Nagpatuloy ang mga araw. Umaktong walang napapansin si Tori pero ramdam na niyang may nagbabago na, lalo na sa relasyon nila ni Inno.
Kung dati ay lagi itong tumatawag sa kanya, ngayon ay madalang na. Kung dati ay palagi siya nitong niyaya sa labas ngayon ay hindi na dahil abala raw itong masyado sa trabaho.
Pakiramdam niya nanlalamig na si Inno. Kaya maaga siyang lumabas sa trabaho ngayong araw para puntahan ang nobyo. Baka masyado lang silang nagiging abala masyado kaya wala silang time kaya pakiramdam niya nanlalamig na ito.
Mula naman ng inistalk niya ang mga social media ni Inno at Lyka ay hindi na ulit siya nakakita panibangong post na magkasama sila.
Natanong na rin niya si Inno tungkol kay Lyka at ang sabi nito ay kaibigan lang talaga nito ang babae.
Naalala pa niyan ang muntikan nilang pagtatalo dahil sa pagtatanong niya.
“She is just my friend.”
“Are you too close?” muli ay tanong niya sa nobyo kumakain silang dalawa ngayon sa restaurant. Magaling na siya kaya nakapasok din agad siya sa trabaho at kinagabihan ay niyaya niyang kumain sa labas si Inno.
“What are you trying to imply?” Kunot na ang noo ni Inno habang nakatingin kay Tori. Tila ba hindi nito nagugustuhan ang mga interogasyon ng girlfriend niya.
“Nothing, wala naman.” Pilit na ngumiti si Tori sa harap ni Inno upang ipakita dito na okay lang ang lahat.
Uminom ng tubig si Inno at ngumisi kay Tori. “Nagseselos ka ba sa kanya?”
“Hindi. Bakit ako magseselos? May dapat ba akong ikaselos?” Sinalubong ni Tori ang tingin ni Inno.
“Wala so stop asking about her. She is just a friend,” tila napipikong sagot ni Inno.
Hindi na lang umimik si Tori pero hindi ibig sabihin noon na kakalimutan na lang niya ang lahat. Para sa kanya mananatili ng threat si Lyka sa relasyon nila.
Mula noon hindi na nila muling pinag-usapan pa si Lyka. Lalo na at naging busy na ulit sila sa trabaho. Suportado naman niya ang lahat ng ginagawa ni Inno kaya hindi siya nagde-demand ng masyadong oras dito. Naiintindihan niya ang trabaho nito.
Nakangiting bumaba si Tori sa sasakyan niya habang nakatingin sa malaking pangalan sa building kung saan nagtatrabaho si Inno.
Tila eksakto naman ang dating niya dahil nakita niyang palabas si Inno may mga kasabay pa itong mga katrabaho.
Nawala ang ngiti sa labi ni Tori ng makita si Lyka na kasama ng mga ito. Pero binalik din agad niya ang mga ngiti sa labi bago tinawag si Inno, “Inno!”
Kumaway si Tori sa nobyo at lumapit sa mga ito. Humalik siya sa pisngi nito kahit na may mga kasama ito. It is also her way to show to everyone, especially to Lyka that Inno is hers.
“Hi, guys,” nakangiting bati ni Tori sa taong lalaking kasama ni Inno at kay Lyka.
“Long time no see, Engineer Perez,” ganting bati ni Kevin. Kilala na niya ito dahil matagal na itong katrabaho ni Inno at minsan na niyang nakasama ng mag hangout sila ni Inno.
“Long time no see too, Kevin. Hi, I am Tori, Inno's girlfriend. Ipapakilala ko ang sarili ko mukhang wala yatang balak itong si Inno na ipakilala ako sa inyo,” baling ni Tori sa dalawa pang lalaki at kay Lyka.Pinilit niyang tonong nagbibiro kahit na medyo napipikon siya sa pananahimik ni Inno. Inilahad niya ang kamay para makipag handshake.
Binigyan niya ng ngiti si Lyka, ngumiti naman ito pabalik sa kanya. Nakita pa niya ang bahagyang pagtaas ng kilay nito.
Aabutin sana ng isa ang kamay niya pero hindi na iyon natuloy nang hawakan ni Inno ang kamay niya.
“Excuse me, guys. Mauna na kami,”paalam nito sa mga kasama at hinila siya pabalik sa kotse niya kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumama dito. Lumingon pa siya sa mga kamasa nito at nakangiting kumaway.
“What are you doing here?” agad ay tila inis na tanong nito nang makalapit sila sa kotse niya.
“I just want to surprise you. Bakit parang galit ka? Dati naman pumupunta na ako dito, a.” Nagtatakang tanong ni Tori at matamang tiningnan ang nobyo. Dati nga niyaya pa siya ni Inno na pumasok sa mismong opisina nito pero ngayon bakit tila naiinis ito na bigla siyang sumulpot.
“Next time, tumawag ka muna bago ka pumarito.” Inis pa rin ang boses nito. Ano ba ang problema nito? Pinagmasdan ni Tori ang mukha ni Inno.
“Why? Dati naman okay lang sayo na sunduin kita galing trabaho bakit ngayon parang galit na galit ka? May itinatago ka ba?”
Nakapameywang na tanong na ni Tori.
Iba kasi ang inaakto ni Inno, malayo sa inaasahan niya. Akala niya magiging masaya ito na makita siya dahil almost one week na silang hindi nagkikita pero tila inis na inis pa ito sa biglaang pagsulpot niya.
Napahilamos ito sa mukha. “Ano bang klaseng tanong iyan? Ano bang itatago ko sayo. Ang akin lang dapat tumawag ka muna, paano kung nag-overtime ako? Maghihintay ka dito ng matagal?”
“Okay, sorry,” tanging nasabi na lamang ni Tori upang hindi na humaba ang usapan.
Kahit na hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Inno ay hinayaan na lang muna niya. Hindi siya nagparito upang nakipagtalo lang sa nobyo. Miss na niya ito kaya ayaw muna niyang mag-away sila.
“You can go home now. Hindi kita maihahatid. May kailangan pa akong puntahan. I am still busy, may kailangan pa akong i-meet na client,” biglang saad ni Inno na ikinawala ng ngiti sa sabi ni Tori.
“You are going somewhere?”
“Yes, bye,” sagot ni Inno at humalik lang sa noo niya at mabilis na siyang iniwan, tila ba may hinahabol ito.
Nakangangang naiwan na lang si Tori habang nakatingin sa kotse ni Inno na papalayo ngayon.
Basta na lang siya iniwan nito. Nagmamadali pa talaga ito.
Laglag ang balikat ni Tori na sumakay sa kotse niya. Inis na inis siya sa ginawang pang-iiwan sa kanya ni Inno.
Pinahid niya ang luhang kumawala sa kanyang mga mata bago nagsimulang mag-drive.
Ayaw niyang magalit kay Inno pero dahil sa ginawa nito, ayaw na muna niya itong makita mukha rin namang hindi rin siya nito gustong makita.
Kung dati lagi itong excited na magkita sila ngayon tila umiiwas na ito sa kanya. Pakiramdam niya nagbago na talaga ang lahat. Tila nawala ang ang nobyong nakilala niya.
Siya ang priority noon ni Inno. Sa kanilang dalawa mas clingy pa nga ito pero ngayon basta na lang siyang nagawang iwan.
Alam niyang trabaho iyon pero hindi niya mapigilang magdamdam.
Pagkadating niya ng bahay ay hindi muna siya pumasok sa loob ng bahay. Imbis nagtungo siya sa kapitbahay, kina Rizza.
Naabutan pa niya ang pinsan na nagkukulay ng kuko nito sa paa habang nasa sala. umupo si Tori sa kalapit nito.
“Anong nangyari? Mukha kang papatay at namatayan at the same,” kunot noong tanong nito ng lumingon sa kanya. Hinihipan nito ang mga kuko upang madaling matuyo ang nail polish nito.
“Si Inno kasi.”
“Oh, anong meron? Mukhang problemado ka sa jowa mo? Dati ako ang madalas na ganyan sa ating dalawa. Bakit parang nabaliktad na ang mundo?” Patuloy pa rin ito sa pagkukulay ng kuko sa paa naman ngayon.
“Pinuntahan ko siya sa trabaho. Pero iniwan niya ako dahil may pupuntahan pa raw siya. Rizza, iniwan niya ako! Hindi man lang niya ako tinanong kung ano ba ang ginagawa ko roon,” pagsusumbong ni Tori sa pinsan.
“Break mo na,” simpleng sagot ni Rizza dahilan para mahampas niya ito ng kalapit niyang throw pillow.
“Rizza, seryoso ako,” asar na saad ni Tori.
“Seryoso rin naman ako,” sagot ni Rizza at tinakpan ang maliit na bote ng nail polish at itinuwid ang paa bago tumingin sa kanya.
“Kung hindi kana mahalaga sa kanya. Pakawalan mo na. Wala sa lahi natin ang naghahabol.”
“Paano mo naman nasabi na hindi na ako mahalaga sa kanya? Baka importante lang ang pupuntahan niya kasi nagmamadali siya. Baka pwede pang pag-usapan,” depensa ni Tori.
Hindi niya kayang basta na lang sundin ang sinasabi ng pinsan niya. Mahal niya si Inno, hindi niya ito pakakawalan na lang ng basta-basta. Hangga't may pag-asa pa siya hindi agad siya bibitaw.
“Mahalaga? Tsk. Alam mo iba ang importante sa ikaw ang priority. 'Di ba ikaw na rin ang nagsabi sa akin noon. If a guy loves you, he will make time for you even if he is busy. Hindi naman siya ganyan dati ’di ba? Baka kasi may iba na siyang pinaglalaanan ng oras niya.”
Natameme si Tori sa sinabi ni Rizza. Dati talaga never nag-eexist ang salitang busy kay Inno. Palaging siya ang first priority nito pero ngayon lagi na itong walang oras sa kanya.
“Pero mahal ko si Inno, Rizza.”
“Mahal mo, mahal ka pa ba?”
“Of course, mahal niya ako. Sigurado ako aabot ba kami ng pitong taon kung hindi na niya ako mahal?”
Umiling-iling si Rizza. Tila ba hindi ito sang-ayon sa sinabi ni Tori.
“Minsan hindi basehan ang tagal. Kasi kapag may dumating na iba kahit ilang dekada pa ang relasyon ninyo pwedeng masira. Kaya huwag kang masyadong tiwala.”
“May tiwala ako sa kanya at alam kung hindi niya iyon sisirain. Naasar lang ako na madalas wala na siyang oras sa akin,” ani Tori at sumimangot.
Nanghalumbaba siya habang nakatingin kay Rizza.
“Seven years na kayo 'di ba?”
Tumango naman si Tori sa tanong ni Rizza.
“Tama, ganyan iyong mga relasyong nasa bingit ng hiwalayan. Sabi nga nila may sumpa ang pitong taon.”
Sinamaan niya ito ng tingin. “Eh, kung ikaw kaya ang isumpa ko?”
Dapat kino-comfort siya nito pero mas lalo lang siya nitong pinapabigat ang nararamdaman niya. Hindi siya naniniwala sa seven-year curse na 'yan. Hindi naman iyon totoo.
“Huwag mo akong isumpa kasi kapag nadedo ako wala kang balikat na iiyakan kapag naghiwalay kayo,” pang-aasar pa nito.
“Rizza!”
Ngumiti lang naman ito at nag peace sign sa kanya.