6-Doubt Started

1123 Words
Kumunot ang lagi ng kunot-noong si Rizza ng makita niya si Inno. Palabas ito ng restaurant at may kasamang babae. Masayang nag-uusap ang dalawa, inalalayan pa ni Inno sa likod ang babae habang lumalabas ito ng pintuan. Kababa pa lang ni Rizza at Rick sa kotse, pero iyon na agad ang bumungad sa mga mata ni Rizza. "Anong problema? Sabulong na naman iyang kilay mo?" nagtatakang tanong ni Rick sa nobya. Gamit ang daliri ay pinaghiwalay niya ang kilay nito tinapik lang nito ang kamay niya at tumingin sa kanya ng masama. "H'wag kang magulo," masungit na saad nito at nanatiling nakatutok ang tingin kay nakatingin kay Inno at sa babaeng kasama nito. Hindi rin ito umalis sa kinatatayuan at hinintay na makalapit ang dalawa. Naguguluhan man si Rick noong una pero nagets din niya ng makita niya ang papalapit na si Inno at ang babaeng kasama nito. Hindi pa sila nito napapansin dahil abala ang dawala sa pag-uusap nila. Nagulat pa si Inno ng makita sila nito. Tila hindi nito inaasahan na makita ang magkasintahan. Isang kotse lang kasi ang pagitan ng mga sasakyan nila. "Hi, Inno. Who is she?" direktang tanong ni Rizza. Tumingin ito sa babae pero sinalubong naman ng babae ang tingin niya kaya napataas siya ng kilay. Mukhang palaban ito. "Ahm... She's Lyka, my friend," alanganing pagpapakilala ni Inno. Hindi rin ito makatingin ng tuwid kay Rizza. "Oh, a friend." Nasa tono ng boses ni Rizza ang sarkasmo. "Yes, any problem with that?" magaspang ang tono na tanong ni Inno. Tila napipikon ito sa pagkaraan ng pagsasalita ni Rizza. "No, wala akong problema." Ngumiti pa si Rizza kay Inno. Isang halatang pekeng ngiti. "Nakakatuwa lang, mas priority mo na ngayon ang kaibigan kaysa sa sarili mong girlfriend. Ipagpatuloy mo lang iyan," puno nang pang-iinsulto na saad ni Rizza bago nagsimulang lumakad at lampasan si Inno. Nagmamadaling sumunod naman si Rick sa nobya. "Is he cheating on her?" hindi makapaniwalang tanong ni Rick nang makaupo na sila sa mesa. Pareho silang may hawak na menu pero hindi pa sila umu-order dahil mas inuna pa nitong magtanong. "Maybe, I am not sure. But there is a big possibility." "So, hindi ka sigurado pero kung makapagsalita ka kanina parang hinuhusgahan mo na siya," naiiling na saad ni Rick at ibinaling ang tingin sa hawak na menu. "Kapag ba nilagnat ako at tumawag ang kaibigan mo pupuntahan mo o mananatili ka sa tabi ko?" Taas ang kilay na tanong ni Rizza habang tuwid na nakatingin sa nobyo. "I will stay by your side and take care of you. Unless sobrang emergency ng tawag, pero kung hindi syempre hindi kita iiwan. At kung aalis man ako babalik din agad ako kasi nga may sakit ka," sagot naman ni Rick. "Exactly. But the perfect boyfriend of my cousin left, because someone called and said it was an emergency tapos makikita lang natin siyang masayang nakikipagtawanan sa ibang babae," nagngingitngit pa rin sa inis si Rizza. Naasar siya kay Inno. Dati hangang-hanga siya sa pagiging sweet at caring nito sa pinsan niya pero iba ang nakita niya ngayong araw. Kapag nalaman talaga niya na niloloko ni Inno ang pinsan niya, siya mismo ang babaog dito. Hindi porke mabait si Tori ay aabusin na iyon ni Inno. Akala niya iba ito, mukhang mali pala siya. Ayaw niyang masaktan ang pinsan kaya ililihim na muna niya ang lahat hanggat hindi pa niya napatutunayan ang hinala. Dahil kapag may ebidensya na siya siguradong hindi na makakatanggi pa si Inno. *** Walang magawa si Tori. Medyo magaling na siya pero ayaw pa rin siyang pakilusin ni Manang Helen ayon daw mismo sa utos ng mama niya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang magkulong lang sa kwarto niya. Mabuti na lang at linggo ngayon, at dahil okay na siya makakapasok na rin siya agad bukas. Kinuha na lang niya ang selpon para tanggalin ang inip na nadarama. Mahaba na ang itinulog niya kaya hindi na rin siya makakatulog ulit. Binuksan niya ang social media account niya at gaya ng dati niyang nakagawian. Pumunta siya sa timeline ni Inno. Wala namang bagong update si Inno pero kinalikot pa rin niya ang timeline nito hanggang sa mapantingin siya sa mga friends at followers nito. Umagaw ng pansin ang isang friend ni Inno, si Lyka Dominguez. Pinindot niya ang profile nito. Wala naman sigurong masama kung i-stalk niya ang babae. Gusto lang niyang malaman ang mga bagay-bagay tungkol dito kung threat ba taga ito o hindi. Naka-two piece lang ito sa profile nito. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito. Ngunit napatigil si Tori sa pag-scroll ng makita niya ang isang post nito. Kasama nito si Inno at masayang nakatingin ang dalawa sa camera. Meron namang nakangiti ito habang nagmamaneho si Inno. Agad niyang tiningnan ang date kung kailan ang post. "Three hours ago?" Basa ni Tori sa naka-indicate na oras. 'Thanks for rescuing me.' Iyon ang nakalagay sa caption. Nanginginig ang mga kamay na klinik ni Tori ang comment section. 'Anong nangyari?' someone asked. 'Small car accident lang.' simpleng replied naman ni Lyka. 'Sana all, may taga-rescue na gwapo.' another one commented. 'He is off limits.' Lyka replied with a crying emoji. Mabuti alam nito na off limits na ang lalaking kasama pero muling nagsiklab ang inis niya sa mga sumunod na nabasa. 'Asawa nga naaagaw, jowa pa kaya.' 'You are right,' Lyka replied on the comment and now with laughing emoji. Naibato ni Tori ang hawak na selpon sa kama. Nanggigil siya sa galit. Siguro kung kaharap niya si Lyka ngayon ay nasabunutan na niya ang babae. Alam nito na may girlfriend na si Inno pero sa paraan ng pagsagot nito sa mga comments sa post nito parang gusto pa rin nitong agawin sa kanya ang boyfriend niya. Para namang papayag siya. Hindi niya papayagan ang sinoman na maagaw sa kanya ang lalaking mahal niya. Pero hindi niya maiwasang masaktan. Ito ba ang dahilan kaya iniwan siya ni Inno kanina. Ito ba ang emergency na sinasabi nito? Bakit pakiramdam niya mas nag-aalala si Inno dito kaysa sa kanya. Isang buwan. Sa pagkakatanda niya mahigit isang buwan pa lang ng magkaroon ng welcome party sina Inno para sa mga bagong katrabaho nila at isa si Lyka doon. Mahigit isang buwan pa lang silang magkakilala pero bakit para naman yatang close na sila sa isa't isa base sa mga larawang pinost ni Lyka. Muli niyang tinawagan ang selpon ni Inno pero nakapatay ito. Mas lalong nalukot ang mukha niya, si Inno ang tipo ng taong hindi nagpapatay ng selpon. Hindi niya alam pero unti-unting may nabubuong hinala sa kanyang dibdib. Hinalang sana ay hindi totoo kundi baka ikawasak ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD