8- Caught

1123 Words
Kalalabas lang ng opisina ni Tori. Kinuha niya ang selpon sa bag habang nasa loob siya ng elevator. Tatawagan niya si Inno. Tatlong araw na kasi ang nakakaraan mula ng huli silang magkita at iyon ay nang iiwan pa siya nito sa parking lot ng kompanya ng mga ito. Maging sa mga text niya ay madalang na ito mag-reply samantalang dati ito pa ang madalas na nangungulit. “Hi, babe,” nakangiting bati niya ng sagutin nito ang tawag. “Yes?” nawala ang ngiti sa labi niya. Tila walang gana si Inno ng sumangot sa kaniya. “Are you free tonight. Let's eat somewhere,” yaya ni Tori. Lumabas na siya sa elevator at nagtungo sa exit. “I would love to but I have overtime tonight. I still have something to finish.” Nasa boses ni Inno ang panghihinayang. Pinilit na pasiglahin ni Torie ang boses niya. Disappointed siya pero wala naman siyang magagawa. “It’s okay. Siguro next time na lang.” “Yeah, I am sorry.” “I love you,” malambing na saad ni Tori sa kausap at humalik pa siya sa selpon niya ng may tunog. “Okay, bye,” tanging sagot ni Inno at binaba na ang tawag. Tuluyan nang nawalan ng gana si Tori. Para siyang lutang habang naglalakad papalapit sa sasakyan niya. Bakit ba binabalewala niya ang mga napapansing pagbabago kay Inno? Malamig na ito sa kanya. Hindi na rin ito nag-a- I love you sa kanya. Wala na rin itong oras at madalas ay busy ito sa trabaho. Mariin siyang napahawak sa steering wheel at mariing inapakan ng mariin ang gas. Alam na niya ang gagawin. Pagdating niya sa bahay nila ay agad siyang pumasok sa kwarto niya at binuksan ang closet niya. Tiningnan niya ang mga damit niyang nakahanger. Kinuha niya ang isang black na mini dress. Itinapat niya iyon sa sarili upang tingnan kung bagay ba sa kanya. Ayaw ni Inno na nagsusuot siya ng maiiksing damit pero ngayon kailangan niyang isuot iyon. Kung nanlalamig na si Inno, muli niyang paiinitin ito. Siguro panahon na para ibigay niya ang sarili sa lalaking mahal. Kung iyon ang paraan para maisalba ang tila nanganganib nilang relasyon gagawin niya. Sinuot niya ang mini dress at tinernuhan niya iyon ng stilleto ankle boots. Nagsuot lang siya ng black long blazer para hindi halatang masyadong maiksi ang suot niya paglabas niya ng kwarto. “Where are you going? Date?” tanong ng mama ni Tori ng makita nito na nakabihis ang anak. “Yes, ma," tanging nasabi niya. Hindi date ang pupuntahan niya kundi ang lalaking mahal niya. Muli niya itong paamuin sa kanya. Lumapit si Tori sa ina bago nagpaalam. Kinakabahan siya sa gagawin pero wala na siyang maisip na ibang paraan. Sa condo ni Inno siya dumiretso. May dala rin siyang cake na binili niya bago dumiretso dito. Huminga muna siya ng malalim bago nagsimulang lumakad papalapit sa elevator sa parking lot. Mag-isa lang siya sa elevator kaya sinipat pa niya ang sarili sa salamin at inayos ang pagkakahawi ng buhok. Siguro wala pa si Inno sa unit niya kaya ang balak ni Tori ay magluto muna bago dumating ang nobyo. Dahil alam naman niya ang password ng unit ni Primo ay agad siyang nakapasok. Madilim ang paligid kaya kinapa niya ang switch. Napakunot ang noo ni Tori ng makitang may wine sa sofa. Bukas pa ito at nabubo na ang laman sa puting sofa kaya kinuba niya iyon at ilagay sa center table. kasama ng cake na dala niya. Bakit may wine sa sofa? Nandito na ba si Primo? Muling tumayo si Tori pero may nahagip ang kanyang mga mata. Lumapit siya at kinuha ang close heels na na nakita. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Pakiramdam niya nabibigkis ang lalamunan niya habang nakatingin sa hawak na sapatos. Lalaki si Inno kaya hindi sa kanya ito, maliban na lang kung may ibang babae itong dinadala sa unit nito. Bigla siyang napatingin sa kwarto loob ni Inno nang makarinig ng mga daing. Nanginginig man ang mga tuhod ay nagsimula siyang humakbang papalapit dito. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura. Napatakit siya ng bibig at dumaloy ang luha buhat sa kanyang mga mata ng makita ang isang bagay na kinawasak ng puso niya. Tila nanlambot ang mga tuhod niya at gusto nitong bumigay. Hindi siya makapaniwala sa kawalanghiyaang kanyang nasasaksihan. Pakiramdam niya libo-libong kutsilyo ang tumusok sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Ang nobyo niya. Mahigpit itong nakahawak sa dalawang hita ng babaeng walang saplot at nakaubob sa pagitan ng mga hita nito. Pinipigilan niya ang hikbing gustong makawala sa kanyang bibig. Napakababoy nila. At ang babaeng nakapikit habang hawak ang dibdib sa isang kamay at ang buhok naman ni Inno na tila naliligayahan sa nangyayari ay walang iba kundi si Lyka. Si Lyka na lagi niyang sinasabi na kaibigan niya. Ito ang babaeng nasa ibabaw ng kama. Gusto niyang saktan ang dalawa pero pinili niyang tumalikod habang nanlalabo ang mga mata dahil sa luha. Nang makapasok siya sa kotse niya ay saka siya humagulhol ng iyak habang naka-ubob sa manibela. Hindi siya makapaniwala na nagawa siyang lokohin ni Inno. Buong akala niya abala lang talaga ito. Nangtangka pa siyang ibigay ang sarili dito gayong may iba na palang gumagawa noon. Minsan na niyang tinuring na threat si Lyka sa relasyon nila pero hindi niya inaasahan na umabot sa ganito. Ang akala niya kahit landiin pa ito ng babae, hindi siya papatulan ni Inno dahil siya ang mahal nito pero mali pala siya. May namamagitan na pala sa dalawa. Dapat pala nakinig na siya noon pa kay Rizza. Hindi busy si Inno, may iba na itong pinagkakaabalahan. Masyado siyang naging kampante dahil sa tagal na ng relasyon nila. Masyado siyang nagtiwala kay Inno na kahit minsan nagdududa na siya mas pinili niyang paniwalaan ang mga sinasabi nito. Kasalanan niya. Nagpakatanga siya sa lalaking hindi pala kayang maging tapat sa kanya. Nagbulagbulagan siya sa mga kinikilos nito dahil natatakot siyang mawala ito pero mas masakit pala kapag lantarang nasaksihan na niya. Pakiramdam niya namamanhid siya. Gusto pa niyang iiyak ang sakit na nararamdam pero wala ng luhang lumalabas sa kanyang mga mata. Pinahid niya ang mga pisnging basang-basa ng luha. Tumingin siya ng tuwid sa unahan at sinimulang paandarin ang sasakyan palayo sa building kung nasaan ang condo ni Inno. Papalayo sa lalaking mahal niya pero niloloko na pala siya. Iyon ang huling beses na pupunta siya sa lugar na iyon. Dahil mula ngayon, tapos na ang lahat sa kanila. Mahal niya si Inno pero hindi siya tanga. Sabi nga ni Rizza, wala sa lahi nila ang naghahabol kaya kahit masakit tinatapos na niya ang lahat sa kanilang dalawa. Sapat na ang nakita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD