. Nagsimula na si Gwen sa pagtanggal ng bandage sa kamay ni Luke. Napapangiwi ang dalaga parang siya tuloy ang nasasaktan sa sitwasyon ni Luke ngayon. Panay hawak ng binata sa kamay ni Gwen, alam niya nahihiya si Luke, nagpatuloy si Gwen sa kanyang ginagawa. Hanggang sa marinig niya ang malakas na buntong hininga na pinakawalan ni Luke. “Don't worry Luke, ilang taon na ako sa ganitong trabaho hindi na bago sa akin ito.” “Fvck, it's not like that?” Inis nitong sabi, napangiti naman si Gwen dahil salubong na ang kilay ni Luke. “Relax ka lang hindi tayo matatapos kung mainit ang ulo mo.” Aniya. Pag katapos tanggalin ng dalaga ang bandage sa paa ni Luke isa isa niyang hinubaran ang damit nito. Hindi na umangal si Luke dahil hinawakan na ni Gwen ang kamay nito. “Huwag ka ng mahiya wala akong nakita, magsabi ka kung masakit para titigil ako.” Nang mahubad ni Gwen ang lahat ng saplot niya agad dumako ang mata ng dalaga sa mga sugat nito. “Kaya siguro dumadaing ang binata dahil masakit talaga ito. Sa susunod h'wag kang magsuot ng masikip na t-shirt mahihirapan tayong tanggaling. At isa pa dumidikit sa damit kaya dumudugo ang sugat mo.” Napatango si Luke. “Sorry!” Hingi nitong paumanhin. “It's fine, dapat maluwang lang ang susuotin mo, isa pa kapag mahirap suotin huwag mo ng ipilit.” Aniya. Huhubarin sana ni Gwen ang short nito ngunit mabilis pinigilan ni Luke ang kamay ng dalaga. “Hey, what are doing?” Sita ni Luke dito. “Huhubarin ko ang short mo? Bakit wala ka bang brief?” Muntik na matawa si Gwen dahil biglang nagalit ito. Kumuha ng malaking towel si Gwen, at tinakpan ang naka umbok sa baba ng binata. “Gwen p'widi mamaya na lang 'yan?” “Luke, paano kita lilinisan kung ayaw mo naman mag hubad? Kailangan kong linisin ng maayos dahil namamaga ang ibang parte ng sugat mo. Napapa iling si Gwen, halatang hindi komportable si Luke sa sitwasyon niya ngayon. Unang lilinisin ni Gwen ang paa ni Luke, saka na ang kamay dahil hindi naman ganun kalala ‘ yon . “Mukhang hindi napalitan ang bandge nangingitim na sa kalumaan. “Luke, relax lang huwag kang malikot matulis ang hawak ko.” May hawak na gunting si Gwen ginupit niya ang t-shirt nito, hindi maalis sa leeg ni Luke dahil sa sobrang sikip. Tumango naman ang binata maya-maya nagsalita si Luke. “Gwen, paki lagyan ng unan ang likod ko please.” Ani Luke na kinapa pa ang unan sa tabi nito. “Sorry, nakalimutan ko!” Malalim ang ibang sugat ni Luke kaya mahirap ito linisin, kailangan talaga tiyagaan para malinisan ng maayos. Sinabit muna ng dalaga ang paa ni Luke, parang hospital na ang kuwarto ng binata, lahat ng gamit dito sa loob ng kuwarto hitech kaya hindi rin mahirap kay Gwen. “Luke, sino ang naglilinis ng sugat mo?” Hindi kasi nalinisan ng maayos kaya natatakot ang dalaga baka magka empeksyon ang pasyente. “Iyong nurse na pinapadala ni Tita Belen dito araw-araw?” Napailing si Gwen. “Ang init Gwen!” “Tatapusin ko lang ito, bubuksan na natin mamaya ang aircon.” “Are you okay?” Tanong ni Luke kay Gwen. “Yes Luke, I'm fine!” Sabay sulyap ng dalaga sa gawi ng binata. “Magpahinga ka muna, mag snacks ka para may lakas ka sa trabaho.” Aniya Luke sabay kapa sa intercom. “Don't mind me Luke, kapag magpahinga ako baka bukas pa tayo matatapos nito, saka hindi pa naman ako nagugutom.” Narinig nila ang pagbukas ng pinto. “Sino ‘yan?” Humanga si Gwen sa lakas ng pandinig ni Luke. “Hijo, nasa sala si Van, gusto ka raw maka-usap.” Ani ng matanda. “Yaya, pakisabi kay Van na babalik na lang siya bukas!” Napatango ang matanda, nagpatuloy si Gwen sa ginagawa habang si Luke tahimik lang. Pagkatapos linisin ni Gwen ang sugat ni Luke, pinunasan niya ang buong katawan ng binata. Pinalitan na rin niya ang higaan pati mga unan, kumot, bagong palit na rin. Napangiti si Gwen komportable na tingnan si Luke sa suot niya ngayon. “Dapat ito lang ang susuotin mo, para mabilis mag hilom ang sugat mo.” “Salamat, pero bakit ganito ang suot ko?” Sabay kapa niya sa kanyang katawan. Makaka relax ka dito sa hospital gown kaysa doon sa normal na damit, hindi ka mahihirapan hubarin ito.” Napatango si Luke. “Okay, kung ano sa tingin mo ang tama 'yon ang sundin ko.” Aniya. “That's good para hindi tayo magtalo!” Biro niya dito. Lunch time na kaya pinakain na ni Gwen si Luke, may mga gamot itong iinomin kaya ‘di p'widi malate ito sa kain. Sobrang nakaka awa pala ang binata kung wala itong sarili taga alaga, dahil pati sa pagkain walang mag-aasekso dito. Hindi na magtataka si Gwen kung ba’t ang payat ni Luke. Matapos pakainin ni Gwen ang binata, nag kuwentohan ang dalawa. Maya-maya tumaas baba ang balikat nito, napatayo si Gwen at agad itong dinaluhan. “Sobrang na miss ko na sila, hindi ko alam kung hanggang kailan ko dadalhin ang bangungot na ito. I miss my Mom and Dad.” Hagulgol ni Luke. Nalungkot ang dalaga sa nalaman, na kuwento ni Luke kay Gwen kung anong dahilan ng pagkamatay ng mga magulang niya. “I'm sorry Luke, alam ko may rason ang lahat.” Napahing si Gwen ng malalim. Buo na ang desisyon ni Gwen tutulongan niya ang binata, handa gawin ni Gwen ang lahat maka recover lang si Luke. tulongan ang binata hanggang maka recover ito. “Bukas kakausapin ko si Manang, kailangan ko linisin ang buong kuwarto ni Luke.” Ani Gwen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD