Kaarawan ni Vicente Perez, ang ama ni Victorina pero tanging mga kaibigan at malalapit na kamag-anak lamang ang nasa bisita ng pagtitipon.
Marami ang napatingin nang dumating na si Tori at Inno. Nakasimpleng puting bisteda si Tori na pinarisan ng mataas na may takong na sapatos ang kanyang suot. Nakalugay rin ang may kahabaan noyang buhok. Isang napakaganda at inosenteng mukha ang mababakas sa dalaga. Samantalang naka-asul na long sleeve na nakapulupot haggang sa siko at slacks na itim naman si Inno. Sa tindig pa lang ng dalawa marami na ang napapatingin.
Bagay na bagay sila. Parehong may hitsura at successful na sa mga career na tinatahak nila. Sabi nga ng marami perfect couple na sila.
Idagdag pa ang matatag na relasyon nila kaya madami talaga ang humahanga sa dalawa.
"Napakaganda talaga ng pamangkin ko," masayang saad ni Stella nang salubungin nito ang mag-nobyo.
Nakababatang kapatid ni Vicente si Stella at close silang dalawa ni Tori. Feeling bagets kasi ito kaya kahit may edad na madalas mapang-asar pa rin.
Humalik si Tori sa pingi ng tiyahin. "Kanino pa ba ako magmamana? Siyempre sa tita."
Bahagyang kinurot ni Stella ang ilong ng pamangkin dahil sa sinabi nito. "Natuto ka nang mambola, ha."
Kumindat lang naman si Tori dito na ikinatawa nito. Sanay na sila sa ganoong batian ng tita niya.
"Hi, Inno. Lalo ka yatang mas gumwapo mula ng huli tayong magkita," nakangiting baling ng ginang kay Inno.
"Magtita nga po talaga kayo. Pareho kayong bolera," natatawang saad ni Inno at bumeso rin dito.
Maging si Stella ay natawa sa sinabi ni Inno. Close na rin si Inno sa pamilya niya. Sa tagal nilang magkarelasyong dalawa, parang parte na rin ng pamilya si Inno.
"Sige, batiin mo na ang ama mo, Tori. Mukhang ang sama na naman ng tingin sa akin kaya maiwan ko na kayo," dadag biro pa nito at tumingin sa nakakatandang kapatid bago sila iniwan.
Nakatingin sa kanila ang kanyang ama pero hindi naman ito galit gaya ng sabi ni Stella. Sadyang lagi lang seryoso ang mukha nito kaya akala ng lahat galit ito palagi.
Nakangiting lumapit si Tori sa kama habang nakahawak sa braso ni Inno.
"Happy birthday, dad." Humalik si Victoria sa ama. Lumapit din siya sa inang kalapit ng may kaarawan. "Hi, mom."
"Happy birthday, tito," bati rin ni Inno.
"Salamat. Kumain na muna kayo," saad ng ama ni Tori at inanyayahan silang maupo sa mesa ng mga ito. Inasikaso naman sila ng ina ni Tori na si Digna.
"You are already fifty seven, three years na lang senior kana. Ano bang wish mo?" ani ni Stella na may hawak na baso ng juice nang lumapit sa mesa nila.
Napatingin ang lahat sa matandang may kaarawan at naghihintay sa magiging sagot nito.
Seryosong tumingin ang matandang lalaki sa anak na si Victoria. Kinabahan naman si Victoria sa tingin binabato sa kanya ng ama.
"I want my daughter to get married. Sana bago ako mag-sixty naihatid ko na siya sa altar at may apo na ako," wika nito dahilan para manahimik ang lahat ng nakarinig pero biglang umingay muli at nabaling ang atensyon ng lahat sa magnobyo na kanina ay tahimik lang na magkatabi habang kumakain.
"So, paano ba iyan? Apo pala ang nais," saad ni Stella habang may mapanuksong tingin ibinabato kina Tori at Inno.
"Manahimik ka nga, Stella. Huwag n'yong i-pressure ang mga bata. Sigurado namang sa kasalan din sila maiiuwi kaya huwag n'yo nang madaliin," singit ng ina ni Tori na kanina pa tahimik.
"Don't worry, Tito and Tita. Wala na akong ibang nais pakasalan kundi ang anak ninyo," wika ni Inno at hinawakan ang kamay ni Tori. Lahat naman ay napapangiti habang nakangitin sa kanila.
Maging si Vicente ay napapangiti habang pinapanood ang anak at ang nobyo nito. Kampante na siya na sa mabuting lalaki mapupunta ang nag-iisang anak. Kita niya ang pagmamahal sa mata ng dalawa. Para sa gaya niyang isang ama, isa lang ang hangad niya ang maging masaya ang anak niya.
"Pasensya kana kay Dad kanina," saad ni Tori habang nasa garden sila ni Inno.
Tapos na ang party at nag-uwian na ang mga bisita.
Hinawakan ni Inno ang kamay ni Tori at hinila papalapit sa kanya ang nobya.
"It's okay, Babe. I understand. Alam kong excited lang si Tito. Pero kung gusto mo pwede naman na tayong magsimukang gumawa ng apo na hinihiling niya," bulong ni Inno sa huling sinabi nito. Malanding kumindat pa ito sa nobya.
Natatawang tinapik ni Tori si Inno sa balikat. Kinikilig siya pero alam niyang nagbibiro lang naman ito. Marami pa silang pangarap na dalawa. Hindi naman siya nagmamadali.
"Tatantanan mo ako, Florentino. Hindi mo ako madadala sa mga ganyang paglalandi mo."
"Bakit ba lagi mong binubuo ang pangalan ko? Hindi siya magandang pakinggan sa tenga Tori," reklamo ni Inno at pabirong sinakal ang nobya gamit ang braso nito.
Tinapik naman ni Tori ang baso ng nobyo habang tumatawa. "Bitawan mo ako, Inno." Nakinig naman sa kanya ang nobyo. "Ano bang problema mo, ang cute nga ng pangalam mo."
Sumimangot ito. "Pasalamat ka mahal kita. Kaya sige mang-asar ka lang."
"Mas mahal kita."
"No, mas mahal kita."
"Hindi mas mahal kita!" Pinadyak pa ni Tori ang paa habang nakatingin ng tuwid kay Inno. Ayaw niyang magpatalo dito.
Kinulong ni Primo ang mukha ni Tori sa pagitan ng dalawang kamay niya. "Huwag kang makulit mas mahal kita."
"Sige na mahal n'yo na ang isa't isa kaya tama na. Ang sakit ninyo sa mata." Napalingon si Tori at Inno sa biglang nagsalita at nakita nila si Rizza ang pinsan ni Tori. Nakasimangot ito at nakakrus ang braso habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Natawa naman ang magnobyo sa lukot na mukha ng pinsan ni Tori.
"Sige, mauna na ako. I'll just call you later," paalam ni Inno at mabilis na hunalik sa labi ni Tori. Ngumiti ito kay Rizza bao tuluyang umalis.
"Sabihin mo nga sa akin. Niligtas mo ba ang mundo noong past life mo?" tanong ni Rizza nang lumapit kay Tori at habang habol ng tingin ang papalayong bulto ni Inno.
"Huh?" Kunot-noong tiningnan ni Tori ang pinsan. Hindi niya masakyan ang tanong nito.
Maarte nitong itinirk ang mata. "Masyado ka kasing sinuswerte. Saan ba nakakakita ng gaya ni Inno? Iyong gwapo na nga, mahal na mahal ka pa. I am willing to pay a million to get someone like him."
Marahang hinila ni Tori ang buhok ng pinsan dahilan para mapatingala ito at tingnan siya ng masama.
"Iisa lang si Inno. Wala ka nang mahahanap na gaya niya. Saka anong milyon ang sinasabi mo? Mayaman ka ba?"
"Kaasar 'to. Walang suporta. Hindi marunong sumakay sa drama ng iba. Diyan kana nga," anito at nagdadabog na iniwan si Tori.
Naiiling na lang si Tori at natatawang sununod sa nag-walk out na pinsan. Sanay na siya sa kadramahan ni Rizza. Minsan talaga may saltik ito.