5-Emergency

1330 Words
"I am sorry. I didn't know," agad ay saad ni Inno nang pumasok siya sa kwarto ni Tori. Nakahiga pa rin si Tori dahil may lagnat pa rin siya. Umupo siya. Hindi na siya nanginginig gaya kagabi pero nanghihina pa rin si Tori. "It's okay." Hinawakan niya ang kamay ng nobyo at ngumiti dito. Namumutla pa siya kaya medyo walang buhay ang ngiti niya. "I brought fruits for you. Kailangan mong kumain para gumaling ka agad," ani ni Inno at kinuha ang kamay ni Tori at hinalikan iyon. "Thanks." "Dapat kagabi pa tinext mo na ako. Tumawag si Girlie pero hindi ko naman naintindihan at bigla akong nalobat, pasensya kana," paumanhin nito at guilty na tumingin sa kanya. "Ano ka ba? Lagnat-laki lang 'to, naulanan lang kasi ako kahapon. Kaya huwag ka nang mag-alala. Bukas okay na ulit ako." Siguro dahil sa pagod at nainitan siya bago naulanan kaya nilagnat siya agad ng maulanan. Kaya hindi na ni Inno kailangang mag-alala ng husto. "Lagnat-laki pero hanggang ngayon ang taas pa rin ng lagnat mo." Sinapo ni Inno ang mainit na noo ni Tori. "Next time always take care of yourself. Huwag kang magpapaulan. I am not always beside you to take care of you. So take care of yourself for me, okay?" Tila nakikiusap ang mga mata ni Inno habang nakatingin kay Tori. Nakangiting tumango si Tori kay Inno. Kung kagabi nanginginig si Tori dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ngayon naman ay kinikilig siya dahil sa pag-aalalang pinapakita ni Inno. Kumuha si Inno ng mansanas at sinimulang balatan. Pinapanood lang siya ni Tori. Nawala na ang tampong nararamdaman ni Tori para sa nobyo kagabi. Nandito na ito sa tabi niya kaya okay na siya. Hindi naman nito kasalanan na lumabas ito kagabi kasama ang mga katrabaho nito dahil nagsabi rin naman ito. Hindi man ito nakarating ng tawagan ni Girlie, dumating naman ito agad ng i-text niya na maysakit siya. Inno was about to finnish peeling the apple when his phone rings. Inilapag muna nito sa platong nakalagay sa bedside table ni Tori ang mansanas at tumaya bago kinuha ang selpon sa bulsa na walang tigil sa pagtunog. "Hello?" Napatingin naman si Tori sa nobyo habang may kausap ito sa cellphone. Medyo lumayo ito sa kanya pero naririnig pa rin niya ang sinasabi nito dahil nasa loob pa rin naman ito ng kwarto niya. "Where are you? Are you okay?" Puno ng pag-aalala ang boses ni Inno kaya napakunot ang noo ni Tori. "Okay. Just wait for me. I'll be there," anito at ibinaba ang tawag. Humarap si Inno kay Tori. Lumapit ito sa kanya. "I am sorry, Babe. Something emergency came up. I have to go. Take care of yourself. Bye," nagmamadaling saad nito. Humalik ito sa noo niya at mabilis na lumabas ng kwarto. Tila alalang-alala ito. Hindi maiwasang magtaka ni Tori habang nakatingin na lamang sa pintong nilabasan ni Inno. Sino ang kausap nito at tila alalang-alala ito? Gaano ka-emergency ang taong pupuntahan nito para iwan siya. Dati kulang na lang hindi umalis sa tabi niya si Inno tuwing may sakit siya pero ngayon tila nagmamadali itong puntahan ang tumawag dito. Mas mahalaga ba iyon sa kanya? "Ma'am, umalis na agad si Sir?" nagtatakang tanong ni Girlie ng pumasok ito sa kwarto niya at may dalang umuusok pa. Bumalik na rin si Manang Helen ngayong umaga kaya may kasama na sila sa bahay at hindi na ito natataranta. "Yeah, may emergency raw," nanghihinang sagot ni Tori bago binigyan ng pilit na ngiti si Girlie. "Nagluto si Manang, kainin mo raw ito ng gumaan ang pakiramdam mo at pagpawisan ka," anito at nilagay tray na may ang nilagang manok yata sa tabi niya. Napipilitang bumangon naman siyang muli. Kahit na may sakit siya, kinakain niya ang lahat ng binibigay sa kanya para mas mabilis siyang gumaling. Isa pa may trabaho pa siya kaya hindi pwedeng lagnatin siya ng matagal dahil paniguradong maantala ito. Pinanood ni Girlie kumain ni Tori, binabantayan talaga nito ang amo para masiguro na kumakain ito. Matapos kumain ni Tori ay lumabas din agad ito. Medyo magaan na ang pakiramdam ni Tori kumpara ng kagabi na oras siguro dahil nakainom na rin naman siya ng gamot pero may lagnat pa rin siya kaya kahit gusto niyang bumangon pinipilit pa rin siyang magpahinga ng mga kasama niya sa bahay. Bumalik siya sa pagkakahiga. Hindi niya namalayan na unti-unti nang pumipikit ang kanyang mga mata. Mahigit tatlong oras yatang nakatulog si Tori. Magaan na ang pakiramdam niya. Hindi na rin siya nilalamig at medyo pinagpapawisan na. Baba na sana siya sa kama nang bumukas ang pinto. Akala ni Tori ay si Girlie ulit ito pero ang nag-aalalang mukha ni Rizza ang bumungad sa kanya. Mabilis na lumapit si Rizza kay Tori at naupo sa tabi nito. Dinama nito ang noo ni Tori. "Are you okay? May masakit ba sayo? Do you want me to bring you to the hospital?" Inalis ni Tori ang kamay ng pinsan sa noo niya. "Stop over reacting, Rizza. Okay na ako, nakapagpahinga na ako at nakainom ng gamot. Mas sumasakit ang ulo ko sa bunganga mo," reklamo niya. "Gaga, nag-aalala ako sayo. Dapat tinawagan mo ako kagabi para naalagaan kita dahil wala sina tita." Bakas pa rin sa boses nito ang pag-aalala. "Tapos kaninang umaga hindi mo rin ako sinabihan. Kung hindi ko pa naisipang mangapit-bahay hindi ko malalaman na may sakit ka pala." "Lagnat lang 'to, h'wag kang oa masyado." "Shut up! Mukhang okay kana nga, nagagawa mo nang magreklamo e." Tumayo ito tumingin sa paligid bago muling humarap sa kanya. "Si Inno? Alam ba niya na maysakit ka?" "Nagparito na siya kaninang umaga pero umalis din agad dahil may emergency raw,"matabang na sagot ni Tori. Iniisip pa rin niya kung sino ang tumawag sa nobyo para mag-alala ito ng todo. Kumunot ang noo ni Rizza habang nakatingin sa kanya. "Emergency?Anong klaseng emergency para pabayaan ka niya? Akala ko ba ikaw ang priority niya?" Natameme rin si Tori sa tanong ni Rizza. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. "Hindi ko alam may tumawag sa kanya. Hindi naman niya sinabi kung sino. Basta mukha siyang nag-aalala at nagmamadaling umalis," kwento niya. "Babae?" "Hindi ko alam." "Naku, kagagaling mo pa lang sa sakit at mukhang hindi ka pa lubusang magaling pero sinasabi ko sayo. Hindi, hindi pwede baka ma-praning ka. Baka naman nag-o-overthink lang ako. Tama ganoon na nga. Hindi naman siguro magagawa ni Inno ang iniisip ko." Tumango-tango pa ito habang kinakausap ang sarili. "Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Tori sa pinsan. "Nevermind. Huwag mo na lang akong pansinin. Magpagaling ka na lang, ang pangit mong tingnan kapag may sakit ka." Napasimangot naman si Tori sa sinabi ni Rizza. Alam niyang inililihis nito ang usapan pero kailangan ba talagang sabihan pa siya nitong pangit? Nang masiguro ni Rizza na ayos na si Tori ay umalis din ito dahil may lakad pa raw ito at ang nobyo na si Rick. Tuluyan naman ng bumangon si Tori. Medyo magaan na ang pakiramdam niya at maghapon na rin siyang nakahiga sa kama. Kinuha niya ang selpon upang tingnan kung may mensahe. Ang nag-aalalang mensahe lang ng kanyang ina ang nabasa niya. Siguro sinabi ng mga katulong na nilalagnat siya, medyo may pagka over reacting oa naman ang mama niya gaya ni Rizza kaya malamang nag-aalala ito ng husto. Wala siyang natanggap na mensahe mula kay Inno. Kaya sinubukan niyang tawagan ito para kumustahin kung okay lang ba dahil napansin nga niya kanina na nag-aalala ito pero nagri-ring lang naman ang selpon nito ngunit hindi naman sinasagot. Hinayaan na lang niya, kagagaling lang niya sa sakit kaya ayaw muna ni Tori na pagurin ang isip ka kaiisip ng mga posibleng bagay. Saka na niya pagtutuunan ng pansin kapag maayos na talaga ang pakiramdam niya dahil may iba na rin siyang nararandaman sa kinikilos ni Inno. At kailangan niyang malaman iyon kung tama ba ang hinala niya o baka napapraning lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD