Nagpatuloy ang masayang relasyon nina Inno at Tori. Abala man sila sa kani-kanilang trabaho mga trabaho pero sinisiguro nila na may oras sa isa't isa.
Maliban na lang ngayong araw ng sabado. Dati tuwing weekends ay lumalabas sila ni Inno pero ngayon ay wala ang boyfriend niya. May lakas ito kasama ang mga katrabaho nito kaya hindi sila makakalabas. May pa-welcome party daw kasi para sa mga bagong engineers kaya pinayagan na niya si Inno. Inno is a computer engineer while she is a civil engineer. Kahit pareho silang engineer makaiba pa rin ang trabaho at kompanyang pinapasukan nila.
Hindi naman mahigpit si Tori sa boyfriend niya. Basta nagsasabi sa kanya si Inno ay linapayagan niya ito. Kilala namab niya ang nobyo, alam niyang wala itong gagawing masama kapag hindi siya kasama. Sa pitong taon nilang magkasintahan kilala na niya ang nobyo.
Madalang lumabas si Inno kasama ang mga kaibigan o katrabaho nito pero lagi itong nagpapaalam sa kanya kahit alam naman nitong lagi niyang papayagan. He just want to inform her about his plan and whereabouts. Iyon ang gusto niya sa nobyo, hindi ito nagsisinungaling sa kanya at hindi na rin niya ito kailangang tanungin palagi para malaman ang ginagawa nito. Ina-update siya nito kahit hindi siy nagtatanong.
Napatingin si Tori sa pinsan niya na biglang naupo sa tabi niya. Salubong ang kilay nito habang kulang na lang ay ibato ang cellphone na hawak.
“Anong problema mo? Bakit parang gusto mo na namang pumatay?” tanong niya dito.
“Naasar ako,” sagot nito at muling may tinawagan pero mukhang hindi naman ito sinasagot. “See? Kanina pa ako tawag nang tawag sa kanya pero hindi man lang ako sinasagot. Kapag nalaman ko talagang may ginagawa siyang kalokohan, babalatan ko siya ng buhay.”
Inis na inis ito. Nanggigil ito sa hawak na selpon.
“Sino ba iyan?”
“Sino pa ba? Si Rick. Kapag ako naasar, hihiwalayan ko talaga siya.”
Naiiling na lang siya habang tinitingnan ito. Boyfriend ni Rizza si Rick at sanay na siya sa pinsan na laging nangngingitngit kapag hindi agad nasasagot ng boyfriend nito ang tawag. Ilang beses na ring sinasabi ni Rizza na hihiwalayan nito ang nobyo pero puro banta lang naman ito. Mahal na mahal nito ang nobyo, mabilis lang itong magalit pero kapag kaharap naman na nito ang lalaki ay aawayin lang nito pero never itong nakipag-break.
Sabi nga nila, away lang pero walang hiwalayan.
“Ano ba kasing ginagawa niya? Mas may mahalaga pa ba sa tawag ko?” naasar na saad na naman ni Rizza.
“Baka naman busy. Hayaan mo na muna. Mamaya tatawag din iyan sa iyo, huwag kana mag freak out diyan,” ani ni Tori para manahimik na ang pinsan niya pero sinimangutan lang siya nito.
Patagilid na umupo ito sa sofa para makahaarap sa kanya Itinaas pa nito ang isang paa.
“Alam mo. Magkaiba tayo ng boyfriend. Iyong sayo mabait, iyong sa akin maloko, kaya nasasabi mo iyan. Bakit ba kasi nagtitiyaga ako sa lokong iyon? Ang ganda-ganda ko naman, hayst.”
Bumalik ito sa dating upo at ipinatong ang ulo sa sandalan.
“Mahal mo, eh. Kaya ganyan ka.”
“Yeah, mahal ko,” pagsang-ayon nito at ikiniling ang ulo sa kanya. “You are lucky. Kahit kailan hindi ka nagkaproblema kay Inno.”
“He loves me. Hindi ko sinasabi na hindi na mahal ni Rick pero iba-iba kasi sila. We can't compare them. Ang mahalaga mahal nila tayo. Kahit naman pasaway si Rick, sigurado naman akong mahal ka noon. Kaya kung hindi man niya nasasagot ang tawag mo minsan, h'wag ka agad magalit. Baka busy lang. Alam mo ang mga lalaki ayaw nila ng masyadong clingy, nasasakal sila.”
Minsan kasi ang pagiging mahigpit ang nagiging dahilan ng away. Tiwala lang naman ang sagot para manatili ang relasyon. Kung may tiwala sa kapareha nasisiguro ni Tori na malaki ang tyansa na magwork ang relasyon, iyon ang paniniwala niya. Kaya nga malaki ang tiwala niya kay Inno.
“Masyado na ba akong clingy?”
“Hindi naman pero masyado kang magagalitin. Iwasan mo iyan, para kang tigre palagi.”
Ngumuso ito sa kanya. Mukhang natauhan na ito kaya hindi na salubong ang kilay nito ngayon.
“Okay. I will follow your words, madam. Uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni mama,” anito at tumayo na.
Tumango lang si Tori.
Magkapit bahay lang naman sila ni Rizza kaya nga palagi itong nasa bahay nila. Ang nanay ni Rizza ay kapatid ng mama niya. Magka-edad lang sila, kaya close silang dalawa. Iyon nga lang siya ang laging tagapayo nito dahil masyado itong laging parang problemado kahit sa maliit na bagay. Masyado kasi itong magagalitin. Minsan nga inaasar na lang ito ni Rick kaya kapag galit ito tungkol sa nobyo hinahayaan na lang niya.
***
Matapos maghapunan ay agad na nagtungo si Tori sa kanyang kwarto habang ang mga magulang naman niya ay nasa sala ay at nanunuod ng tv. Gawain na iyon ng parents niya tuwing pagkatapos kumain upang magpababa ng mga kinain.
Tiningnan niya ang cellphone pero wala ng mensahe. Maging si Inno ay walang text mula kaninang umaga.
Naglagay siya ng facemask sa mukha at binuksan ang kanyang social media account.
Nagtungo siya sa timeline ni Inno. Hindi siya clingy pero hindi ibig sabihin na hindi na niya ini-stalk ang nobyo. Hindi niya nire-required na i-update siya ni Inno palagi pero may paraan siya para maging updated sa nobyo.
Babae pa rin siya. Kahit may tiwala siya sa nobyo niya alam niyang may mga babaeng nagpapa-cute pa rin dito kahit alam na may girlfriend na ito. Bakit ba kasi ang gwapong masyado ng boyfriend niya? Kaya kahit alam niyang mahal siya nito, hindi siya mapakali sa mga ahas na nasa paligid nito.
Napakunot ang noo ni Tori ng makita ang mga larawang nakatag kay Inno. There is always a girl beside him. Hindi pamilyar sa kanya ang babae. Kilala na kasi niya halos lahat ng katrabaho ni Inno dahil minsan ng dumalo ang mga tuwing birthday ni Inno.
‘Welcome to the team, Lyka Dominguez, Ryan Ferrer and Clinton Reyes.’ Iyon ang caption sa post.
“Ito ba ang bagong katrabaho nila? Iisa lang ang babae? In fairness maganda siya pero mas maganda pa rin ako. Pero makadikit sa jowa ko daig pa ang dikya. Akin na siya 'te. H'wag kang epal,” inis na saad niya habang isa-isang tinitingnan ang mga larawan.
Meron pang nakahawak ito sa braso ni Inno.
Asar na nag-log out siya. Tila nasira lang ang gabi niya dahil sa mga larawang nakita.
Sinubukan niyang tawagan si Inno. Nakahinga naman siya maluwag ng mabilis itong sumagot.
“Hello, Babe?”
“Uhmm, hi. Are you already at home?”
“No, I am still on the way. Hinatid ko pa kasi muna si Lyka,” simpleng sagot nito.
Mabilis niyang tinanggal ang facemask at napabangon nang marinig ang pangalan na binanggit ni Inno.
“Lyka?” kunwari ay walang alam na tanong niya.
“She is one of our new co-workers. Wala kasi siyang masasakyan kaya hinatid ko.”
Napasimangot ako sa sagot nito. Masyado naman yata itong mabait para ihatid ang bagong katrabaho nito.
“Ganoon ba? Sige ingat ka sa pag-uwi.”
“Sige, bye,” anito at binaba na ang tawag.
Nabuntong hininga na lang si Tori habang nakatingin sa selpon niya. Ipinilig niya ang ulo at bumangon. Aya niya mag-isip ng kung ano-ano. May tiwala siya kay Inno.