1- Class Reunion
Everyone appears to be having a good time conversing and eating. Their happy voices may be heard from the hall's entrance.
They are overjoyed to meet each other again after such a long time. Many have already started a family, while others are still working, and only a few are still single.
When a pair walked in, everyone turned to face the entrance. They're both beaming, and you can feel the love in their eyes. Inno and Tori, their batch's famed best friends turned lovers.
“The last lovebirds are here!” Gelo announced.
Everyone greeted them happily. It's been years since the last time they saw each other. From students now they are all professionals in different fields.
“Now, I know why Inno didn't allow me to court Tori,” Hanz said and everyone teased Inno who is smiling. Inno is too proud about it.
Pakiramdam ni Inno, he hits the jackpot which is Tori.
“Well, Tori is always off limits when Inno is arround.” Bumaling ito kay Inno. “I have a crush on you but you were like a dog who always following her,” maarteng saad ni Sabrina. She even rolled her eyes. She sounded rude but everyone knows that she is just kidding around.
“He likes her bestfriend not you Ms. Cheerleader,” Gelo teased Sabrina. She just made face to Gelo.
Lantaran kasi ang pagkagusto noon ni Sabrina kay Inno pero hindi naman ito pinapansin ng huli.
“Akala ko nga forever ng torpe itong si Inno pero ginulat tayong lahat sa mismong graduation nag-propose kahit hindi pa naman sila.”
High school graduation nila noon ng biglang lumuhod si Inno para hingin ang pahintulot ni Tori na ligawan siya. Kaya marami ang nakasaksi.
Naiiling na lang si Inno na siyang pulutan ngayon ng mga kaklase at kaibigan nila noong highschool pa lang sila. Habang si Tori naman ay ngumingiti lang sa tabi.
High school pa lang sila ay sanay na silang tampulan ng tukso ng mga ito. They are shipping them since then kaya nagdiwang ang lahat ng maging si Inno at Tori na.
“Akala ko nga noong una kinaibigan lang niya ako para may gayahan soya sa exam,” pagsakay ni Tori sa biro ng lahat. Tumawa naman ang lahat at muling tinukso si Inno.
Maliban sa pagiging campus crush ay isa rin kasing pasaway na estudyante noon si Inno. Palagi itong napapatawag sa guidance at bulakbol.
“Nope, I just want to be close with you so I have a reason to go to school everyday,” malambing na saad ni Inno at kumindat pa kay Tori.
Ang iba ay umaktong nandidiri kunwari sa sweetness ng dalawa habang ang mga kalalakihan naman ay chineer pa si Inno.
“So when is the wedding?” excited na tanong ni Gelo. Sa lahat ito ang pinakamaingay. May katabaan din ito pero masyado itong makulit noon, mukhang hanggang ngayon.
“Soon,” simpleng sagot ni Inno pero nasa boses niya ang kasiguraduhan.
“H’wag n’yo kaming kakalimutang imbitahin,” ani ni Sabrina na nakangiti na ngayon. “Hindi mo man pinansin noon ang beauty ko atleast pakainin mo man lang ako sa kasal mo.”
Natawa ang lahat sa sinabi ni Sabrina. Masyado kasi itong sexy para sabihin iyon. Imposibleng aattend lang ito sa kasal para makikain. Nang-aasar lang talaga ito.
“Sure.”
Naging masaya ang muling pagkikita ng mga dating magkakaklase. Ang mga babae ay nagsama-sama sa isang malaking mesa upang mag-catch up sa nakalipas na mga taon.
Habang si Inno naman ay nasa may bandang gilid sa may tabi ng mataas na table na walang bangko at pinapanood lang si Tori na masayang nakikipag-usap sa ibang kaklaze nila.
“Didn't you miss our night life before?” Biglang tanong ni Hanz kay Inno nang lumapit ito.
“Why? Hindi ka pa rin nagbabago?” balik-tanong ni Inno at bahagyang nag-lean sa mesa habang nakapatong ang mga braso at pinaglalaruan ang basong hawak.
“Bakit ikaw nagbago kana ba? O baka naman palihim ka lang na nambabae dahil committed kana.” Matalim na tumingin si Inno kay Hanz pero parang baliwala lang ito sa huli. Nagawa pa nitong ngumisi sa kanya.
“Dude, I am not like that. I love her, nasa akin na ang babaeng pinapangarap ng marami. Magloloko pa ba ako?” nagpipigil sa inis na saad ni Inno. Ayaw niyang masira ang gabi dahil kay Hanz.
“Kunsabagay, kahit ako ang nasa katayuan mo magtitino talaga ako kapag gaya ni Tori ang girlfriend ko. Total package na.”
Tumingin pa ito sa gawi ni Tori dahilab para magsalubong lalo ang mga kilay ni Inno.
“Kaya huwag mo akong igaya sayo. Magbago kana rin,” kunwari ay balewalang saad niya pero napipikon na siya dito. Hindi pa rin nawawala ang kaangasan ni Hanz, mas lumala pa nga yata.
“Bro, boring kung iisang putahe lang ang titikman mo buong buhay mo. Minsan wala namang masamang tumikim ng iba basta walang makakaalam.”
“I am not like you. I won't cheat on her. Tori is the perfect girl for me. Nag-iisa lang siya.” May diin ang bawat salitang wika ni Inno.
Gusto niyang itatak sa utak ng kausa na hindi siya gaya ng inaakala nito. Hind niya lolokohin ang nobya kahit na anong mangyari.
“Congrats then. You are already monopolized by her. Imbitahan mo na lang ako sa kasal ninyo, loverboy.” Tinapik pa ni Hanz ang balikat ni Inno bago siya nito iwan.
“Gago talaga iyang si Jackson, pati ikaw gusto pang isali sa mga kalokohan niya,” saad ni Gelo na kanina pa nakikinig sa usapan nila. Tumingin pa ito sa dating kaklase na nakikisalamuha na sa iba.
“Dati na siyang ganyan, wala nang nakakagulat.”
Sanay na si Inno sa ugali ni Hanz kaya nagtitimpi na lang siya. Gulo lang ang aabutin nila kapag pinatulan pa niya ito.
“Maybe o baka bitter pa rin dahil ikaw ang pinili ni Tori at hindi siya. He had a huge crush on her pero palagi kang nakagwardiya noon kaya hindi siya makaporma.”
Napangisi si Inno dahil sa sinabi ni Gelo. Siguro nga pero hindi niya papayagan na may umagaw kay Tori. Pag-dating kay Tori, nagiging madamot siya.
“Because Tori is mine.”
***
Ngumiting lumingon si Tori kay Inno bago siya pumasok sa gate ng bahay nila. Nakasandal namab si Inno sa kotse nito habang pinapanood siyang pumasok.
Muli siyang lumapit kay Inno at kumapit sa balikat nito.
“Thanks.” Tori gave Inno a pick on his lips. But he grabbed her and deepened their kiss.
She is almost panting when he let her lips go. Hindi pa ito nakuntento. Sunod-sunod pa siya nitong binigyan ng mabibilis na halik.
“Stop it, Inno,” natatawang saad ni Tori at dinakma na ang mukha ni Inno upang pigilan ito sa kahahalik sa kanya.
He is still hugging her kaya hindi rin siya makaiwas sa mga nakaw na halik ni Inno.
“I am sorry. I can't help it. Your lips look inviting.”
Tinulis ni Tori ang nguso niya dahil sa sinabi ng boyfriend niya.
“Tigilan mo ako Mr. Florentino Lopez, gabi na kaya umuwi kana,” kunwari ay pagtataray ni Tori. Napasimangot naman si Inno dahil tinawag niya ito sa buong pangalan.
“Okay po, Future Mrs. Lopez.” Hinalikan siya nito sa noo at sumakay na sa kotse.
Napapangiting tuluyan nang pumasok Tori sa gate nang nakaalis na ang sasakyan ni Inno.
Pabagsak na nahiga si Tori sa kama niya matapos niyang ng sarili at magbihis ng pantulog.
She is smiling while looking at the promise ring in her finger. Inno gave it to her on their first anniversary. And since then she never remove it.
Inno is her ideal man. Her first boyfriend and will also be the last. They started being friends during highschool. Akala ni Tori noong una, one-sided lang ang nararamdaman niya dahil maraming babae ang umaaligid kay Inno at kahit kailan hindi ito nagpakita ng interest sa kaniya. But one day, they became groupmates and that's how their friendship started.
Inno is a campus crush. Habang isang simpleng commoner lang si Tori noon kaya mula ng maging close silang dalawa daig pa ni Tori ang may death threat palagi dahil sa mga tingin sa kanya ng mga babaeng nagkakagusto kay Inno.
She also even tried to avoid him para manatiling tahimik ang buhay niya kahit na gaya ng iba lihim rin siyang may gusto kay Inno but it was Inno who keeps on being close with her. Hanggang nasanay na rin si Tori sa presensya nito at sa mga matatalim na tingin ibinabato sa kanya ng mga babaeng may gusto kay Inno.
They became friends for two years before he courted her and in their second year in college when Tori finally said yes. Inno is a not a perfect guy but for Tori he is the right one.
Sa pitong taon nilang relasyon masasabi niyang si Inno na talaga ang para sa kanya. Wala na siyang ibang mahihiling pa.
Napatingin si Tori sa bedside table niya nang mag-beep ang selpon niya.
‘I am home. Good night. I love you.’
Malaki ang ngiting sinagot niya ang mensahe. “Good night. I love you too.”